
Chapter 23 - The Midnight Deal
CHAPTER TWENTY-THREE - THE MIDNIGHT DEAL
Hawak-hawak ko parin hanggang ngayon ang pisngi kong namamaga sa mga sampal ni Jane. Oo, "mga", nakadalawa siya e at siyempre ako nakadalawa rin sa kanya, mukhang napasobra nga rin yung ikalawang sampal ko e, medyo naguilty tuloy ako. May pasa na nga yung tao, sinampal ko pa. Ang engot ko rin.
Pero yung totoo, gusto ko lang naman na magising siya e. Gusto ko lang naman na tumigil siya sa pagiging tanga niya. As in! Sayang talaga siya. In fact, matalino siya. She's actually our nineth honor student sa whole batch. O, kitam, ako nga hanggang fifteenth lang e. Haish! Pero sa inaakto niya ngayon, para siyang taong hindi nag-iisip.
Speaking of pasa. Si Kulangot ba yung may gawa no'n? Magagawa ba talaga ni Kulangot ang mga gano'ng bagay?
Oo, madalas kami magsuntukan pero hindi niya naman ako sinusuntok sa mukha, madalas tinutulak niya lang ako at hinihig para madulas at mauntog sa sahig. Hindi niya naman ako pinapataman ng kamao niya kahit inis na inis na siya sa'kin. Kaya nga madalas ko siyang nasusuntok e.
But Kulangot is a kind of person who disrespects girls. Posible kaya na umabot hanggang doon yung pagiging violent niya? Was he really the reason kung bakit may pasa si Jane?
It's possible and I don't want to believe it. Simula kasi nang pag-open-up niya sa'kin about sa family problems niya, I thought there's something more sa kanya. I thought na baka hindi siya gano'ng kasama tulad ng iniisip ko noon. I thought there's some kind of light from his dark universe.
Pero kung nambubugbog talaga siya ng babae katulad ng ginawa niya kay Jane, siguro nagkamali ako. Maybe he's really evil. Maybe he really doesn't care. Maybe wala talaga siyang puso. Maybe he's all wrecked up.
"Iniiwasan mo ba ako o iniisip ngayon?"
Ay p*tris. Panira na nga siya sa pang-iistalk ko kay Dean tsaka sa pag-uusap namin kanina nina Dheenise at Freya, panira parin siya sa pag-iisip ko.
"Ano ba'ng kailangan mo?"
"Oras mo." Pasimpleng sagot niya. "Nagbitiw ka ng salita diba, tuparin mo naman." Aish! He's probably here para mangulit na samahan ko siya sa SM. But I really don't want to. Hanggang ngayon, nababadmood parin ako sa ginawa niya sa'kin sa La Esperanza. Dahil sa kanya, hindi ko maenjoy yung paghawak ni Dean sa kamay ko. Dahil sa kanya, muntikan na akong mamatay kasi tinutukan ako ng baril ng limang security guards. Scary pero hanep!
"..." Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Shet naman eh, nakakainis siya, nabusted ko na siya diba? Why is he asking for a solo date? Kahit friendly date pa yan, kaming dalawa parin ang magkasama at kaming dalawa lang. Ayoko no'n, awkward masyado tsaka ang dami niya kayang kasalanan sa'kin.
"Tinawagan ko na mama mo na ako nalang maghahatid sa'yo pauwi at mukhang magagabihan pa tayo e." What? Magagabihan? Sa pagkaka-alam ko, lunch time palang ngayon dahil nga half-day kapag may exams kami. What does he mean? Magiging magkasama kami hanggang seven-up? Heck!
"The heck! Tinawagan mo pa si mama?" Wika ko sa kanya. Bakit ba kasing tigas ng bakal na binalutan ng diamante at Nokia yang kokote niya. Busted na nga siya diba, BUSTED! Gusto niya bang i-ispell ko yun sa mukha niya? B-U-S-T-E-D! O' Lamunin niya na lahat ng letra!
Ang nakakainis pa, nandito pa kami sa hallway at sabay na naglalakad. T-teka? Saan ba kami papunta? Ah ewan, lakad lang kami ng lakad, malaki naman yung school e, malay niyo mapagod siya at tumigil na sa pag-eengot niya.
"Yep, she agreed."
"She AGREED?!" Ni hindi nga kilala ni mama si Ark e! Ni hindi nga kabilang sa top ten na pinakmayaman sa Monquierto Valley. Hay, sa tagal ko rito ngayon ko lang nabanggit yung lugar namin. Ang hirap basahin e at mukhang sa ailien language pa nagmula 'to.
“Hay, hindi naman ako mukhang sindikato ah at tsaka iuuwi naman kita ng maayos sa bahay niyo.” Hindi parin ako nakapaniwala. E for effort and exaggeration. K din for Kapal ng mukha. Huhuhu, bakit pa kasi ako umoo sa kanya noong Tuesday? “T-teka, may sasabihin rin pala ako sa’yo.”
Tumahimik lang ako habang papalakad kami into nowhere, nasa lobby na kami ngayon at naglalakad. Of course, there were stares at bulong-bulungan pero kahit hindi ko na masyadong naririnig, basing-basa naman sa mga mukha nila that they’re wondering kung bakit ako may kasamang ibang lalaki since akala nila kami na ni Dean.
They are probably talking na malandi ako or whatever but I shouldn’t care, right? I mean, hindi naman sa kanila umiikot ang mundo ko. May nagsabi nga sa’kin once that you can’t impress everbody. Well, edi idepress natin sila para masaya, mamatay sila diyan sa kakahula ng katotohanan.
“Ano ba yun?” Pagtanong ko kay Ark.
“Um ano kasi, ah, kahapon…” Kahapon ano? Ay may pabitin effect pa ‘tong nalalaman si Ark. T-teka, is he talking about my stalking-in-waitress-uniform scenario?
“Ha, wala!”
“Teka! Hindi pa nga ako nakasalita, may sagot ka na agad?” Paglaki ng mga mata niya. Oh-oh, wrong move yata yun. Eh nagpanick ako e, nakakahiya kaya kapag nalaman niya na ako nga yung waitress na nakashades at may dental mask.
“Ah hindi ah! Alam ko naman kasi yung itatanong mo e. Itatanong mo kung nakapag-aral ako ng Chemistry kahapon diba? Ah hehe, hindi ako nakapag-aral kaya sinabi kong ‘wala’. Hehe” Nice, ang galling ko naming magpalusot. Well half-truth naman talaga yun kasi hindi naman talaga ako nakapag-aral ng Chemistry kasi nga Physics yung pinag-aralan ko.
“Ah gano’n ba? Hindi kasi yun yung tanong ko e.” He smiled na yung tipong nagclose talaga yung mga mata niya. “A-ano kasi, kahapon pumunta ako sa La Esperanza kasi bumili ako ng isang bagay, kasi walang available sa SM. Um..pumunta ka rin ba sa La Esperanza kahapon?”
Napalunok ako ng laway. “Ha? Ah, ako?” Tinuro ko pa yung sarili ko. Napapakali ako eh. Alanagan naman yung sahig yung kinakausap niya, malamang ako. Haish! “Ah paano naman ako makakapunta roon e may exam pa kinabukasan diba?” Okay, liar alert! Liar alert!
“Ahh…” Bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad at tinitignan yung likod ko habang nakakunot-noo ito.
Okay it’s uncomfortable kaya sinigawan ko siya pero hindi naman yung klaseng sigaw na ginagamit ko kay Kulangot. Intense na sigaw kasi yung ginagamit ko kay Kulangot na parang lalabas ako sa katawan ko. Simpleng mahinang pagsigaw lang yung kay Ark. “HOY ARK! Ano’ng ginagawa mo?!”
He snapped away at sumabay na naman sa paglakad sa’kin. “Hindi ka talaga pumunta sa La Esperanza kahapon?”
“Ang kulit mo, hindi nga kasi nga may exam diba!”
Napakamot siya sa ulo. Ay, Mathew lang yung peg?
“Gano’n? Nakakita kasi ako kahapon, parehong-pareho kayo kapag nakatalikod. Medyo magkahawig nga kayo ng mukha paglingon niya e.”
“Ah, hindi ako yun! Nasa bahay ako hahaha.” Napaforehead-palm naman si Ark sa sinabi ko.
“Nakakahiya ako, akala ko talaga ikaw yun. Hala, nakakahiya talaga, hinabol ko pa kasi yung babaeng yun sa loob ng isang pormal na mall.” Naging bluish naman yung itsura ko. Kung alam niya lang, kung alam niya lang na ako yung babaeng loka-loka kahapon. “Hahaha, gusto ko talagang makita yung babaeng yun para makapagsorry ako.”
“Wag mo na siyang hanapin!”
“Ay, defensive? Bakit ikaw ba ‘yun?” Namula naman ako. Wow, paiba-iba lang ng kulay yung mukha ko? Ano ako? Chameleon? “Just kidding, alam ko naman na hindi ka nagsisinungaling.” Now, hindi ko alam kung ano‘ng color ng mukha ko. Baka green, nagiguilty tuloy ako. Hindi raw nagsisinungaling, tae. “Hahaha, diba?”
“Ah oo, ha, ha, ha.” Pilit na pagsmile ko.
“Hahaha, tara na nga papuntang mall, treat ko lunch natin. Sorry ha, hanggang SM lang yung kaya kong ilibre sa’yo. Sigurado kasing mauubos lahat-lahat ng inipon ko kung sa La Esperanza tayo maglalunch.”
“Pero roon ka rin naman bumili ng bagay na gusto mong bilhin. Diba sabi mo hindi available yung bagay na yun sa SM kaya pumunta ka sa La Esperanza?”
“Ah, oo, importante kasi yung bagay na yun e, haha.” Kaay, so hindi niya sasabihin kung ano’ng bagay na ‘yun? Kung sabagay, hindi naman kami sobrang close. We’re not even close friends, just friends. Tsaka hindi naman ako gano’n kacurios ‘no. “O, tara, SM.”
Napatigil ako sa paglalakad. E ayoko kong pumunta ng SM kasama siya e. “Um, Ark, may dalawang exams pa bukas e.” Wika ko.
“Um, edi mamayang seven nalang kita iuuwi para makapag-aral ka pa.” Seven? Is he kidding me?! Paano ako makakapag-aral niyan? Napuyat ako kagabi so I really need sleep.
Napakamot ako sa batok ko. “I.. um.. Hindi ba pwedeng bukas nalang?”
“Eh nagbitaw ka ng salita ka e.” Sabay pout niya na parang batang inagawan ng laruan.
Grabe naman to. “Hindi naman ako nagpramis e.” Pagdepensa ko. Totoo naman diba? Hindi naman talaga ako nagpramis kahapon kaya hindi siya dapat manigurado sa sagot ko. Ay, ngayon ko lang narealize, ang sama ko.
Tumingin siya sa sahig. Naku! Oo naiinis ako sa kanya na naiirita ako sa mukha niya pero ayoko rin naman siyang mag-emote! Ayoko! Kahit masama akong tao at wagas kung magsinungaling, hindi naman ako masamang kaibigan. Hindi ako sanay kung may nalulungkot at ako ang dahilan no’n. Hindi ko talaga yun matitiis e. Nageguilty ako!
“Ark! Joke lang! Ikaw naman, wagas mag-emote. Hindi ko naman sinabing hindi ko itutuloy ang pagsama ko sa’yo sa mall.”
Tiningnan niya ako sa mata pero hindi siya nagsalita.
“Um, nagbitaw ako ng salita kaya tutuparin ko yun pero hindi ba pwedeng bukas nalang?” I tried to smile. “Please.”
There was a small moment of silence habang nag-iisip siya. “Ah-okay.” Yes! Kumagat! “But I’ll treat you for lunch today.” May condition pang nalalaman pero okay na yun, hindi ko rin naman kasi nadala yung wallet ko siguro narin sa pagpupuyat ko kagabi at nakalimutan ko tsaka ayoko rin kasi siyang kasama mamaya, maliban sa may kaunting inis pa ako sa kanya, na-a-awkwardan din ako sa sitwasyon.
Well, if that’s what it takes, fine! “O sige. Pero please, huwag sa mall ha.” Tumango rin naman siya at umungo kami sa Cafeteria.
~♡~♡~♡~♡~♡~
Sa loob ng Cafeteria, walang masyadong tao kasi nga lagpas 1pm na. Kumain nga lang din kami ni Ark doon. Siyempre libre niya! Hindi naman kasi ako sasama kung hindi dahil sa libre. Kahit mahiyain ako, makapal yung face ko.
Matipid naman yung pag-uusap naming ni Ark. Gutom na gutom narin kasi kami.
Siyempre nilibre niya ako ng paborito kong inumin, tadaaaa!
Tubig.
Alam niyo ba, ang tubig ang pinakamasarap na inumin sa buong mundo. Maliban sa crystal clear ang kulay nito, matamis rin ito at healthy pa sa katawan! Saan kayo riyan?
Yung lunch ko naman ngayon ay isang Adobo with rice.
Tiningnan ko yung Adobo ko tapos yung kanin ko. Naalala ko tuloy si Kulangot. Yung malanding engot na yun. Bakit pa kasi Rice yung pangalan no’n, ayan tuloy, naaalala ko siya.
Nagflaflashback din paulit-ulit yung nangyari kanina sa hallway.
"Hey babe..." Maliit na pagbati ni Kulangot. Aakmang sisigawan ko pa sana siya dahil may babe-babe pa siyang nalalaman pero itinikom ko ang bibig ko nang napagtanto ko na hindi iyun para sa akin.
Bakit ganoon? Bakit ako nadissapoint na hindi yun para sa’kin? Hindi ko naman talaga gustong tawaging Babe pero bakit ganoon? Nakakainis isipin na si Jane at si Rice… silang dalawa… Argh!
Habang tahimik kaming kumakain ni Ark dahil nangangalahati na kami sa kinakain namin, biglang may tumawag kay Ark.
"Um, excuse me." Wika niya tapos kinuha niya at sinagot yung tawag.
Medyo tumalikod siya sa'kin pero naririnig ko parin yung pinangsasabi niya. "Hello bro, o, bakit?..... Ha? Talaga?.... Hindi pwede tol!... Sh*t! .... Sige, pupunta na ako diyan... Oo, alam ko pinaghirapan natin yan kaya nga pupunta na ako riyan... Sige." Tapos binaba niya ang phone niya. Hmm, sino kaya yung tumawag?
Hindi na akong nag-abalang magtanong, baka akalain niya I care too much. Pero napansin niya rin naman siguro yung curiosity sa mukha ko kaya nagsalita siya. "Ah, si Rafael tumawag. Um, okay lang ba kung iwan kita rito? May emergency kasi e."
Emergency? Ah okay, sige go. "Ah, gano'n ba? Oo Okay lang, sige, mag-ingat ka." Wika ko sa kanya.
"Um, sige, bukas ha, SM tsaka sa g-goodluck sa exams bukas."
Tumango lang ako sa kanya at kinontinue ang kinakain kong Adobo... with rice.
Umalis din siya na parang nagmamadali. Ewan ko kung ano ba yun.
Beep. Beep.
Biglang tumunog yung phone ko. Ay fudge, bakit ngayon pa 'to nalowbat. Hay, sige na nga, icharge ko nalang ito mamaya sa bahay. Paepal naman kasi e.
Natapos na akong kumain kaya tumayo na ako at umalis sa Cafeteria. Hay, sa wakas, makakaalis na ako at makakapagstudy ng exams, for good.
Nasa lobby na ako nang bigla akong may naalala. Sh*t. F*cking sh*t. Sh*t talaga. Sh*t happens talaga!
Ngayon ko lang naalala na tinawagan pala ni mama si Ark na huwag ako sunduin kasi siya raw ang susundo sa'kin. Pakshet, lowbat phone ko.
Uwaaaaaa! Gustong-gusto ko talaga sumigaw? Bw*set! Paano ako uuwi niyan! Oo tama! Commute! Magcocommute ako ng walang dalang pera! Aish! Hanep na buhay! Hanep! Tinawagan niya si mama na hindi ako susunduin pero iniwan niya ako sa ere.
Nice one! this is the best day of my life. Merry Christmas nalang! TT_TT Wala pa namang tao sa paligid kasi umuwi na ang lahat dahil may exams pa nga bukas.
Uwaaaaaa! Bakit? Bakit? Bakit nangyayari 'to sa'kin?! Seryoso, may invisible balat ba ako sa pwet? Waaaaaah! AKinin ka sana ng langgam Ark! Kahit kailan paepal ka!
~♡~♡~♡~♡~♡~
Aaaaaaaaah! Ang init! Tirik na tirik pa yung hapon ngayon huhuhu pakshet!
BEEP. BEEEP. Sabi ng Jeep.
Sabi ko Pakyu, pasalamat kayo may sasakyan kayo! Argh! Ang hirap kaya maglakad! Argh! P*ste na buhay!
Bakit gano'n? Bakit ang layo-layo ng bahay namin? Waaaah! Nakakainis! Baka maabutan ako rito ng 12pm at mapuyat na naman ako at yung exams ko. Pa'no na?
"Uy, Hi miss." Sabi ng isang manyak na hindi naliligo.
"Ano pare?" Wika ko sa panlalaking boses ko.
"Ay, bakla pala." Wika niya sabay lagay ng dalawang kamay sa taas. G*go e, kumagat? Hahaha! Hanep ako!
Gano'n lang naman yung ginagawa ko habang naglalakad at may nakasalubong na mga manyak sa daan. Kung may mga baliw naman, tumatakbo ako para lagpasan sila. Tapos kung may mga pulubing batang humihingi ng pera, hindi ko mapigilang mainis.
"Ate, ate, pahingi pong pera." Tiningnan ko siya ng masama? PERA?! Seryoso siya? Kung may pera yata ako edi sana hindi ako naglalakad papuntang bahay? Kung hindi ko lang sana naiwan yung wallet ko! Ano siya? Nang-iinsulto?
"Wala po akong pera." Wika ko as I smiled.
"Ate ang damot niyo, hindi namin kayo tatantanan kung hindi mo kami bibigyan ng pera." Sabi ng isang batang lalaki.
"Opo, gutom na gutom na po kasi kami." Wika ng kasama niya habang kinakamot ang tiyan.
Ano ba naman yan, hindi nga nila ako tinantanan. "Wala nga akong pera! Ano'ng gusto niyong ibigay ko? Yung buhok ko?" Aish! Nakakainis naman.
"Ate, you're so madamot talaga. Hmmp." Eh mas mataray pa 'tong batang to kesa sa akin e.
Pero umalis din naman sila sa kakabuntot sa'kin, siguro napagod. E kahit kawawa sila, wala naman talaga akong pera e.
Nakaabot n ako ng KingCrown park. Umupo muna ako sa isang bench doon para magpahinga. Hay, nakakapagod talaga maglakad. Wala pa naman akong pera pambili ng tubig. Mga isang oras din ako roon nakatambay but I really confirmed na may feeling talaga akong may sumusunod sa'kin. Hay, nababaliw na ata ako. Hindi ko nalang pinansin yung kutob ko.
Nagsimula akong maglakad ulit. Oh dear. Pagtingin ko sa watch 4:30 pm na. Aish! Ang bilis naman tumakbo ng panahon. Naku, I think malayo-layo pa yung lalakarin ko papuntang bahay.
~♡~♡~♡~♡~♡~
Waaaaah! Nakakapagod talaga. Pagcheck ko ulit ng watch 5:00pm na. Waaah! Bakit ganoon? Bakit parang hindi pamilyar yung lugar na nilalakd ko? Teka, sumunod naman ako sa Highway ah.
Mga isang oras pa bago ko napagtanto na, oo, tama nga kayo, naliligaw nga ako. Naligaw ako sa lugar kung saan 17 years na akong nakatira.
Naku, ano ba yan, 6:00pm na, hindi pa ako nakakapag-aral ng dalawang subjects ko na may exam bukas.
Mga dalawa pang oras bago ko napagtanto na hopeless na ako. Mamamatay na ako. Wala na talaga, baka bukas may headlines na ng nawawalang babae. Yung totoo? Pinanganak ba akong walang sense of direction?
Waaaah! Ang tanda-tanda ko na, naliligaw parin ako. Aaaah!
BEEP. BEEP. Sabi ng Jee — Waaah, ang ganda ng sasakyan. Jaguar yata! Tsaka bakit mukhang pamilyar?
Habang tinitignan ko yung sasakyan, biglang may isang pamilyar na hot na lalaki ang lumabas sa Jaguar. "Lorraine." Wika niya at mukhang matutunaw na ako. Bakit ang swerte-swerte ko? "Why are you out in this time?"
"Ah k-kasi..." Hala, aaminin ko bang naligaw ako? Naks, nakakahiya naman amining ang tanda-tanda ko na pero naligaw parin ako. "Kasi naligaw ako." Inamin ko rin naman.
Tumango siya. "Jump in, mabuti nalang I found you, this street is dangerous y'know." He smiled. Waaah! Rumoured boyfriend ko 'to? Ang swerte ko naman.
Tinitigan ko yung sasakyan niya. Waah! ang gara naman. Sasakay ako riyan? "Um.." Nahihiya kasi ako.
"Tara, hatid kita pauwi." Then lumapit siya sa'kin. Hindi ako makagalaw siyempre.
He stretched out his hands. Waaaaah! Kinikilig ako. Tinanggap ko rin naman tapos lumakad kami papuntang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto at kusa nalang akong pumasok doon. Pumunta rin siya sa other side ng car at pumasok sa driver's seat.
Pinaandar niya na ang sasakyan. "So, where's your house?"
"H-ha? A-ano?" Tae, bakit ako nauutal? Noong narealise ko yung tanong niya, sumagot agad ako. "Ah — Mono Subdivision, sa Sweetie Street." Nakakahiya naman yung pangalan ng address ko.
Itinigil niya ang sasakyan. "W-what?" Ha, bingi rin pala siya?
"Anong what?" Pabalik na tanong ko sa kanya.
"You really don't know?" Tanong niya sabay smile na may pagtataka. "You're in the other side ng Monquierto Valley. Your Subdivision is two hours from here. The Center gate closes at ten and it's 9pm now." Loko, ano'ng pinangsasasabi nito?
"Ha? A-ano?" Center gate? Ano'ng ibig niyang sabihin? "What do you mean Center gate?"
"Nasa North kasi tayo ng Monquierto Valley at yung Mono Subdivision is nasa South. The Center gate is located between the North and South and closes at ten every sixteenth of the month for investigation purposes. I don't really know why they need to close it but they do it once a month and kung ihahatid kita sa bahay niyo, probably hindi tayo makakapasok sa South." T*ngina ang haba... Nosebleed.
"No other routes?" Grabe naman kasi, nakaabot na pala ako ng North sa kakalakad? Tsaka nine na? Grabe, kanina eight palang e. Chineck ko yung time ko sa watch 9:12pm, waaah!
"No other routes. Medyo hindi ko rin kasi memorize yung lugar natin kasi I'm not really adventurous." Mukhang nabawasan yung pag-iingles ni Dean ah.
"So what's the plan?" Malungkot na tanong ko sa kanya. January sixteen pa naman ngayon, bakit? Pagkakataon lang ba talaga?
"Have you tried calling your mom, teting, anything?"
Nagbuntong--hininga ako. "lowbat ako."
"You know, I really want to offer help pero my phone isn't with me right now. Nakalimutan kasing ibalik ng pinsan ko." Ang pagkakataon nga naman. "Pero since malapit lang yung bahay namin dito since this is a a way home, pwede kang makicharge sa'min then you may call your mom para hindi siya magalit sa'yo. Then I could drive you home kung magre-open yung Center Gate."
Kung sabagay, that's a nice plan. "Ah, sige, thank you so much." Nakakahiya naman.
OMG! Pupunta ako sa bahay niya? Waaaah! ang swerte ko naman! Thank you Ark! Akala ko magkandamalas-malas na naman yung Wednesday ko, hahaha mabuti nalang.
Grabe, ngayon ko lang nalaman na nag-eexist pala talaga yung Center Gate. Wala talaga akong kamuwang-muwang sa lugar namin.
So ayun nga, tahimik kaming nagdrive ng fake boyfriend ko — ay este, future — FINE! Tahimik kami ni Dean Mirasol sa loob ng sasakyan. Madalas nga habang nagdadrive siya tinitignan ko lang siya, ang gwapo-gwapo niya talaga. Lahat nasa kanya na. Gwapo, gentleman, mabait. Never kong inakala na makakasakay ako sa sasakyan niya at matitigan ko siya ng ganito katagal.
Mga ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay nila.
Wow. Nga-nga. Mataas yung bahay nila, siyempre hindi kasing bongga ng Black-Rosales Mansion pero grabe, ang taas ng bahay nina Dean.
Pumasok na kami sa Dean at nagpark siya. Oo, may gate sila at sa loob ng gate mapapawow ka talaga dahil ang ganda ng landscape. Maraming bulaklak tapos may fountain din sila sa harap ng mansion o hindi naman 'to siguro mansion, malaking bahay lang pero tae, ang taas.
Napapaligiran and tinatapakan namin ng Bermuda grass, well-trimmed, high class. Tapos ang ganda talaga kasi kitang-kita mo yung buwan sa itaas at mukhang iniilawan nito ang buong bahay. Waaah! ang romantic ng moon.
Lumabas si Dean sa sasakyan at siyempre lumabas din ako. "Uy wait!" Wika niya, bakit naman?
"Why?" Pagtatakang tanong ko.
"I should open the car door for you." Ay, ang gentleman. Pero pa'no yan, nakalabas na ako ng sasakyan e. "Please."
Haish! Ang kulit din niya 'no! Bumalik ako sa loob ng sasakyan at isinarado ulit yung pinto nito. Wow, parang take-two lang 'no.
Binuksan niya naman ako at napatawa ako sa ginawa namin. Ang arte hahaha.
Tapos, he stretched out his arms para kumabit daw ako sa kanya. May gano'n? Pero siyempre nga, sino ba namang matinong tao ang aayaw kung may gumanon sa kanyang isang prinsepe.
Ayan na, nandito na kami ngayon sa tapat ng malaking bahay ni Dean. Color white and blue yung pintura ng bahay nila pero maganda tignan. Parang ang linis linis. Pinindot ni Dean yung doorbell. Gano'n? Nagdodoorbell pa talaga sa sarili niyang bahay? Why so formal?
Maya-maya, bumukas yung pinto tapos nandiyan yung nanay ni Dean. Pakshet ang ganda-ganda naman, manang-mana si Dean sa kanya! "Good evening mom."
Nataranta ako kaya nagsalita rin ako ako. "Good evening mom — ay este! Good evening din po." Waaah? Epic fail? Pero napatawa rin naman slight yung mamani Dean.
"O, napagod ka ba sa shooting, Dean? And who's this pretty lady."
Sasagot sana ako pero mukhang bastos naman yata kasi nga si Dean yung tinatanong, diba? "She's Lorraine, her phone was dead so I was wondering maybe she could charge her phone here..." So ayu nga, nag-explain si Dean sa mama niya, hindi na ako nag-abalang makinig basta mukhang happy naman yung mama niya. Tapos, mabait rin 'to.
"Tuloy, hija. Dito ka na rin magdinner, I love visitors. Alam mo ba, you're the first girl na dinala rito ni Dean sa house?" Nagulat ako roon. Waaah! Ako?
"T-talaga?" Hindi ko na napigilan magblush at ngumiti, ang swerte ko naman.
Pumasok na kami sa bahay at kung magnificent yung nasa labas ng bahay, pwes dito times five yung kagandahan! Waaah! Ang ganda-ganda, ang shin ng nasa loob at ang linis-linis talaga.
"We haven't started dinner yet, ikaw hija, have you eaten your dinner? Dito ka nalang sumabay sa'min." Sheeeks! Libre pa yung dinner ko. Magchacharge lang naman ako rito e.
"Uhm..."
"Hija, don't be shy, besides I want you to taste my dish." Then she smiled.
"Um, thank you so much po." Wika ko, gustom na rin ako e. Kakapalan ko nalang yung mukha ko.
Itinuro naman sa'kin ni Dean kung saan pwede icharge yung phone ko. Ichinarge namin 'to sa isang bakanteng guest room. Pagkatapos, bumaba na kaming dalawa. Pagkababa namin, nakakita ako ng isang prinsesa. Waaah! Ngayon ko lang napansin, may younger sister pala si Dean.
Mga fourteen years old palang siguro yung sister niya per ateng, ang ganda, baka matomboy ako rito ng wala sa oras. "OMG! Dean!! Is she your girlfriend!" Gulat na gulat na tanong ng batang babae.
"Well, I don't know, Megan." sabay smirk ni Dean sa'kin at kinilig naman ako. Kyaaaa! Ang pula-pula ko na.
Biglang lumapit sa'kin si Megan. "Hi!! I'm Dean's younger sister, Oh my gosh, you are very pretty!" Wika niya sa'kin. Sa tanang buhay ko mukhang ngayon lang ako sinabihan ng Pretty galing sa isang stranger hehehe.
"Aww, thank you but you're prettier." Wika ko sa kanya, baka kasi magtampo pero totoo naman, ang ganda-ganda niya.
"I'm Megan, are you my brother's girlfriend." Um, waaah! Hindi o rin alam kung girlfriend niya ba ako o hindi, yun yung rumour e hahaha, joke siyempre hindi 'no.
"I'm Lorraine and I'm just your brother's frien — " Hindi ako pinatapos ni Dean.
"Girlfriend." Then he winked at me. Oh my gash! He winked at me! Dean Mirasol winked at me! Gash ang cute niya! Wininkan ako ng crush ko aaaahhhh!
"Yey! come let's eat dinner!" Sabay higit ni Megan sa kamay ko papuntang dining table.
Okay, nandito ako at nagdidinner kasama si Dean, yung younger sister niya na si Megan at yung mama nila.
Nagdidinner kaming apat.
Nagdidinner ako kasama ng sister-in-law ko at mother-in-law. Waaaaah!
Tapos yung pagkain, ang sarap sarap pa! This is Heaven! Waaah! Ang ganda talaga!
"Hija, it's ten o'clock, masyadong dilekado na kung uuwi ka pa sa bahay mo. Lalo na at saan ka nga ba ulit nakatira."
"Um, sa Mono Subdivision po ma'am."
"Tita nalang yung itawag mo sa'kin hija, masyado naman akong donya if you call me by that." She smiled.
"Okay tita."
"So I was saying, Mono Subdivision is two hours from here, masyadong magabi. Why not dito ka nlang matulog?" Nabilaukan naman ako kaya agad na binigyan ako ni Dean ng tubig.
"Ah, hehe thank you." Sabi ko kay Dean. Dito ako matutulog? Waaaah? For real?! Kaya lang baka pagalitan ako niyan ni mama. Pero no choice, kaharap ko ngayon ang nag-aalalang ina ni Dean. Kung ihahatid ako ni Dean and it's ten o'clock by now, mga 2am na siya kung makakabalik sa bahay niya and ang kapal naman ng mukha ko kung gano'n nga yun diba? "Um, is it okay tita?" Tanong ko tapos sumubo ako ng malaking slice ng Black Sambo dessert nila.
"Yes, sure, anything for my son's girlfriend." Mas lalo akong nabilaukan at napainom na naman sa tubig. "Hahaha hija, Ang dami mo kasing nakain, masarap ba?"
"Yes tita, sobrang sarap." I'm not lying here, masarap naman talaga.
Mataposnamin lahat kumain, inihanda na ng mga katulong nila yung guestroom. I can't believe it, dito talaga ako matutulog?
"Lorraine, come, I want to show you something." Wika ni Dean habang hinihigit yung kamay ko papuntang rooftop.
OH MY GAHD! Napakapit ako sa braso ni Dean. Dahil nga mataas yung bahay ni Dean, mataas rin yung rooftop siyempre. I closed my eyes, takot kasi akong mahulog. Inalalayan naman ako ni Dean. "Shh, huwag kang matakot, sige ka, masasayang yung view, di mo makikita."
Oh sheet! Ang hangin!Ramdam na ramdam ko na talaga na naktayo kaming dalawa ni Dean sa rooftop. "Open your eyes." Sabay whisper niya sa tenga ko.
I opened my eyes at lalong naging mahigpit yung hawak ni Dean sa bewang ko. Dapat lang 'no. Ayokong mahulog. Pero pag-open ko ng mga mata ko, parang nawala yung takot, napalitan ito ng saya. Is this for real?
Nakatingin ako sa buong Monquierto Valley! I'm looking down at this view. Oh My gash! Ang ganda! Ang ganda-ganda. The night lights, and daming bahay! "Oh My Gosh, yun ba yung Porcupine Academy?" Sabay turo ko sa isang Fuchsiang building. Waah! Ang laki pala ng eskwelahan.
"Yup, at 'yun yung bahay ni Mathew o." Hindi malayo sa Porcupine Academy angBlack-Rosales Mansion. P*ta ang ganda-ganda talaga ng view tapos mahangin, para akong lumilipad.
Mga ilang minuto rin kami tumitingin ni Dean ng medyo nangangalay na yung paa ko. "Upo tayo." Sabi ni Dean. Umupo rin kami ni Dean sa middle ng rooftop.
I sighed. Nasa tabi ko ang isang gwapong nilalang. Hindi ko inaakalang makakasama ko siya rito ngayon.
Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya tsaka humiga at tumingin sa langit. Then he smiled at bumangon ulit na parang may naalala. Tumayo siya. "Dit ka lang, I need to get something." Wika niya.
Mabilis lang naman tapos bumalik din siya and this time, may dala siyang gitara. Waaaah? Harana? "Is it okay kung tumugtog ako?" He asked. Why not, poknat?
I smiled at him. "Sure. Ano ba yung itutugtog mo?"
"Basta, makinig kang mabuti ha?" Namula naman ako. Waaah.
He started strumming. Hindi ko pa siya naririnig kumanta kasi madalas sa school, nagstrastrum lang naman siya ng gitara. Kakanta kaya siya?
"I won't talk
I won't breathe
I won't move till you finally see
That you belong with me"
Yun yung unang mga lyrics ng kanta niya. I think he's singing "True" by Ryan Cabrera. And fudge, he really could sing. He really could sing! Nakakatunaw yung boses niya!
He continued strumming.
"You might think I don't look
But deep inside
In the corner of my mind
I'm attached to you
I'm weak
It's true
Cause I'm afraid to know the answer
Do you want me too?
Cause my heart keeps falling faster"
Para ba sa'kin yung mga sinasabi ng kantang ito?
"I've waited all my life
To cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try
Anything to be with you
All my life I've waited
This is true"
Hindi ko talaga mapigilan mapangiti, nakakatuwa siyang kumanta. Ang ganda ng boses niya. ang ganda at ang galing niyang magstrum. Tsaka takte... ang gwapo ng boses niya!
"You don't know what you do
Everytime you walk into the room
I'm afraid to move
I'm weak
It's true
I'm just scared to know the ending
Do you see me too?
Do you even know you met me?"
May pinaghuhugutan kay siya? Ako ba talaga yung tinutukoy niya? Totoo?
"I've waited all my life to cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try anything to be with you
All my life I've waited
"This is true.
"I know when I go ill be on my way to you
The way that's true
"I've waited all my life to cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try anything to be with you
All my life I've waited.
"This is true.
"O-okay lang ba?" Natapos ang kanta niya. Ang ganda. Nahuhulog tuloy ako sa malaRyan Cabrera voice niya.
"Oo, ano ka ba, ang galing-galing mo e." Napangiti namna siya sa ngiti ko. Ilinagay niya yung gitara sa tabi. Pagkatapos, ilinagay ulit yung dalawang kamay niya sa likuran ng ulo niya at humiga sa rooftop, tapos tumingin sa itaas. "Anong ginagawa mo."
Hindi siya sumagot, tahimik lang siyang tumitingin sa langit kaya napatingin rin ako sa itaas. waaah! ang laki ng buwan. Walang mga bituin ngayon pero sobrang ganda parin ng langit dahil napakalaki ng buwan! "Humiga ka rin, the moon is smiling at us."
"Loko." Wika ko, may gano'n? Pero napangiti lang din naman siya at napahiga ako.
Mga ilang minuto rin kami sa gano'ng posisyon hanggang sa nagsalita siya. "Back at La Esperanza yesterday, you were in a SAS waitress costume, right?"
I froze, p*tik. Alam niya? "Don't worry, hindi naman ako galit or naiinis." I looked at him pero nakatingin parin siya sa buwan. "Sinagot mo na ba si Ark?" He asked.
Nagulat naman ako. "NO! No way, Nabusted ko na nga siya pero hindi niya parin ako tinatantanan."
Bumangon siya at umupo at gano'n din naman ako. Bumangon at umupo rin. "So he's still annoying you?"
"You can say that."
"I know a way para tumigil siya sa pag-annoy sa'yo. You heard about the rumour, right?" Okay, mukhang alam ko kung saan patungo ang usapan naming 'to.
Hindi ako sumagot, I just nodded. "I was thinking what if magpanggap nalang tayo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Just as long para tantanan ka ni Ark at para narin hindi ka mabugbog ng group ni Geffen."
Kung sabagay may point siya. Sino ba naman ang manliligaw sa isang babaeng may boyfriend na? "Magpanggap? Alam mo ba na magiging si Mr. Fibber ka kapag ginawa mo 'yun?"
"Mr. Fibber? Fibber? A person who lies." Napatawa naman siya at napahawak sa buhok niya. "Yeah, it would probably make me Mr. Fibber." He ran his fingers through his hair and assuringly smiled at me. "But if that's what it takes to protect you, I'll be your Mr. Fibber."
Hindi ko mapigilan ang bibig ko, kusa nalang lumabas ang isang salita sa bunganga ko. "Deal."
~♡~♡~♡~♡~♡~
Aaaaahhh! Hindi ako makapaniwala! Kami na ni Dean!! Ahhhhh fake-BOYFRIEND ko na siya aaaahhh!! fake-KAMI na!!! fake-GIRLFRIEND NIYA NA AKO! Uwaaaaa!
Pagulong-gulong ako dito bed ng guest room ng biglang tumunog yung phone ko. Ay, gising na ata.
Lumapit ako sa nakacharge kong phone. Whut?! 10 Missed Calls mula kay mama? O.O Oh-oh.. Tapos biglang may tumawag, si Mathew?
"Hello Math — "
{"Lola! Puting baka naman oh! Saan ka ba at kanina pa ako tumatawag sa'yo kasi kanina pa ako kinukuit ng tawag ng momma mo! Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko? Nasaan ka ba at bakit hindi kita macontact kanina pa! alalang-alala na kami sa'yo! Hindi namin alam kung nasagasaan ka na ba ng train o nahulog ko na cliff!"} Tuloy-tuloy na pagsigaw ni Mathew. Grabe naman 'to kung makapag-alala. Inilayo ko pa nga yung cellphone ko sa tenga ko e.
"K-kasi si — "
{"Alam mo ba na midnight na ngayon?! Tsaka sumagot ka nga, nasaan ka ba talaga? ano'ng nangyari sa'yo at bakit hindi ka nakauwi sa bahay niyo?! Don't tell me nang-istalk ka na naman kay Dean?! Nang-istalk ka ba uli — "}
"MATHEW BW*SET TAHIMIK!" Wika ko ay hindi pala, sigaw ko at napatahimik naman siya. "Let me explain!" Wow, parang linya lang sa movie ah.
{"Tss. Bilisan mo pag-explain." }
So ayun nga, sinabi ko kay Mathew ang lahat-lahat ng nangyari hanggang sa Midnight deal namin ni Dean kanina para tantanan ako ni Ark at para hindi ako guluhin at paghigantihan ng grupo nina Geffen kasi once na malaman ng mokong na yun na hindi nga talaga ako totoong girlfriend ni Dean, edi lagot ako sa kanya, siguradong babalikan niya ako.
{"Puting uwak naman, Lola, magkasama lang pala kayo kay Dean? At diyan ka pa talaga matutulog ah."}
"Tss, like I have a choice! O sige na Mathew, please ha.."
{"Oo na, sasabihan ko nalang yung mama mo na dito ka natulog sa Black Mansion kasi may tiwala naman yun sa'kin e. Siguradong pagagalitan ka niyan kapag nalamang nakaabot ka na ng North ng lugar natin."}
"Thank you, Mathew, thank you talaga!"
{"O, siya, matulog ka na diyan, good night, Lola."}
"Good night."
Chineck ko yung time, naku mga 12:30 narin pala, waah, I'm so sleepy. Matutulog nalang ako. Accept ko na kasi yung faith ko na mafefail ako sa exam ko bukas sa Math at Values na subject. Alam ko na yun, mafefail na talaga ako. Pero aaah, makatulog na nga.
~♡~♡~♡~♡~♡~
Nagising ako sa isang masamang panaginip. Pero nanatili akong gising dahil may naririnig akong nagsasalita. Huh? May multo sa bahay ni Dean?
".. so kahit gano'n, wala akong nagawa..." Shaks, si Dean 'tong nagsasalita ah! Hala, baka kanina pa siya rito at nagsasalit at tinitignan yung tulog kong mukha. Shaks! Tulo-laway pa naman ako!
Babangon ba ako? Gigising?! Waah! Baka naman mas nakakahiya.
Pinanatili konalang nakaclose yung mga mata ko at sinubukan kong rinigin ang mga pinangsasasabi ni Dean. Waah? Kanina pa kaya siya narito?
"..oo, nagsisisi ako... basta, hindi ko alam kung bakit ayaw mo akong kausapin kita about doon..." Huh? Ano'ng pinangsasasabi nito? "Pero kahit torpe ako, I like you, Lorraine. No, I love you.." Kinilig naman ako roon. Yieeee! "One day, aaminin ko rin sa'yo. Hintayin mo ako, please..." Bahagyang tumigil siya sa pagsasalita. Tapos narinig kong tumayo siya sa pagkakaupo tapos hinalikan ako sa noo tapos linagyan ng comforter.
Tapos lumakad siya papalayo sa'kin pero bago siya umalis may sinabi siya na parang ikinalungkot ko rin. "Hintayin mo ako, please."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro