
Chapter 18 - Friendship Madness
CHAPTER EIGHTEEN - FRIENDSHIP MADNESS
Umiiyak yung batang babaeng nasa edad anim o pitong taong gulang. Sobrang sakit na yung nararamdaman niya. Hindi niya mapigilan ang bawat luha na tumutulo sa mga mata niya. She's scared, natatakot siya sa kung ano man ang pwedeng mangyari. All she could hold on is trust.
Trust to the guy she likes and likes her back. Yung friendship nila. Young love with their so-called undying trust.
"Neil, huwag mo akong bibitawan!" Sigaw ng batang babae habang hinahawakan siya ng batang lalaki para hindi siya tuluyang mahulog sa tulay. Umiiyak ang babae, sobrang taas ng tulay at kahit tubig pa ang sa ilalim nito, siguradong mamamatay siya dahil hindi siya marunong lumangoy. "Neil, please, huwag mo akong bibitawan!"
Nararamdaman ng babae na wala siyang tinatapakan. Naramdaman niya ang malamig na semento ng tulay. Nakaramdam siya ng takot at pangamba. Umiiyak siya, hindi niya alam kung ano'ng pwedeng mangyari.
"Andoon sila!" Sigaw ng nakaitim na lalaki na kanina pang habol-habol sa kanila.
"S-sorry." Wika ng batang lalaki sa batang babae at binitiwan niya ito.
Nagising ako ng may pawis sa katawan ko. Uwaaaa! Ano ba 'to! Ganito na ba talaga ako kaheartbroken at kung ano-ano yung mga pinapanaginipan ko?! Aish! Bw*set! Chineck ko yung time ko sa Alarm Clock ko. Wow. Himala, nagising ako nang mas maaga kesa sa time na sinet ko yung Alarm Clock ko. Achievement na 'to para sa'kin, considering na hindi ako morning person.
"Aaaauuuuhh..." Nagstretching muna ako. Tiningnan ko yung labas through the window of my bedroom. Maulan pala ngayong Saturday.
Hay. I shook my head, kung tumigil na yung ulan magpapahangin ako sa labas. Hindi parin ako makaget over sa mga nangyari noong Thursday. Napakaepic fail naman o'. Kung anu-ano na yung mga iniisip kong magiging reaksyon ni Dean kung magkita kami, hindi naman pala kami nagtagpo. Hindi niya ako sinipot. Hindi niya ako mahal kaya end na ng love-story namin.
Prsh! Sinampal ko ang sarili ko, bakit ba napakaassumera ko? Ayan tuloy, heart-broken. Sino nga ba kasi si Jena?! Bakit ganoon? Kaya pala minsan late magreply si Dean kasi si mas importante si Jena kesa sa'kin. Nagseselos ako kay Jena?! Sino si Jena?! 'Yun ba yung babaeng dinescribe ni Dean na kiniinisan niya??
Hay, naku Dean, bakit kaya ganito yung epekto mo sa'kin? Siguro dahil sobra akong naattach sa'yo. Sobra sobra ako kung umasa. Sobra-sobra ako kung mag-assume. Kahapon nga noong Friday, iwas lang ako ng iwas kay Dean. Noong one time nga tinanong niya ako kung bakit ko siya iniwasan, umalis ako kaagad at tumakbo papalayo. Naalala ko naman yung pagdeadma niya sa'kin.
Isa pa sa kinaiinisan ko e yung panyo ko nawala noong Thursday. Putik. Napakawalang hiya talaga ni Thursday. Sana dumating ang panahon na hindi na magsusungit si Thursday.
Hellweek talaga ang tawag sa buong week ko. Puro kamalasan! Noong Monday, hindi ako pinansin ni Jane at nagkarecord ako. Sa Tuesday, Natapunan ako ng powder prank sa locker, pinunit yung mga libro ko at worse, muntikan na akong mamatay dahil kay Kulangot. Noong Wednesday naman, nalagyan ng putik at patay na daga yung chair at table ko, Nabura halos lahat ng mga grades ko at yung picture ko na nakakahiya napost sa buong school campus. Mabuti naman at maraming mababait sa Porcupine Academy at hindi sila nakipatol at nakitawa sa mga post. Sa halip, pinagchichismisan nila kung sino ang pwedeng gumawa nito sa'kin.
Noong Thursday naman was obviously the worst day of my hellweek. Nahuli na yung mastermind sa mga pranks na nangyari sa'kin at 'yun ay sina Pamela at Cathlyn. Oo, nahuli nga sila pero hindi doon natapos yung hellweek ko. Mas masakit ito dahil naheart-broken ako. Hindi ako sinipot ni Dean at hindi lang 'yun ang iniyakan ko. May ibang mahal si Dean. Hindi si Celestine, hindi rin si Lorraine. Sobrang sakit noon. Yung umasa ka sa wala.
Noong Friday naman, umabsent sina Pamela at Cathlyn. Mabuti nang ganoon. Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko pagmagkaharap kami kasi wala ako sa mood makipag-away.
Napansin ko ring mula Tuesday hanggang Friday ay absent si Jane. Nasaan na kaya siya. Hindi pa rin ako makaget over sa inasal niya sa'kin noong Monday. Itinaboy ba naman ako? Si Jane Villalobos, itinaboy ako. Hindi yun siya, yung Jane na nakilala ko hindi ganoon. Aish! Sino ba kasi yang boyfriend niyang si Jensen?! Gusto ko na talagang makilala para masunog ko na mukha noon!
Tumingin ako ulit sa labas ng bintana. Mukhang tumigil na yung ulan at malamig ngayong umaga kaya magiging maganda kung maglakad-lakad ako muna. Gusto ko rin naman makalanghap ng hangin habang nag-iisa.
Tumayo na ako at sa mga panggalaw ko, para akong zombie, yung sobrang mahina na parang igagapang nalang yung katawan para makamove. Haayyy! Palibhasa hung over.
As usual, naligo ako kahit malamig yung panahon, para naman magulat ko ang katawan ko at magkasigla-sigla rin kahit 1/4 lang.
Hay naku Dean, nonstop nga yung pagsosorry niya hanggang Thursday ng gabi at buong araw ng Friday. Nagsosorry lang siya nang nagsosorry pero hindi ko siya tinext back. Tapos na e. Tapos na lahat.
Habang naliligo ako, biglang tumunog yung calltone ng phone ko.
*I used to bite my tongue and hold my breath
Scared to rock the boat and make a mess
So I sat quietly, agreed politely
I guess that I forgot I had a choice
I let you push me past the breaking point
I stood for nothing, so I fell for everything
You held me down, but I got up (HEY!)
Already brushing off the dust
You hear my voice, you hear that sound
Like thunder gonna shake the ground
You held me down, but I got up (HEY!)
Get ready 'cause I’ve had enough
I see it all, I see it now...*
Ay, napakawrongtiming naman ng caller, naliligo pa ako dito e! Napagpasyahan kong huwag nalang sagutin yung caller, pinili ko si Shower. Baka si Dean na naman 'yan.
Mula Thursday ng gabi kasi hanggang Friday, panay rin yung pagcall niya. Nakaabot na nga sa punto kung saan pinag-isipan ko kung papatayin ko nalang yung phone ko muna dahil sa sobrang dami ng apologies niya about kay Jena. Haish! Sino ba kasi si Jena?
Noong Lumabas ako sa banyo. Pinuntahan ko agad yung phone ko at nakita kung sino yung caller. Oh My Gawsh! Si Jane yung caller! Bakit napakabobo ko at mas pinili ko pa yung shower?! Hindi nagpakita si Jane mula noong Tuesday kaya siyempre alalang-alala ako sa kanya. Nag-away pa kami sa huling pagkikita namin kaya kailangan ko talaga siyang makausap. Text ko siya ng text mula noong Tuesday hanggang kahapon tapos ngayon na nagreply na siya through call, hindi ko nasagot! Aish!!
Agad kong tinawagan ang number ni Jane pero hindi niya ito sinasagot. Huh? Bakit ganoon? Bakit ayaw niyang sagutin?!
Mabilisan ko naman siyang itinext.
тo: Jane Villalobos
(Magpapahangin muna ako sa Hermano Victory Garden. Kung gusto mong makipagkita, nandoon lang ako Jane.)
Hindi katulad ng KingCrown Park ang Hermano Victory Garden. Hindi 'yun sikat at walang masyadong taong pumupunta roon. At hindi yun isang Park, parang picnikan lang. Yung may maraming puno, mahangin, yung walang concrete or anything, parang garden lang talaga siya na may magandang view.
Alam niyo naman siguro na pag-aari iyun ni Cathlyn Hermano. Pero kahit ganoon, hindi iyun pumupunta roon, ewan ko ba kung bakit. Ang alam ko lang ang HVG na yun ang pinakamagandang lugar kung gusto mong magpautwas ng galit o gusto mo ng katahimikan.
Ang masaya pa nga roon ay nadiskubre yun ni ate Ethel at ng best friend niyang si Eddie Hermano. Tsaka malapit din yun sa subdivision namin kahit mukhang nasa paanan na yun ng bundok.
Doon naman talaga ako pupunta ngayong Saturday e. Naisip ko lang naman baka gustong makipagkita ni Jane.
~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~
Jane Villalobos POV
Mabuti nalang at hindi na masyadong nakikita yung black eye ko. Well, hindi naman talaga siyang matatawag na black eye dahil hindi naman siya sa mata talaga, medyo pagilid lang ng kaunti.
Nag-away kasi kami ni Jensen, hindi niya kasi natupad pangako niya. Sabi niya diba sa'kin, hindi niya ako nasundo sa Theater Show dahil binilhan niya ako ng New Year's Gift? E bakit ganoon? Wala akong natanggap. Alam niyo, nagtataka na talaga ako kung mahal niya ba talaga ako o linoloko lang.
Ayun nga, dahil nag-away kami, nagalit siya sa'kin. Ayoko naman na magalit siya sa'kin. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagalit siya kaya dapat ko lang parusahan ang sarili ko. Oo, ako yung dahilan sa pasa ko sa mukha. Ako ang gumawa nito. Deserve ko naman e. Deserve ko dahil nagalit sa'kin si Jensen.
Saturday Morning palang, umalis na ako kaagad papunta sa Apartment niya. Matagal-tagal narin kasi kaming hindi nagkikita dahil pinaospital ako ng OA kong mga magulang. Todo support naman si Jensen, nagsorry siya tsaka kahit hindi siya bumisita doon sa ospital, pinadalhan niya parin ako ng napakaraming bulaklak.
Tok.Tok. Tok. Pagkatok ko kay Jensen. Kahit hindi niya ako binilhan ng New Year's Gift, tanggap ko 'yun. Kakalimutan ko nalang 'yun, ang importante ay hindi ako makipagbreak kay Jensen, saka, malapit narin yung monthsary namin, next week na yun.
Binuksan niya ang pinto, gising na pala siya. "O, Jena — ah este — Baby." Gulat na gulat na pagbati niya sa'kin.
Bigla ko naman siyang niyakap ng mahigpit. "Baby Jensen! Namiss kita! Sorry talaga kung nag-away tayo. T-teka, sinong Jena? E Jane yung pangalan ko." Wika ko sa kanya sabay tingin sa gray orbs niya.
"Ha-ah — Jane yung sinabi ko. Hehe, Jane, sabi ko na nga ba Jane yun." Napakamot siya sa batok. Hindi ko naman naintindihan kung ano yung pinangsasasabi niya.
Bumitiw ako sa pagkayakap at dumiretso sa kwarto niya. Agad akong umupo sa King-Sized bed niya, ang laki-laki naman. I ran my fingers through its sheets. Hay, napakaswerte ko talaga considering I have a rich boyfriend. Not just a rich boyfriend, isa siyang Crawford so siya ang pinakarichest kid in town.
Hanggang ngayon hindi ko nga alam kung bakit niya akong niyayang maging girl friend niya. Ni minsaan hindi ko naisip na maging girlfriend ni Rice Jensen Carwford. Noon, tinatawag ko lang siyang Prince Rice, ngayon, Baby Jensen na. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang tinatawag ko siyang Rice, sabi niya kasi noon dapat Jensen yung itawag ko sa kanya kaya ayan. "Jensen, alam mo, malapit na yung Monthsary natin." I smiled at him pero binigyan niya lang ako ng confuse look.
"Talaga? Isang month na kami ng babaeng 'to? Ni hindi ko nga maala-alala yung full name niya." Biglang nagwhisper si Jensen sa sarili niya pero ni isang salita, wala akong narinig.
"May sinasabika Baby?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, wala, ano'ng gusto mong gawin?"
"Um, kung pumunta kaya tayo ng ibang bansa?" Pagsuggest ko.
"E, kung magdate nalang kaya tayo?" Pagtanong niya. Huh? Di ba yun yung pinag-uusapan namin. Kung saan kai magdedate. Monthsary nga diba, ibig sabihin, magcecelebrate kami through a date.
"Yes, dinner date kaya sa ano kayang restaurant?"
"Date nalang tayo sa bahay." He said dryly. What?! Lumukot yung mukha ko. Sa bahay kami magdedate?! Napakawalang sweetness naman doon, parang nagdinner lang kami ng magkasama in a very usual case! "O, pwede ring matulog na lang tayo at icombine natin yung Valentines Date at Monthsary Date natin." Seriously?!
Tumayo ako at nilapitan siya. "Rice?! Seryoso ka ba?!"
"JENSEN NGA! JENSEN NGA YUNG ITAWAG MO SA'KIN?!" Pasigaw niya kaya natakot ako.
Ayoko talaga siyang magalit. Mahal na mahal ko siya. "Jensen, I love you, please don't get angry at me." Sabi ko ng paiyak.
"Then it's settled, yung Valentines date at Monthsary natin ay iisa nalang at iheheld sa Valentines." Wika niya tapos bumalik sa kama niya at kinuha yung phone niya at parang may tinetext.
Pansin ko lang ha, bakit ba sa tuwing nagkikita kami ni Jensen, may palagi siyang tinetext? May babae ba siya?! Because, I swear, kung may iba siyang linalanding babae, makikipagpatayan talaga ako! Ako ang girlfriend niya kaya ako lang ang may karapatan na lumandi sa kanya!
Without thinking twice, kinuha ko kaagad ang phone ni Jensen. "HOYY! PHONE KO 'YAN!" Pasigaw niyang sinabi. "PAKIALAMERA! AKIN NA YAN! URGH!" Muling pagsigaw niya at nabawi yung phone niya. Agad niya naman itong klinose at itinapon sa ulo ng kama niya.
Too late. Namumuo na ako sa galit. "SABIHIN MO NGA SA'KIN! MAY BABAE KA BA?! HA?! SINO SI CELESTINE?!" Pagsigaw ko sa kanya na ikinagulat niya. Never pa niya kasi akong nakitang ganito kagalit. Totoo yun, minsan lang ako magalit kasi kapag nagalit ako, walang makakapigil sa'kin.
"Huwag ka ngang pakialamera, pinsan ko si Celestine kaya huwag kang magselos. Ikaw ang mahal — "
"HUWAG MO AKONG DAANIN SA MAHAL-MAHAL MO! KUNG PINSAN MO NGA SIYA, AKIN NA NUMBER NIYA AT TATAWAGAN KO SIYA!" Inis ko siyang sinigawan. Gustong-gusto kong malaman ang katotohanan. May babae nga ba si Jensen?!
"Pwede ba. You don't have to shout. I love you at ikaw lang yung mahal ko."
"Yung phone mo!" Pagpupumilit ko at inistretch ko yung hands ko. Naramdaman kong medyo nainis siya pero ibinigay niya rin lang naman yung phone sa'kin.
Kinuha ko yung phone ko at tinype yung number doon. Hindi naman ako boba 'no. Honor student ako at naninigurado ako kaya sa phone ko mismo tatawagan ang number na 'to.
Ring. Ring. Ring. Nakakairita. Bakit ayaw sumagot? Habang nagriring yung telepono ng tinatawagan ko, tinitignan ko si Jensen. Mukhang blank yung expression niya, hindi ko mabasa.
Bakit ayaw kayang sumagot?! Baka siguro alam niyang kamatayan niya na kapag nalaman kong nilalandi niya si Jensen. I breathed. Natapos na yung first na pagtawag ko ng walang sumagot. Ihihit ko sana yung "REDIAL" pero nagulat ako sa nakita ko.
"What the f*ck! Number 'to ni Lola ah!" Nagflush kasi sa screen ko yung pangalan ni Lorraine. THE F*CK?! NILALANDI BA NI LOLA YUNG BOYFRIEND KO?!
Nagulat si Jensen sa sinabi ko. "S-sino si Lola? Si Celestine 'yan!" Sabi niya habang ako naman gulat na gulat. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako kay Lola. Bakit sa lahat na lalaki na pwede niyang landiin, bakit si Jensen pa?! Bakit doon pa sa taong kaya kong isugal ang buhay ko?!
"WHAT THE F*CK?! NILALANDI MO YUNG KAIBIGAN KO?! NAMBABABAE KA NGA?!" Sigaw ko sa kanya habang binabato pabalik sa kanya yung cellphone niya. Natamaan naman siya sa dibdib at napahiyaw ng aray. "IMPOSIBLENG PINSAN MO SI LOLA!"
"Oy, Jane, Baby, hindi ko alam kung sino si Lola! Nagpakilala siya saa'kin bilang si Celestine!" Then if that so, edi walang kasalanan si Jensen! Si Lola. Siya, oo, tama! Siya ang may kasalanan dahil nagpanggap siyang ibang tao para lang malandi si Jensen! Si Lola ang may kasalanan. Hindi ko alam kung ano yung iisipin ko. Bakit naman 'to gagawin ni Lola sa'kin. I thought she's my friend. Akala ko hindi siya katulad ni Tarrah na mang-aagaw. Gawd! I trusted her and this is what I get in return?!
"Ah kahit sino pa yang akala mong siya, hindi yan siya! Si Lola yung tinetext mo at nagpakilala lang siyang Celestine!"
"L-Lola?"
"Oo at malilintikan talaga yan sa'kin, sasabihin kong may boyfriend na yung nilalandi niya! Urgh!"
"Jane." Seryoso niyang sinabi. "Hindi ko siya babae kaya pwede ba itigil mo na yang pagseselos mo."
"Hindi ko alam kung ano yung mga pinag-uusapan niyo kaya dapat lang akong magselos!" Galit kong sinabi sa kanya.
"You need proof? Here." Wika niya at inihagis sa'kin yung phone niya, nasalo ko rin naman. "Basahin mo kung gusto mo."
Habang binabasa ko ang mgamessages nila, nagtatagpo yung mga kilay ko sa inis. Pero noong sinimulan ko nang basahin yung mga messages nila sa isa't isa. I was locked by my confusion. Teka, ito yung mga messages na finorward sa'kin ni Lola. Naalala ko, naalala ko! Kaya pala Dean yung mga tawag niya kay Jensen, akala niya si Dean si Jensen. Agad kong inarapan yung boyfriend ko na walang kaexpression.
Naalala kong noong gabing iyun, pagkatapos ng Christmas Party, First day pa namin noon ni Jensen at may number na siya sa phone ko siyempre. Tapos nagtext si Lola. Naisipan kong maging Cupid and what if ipush ko si Lola na magkaroon ng textmate. I hurriedly clicked three numbers from my phone and forwarded it to her. Nagkamali ako ng pagsend sa number ni Jensen. Gusto ko sanang sabihan noon si Lola na huwag niya nalang pansinin yung ikatlong number na nasend ko kaso problemado ako that time. Ayokong mag-open up ng topic about kay Spencer at kay Jensen kasi nga linoko ako nina Spencer at Tarrah, I was so hurt about it and I don't want anybody to know it yet kaya hindi ko nalang yun pinansin. Nagtext din naman kasi ulit si Lola at sinabing si Dean yung nagtext sa kanya at dineadma lang siya ng dalawang tao. Oo, f*ck, si Jensen yun na nagpakilalang si Dean!
I facepalmed myself. Ako pa naman yung nagpush kay Lorraine na replayan yung akala naming si Dean. Ng matapos kong basahin yung mga messages, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko, I was betrayed at ang mahirap pa, sinabayan pa sa landi ng boyfriend ko ang pinakatrusted friend ko!
I was so angry parin! Hindi ko na itinapos ang pagbasa sa mga messages nila at itinapon ko ang phone ni Jensen pabalik sa kanya. He catched his phone naman.
"Nambababae ka nga! I thought ako lang yung one and only mo! Bakit ang bilis mong magbago ng isip?!" Sasagot pa sana siya pero nagsalita ako ulit. "Nagsinungaling ka kay Lola at naglandian kayo! Jensen, may girlfriend ka! Ako yung girlfriend mo! Worse, nagpanggap kang ikaw si Dean?! Seriously?! Seryoso ka ba talaga?! Argh! Sasabihin ko kay Lola na hindi ikaw si De — "
"HUWAG NA HUWAG MONG SUBUKANG GAWIN YUN!" Tinaasan niya ako ng boses. Oh no, I made my beloved man angry again.
"P-pero yun lang yung tanging paraan para magtigil kayo sa paglalandi sa isa't isa." Naramdaman kong tumulo yung luha ko. "Buong buhay ko, sinubukan kong huwag magpakatanga pero pagdating sa'yo! Nagpakatanga ako dahil mahal kita! Only to find out na you're welcoming the paglalandi of my most trusted friend! Ah basta, sasabihin ko sa kanya ang katotohanan."
Bigla siyang tumayo. "Subukan mo lang at hihiwalayan kita."
Seryoso siya sa mga sinabi niya kaya napatahimik ako bigla. "No! Hindi mo pwedeng gawin 'yun sa'kin." Tiningnan niya ako at nakita kong seryoso talaga siya. Ayokong mawala siya sa'kin. Mahal na mahal ko siya! I will kill for him because I love him!
Biglang natahimik ang lahat. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Beep. Beep.
Tumunog yung message tone ng phone ko.
ғʀoм: Lola
~Magpapahangin muna ako sa Hermano Victory Garden. Kung gusto mong makipagkita, nandoon lang ako Jane.~
Dumilim ang paningin ko, I hate Lorraine! Kahit alam kong hindi niya alam na hindi pala si Dean yung textmate niya, I still hate her dahil hindi parin nagbabago ang fact na he's flirting with my boyfriend. Umalis sa Apartment ni Jensen pero bago noon, tiningnan ko muna siya. "Hindi ko sasabihin, baby, pero susugurin ko muna yung babae mo."
~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~
Lorraine Lavilles POV
Hay naku Dean. Nakakinis ka talaga. Bakit sa lahat ng tao, I mean, bakit pala sa lahat ng lalaki sa mundo, sa'yo pa ako nainlove. Siyempre kasi mabait ka, ubod ng gwapo to the max, gentleman ka rin at napakamysterious kahit friendly. Hay, baliw lang siguro yung hindi magkakagusto.
Panay na panay yung paglalakad ko dito sa HV Garden. Napakahangin kasi ng lugar tapos hindi pa masyadong mainit, well in fact, hindi naman talaga mainit kasi walang sun. Clouds lang talaga and sky yung makikita mo sa itaas.
Naku naman, ang boba ko talaga, bakit hindi man lang ako nagdala ng payong lalo na at baliw pala yung panahon.
Tumingin ako sa paligid. Hindi gaano karami yung mga tao tulad sa KingCrown park. Medyo mahangin ngayon kaya wala masyadong nagpipicnic. Mga ilang mga bata yung nagpapalipad ng kite at yung mga magulang naman nila, masaya silang pinapanuod. Nakakatuwa naman silang tignan.
After ilang minutes na palakad-lakad akong nag-iisip, napagpasyahan ko na umupo muna sa tabi ng puno. Medyo may kataasan yung puno tapos maganda rin yung view. Mabuti at hindi masyadong basa yung grasses na nakapalibot sa puno, siguro dahil na rin malapad yung tree kaya hindi nauulanan yung nasa baba. Aish! Tree nga e! Shelter! Ang kulit ko rin paminsan-minsan no.
Tahimik ako dito na nag-iisip. Iiwan ko kasi yung phone ko sa bahay. Ayokong mabulabog ang peaceful world ko sa consecutive na pagsosorry ni Dean. Pasensiya ka na Dean ha, hindi muna kita mapapatawad. Sana maintindihan mo, I hope maintindihan mo. Ay t*ngina, siyempre he'll understand, hindi naman siya bobo e.
I exhaled habang tinitingnan yung mamang nakapula, grabe nakakatawa siya, bakit kaya hindi niya nafeel na baliktad pala yung pagkasuot niya hahaha. At yung babae naman na naka — Oh Em Gi! Si Jane ba yun?! Nakarating siya. Nakita kong parang may hinahanap siya sa paligid at mukhang galit yung expression niya. Hmm? Bakit naman galit? Nag-away na naman sila siguro ng boyfriend niya. Hay! Kelan ko pa kaya makikilala yang Jensen na yan?
Natuwa ako noong nakita na ako ni Jane. Mabuti naman at hindi na masyadong noticeable yung black eye niya. Nagwave ako sa kanya but she didn't wave back. Nakayukom din yung mga palad niya na parang nagtitimpi siya.
Tumayo ako at sasalubungan sana siya ng yakap pero noong malapit na ako — pak! Isang malakas na sampal ang nagmula sa mga palad niya. "ARAY!" Sigaw ko sa sobrang lakas ng pagkasampal niya.
Ang sakit. Hindi lang physically. Parang yung nadurog kong puso lalo pang nadurog. Parang inaapak-apakan ito. Tumulo ang luha ko without even my consent. Tiningnan ko siya at mukhang galit na galit talaga siya. "Bakit mo ginawa yun?" Mahinang tanong ko sa kanya. Kung ibang tao siya, siguro sinampal ko na rin siya pabalik pero iba siya e. Siya si Jane Villalobos. Ang pinakaclose friend ko sa panahong iniwan ako nina Isabel. Si Jane yung babaeng nagcocomfort sa'kin noong umalis si ate Ethel papuntang abroad. Siya yung kalaro ko, katawanan, tapos ngayon... Bakit?
"Dahil yun sa paglandi mo kay Jensen?" T*ngina?
"J-Jensen?! Ni hindi ko pa nga nameet yung tao." I said why wiping my tears. Kahit medyo blurd na yung paningin ko sa mga natutulong luha ko, I still knew na nashock siya sa sagot ko at sa ginawa niya.
Bigla siyang natauhan.. "Ghad!" Sabi niya sabay cover ng mukha niya with her face at umalis papalayo.
Pinagbibintangan niya ba ako na nilalandi yung boyfriend niya? Ganoon na ba talaga kahalaga si Jensen para sa kanya at kayang-kaya niyang makipagpatayan para lang sa lalaking 'yun. Sh*t! Hindi ko alam kung bakit napakatanga niya. I closed my eyes. Ni wala nga akong malay kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Bumalik ako sa kahoy na inupuan ko. I was so shocked but mostly dissapointed. It's the friendship kasi. She's my fudging friend! My friend who chose a worthless person over me!
Napahawak ako sa buhok ko habang nakapkit ang mga mata ko. Why are these things happening to me?
Mga ilang oras na ako nakasandal dito sa puno, ni hindi na ako nag-abalang kumain ng lunch. Ayoko rin naman, wala akong gana. Nobody said life would be easy pero bakit ganito? Why is this so hard?
"Kanina ka pa ba nandiyan? Agad na may tumabi sa'king isang lalaki. Hindi ko siya sinagot. Tumingin lang muna ako sa malayo. Lumapit siya ng kaunti sa'kin. "Sorry, Lola, nandito na 'ko. Magsalita ka naman diyan o. Bakit ka umiiyak?"
"Mathew, wala, wag mo akong pansinin." Sabay lingon ko sa kanya. "Bakit ka nandito?"
"Wala, nakita kitang umiiyak, hindi ko naman kaya na lagpasan lang kita, mahal na mahal ko kay yung friend ko." Sabi niya and he smiled.
I smiled back. "Loko. " Tapos binatukan ko siya ng mahina.
"Aray naman Lola, ang sakit noon. Pasalamat ka at gray yung aura mo kaya hindi kita maganithan." Wika niya sabay kamot ng ulo.
"Loko mo talaga, pabatok pa nga." Sabi ko sabay batok sa kanya. Namiss ko talaga siya! Si Mathew! "Para yan sa paghindi mo pagpansin sa'kin noong mga nakaraang araw." Binatukan ko siya ulit. "Para 'to sa pag-iwas sa'kin. at ito naman, para sa pagdeadma sa'kin." Sabi ko at binigyan siya ng pinakahuling batok.
"Aray! Napakabayolente mo naman. Namiss mo 'ko 'no?" Sabi niya ng may pogi sign pa sa ilalim ng baba niya. Napatawa nalang ako ng mahina sa ginawa niya. Salamat naman at nandito siya ngayon. "Hahaha, uy, tumawa siya." Sabi niya sa'kin at pininch niya yung cheeks ko. Nagblush naman ako bigla sa ginawa niya. "Ayan, maganda ka kapag nakangiti ka." Pagkasabi niya noon, biglang umulan ng malakas. Pero mabuti nalang at hindi kami nababasa kasi nga nakasandal kami sa isang malaking puno.
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Uy, bakit ka napasimangot ulit?" Pagtatanong niya.
"Eh kasi si Jane, yung hellweek at si Dean." Napatigil ako sa sinabi ko. Sasabihin ko ba lahat ng mga nangyari sa kanya. Nagulat ako sa expression niya, para siyang nagulat na hindi maintindihan.
Ginulo niya yung buhok ko. "Okay lang sabihin mo sa'kin." Wika niya.
I was still in the middle of an internal debate noong nagsalita ulit siya. "Kung gusto mo, best friends nalang tayo." Nag-ilaw ang mga mata ko at tumawa siya ng mahina. Ano raw? Inaalok niya akong maging best friend siya? Ang sweet niya. "Wala pa naman akong best friend e, naisip ko na baka ikaw nalang kasi ikaw yung pinakaclose ko." Namula naman ako sa sinabi niya.
"Akala ko galit ka sa'kin kasi hindi mo ako pinapansin noong mga huling araw."
"Naku, hindi! Sorry, namiss nga kita." Wika niya sa'kin. "Sorry na sa hindi pagpansin sa'yo. Oo na, sorry na talaga! Sige, iiyak ako paghindi mo ako pinatawad."
"Aish! Ang arte mo, oo, pinapatawad na kita." Sabi ko sa kanya, sabay gulo ng buhok niya. ang kulit niya kasi.
"Yey! Salamat, Lola." Agad niya akong niyakap kaya namula ako. Grabe, para talaga siyang bata. "Best friends na tayo ha!" Sabi niya.
"Oo, sige, bahala ka." I said pagkatapos niya akong yakapin. "Pero thank you, sige, aalis na ako." Gusto kong iwasan yung topic, ayoko siyang madamay sa problema ko.
"Ang lakas ng ulan o'. Dito ka nalang muna at tsaka huy, cheer up ka naman diyan, napakaputi mo, o, ano ba talaga yung problema mo?" Tanong niya.
Hindi ko naman napigilan yung matalim kong dila at nasabi nalang sa kanya lahat lahat. "E kasi Mathew, parang wala na talagang naging maganda sa buhay ko! Si Jane, yung hell week at yung worst si Dean! Si Jane kani-kanina lang sinampal niya ako dahil akala niya nilalandi ko yung boyfriend niya! Gets mo?! Mas pinili niya pa yung boyfriend niya kesa sa'kin! Pero hindi yun totoo! Lahat ng mga sinabi niya! Hindi ako malandi at lalong lalo na sa isang taong hindi ko pa nga nameet! Tapos yung hellweek ko, Mathew! Narinig mo naman siguro lahat ng mga bulung-bulungan! Palagi akong napagtripan nina Pamela at Cathlyn and worse, wala kaming patunay na sila nga yung nasa likod noon! Wala parin kaming magawa! Lahat lahat nalang malas! Akala ko si Dean — " Napatigil ako sa pagsabi pero yung luha ko tuloy tuloy parin. L*che na luha! Hindi naman ako uminom ng maraming tubig kanina! Huwag niyang sabihing ihi ko na 'to!
"Sige lang, sabihin mo lang, nakikinig ako." Mathew said sadly.
"Tapos si Dean... Uwaaaaa! I'm sorry talaga Mathew, alam kong kaibigan mo si Dean! I'm really sorry! Gusto ko lang naman siyang makilala kaya tinext ko siya gamit ng ibang pangalan! Naging close kami tapos sa t*nginang araw kung saan magkikita kami at sasabihin ko sa kanya yung totoo, eh , hindi siya dumating! Umasa ako, yun pala may mahal na pala siyang iba! Bakit Mathew?! Bakit lahat ng 'to nangyayari sa'kin?! Karma ko na ba 'to? Uwaaaaa! Mathew, hindi ko na talaga alam kung ano yung gagawin ko!" I covered my face with my hands ulit. Naalala ko naman lahat ng pain. Ang sakit talaga, parang sinusunog yung puso ko literally.
Naramdaman kong bigla akong niyakap ni Mathew kaya napahiga ako sa dibdib niya. Ayan, sinabi ko na sa kanya lahat ng mga pasakit ko. Sinabi ko na sa kanya ang tungkol kay Dean, kay Jane at yung bw*set na hellweek na hindi ko pa nagagantihan yung dalawang palaka!
Humahagulgol ako sa kanya. Nagtagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa naging mahina na yung pag-iyak ko, nakahiga parin ako sa dibdib niya.
Naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko. "I'm sorry."
Dahil sa sobrang kompurtable ko, malapit na akong makatulog. "Saan?" Pinilit kong sabihin.
"For everything."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro