CHAPTER FOURTEEN - THE PHONE SWAP
So bati na kami ni Dean sa text. Close na kami ulit, sa text. Gusto ko na ngang ilunod ang self ko sa Bermuda triangle nang hindi ko tuparin yung desisyon ko. Hindi ko kayang hindi na itext si Dean, kasalanan ko ba 'yun? Oo na! Kasalanan ko na kung kasalanan!
Close na close na kami ni Dean. Araw-gabi kami nagtetext. 24/7 and I could say that yeah, he's partly arrogant but he is sweet. He is nice.
Today ang araw kung saan matatapos na yung Christmas and New Year break. Today is when all classes resume. Heto na naman, pasukan na naman. Makikita ko na naman ulit yung matabang Barille na yun. Urgh! Ang nakakainis pa ay yung nabunot kong parusa na bigyan siya ng free calls and texts for the whole month of January! Urgh! Mauubos ang pera ko niyan. Pwera nalang kung ipakidnap ko ngayon si Ma'am Barille para wala nang manghihiram ng phone ko. Buti pa si Mathew, hindi siya nababahala na hihiramin yung phone nya. Palibhasa mayaman!
Dala siguro sa excitement ko or sa adrenaline rush sa resuming of classes, hindi ako nalate. Pero hindi rin ako yung unang nakarating sa klase. Sa mukha kong 'to? Magiging first to arrive in school? Asa 'no.
Pero buti nalang yung hindi malate, at least hindi ako nagsquat for two minutes or nagjumpingjacks or whatever.
Pagpasok ko palang na pagpasok sa pintuan ng classroom ko, agad na akong kinarate nina Dheenise at Freya.
"Aaaah! Totoo ba, Lola? Kasama mong nagmalling sa La Esperanza sina Dean?"
"At tsaka si Mathew?" Kung pwede lang maging dyamante sa kislap ang mga mata nila, malamang naing dyamante na 'yun.
Inilapag ko muna yung mga gamit ko sa upuan ko tapos sinagot ang mga no-big deal na mga tanong nila. "Um.. what's he big deal?" Tanong ko sa kanila na bigla naman nilang kinagulat.
"Lola! Alam mo bang bihira lang makita si Dean na may kasamang babae?" Wika ni Dheenise.
"At mag-isa lang na namamasyal si Mathew sa La Esperanza pero noong Friday, kasama mo ang dalawang pnakasikat sa school." Kilig na sinabi ni Freya.
Aaah! ang OA naman nila. "Dheenise and Freya, tumigil nga kayo, batchmate natin sina Mathew at Dean kaya okay lang siguro na kausapin natin sila."
"Oo, gets namin yun. Okay lang na kausapin natin sila pero Lola, as we just said, bihira lang na mamasyal sina Dean at Mathew sa La Esperanza at mag-isa lang silang nagmamall pero noong Friday, HELLO? Kasama ka nila. Paano mo sila napapayag?"
"Correction, ako yung nagpapayag." Biglang umiksena si Isabel. "Tsaka, ako yung kasama ni Mathew, si Lola yung kasama ni Dean."
"Okay, whatever, pero according to my chismis group online, never pang nagmalling si Dean na may kasamang babae at si Mathew din!" Never? Eh bakit last month sinama ako ni Mathew sa SM para maglaro sa World Of Fun? Does that mean first time niyang magmalling na kasama ang isang babae? At si Dean, first time niya rin bang magmalling kasama ako sa La Esperanza?
"OMG! Lola, I think both guys like you." Sabi naman ni Dheenise. "Dahil ikaw Lola ang FIRST na babae na kasama nilag magmalling sa La Esperanza - "
"AKO NGA E! AKO NGA ANG KASAMA NI MATHEW!!!" Sigaw ni Isabel kina Dheenise at Freya.
"Aray Isabel, ang sakit sa tenga! Tsaka diba Monday Officer ka? Bakit nandito ka pa? Pumunta ka na doon sa Quadrangle."
"Urgh! Kailangan ko pa ba iexplain sa inyo na every semester umiiba yung mga toka namin!"
"Okay! Wag ng magali - " Naputol sa pagsasalita si Freya nang dumating ang boring na teacher namin.
Oo, boring nga siya pero parang leon din siya kung magalit kaya bumalik na kami sa mga respective seats namin.
The same as usual yung mga classes namin pero siyempre medyo iba na ngayon. Palagi kasing nagmemeet yung mga mata namin ni Dean pero ako yung unang iiwas. Pasensiya na po ha, nakakakilig kasi.
"Okay, Good morning class!" Sigaw ng bwiset na teacher namin na si Ma'am Barille. Urgh, class na naman niya.
"Good Morning, ma'am." Wika ng lahat kasama ako siyempre, ayokong maround two sa exam.
"You may all seat down, Ms. Lavilles, please come here." AAARRGHH! Ano na naman ba yung ginawa ko at palagi nalang ako yung tinitignan ng bwiset na baboy na may makapal na mukha!!! Nasa likod na nga ako ako parin yung tinitignan niya! Ano ba ang probema niya?!!
"Yes, ma'am." Walang gana kong sinabi.
"Your phone." Sabi niya.
"What, you're gonna confiscate my phone?! How come I haven't used it on your class - "
"Your punishment!" Aah! yun pala, akala ko ba naman icoconfiscate niya. Agad ko namang binigay iyun sa kanya.
After that, continue lang yung buhay niya. Continue lang yung mga discussions niya and as expected, at the end of her lessons, magbibigay siya ng 50-item quiz.
Pero something unexpected happened while we are having our 50-item quiz. Biglang dumating si Jane.
Tok. Tok. Tok. "I'm - I'm sorry, I'm late." Late? Malapit ng maglunch time o'.
"Ms. Villalobos, kindly state the reason why are you la - OH MY GOSH! What happened to your face?!" Nagulat ang buong klase, nagulat din ako sa nakia ko sa kanyang mukha. May malaking back eye siya sa left na mata niya. Agad niya naman itong itinabon ng kamay niya. Lumabas si ma'am Barille at tinawag ang class mayor para iaccompany si Jane sa clinic. Aayaw pa sana si Jane pero wala siyang nagawa. Sinamahan siya ng class mayor, which is si Dean, papuntang clinic.
Ano kaya nag nangyari kay Jane? Bakit may pasa siya? Kung tama ang hinala ko, ginawa ito ng bofriend niyang si Jensen. Urgh! Bwiset ang lalaking 'yan! Nachange niya na nga ang sweet personality ni Jane, ichechange niya pa yung mukha!
Pasalamat ang Jensen na 'yun at hindi ko pa siya kilala dahil malamang sinugod ko na yun at sinunog yung bahay!
Natapos naman ng mapayapa yung klase. "Class Dismissed." Sabi ni Ma'am Barille sabay goodbye din namin sa kanya at umalis na. Wait! Teka, yung phone ko.
Agad kong hinabol si Ma'am Barille. "Ma'am yung phone ko po nakalimutan mong ibalik."
"Speak in English, Ms. Lavilles, or you and your punishmentmate will have another punishment to encounter!"
I inhaled and exhaled. "Ma'am you forgot to give me back my phone." Sabi ko.
"No, who said I forgot? I'm still gonna use your phone, why don't you go and get your phone at dismissal." Argh! F*ck you, b*tch!
Wala na akong nagawa, kesa naman pabunutin niya ako sa Bowl Of Torns niya. Nakakinis siya. "Now, go back to your room and attend your last class this morning." wika niya tapos iniwan niya ako dito sa hallway. Galit na galit ako kay ma'am Barille pero I'm trying my best para mawala yun.
Ewan ko ba kungbakit ang ilis bilis niyang lumakad at dito ko pa siya naabutan sa deserted hallway. Babalik na sana ako para sa last class ko before lunch nang may isang bwiset akong nakita at the end of the corridor. Nakita niya rin ako. Nagsukatan kami ngayon ng tingin.
"HOY! BUNGANGA!" Sigaw niya sa akin. Pasalamat siya at walang tao dito ngayon sa hallway at malayo-layo masyado yung faculty room.
Gusto kong matakot sa kanya at pigilan ang sarili ko pero galit ako ngayon e' Walang takot-takot sa taong malapit ng sumabog. "HUWAG NA HUWAG MO KONG TAWAGING BUNGANGA, KULANGOT!" Sigaw ko kay Rice.
Linapitan niya ako at akmang sasabat pa pero sinakmurahan ko siya. "BWISET, HANGGANG NGAYON BA HINDI KA PARIN NATUTUTO NA HINDI MO AKO MABUBUGBOG. NAKA MORE THAN THREE ATTEMPTS KA NA NA BUGBUGIN AKO PERO HINDI MO PAIN MAGAWA!"
Sinipa ko agad siya sa kanyang weak spot at pumulupot naman siya sa sahig sa sobrang sakit. "A-ARAY - ARAY! MAGBABAYAD KA!"
"NAKADALAW MO NARIN 'YANG SINABI, MAY NANGYARI BA?! WALA - PURO KA LANG SALITA!" sinipa ko ulit siya pero this time hinawakan niya yung paa ko at hinigit ito kaya na-out of balance ako at naghalikan yung pwet ko at ang sahig. "Aray!"
Sasagot pa sana siya nang biglang dumating ang isang teacher. "Humaygas! What iz happeningez here?!"
"Ah, Mr. Sarumbati, this stupid girl here attempted to rape me!" ANO?! ANONG KLASENG PALUSOT BA YUN?!
"NO! He's the one who attempted to kill me!!" Binigyan ko siya ng pinakamatalim na tingin.
Biglang naglalabas-labasan naman yung mga teachers at estudyante sa kani-kanilang mga klase para tignan ang kaguluhan. Naabutan naman nilang lahat kami na nakaupo sa sahig habang hawak-hawak ko ang binti ko at hawak-hawak naman ni Kulangot yung tiyan niya.
Sana, maging langgam nalang ako.
"WHAT IS HAPPENING HERE?! Sigaw ng teacher namin sa Chemistry.
Agad namang nagbulong-buongan yung mga estudyante. What's wrong with the people today? Bakit ba dumadami ang mga chismosa at mga gossipers!
"OMG! Bakit kaya sila nakaupo sa sahig?"
"And why are they together?"
"Magkakilala ba sila ni Prince Rice Crawford?"
"Who's that girl? Bakit sila magkasama ni Prince Rice?"
Heto kami nakaupo in the middle of the students and teachers. Waaaah! Nakakahiya! Tiningnan ko ang Kulangot na katabi ko. Mukhang nagulat din siya sa mga nangyari. Eh sino ba naman yung hindi magugulat. One second nandito kami at nag-aaway, the next, napapalibutan na kami ng buong school.
"Ms. Lavilles and Mr Crawford! To the Detention Room, NOW!" sabi ng Chemistry teacher taos tiningnan lahat ng mga estudyante. "And all of you! Go back to your respective classes!" Tiningnan niya ulit kami. Kahit na babae siya, nakakatunaw yung mga mata niya. "BOTH OF YOU! FOLLOW ME TO THE DETENTION ROOM!"
First time kong malagyan ng record, hindi ko nga alam kung anong klaseng record 'yun. Aaaaah! Isialumpok ko yung ulo ko sa kamay ko. Nandito kami ngayon sa detention room ng Kulangot at Bwiset na hayop na'to. Hinihintay naming matapos yung mga arguments ng mga teachers kung anong bagay na iparusa sa amin. Aaah! First time kong makapunta sa detention. Bwiset! Bwiset!
Tiningnan ko si Kulangot. Mas lalon uminit ang ulo ko dahil kalmadong-kalmado lang siya. Ano bang problema niya, hindi ba siya natatakot kung anong maaaring maging parusa namin?! Kung sabagay, siguradong sanay na siya.
"Will you stop Whining?!" Sabi niya. Nakaupo kasi siya sa pinakadulo ng bench at ako naman nakaupo sa pin akadulo ng other side.
"Shut up! Kung hindi dahil sa'yo, wala ako rito ngayon!"
"Sisihin mo na kung sinong gusto mong sisihin, ikaw rin naman yung may kasalanan! Kung nagpabugbog ka lang, hindi sana ako maparusahan at kung hindi mo lang ako sinumbong, hindi ako ulit mapaprusahan!" Sigawan kami ng sigawan dito pero hindi namin masyadong mapapalakas ang boses namin tulad kanina kasi baka marinig kami ng mga teachers at magdoble-doble pa yung parusa.
"G*go ka ba! Ako, magpapabugbog sa'yo?!" wika ko.
"Oh ayan! Edi 'wag ka nang magreklamo diyan! Kasalanan mo lahat ng 'to!"
"Ah ganoon! gusto mo bang sikmurahin kita ulit?!"
"E kung ipatapon kaya kita sa labas ng universe!" Sigaw niya pabalik. Lokong 'to? Ano bang pinagsasasabi nito.
"Hoy Kulangot! Anong nasa labas ng Universe?! May utak ka ba?!"
"Ikaw ang walang utak! Tumigil ka diyan kung hindi - "
"Ano?! bubugbugin mo ako! Ayan puro ka kasi salita kaya ikaw yung nabugbog!" Binelatan ko siya kaya bigla siyang tumayo. Hindi narin ako kakalas 'no kaya tumayo rin ako.
Aakmang susugurin na naman namin yung isa't isa pero bumukas yung pinto ng detention room kaya umupo kami pabalik.
Tiningnan kami ng tagabigay ng parusa, actually tiningnan niya si Kulangot. "Pasensiya ka na Mr. Crawford pero mukhang hindi ka tutulungan ng tatay mo. Same lang magiging parusa mo kay Ms. Lavilles. Sabi nang tata mo, panahon na raw para matuto ka." Tiningnan niya kaming dalawa. "Pasensiya na pero community service yung magiging parusa niyo."
"WHAT?!" Sigaw ng Kulangot.
Halatang takot na takot sa kanya yung nagbibigay ng parusa kaya medyo umatras. "Umm... for One hour lang naman Mr. Crawford."
"Ayoko! Manigas kayo!"
"Ah - eh sabi ni ng tatay mo na kung hindi mo raw itogagawin, babawiin niya yung sasakyan mo."
"What the f*ck!"
"Um, sige, hehe, bukas ng hapon gaganapin yung parusa niyo." Tapos dalidaling umalis yung tagapagsabi ng parusa namin. Lumabas din ako ng mabilis at tumakbo na. Pero hindi naman ako masyadong tumakbo ng mabilis kasi medyo masakit pa yung legs at pwet ko. Naku naman, I won't tell my mom about this, baka ipachopchop niya pa ako sa market!
Pagpunta ko sa classroom, wala nang masyadong tao roon kasi nga lunch time na. Kaya ako, tahimik nalang na kumain ng packlunch ko and as usual, nasa harap ko parin at naglalandian sina Geffen at Cathlyn. Kailan pa ba sila magbebreak? Magpapaparty siguro ako pagnangyari yun.
Pagkatapos kong kumain, binisita ko si Jane sa Clinic at nandoon nga siya may icepack parin sa black eye niya. Imbis na yakapin ko siya, hinampas ko munas siya sa balikat pero hindi naman malakas. "Ano ka ba Jane? Si Jensen ba yung gumawa niyan sa'yo?!"
"Ha? Ah eh, aksidente lang 'to..." Sabi niya.
"Isa... Dalawa..." Tahimik parin siya. "Pagsabi ko ng tatlo at - "
"WALA NGA LOLA, AKSIDENTE NGA 'TO!" Sabi niya sabay talikod sa akin. Humarap siya sa ibang side ng bed.
Nagsigh ako, ano ba ang nangyayari kay Jane. "Bakit di ka nagrereply sa mga text ko? Ni Happy New Year, hindi ka naggreet." wika ko sa kanya.
"Pwede ba Lola, kung pumunta ka lang dito para istorbohin ako, umalis ka na lang." Nabigla ako sa inasal ni Jane. Jane isn't like this! Jane is a sweet charming girl. Ano bang nangyayari.
"Jane..."
"Umalis ka muna Lola, please." Sabi ni Jane at wala naman akong magawa kaya umalis nadin lang ako.
Hindi na pumasok si Jane buong hapon, nasa clinic lang siya. I'm so worried for her? I think there's something wrong talaga. Siya kasi, nagpapakatanga naman siya kay Jensen. Sino ba 'yang Jensen na 'yan? Dito ba 'yan nag-aaral?
Pagkabell na pagkabell ng dismissal agad akong pumunta sa teacher's office. It's time na para kunin ko yung phone ko kay Ma'am Barille.
Creakk.. Usual na tunog ng faculty room. Hinanap ko si ma'am Barille. Mukhang wala siya dito. May lalaking nakaharang sa table niya and I confirmed that it's Mathew. "O, Mathew, nandito ka rin?"
"Ah oo, hiniram kasi ni Ma'am Barille yung phone ko kaya hinihintay ko siya dito."
"Hiniram niya rin yung phone mo?"
"Oo nga." Sabay kamot niya sa likuran ng ulo niya ng nakasmile.
"Grabe, sino ba yung itetext niya o tatawagan niya? Isang barangay ba at kailangan cellphone nating dalawa yung hiramin - " Hindi ko na natapos yung mock ko nang bumukas ang pinto ng Faculty room at pumasok ang galit na galit na si Ma'am Barille? What's wrong with people today? Hindi naman masyadong mainit yung panahon ngayon, bakit palaging galit ang mga tao, pati ako nga nahawa narin kanina.
"URGH! WHAT DO YOU NEED?" Tanong niya sa'min.
"Our phones." Mathew said dryly at bago pa lalong sumabog si ma'am Barille, "Ma'am," Dagdag ni Mathew.
"Aaahhh, Kaay!" Sabi niya at padabog na pumunta sa desk niya at inopen ang isa sa mga drawers nito. Ilinagay niya sa harap namin yung basket na may mga phones. ang dami naman. "Ano pang tinitingin-tingin niyo diyan?! Get your phones!" Sigaw niya kaya agad namin ni Mathew kinuha yung mga phones namin at umalis kaagad sa Faculty room.
"The heck was that?" Tanong ko kay Mathew habang nilagay namin yung phone namin sa bag namin.
"Baka menopause, halika na nga." sabi niya at umuwi na kami sa mga bahay namin. Since tapos na yung Theater, balik na yung lahat sa normal. Hindi na ako hinahatid ni Mathew siyempre, ano ako? Special? De jowk pero totoo, yun na yun.
*Lately I been, I been losing sleep
Dreaming about the things that we could be
But baby, I been, I been prayin' hard
Said no more counting dollars
We'll be counting stars
Yeah, we'll be counting stars.*
Counting Stars? Nagulat ako nang nakarinig ako ng isang familiar na kanta sa bag ko. Galing saan? Galing sa isang phone sa bag ko?! Hindi naman to akin. Medyo kahawig siguro pero hindi akin. OH SHET! Message tone ito ng phone na hindi akin. Bakit may stranger phone sa bag ko?!
AAAH! Ang tanga-tanga ko talaga! Actually dalawa kami yung tanga kasi dalawa naming hindi namalayan na nagswitch pala yung phone namin. ARGH! This is Mathew's Phone!
Alam niyo ba kung bakit kinakabahan ako ngayon?! Yung phone ko andoon kay Mathew at wala 'yung password. Hind ko rin nadelete yung mga messages namin ni Dean. Paano nalang kung malaman niya na linoloko ko pala si Dean. Ngayon pa na magkaibigan na sila ni Dean!
Argh! Tsaka what if kung magtext si Dean sa'kin. What if mabasa ni Mathew lahat ng kahayupang ginawa ko. Waaah! I need to text him! But how?! Nasa akin yungb phone niya! Tsaka mabuti yung sa kanya, hindi ko mabasa kasi may password whatsoever. Naku naman, kelan pa ako naging bulag?
Ibinaon ko nalang yung mukha ko sa unan ko. Nakakainis naman!
"Lorraine.." Narinig kong tawag ng isang lalake sa likuran ko, napakafamiliar ng tunog. Tumalikod ako para tignan siya pero wala akong makita. Wala naman palang tao sa likuran ko! "Stop lying to me." Narinig kong sabi niya sa likuran ko ulit at nakita ko si Dean then everything turned black. "Lorraine..." Narinig ko na naman na may tumawag sa akin. It's Dean, "Stop lying to me." Then everything turned black, paulit-ulit lang yung scenario. Hindi niya ako hinihintay ni explain at kung susubukan ko rin namang magsalita, everything will turn black again and again, nakakahilo na.
I woke up. Hndi ko maiwasan yung maguilty sa ginawa ko. Posible bang isumbong ako ni Mathew kay Dean? Kung ganoon man 'yun. I need to prepare myself later.
4:15am palang ngayon, ang aga-aga pa pero hindi narin ako nag-abalang matulog pa kasi hindi ko gusto ang napanaginipan ko. It's so wird. Parang mas lalo akong nageguilty. But how come I can't stop?! how come hindi ko kayang itigil yung ginagawa ko kay Dean. Lies. I can't just tell him the truth, baka magalit siya sa'kin.
Tahimik akong nakaupo sa classroom, inaabangan ko na makarating na sa school si Mathew. Kailangan ko na kasi mabawi yung phone ko! Bwiset na Ma'am Barille na 'yan. Kahit kailan talaga pinaiinit niya ang ulo ko.
Nalaman kong paparating na si Mathew nang nagtilian na yung mga babae sa labas.
"Ooh, Mathew's here!"
"Aaah! My prince Charming." Hindi namin sila kabatch I think mga second years palang sila.
Bigla kong pinuntahan si Mathew. "Mathew, umm, nagswap ata yung mga phones natin. Nauwi ko yung sa'yo kaya heto o."
"Aah." Ang ikli ng sagot niya. Why? Agad din naman niyang kinuha yung phone ko sa bag niya at ibinigay sa'kin tapos umalis ng hindi man lang nagsasabi ng 'Sige, mauna na ako' o kaya 'Bye Lola, see you later'
That seems to be weird. I shook my head, baka naman bad mood lang si Mathew o baka naman, alam niya na ang sikreto mo! I shook my head again! Lorraine, stop being stupid and immature, act normal!
Bumalik na ako sa room ko and check my phone. Walang nagbago. Same parin yung mukha, walang gasgas. everything's fine. Wala rin nadelete ni isang messages at wala ring may nabasang new messages kasi wala rin namang new messages from Dean. Lahat nandito. Napasigh naman ako. Buti naman everything's fine. There' like 30% chance na binasa ni Mathew yung phone ko and 70% chance na hindi niya binasa yng mga messages namin ni Dean.
Lola, inhale, exhale. Just think positive! Hindi naman niya siguro nabasa kaya huwag kang kabahan!
I checked the time on my watch. Wow. I really did confirm that I'm a time conscious person. Meron pa palang seven minutes bago magstart yung first subject namin.
Pupunta muna ako doon sa locker ko para kunin yung mga libro ko after lunch para hindi narin ako pupunta doon at lunch time. Tsaka, para iwas nadin sa mga estudyante. Simula kasi noong nangyari ang nakakahiya na sitwasyon namin ni Kulangot. Palagi na akong tinitignan ng mga estudyante. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin 'yun, kung hate ba or normal na tingin lang kasi hindi ko sila tinitignan. Ewan ko what's with Rice Crawford at dahil doon palagi na akong tinitignan ng lahat.
Inopen ko na yung locker ko at nagulat ako sa nakita ko. Gulat na gulat ako! Kung pwede lang mahati sa dalawa yung ulo ko, baka mahati na 'yun. Walang laman yung locker ko. Opo, bakante po lahat! Walang mga libro. Mga lapis ko vacant lahat! Sino ba naman yung gagawa nito kundi walang iba kundi si Kulangot! Argh! "Bwiset!" Mukhang wala naman masyadong tao sa paligid kaya hindi ako nagdalawang isip para islam yung locker ko.
"Oy, miss, locker ko 'yan." Sabi ng isang lalaki sa likod ko. Ay p*ta! Emote ako ng emote dito hindi ko naman pala locker 'to. Umisod ako ng kaunti. Ayan locker 296, sigurado na akong locker ko na 'to.
Pagbukas ko ng locker, hiniling ko na hindi ko na lang sana binuksan 'yun. Biglang nagsigawan ang kakaunting estudyante sa paligid ko. Opo, alam ko naman pong hindi ako kasing puti ni snow white, e bakit kailangan pang matabunan ako ng polbos!
"Oh My Gawd!" Sigaw ng malapit na estudyante habang tinitignan nila ako.
I brushed my hands through my face para kunin yung sandamakmak na polbos sa itsura ko. Hindi naman ganito kadami yung mga tao kanina. Bakit sila nagmultiply?
Kung may mag-alok na kumidnap sa'kin ngayon, hindi na ako magdadalawang isip na sumama. Why does this have to happen to me?!
Bigla akong lumuhod sa sahig. Hindi ko na napigilan. Umiyak nalang ako. Punong-puno na ako ng pulbos. Mananagot ang kung sino mang nagset-up ng ganoong prank, as if hindi ko kilala kung sino. Siguradong ang Kulangot na 'yun yung nagplano ng lahat na ito.
Lumuhod ako sa sahig at kusang itinabon ng mga mata ko ang mga mata ko. Umiyak na ako. Hindi ko na napigilan. Mabuti nalang at may narinig akong isang pamilyar na boses.
"Lorraine!"
At isa pang pamilyar na boses. "Ano ba? Huwag nga kayong tumingin-tingin kay Lola, shoo!" Sabi ni Isabel.
Binigyan ako ng panyo ni Ark at ginamit ko rin naman 'yun para itrapo sa mukha kong puno ng powder.
"Ark - Isabel - " Sabi ko sa kanilang dalawa habang tinutulungan naman nila akong makatayo.
Narinig ko namang nagsalita si Ark. "Ate Isabel, buti nalang at pinuntahan kita para manghingi ng pera, kung hindi, hindi tayo makakapunta sa locker area."
Agad naman akong sinamahan ni Isabel sa Lady's room para tulungan akong kunin ang mga natirang polbos sa katawan at sa uniform ko. "Gawd, Lola, sino ba naman ang makakagawa nito sa'yo?!"
"Hindi ko alam pero isa lang naman an kilala kong naiinis sa'kin." Sabi ko kay Isabel habang nawala na lahat ng polbos sa katawan ko.
"Sino naman?"
"Si Rice Crawford." Nagpumigil naman sa pagtawa si Isabel. "At kung hindi familiar sa'yo, siya yung taong inutusan mo na bugbugin ako." Natahimik naman siya bigla.
"Magkakilala na kayo?" tanong niya sa'kin. "Sorry, lola, pero hindi ko siya kilala. Ni hindi nga kami close noon. Si Pamela yung nag-utos sa kanya kasi ex niya yun."
"Ex?Capable ba yung lalaking 'yun to ever love?!" Galit kong sinabi.
Hindi na kami pumasok ni Isabel sa first subject of the day. Matagal-tagal rin kasi bago makuha yung polbos sa buong katawan ko. At second period, pumunta na kami sa klase namin and I'm powder-free na.
Pero mukhang hindi pa tapos ang kamalasan sa pagpapahirap sa'kin. Hayaan niyo ba namang punit-punit na lahat ng mga libro ko sa bag! "Si - SINO ANG GUMAWA NITO?!" Hindi ko napigilang sumigaw! Ang kalahating libro ko ay puno ng mga powder, okay lang yun dahil maaayos pa yun pero ito! Punit-punit lahat! Wala sa kanila ang nakaka-alam. Tinanong ko silang lahat pero sabi nila, nagpunta sila sa Chemistry lab noong first period at pagdating nila, ganito na ang naabutan nila.
What is happening?! Seriously?
Nagcontinue yung second period namin at wala akong librong nagamit. Umiiyak lang ako, ano ba 'tong gulong napasok ko.
Habang kumakain ako, ganoon parin naman, masarap parin yung luto ni mama and I thank God dahil walang nagPPDA dito sa harap ko. I decided na manatili nalang dito sa classroom at bantayan ang mga gamit ko. Napag-isip-isip ko rin ang nangyari kanina. Naiwan ko palang nakabukas yung locker ko, hindi ko na yun isinara kasi nagmadali akong pumunta ng CR. Bahala na, ayokong iwan ang mga libro ko. Kasalukuyan kong iniiscotchtape yung libro ko. Aaah! Bwiset talaga! Kapag mahuli ko on the act ang gumawa nito. Humanda siya, hindi na ako mahihiya na buhusan siya ng mainit na tubig at itapon sa middle of the Pacific Ocean! Karmahin sana kung sino man ang gumawa nito!
Pasalamat nalang ako at tinutulungan ako ng mga kaibigan ko sa pagfix ng mga libro ko. Nandito sina Dheenise at Freya, nandito rin si Isabel and unexpectedly, tinulungan din ako nina Dean at ni Harold.
"So Lola, ano ba'ng magiging parusa mo?" Tanong sa'kin ni Dheenise.
"Community service mamayang club's period." Sabi ko sa kanila na may tonong walang gana.
"What happened with you and Rice? Kayo na ba?" Biglang pagtanong ni Freya. Aaah! Bakit ba ang daldal nitong dalawa? Agad kong tiningnan ni Dean at halatang hinihintay niya ang sagot ko.
"WHAT THE F? Ni hindi ko nga maimagine maging kaibigan yung bw*set na 'yun!" Sabi ko sa kanila.
"Huh? Then if that so, bakit kayo magkasamang nakaupo sa middle ng corridors?" Nagtanong ulit si Freya na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Psh, e ano sa tingin niya? Nagsasight-seeing kami?
"Actually nag-aaway kami noon - " Naputol ako sa pagsasalita, sasabihin ko ba sa kanila na siya yung taong kumidnap sa'kin?
"Huh? Ikaw at si Rice? Enemies? Paano naman nangyari 'yun, huh?" Aish! Ang daming tanong ni Freya.
"Ah - kasi, siya yung nag-on nang Fire Alarm noong nagkriChristmas Presentation tayo, nahuli ko siya at sinumbong."
"Ah, akala ko naman kayo na e, cassanova kasi si Rice." Sabi niya.
"As if naman tanga si Lola, I don't think pumapatol siya sa mga ganoong klaseng tao." Wika naman ni Isabel.
Speaking of Isabel. Bakit ba siya nandito? "Sab, bakit ka nga pala nandito? Bakit hindi mo kasama sina Cathlyn at Pamela?" Sabi ko habang pinapile yung mga pages ng Filipino book ko, Math book at lalo na ang mga pages ng English book ko.
She flipped her hair. "Nah, malay ko doon sa kanila, I kept on calling their phones since kanina pa but they won't answer so I don't know." Sabi niya habang tinutulungan niya ako gamit ng pagcut ng mga scotch tapes into small pieces. Bale siya yung nagkacut ng scotchtape, ako yung nagpapile ng mga pages, sina Dheenise at Freya yung nagfifix ng nga sirang pages tapos sina Dean at Harold naman yung naglalagay ng mga pages na ipinapile ko sa cover ng book. O ano? Tiyaga-tiyaga rin pagmay time?
Itinigil ni Freya yung paggifix ng mga sirang pages, tiningnan ako at nagcross yung arms niya. "So, hindi talaga kayo ni Rice?" At, ibinalik ang bwiset na topic.
"Freya, ang kulit-kulit mo! Kulangot nga siya at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang Kulangot na may lahing halimaw. Imaginin mo nalang na yung situation namin ay parang langit at lupa, siya yung lupa, ako yung langit, tsaka siya yung pandesal, ako yung cake, kaya malabong maging kaibigan kami!"
Hindi naman gumalaw si Freya. "Aah gets ko na, pero bakit kayo magkasama sa corridor?"
Waaah! Ginulo ko yung buhok ko sa inis. Paulit-ulit? Paulit-ulit? Unli lang? LSS? "Kasi nga nag-away kami. Psh! Ang kulit mo."
"No, hindi ako naniniwalang nag-away kayo, I think may secret relationship kayo at ayaw mo lang aminin. I need proof, pwede mo bang idetailed yung pag-away ninyo sa corridor?"
Agad na siniko ni Dheenise si Freya. "Freya ano ka ba, labas na tayo diyan."
"K. Fine. Sinigawan niya ako, nagalit ako kaya sinikmurahan ko siya at sinipa sa kanyang---basta sinipa ko siya kaya napahiga siya sa sahig sa sakit, sisipain ko pa sana siya kaya lang hinigit niya yung paa ko kaya natumba ako at napaupo sa sahig, bigla namang lumabas ang buong school at naging instant celebrity ako. Tapos."
"Sinaktan ka niya?" Nabigla ako nang biglang nagsalita si Dean. "He hurt you?"
"Malamang, napaupo ako e." Hindi ko narinig ang sunod niyang sinabi kasi binulong niya ito sa sarili niya pero sure akong narinig ko yung pangalan ni Jane. Pagkatapos niyang bulungan ang sarili niya, agad siyang tumayo at umalis. "Excuse me." Wika niya.
"Aaah. So yun lang nangyari?" Paggulat sakin ni Freya.
"Lola, pagpasensiyahan mo na yung kaibigan kong 'to wala siguro magawa sa bu--"
Agad na nagsalita si Freya. "Okay lang Dheenise, tayo-tayo lang naman dito e. Ang gusto ko lang iparating sa'yo Lola ay hindi mabuting tao si Rice at mga tatanga-tangahan lang na babae ang tumatawag sa kanya ng Prince Rice. Inaamin ko, isa ako sa mga tangang babae niya and to think na nagkaruon kami ng secret relationship before is nakakasuka, ayoko lang naman na pati ikaw, maloko rin niya."
Whut?! Ex siya ni Kulangot? Imposible naman ata yun. Napatunganga nalang kaming lahat habang tinitignan si Freya, actually hindi naman lahat. Si Isabel kasi nagseselfie.
"Uy, bakit hindi ka nagsasalita?" Iniwave ni Freya ang palad niya sa mukha ko at bigla namang ginulo ni Harold ang buhok ko. "Ano ba?" Sabay siko ko sa kanya.
"Psh! Ang weird mo kasi, nakatulala." wika ni Harold.
"Aish, nagsasalita ka pa pala?" He rolled his eyes at me, ang taray lang.
Nabigla kaming lahat nang may nagharurot na estudyante papunta sa'kin. "Um, huhue...sino ba sa inyo... huhue... si Ms. Lavilles...hue..?" Tanong niya, sabay habol ng hininga. Ano ba nangyari sa kanya at mukhang kakatapos lang niya ng 1500m na takbuhan at teka, sino ba siya?
"Ako, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Miss, hahue... pinapatawag ka sa huhuee.... principal's office dahil sa vandal na huhuee... ginawa mo sa fifth huh... floor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro