Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - Malling With Marie

CHAPTER TEN - MALLING WITH MARIE

*The sun goes down, the stars come out,
and all that counts is here and now.
My universe will never be the same,
I'm glad you came.*

"Haaaaauuuh..." I yawned. Ugh, ano ba 'tong alarm clock ko nakakainis! Ang aga-aga, the stars come out 'yung mga pinagsasabi. Bumangon ako at in-off 'yung alarm clock ko--sandali lang, hindi naman tumunog 'yung alarm clock ko e'. Humaygosh! May nagmumulto ba sa'kin?

I slapped my face, message tone ko pala 'yung tumunog. I checked the time on my phone. Ang aga-aga pa ha, sino kaya'ng nagtext?

ғʀoм: Dean Mirasol

~Goodmorning, Cel!~ WAAAH! Si Dean nagtext! Gumaganda ang umaga ko!

(Goodmorning!! Wow, it's so early.)

~I woke up early now because I went back to my apartment. I'm actually here right now.~

(You live in an apartment?)Wow, sa tagal ko siyang naging classmate, ngayon ko lang nalaman na nasa apartment din pala siya nakatira. Sikat talaga ng mga apartments ngayon ah, kahit si Jane apartment din yung tinitirhan niya. Ako kaya, mag-apartment nalang kaya ako, ang layo-layo kasi ng bahay namin sa school.

~Yep, I hate living with mom, she sometimes irritates me.~

Another side na naman ni Dean 'yung ipinakita niya sa'kin, ay suplado rin pala. Hindi naman siguro, baka ayaw niya lang sa mommy niya. Ay tanga, sulplado tawag doon eh.

(Uy, Dean, respect your mom naman, afterall hindi ka naman mag-eexist kung wala siya.) Sa sobrang kagustuhan ko na magkaruon siya ng respeto ay napatagalog ata ako.

~Kung ikaw yung nasa posisyon ko, maiintindihan mo rin.~ Huh? Fluent rin palang magtagalog si Dean?! Pinahirapan niya pa akong umenglish! Kitang grammar yung Achilles' Heel ko!

(Langya!! Fluent ka rin naman magtagalog, nagenglish-english pa ako!)

~I didn't mean to-well anyway, sanay lang ako to speak in English palagi. One of my skills kasi is being bilingual.~ Aaah! Why are you so mayabang? Urgh, konti nalang turned off na talaga ako sa'yo.

(You are so mayabang kaya! Many in this world have that skill too kaya don't show off!)

~Huh? Showing off? Hahaha, I just said I have that skill, I never said I'm the only one who has that.~ Tae, nakakahiya naman yung mga pinangsasasabi ko roon. Waah, bakit ba mali yung pagkaintindi ko? Ayan tuloy.

( Ah, hehe, ganoon ba? Pasensiya na, antok lang ako siguro kasi ang aga pa ngayon e. Sorry, hindi kasi ako morning person.)

~Cel, can I ask you something?~

(Sure, basta siguraduhin mo lang na hindi ito about sa mga dramatic and tragic movies, kasi ayoko noon.) Pati narin 'yung mga cliche movies and Indie films. Ayoko ring sunagot kung tungkol sa tinapay yung pag-uusapan, born to love cake yata to.

~Hahaha, you're so weird talaga and funny. Pero malayo yung topic ng question ko.~

(Ano ba kasi yang question mo at bakit parang nagpapaligoy-ligoy ka pa?)

~Hindi to tungkol sakin, uh, tungkol to sa babaerong pinsan ko. Nakakahiya kasi 'yung tinatanong niya sa'kin at hindi ko rin kayang sagutan kaya I want to ask you since babae ka rin naman.~

For the third time, (Ano ba yung tanong mo at nahihiya ka pang sabihin?)

~Ano kasi, he's stuck in a situation in which he's in a relationship between two girls he never loved.~

Wow. Kailan pa ako naging psychiatrist na walang sweldo? (Eh, ano naman ang problema doon? Edi makipagbreak siya sa dalawa.)

~Hindi yun yung tanong. He's a well-known cassanova so obviously he's still gonna break-up with those things at the later part. He's asking on how he's gonna get out in that stupid situation without breaking up with these things.~ At things pa talaga 'yung ginamit niyang nickname sa mga babae!

(THE HELL IS WRONG WITH YOU?! WHY ARE YOU TOLERATING HIM? WHY DON'T YOU JUST TELL HIM TO STOP PLAYING WITH GIRLS BECAUSE THEY ARE NOT THINGS!) Heto na! Turned off na turned off na talaga ako kay Dean! How could he be so ignorant and arrogant at the same time. Why is he so carefree and so stupid when it comes sa mga sitwasyong ito?! Akala ko ba he's a genius! Nagkamali ako.

~He's a cassanova, Cel! I can't tell him what to do because he's older than me! Do you get what Cassanova means?~

(WHY ARE YOU SO IGNORANT AND A PLAYING SAFE COWARD?!)

Hindi na siya nagreply pagkatapos ko siyang sigawan, ay este, paulanan ng Caps Lock. Buti nga sa kanya para matuto siya, nasira tuloy 'yung araw ko sa kanya. What a dissapointment.

Since umaga pa naman, I was thinking to check out 'yung mga received messages ko about sa mga pinost ni Pamela yesterday. Ugh! It's all freaking death threats at kung hindi naman death threats, murder threats naman. Ano ba kasi ang reputasyon ni Pamela sa facebook at naniwala ang buong mundo sa kanya?

I quietly continued to scan the messages and silently deleted 'yung mga useless, uneducated messages ng mga malditang strangers na ito. At nakakita ako ng text from Mathew. Kahapon niya pa 'to siguro inisend, hindi ko nabasa kasi akala ko lahat ng mga unread messages na galing from random numbers ay galing sa mga bulag na alagad ni Pamela.

ғʀoм: 09-166-143-242

~Lola, this is Mathew. Nakita ko 'yung number mo sa post ni Pamela kaya I contacted you. 'Wag mo nang pansinin ni Pamela. I think this is all my fault dahil imbetado siya sa party ko. Isa siya kasi sa mga anak ng investors ng kompanya namin e', kaya kailangan invited siya. Anyway, gusto kong ibahin yung topic dahil alam kong ayaw mo siyang pag-usapan. Marie here was bragging na may date raw kayo sa mall bukas. Seriously? Pumayag ka? May sister is a pacman when it comes to shopping. Hehe, pero sabi niya raw hintayin mo raw siya bukas sa bahay niyo at 10:00am dahil susunduin ka niya diyan. Sorry, I gave her your address, she was threatening me kasi kung hindi ko ibibigay yung address mo. Wala e', mas matanda siya kaya wala akong magawa. Anyway, mabait 'yun kaya 'wag kang mag-alala, you're in good hands.~

Waaah! Ang haba naman noong text ni Mathew! Salamat sa kanya at naalala ko na umoo ako sa ate Marie niya for a shopping at mall. Muntik ko na talagang makalimutan, buti nalang pinaalala niya. Wait, teka? 10:00am?!

I hurriedly checked the time sa phone ko. "9:30am!" I squeaked. Hala, kailangan kong magmadali. Kailangan kong mag-ayos ng sarili dahil hindi pangkaraniwang babae ang makakaharap ko within half an hour! Kapatid siya ni Mathew, sosyal siya, maganda, mabait, masayahin at anak siya ng may-ari ng pinakamalaking paper company!

Well, kung si Mathew 'yung makakaharap ko, okay lang kahit pa siya 'yung tagapagmana ng August Paper Industry. Matagal naman kaming magkakilala e'. Aaaah, ano ba'ng nangyayari sa akin? Bakit ako nateturn-on kay Mathew kapag naalala ko yung title na nakatapik sa pangalan niya. Isang tagapagmana. Waaah! Erase! May girl friend na si Mathew, so shut up!

I snapped out, oo nga pala, kailangan ko nang magmadali. Ayokong magmukhang taong grasa sa harap ni ate Marie.

Dingdong! I think si ate Marie na 'yan. Naku, sana appropriae lang yung suot ko na dark blue shirt at black pants.

Pagbukas ko ng pinto, ayun nga siya at nakatayo sa kanyang yellow top na may puting jacket o kung ano man yung tawa doon? Blazer? Geez, ang boba ko talaga sa fashion. Naka long skirt siya na brown din yung high stilleto niya. Bagay na bagay rin sa kanya ang kulay honey niya na buhok at ang harstyle niya ngayon. Wow! Ang gandaniya talaga, kulang nalang malaglag yung panga ko sa sahig. Ang baby-face niya talaga, hindi mo aakalaain ni college-graduate siya.

"Lola!!!" She hugged me so tight na ikinagulat ko. Then she placed her hands on my shoulders. "What are you wearing? Have you forgotten we're going to a mall?"

Oh, this is so uncomfortable, sinabi ko na nga ba e'. Mali yung get-up ko. Ayan tuloy napagkamalan 'tong favorite blue t-shirt ko at black pants as a pambahay get-up. "Um, this is m-my get-up." Waah, napakatanga ko talaga sa fashion?

"Oh, I'm sorry, I didn't mean to--" Bigla kong pinutol ang sinabi niya.

"No, no, it's nothing. I'm just not good when it comes to fashion." Sabi ko. Nakakachallenge naman ito. Challenge sa fashion at challenge sa English! Bakit pa kasi sa Porcupine University pa ako nagschool? Bakit hindi na lang sa school ni ate na sa Darwin University. Bakit dito pa, kung saan akala kong kaunti lang yung mga English-speakers. oo, kaunti nga pero mukhang nakaibigan ko naman sila.

"Well, I'll teach you then." She smiled. " Why don't we go get you some dresses and we could go to the salon for a make-over--oh, I'm not saying you're not pretty, salon is just a polishing store. Come on, let's go, my treat." Then she smiled. Waaah! Ang bait niya, parang anghel talaga siya.

Hinigit niya ako papuntang sasakyan niya. Hindi na ako nagbother na magbabye ulit kay mama dahil nakapag-alam na ako sa kanya noong tumunog yung doorbell.

Iba ang sasakyan niya sa sasakyan ni Mathew. Kay Mathew, color dark brown na Porsche 'yung sasakyan niya at may driver, pero kay ate Marie naman, isang White Volvo at walang driver. Teka, kelan pa ako naging varsity sa pag-identify ng mga sasakyan?

"Ate Marie, wala kayong driver?" Tinanong ko siya.

"Um, I don't have a driver." Pinagbuksan niya ako sa sasakyan niya. "And please, I insist call me Marie. I drive. I'm 24, see..." Ipinakita niya sa akin 'yung driver's liscense niya.

"HUWAAAT?! You're 24?! Hindi halata sa mukha mo ate Mar-- este Marie!" I said sounding surprised. Totoo naman e, first time kong nakita siya, I thought, kaidad niya si Mathew. 'Yun pala hindi.

She giggled. Buti naman at nakakaintindi siya ng tagalog.

"Hmm, Red or Green? OMG! Why don't you try this, this and this. Oh wait, that one too!" Tinawag ni Marie 'yung sales lady para kunin yung dress na sinusuot ng manequin. Aah! Nakakailang talagang tawaging Marie si ate Marie.

Inilagay niya lahat ng damit na gusto niyang ipasuot sa akin sa isang cart. OO, GANOON KARAMI! Tama nga si Mathew, isang pacman si Marie when it comes to shopping!

Wala na akong sinabi, treat niya naman daw e'. Walang ayaw-ayaw sa taong nililibre! Papasok na sana ako sa dressing room noong tinawag na naman ako ni Marie. "Wait, Lola, add this dress to your cart." Tapos, may ibinigay siya sa'king isang biege na dress.

Aaah, ang dami naman, hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Excitement ba o mahihiya sa dami ng guso niyang ipatry sa'kin.

Lumabas ako sa dressing room, wearing the red dress. "Um, I don't think seductive colors fit you." Sabi niya sa'kin. "Try the other one, the green."

Makalipas ang dalawang oras nakalabas nadin kami sa store na 'yun having eight branded dresses, two pants, five fashionable tops, six charming bracelets, three bags, four wedges and one stilleto lang naman! Suot ko pa ngayon ang dress where half white sa ibabaw at parang light brown naman yung skirt. Gusto pa nga niyang bilhan ako ng mas marami pa pero I insisted na 'wag na. Geez, nakakahiya talaga!

Ang dami-dami ng binili niya sa'kin tapos 'yung binili niya naman sa sarili niya ay tatlong dresses at two bags lang. Grabe, nakakahiya, mukhang gusto niya atang palitan ng mga ganitong damit ang buong closet ko!

"So, Lola, did you enjoy?" Tanong niya sa'kin. Sino ba namang matinong taong hindi mag-eenjoy kung kasama mo ang isang jolly, friendly and rich angel sa mall?

"Yes, it's really fun having to spend my time with you. You are so nice and I can't stop thanking you for buying me all these beautiful things." I sincerely smiled at her.

"Nah, I really think you deserved that because you're sweet." Sabi niya habang naglalakad kami sa mall. Hindi po ito SM. Actually, hindi ko alam ang pangalan ng mall na ito. Basta, sobrang gara ng mall na ito. Habang papasok nga kami rito kanina nahihiya ako kasi lahat ng mga babae dito ay nakawear ng branded dresses at ako naman naka jeans. I think ginawa talaga ang mall na ito para sa mga mayayaman, mga sikat o mga big-time.

"Saan tayo next pupunta?" I asked her, feeling curious? Gusto ko na kasing umuwi e'. Baka paulanan niya na naman ako ng mga damit at kung ano-ano pa.

Chineck niya yung oras sa mala-prinsesa niyang gold watch. "Um, it's 12:20 already. I think it's time for lunch so we're going to a restaurant." Sabi niya.

Lakad kami ng lakad sa mall na'to at ngayon ko lang narealis na kahit saan kami pumunta, walang mga paggame-an dito. Puro mga mamahaling stores and restaurants pero walang gaming stores tulad ng WOF. Napagtanto ko na dito siguro pumupunta si Mathew kapag may gusto siyang bilhin kaya hindi niya alam 'yung WOF.

Risotto, Albarragena Jamon Iberico de Bellota, Wagyu Steak, Frittata... Ano'ng klaseng restaurant ba 'to? Anong klaseng mga pagkain ba 'to? Kinakain ba 'to ng mga tao? Pang-ailien kasi 'yung mga pagkain dito! Well, what to expect diba, ang looks palang ng restaurant parang pinacarve sa gold lahat. Ang weird pa ay hindi nakalagay dito yung price ng mga putahe. Restaurant ba talaga 'to?!

"Um, I would like some Samundari Khazana with Chateau Petrus wine, please." Pag-order ni Marie habang sinusulat iyun ng waiter na nakatuxedo suit sa papel niya. Tiningnan ako ni Marie. "Ano'ng gusto mong kainin, Lola? Just choose anything, my treat."

"Ah... hehe.." Gumanoon lang ako parang tanga tapos ibinaling 'yung tingin ko sa menu. "Marie, I'll have the same nalang sa order mo, pero instead sa wine, tubig nalang 'yung akin." Sabi ko, first time ko naman kasi sa restaurant na ito kaya hindi ko alam kung ano bang putahe ang masarap.

Tiningnan ni Marie ang waiter, "For two please, except that the wine, she's taking water instead."

"Is that all, ma'am?" Marespetong tanong ng waiter sa kanya.

"Hmm, I wonder what will I take for dessert." Sabay tingin niya sa menu. "I think I'll take the Frozen Haute Chocolate." Tiningnan ako ni Marie, "Do you like chocolates?" I nodded tapos sinabi ni Marie. "Two please."

"Two Samundari Khazana, one Chateau Petrus, one water and two Frozen Haute Chocolate, is that all, ma'am?"

"Yes, make it fast please."

The waiter in his tuxedo nodded. "Right away ma'am." Kinuha niya ang mga menu na hardbound from us.

Tama nga siya, pag-alis niya, may dumating na isa na namang waiter at ibinigy 'yung pagkain namin. Nakatago pa ito sa isang inveted silver bowl. Ang rangya naman.

Kumain kami ng kumain ni Marie. Main dish muna 'yung isinerve sa amin. Sabi ni Marie mamaya pa raw yung chocolate dahil dessert daw 'yun.

"Lola, I was wondering whether we could go shopping again sometime." Sabi niya. Why is she so angelic and good to me?

"Marie, may I ask you something." Sabi ko sa kanya. and she nodded naman. "Why are you so nice to me? I mean, this Monday lang tayo nagkailala and then you bought me so many stuffs and treat me in a Resataurant which I think is expensive."

Nagulat si Marie sa sinabi ko. Then she smiled. "I, I just like you Lola." Hindi ako naniniwala sa palusot niya. Maniniwala ba kayo sa isang taong nameet mo lang two days ago and then bought you so many stuffs just because she likes you?

I frowned tapos narin naman ako sa Main dish ko habang siya, patapos palang. Sinubo niya ang last na spoonful ng dish niya. "Okay, okay, I'll tell you the truth but please don't tell anyone about this."

Sobrang saya ko dahil at least sasabihin niya na sa akin ang tunay na dahilan. Since tapos na kaming kumain, dumating ang dalawang waiters carring our desser--WHAT THE F***! Tiningnan ko si Marie sa pinakamalaking mata ko.

WHAT THE F*** TALAGA! Akala ko chocolate 'yung dessert instead isang chocolae icecream sundae na may decoration ng tunay na gold and it was served in a goblet decorated with an edible gold. As if it weren't enough! May golden spoon pa na panggamit sa sundae.

"Okay, lets eat." Yun lang yung sinabi ni Marie, YUN LANG?! WHAAAAAT?! NASA HARAP KAMI NG ISANG GOLDEN CHOCOLATE TAPOS WALA SIYANG REAKSYON?! I stiffed, hindi ako makagalaw. Sana peke 'yung gold nito para dahil pagnagkataon, kukunin ko 'yung spoon at iuuwi sa'min!

"Let's talk after we eat this sundae, please." Walang angal naman akong sumunod sa sinabi niya.

Patapos na ako sa pagkain ng slice of Heaven noong iniwish ko na sana patay na ako. At the bottom of the sundae, there is an 18 karat gold bracelet with one carat of diamonds! GAWD, NASA HEAVEN BA AKO? PANAGINIP LANG BA 'TO?

"So, did you enjoy the dessert." I nodded, I'm so speechless. "You may takehome the bracelet and the spoon as our memory of friendship here.

"Haaa?! Pwedeng kunin yung spoon?!" Tanong ko at kung pwede lang lumabas na 'yun eye-balls ko, malamang nasa sahig na ito.

"Yes, it's a take-home."

I shook my head. Ano ba 'to, para akong tanang ewan dito. "T-thank you," I shook my head again. "Will we please continue our conversation a while ago."

"Yes, about why am I so friendly and nice to you." She said. "Yep, but you better not tell anyone about this."

"Okay. I swear."

"I really like you for Mathew." I was unable to move. ANO RAW?!

"What? You mean you didn't know he has a girlfr--" Napatigil ako sa sinab ko. Oo, nga pala, I promised Mathew to keep his secret.

"Mathew has what?"

"I mean, Mathew loves someone else, not me. So it's really impossible for us to end-up together."

"But, you're beautiful, sweet and I realy want you for him. Besides, I think you've got feelings for him too, right?" Right! Pero hindi strong feelings para pumayag ako sa gusto niya. Parang gusto kong isuka 'yung kinain ko.

Biglang dumating yung waiter na nakatuxedo. "Two million, seven hundred eighty-five thousand for your bill, ma'am." Hindi ko na talaga kaya, parang gusto ko na talagang masabugan ng nuclear bomb sa bibig! Two million pesos for a frigging lunch?! Seryoso ba siya?!

"Uh-Ma-rie-I'll-go-o-to-o-the-c-r-muna--" Parang tanga akong nauutal na sinabi sa kanya. I need to go the CR! I need silence! Ang bilis ng mga pangyayari.

"Comfort room? Sure, I'll be waiting here." Kalmadong sinagot ni Marie. Habang tumatayo ako, binigyan ni Marie ang waiter ng isang card. Then the waiter went away. Please tell me, this is a dream. Please tell me I'm dreaming...

Alam ko kung nasaan 'yung CR dahil naraanan namin 'yun ni Marie kanina habang nagshashopping kami. Pumasok na ako sa comfort room. I closed my eyes. Hay sa wakas, nasyntax error siguro yung mind ko kanina, ang sakit tuloy. I sighed and opened my eyes. O.O Whoops, wrong place, wrong time. Hindi mga cubicles at maaking mirror with flower vase 'yung kaharap ko ngayon kundi mga Urinals na iniihian ng mga lalaki. "Aaaah!" I hurriedly covered my face, turned back to the door and turned for the knob. Waaaaaah! Where's the knob?! I opened my eyes to look for it, pero instead, hinarangan ito ng isang pamilyar na lalaki.

"Woah, woah, woah, if it isn't Bunganga, we meet again!"

Sh*t, kung hindi ako nagkakamali, siya ang taong kumidnap sa akin, siya rin yung dangerous na epal na nag-on ng fire alarm at nagtangkang bugbugin ako for the second time kung hindi lang dumating si Dean.

Tumingin ako sa likod, thinking I could ask help from two more men inside this frigging male's comfort room. To my surprise, parang familiar din yung mga hugis ng mukha nila. I closed my eyes. This is totally the last place I want to stay. Naaalala ko na, sila 'yung dalawa sa tatlong mokong na kasama ng kulangot na'to noong nakidnap ako. Kulang sila ng isa pero kahit na, this is bad. This is so bad.

"So, akala mo dahil pinalagpas kita before Christmas break, bayad ka na sa utang mo ha. Ha. Ano, angal ka?" He stepped near me so I stepped back pero pagtingin ko sa likod, hinahawakan na ng tatlong mokong na ito ang kamao nila like they're just waiting for their master to tell them a go-signal.

Kinorner nila ako at pinalibutan. "Dahil sa'yo, pinarusahan nila ako to do something I really hate the day after tomorrow. it's all because of you!" Sigaw sa'kin ni Kulangot.

"O, Rice, ano bang gusto mong gawin natin sa magandang chick na 'to?" Ew, parang pagkain ang pangalan niya! Kulangot padin siya para sa akin!

Tiningnan niya ang nagsalita. "Unang-una sa lahat, hindi siya magandang chick. Isa lang siyang Panget na demonyo na sumisira sa buhay ko!" Sigaw ni Rice.

"Sige na! Hawakan niyo na siya at ipapatikim ko sa kanya kung gaano kasarap ang mabugbog!"

I was so speechless, hindi ko alam ang gagawin ko. Bilang isang normal teenage girl, hindi ko alam magtaekwando. Dali-dali naman akong hinawakan ng isang kasamahan nila.

"Woah-woah-woah, man, she's a lady, she doesn't deserve that." Sabi nang lalaking matangkad na pinuri ako bilang magandang chick.

"And what are you trying to say, Carlos? Papalagpasin ko siya sa ginawa niya?! Ha?!"

"You're a cassanova. The sweetest way of hurting a girl is by breaking them inside." Ugh, masusuka na ako sa mga idiots na ito kaya hindi ko napigilang magsalita.

"ON YOUR FACE, TANGGAP KO NA KUNG MAMAMATAY AKO SA BUGBOG NGAYON PERO TANDAAN NIYO ANG ARAW NA ITO, MUMULTUHIN KO KAYO HANGGANG SA MAWALA LAHAT NG KAALAMAN SA INYO! YUN AY KUNG MERON PA KAYO NOON!"

"URGH! PATAHIMIKIN NIYO NGA 'YAN! NAPAKABUNGANGERA TALAGA!!!" Sigaw ng bwiset na kulangot.

Mukhang tama ang desisyon ko na sumigaw. May nakarinig atang awtoridad sa labas ng boses ng babae sa men's restroom.

"Buksan niyo yung pinto o kusa namin itong bubuksan!" Sigaw ng isang security guard ata. Tiningnan ko sila at halata sa mga mukha nila na nagpapanick sila. Behlat nga sa inyo! "I will count one to three, paghindi niyo binuksan ang pinto, malalagot kayo!

Biglang sumenyas yung leader nila ng isang sign language na hindi ko maintindihan. Bigla nila akong binitawan at lumabas sila sa isang bukas na bintana ng Male's Restroom. Timing naman na pumasok yung Security Guard. "Nasaan sila?!" Pero bago pa ako sumagot, umalis na siya kaagad. "Urgh! Siguradong sila na naman yung kahapon! Argh! Crawford!"

Dali-dali akong lumabas ng CR at umalis sa nakakatense na eksena sa kanina. Hindi talaga ako tatantanan ng mga gag*ong iyun! Ang nakakainis pa is that we are in the same school! Urgh! No doubt na papatayin nila ako kaagad kapag nakita nila ako.

Mali ata yung desisyon ko na pumunta ng CR. I just need time lang naman na pag-isipan yung sinabi ni Marie sa akin. At yung makamilyong icecream na ibinigay niya sa akin. Bakit a kasi, magc-cr nalang, sa men's restroom pa ako napunta at nandoon pa yung mga kaaway ko. Ang tanga-tanga ko talaga!

"Oh, Lola, what took you so long? I was so worried. I thought you've been attacked by bad people na." Yeah right, nagdilang-anghel ka nga.

"I'm so sorry. I was--" Sasabihin ko ba sa kanya about sa nangyari kanina? I mean, baka lumala pa ang lahat. I mean she is a very rich woman at kung sasabihin ko sa kanya baka lalong gumulo ang lahat. Baka mamaya ipapapatay niya pa yung mga enemies ko. Kahit gusto ko nga silang mamatay, may puso rin naman akong natira for them. Black lang siguro 'yug kulay, pure hate. "I was removing my bowel." Sh*t naman o'. Tama ba 'yung palusot ko?

"Oh, okay." Marie believed me so fast because I'm such a big incredible liar.

We talked and talked about things. Ngayon ko lang rin nalaman na mahili pala siya sa mga aso, kaso hindi siya bumibili dahil may allergy si Mathew sa mga aso. Meron palang mga ganoon? Mahal na mahal niya talaga 'yung kapatid niya at kahit mas matanda siya kay Mathew, hindi siya nagagalit kahit si Mathew 'yung pinamanahan. "At tsaka, hindi ko rin naman type maging head ng isang kompanya e'"

Nagcontinue lang yung conversation namin hanggang sa nagtalk na kami tungkol sa Birthday Party ni Mathew. "Have you seen those two girls that made a scene in Mathew's Party?"

"Do you mean Pamela and Cathlyn?" I asked politely.

"If they wear a yellow with a weird slith and green with a mashed hairstyle, yeah, that's them." She said. "Oh, I hate it when they almost made a scene, luckily I saw them running up the second floor so I called the guard." Waaah! So siya pala yung angel ko? Haha, thanks talaga.

"They were actually going to kill me just because we wear the same dress!" I said.

"What? So they wear after you? Good for you I sent them away. Now, there's nothing to worry."

I was about to smile and say yes pero may dalawang mongrels--ay este--babaeng nagsalita. "OMG, girl, isn't that Lorraine Lavilles? The girl who took Ark Radke away from Pamela?"

"Yeah, girl I think she's the one who took him from her."

"Geez, she may be pretty but she's a slut!"

"Hey, hey, hey! Watch your mouth you dirty little skunk!" Tumayo si Marie at pinuntahan ang dalawang babae na naka-upo beside our table.

"M-Marie? You are a Rosales, r-right?" Sabi noong isang babaeng tinawag akong slut.

"Yeah." Tinaasan siya ni Marie ng kilay. "One call from my body guard and both of you are dead!" Wika ni Marie.

"Geez, girl, we better go, I heard the Black-Rosales family are the second riches family here, this is gonna be bad." Sabi noong girl then she and her companion hurriedly walk away.

Marie went back to our table. "Why did they just call you slut?!" Huwag mong sabihin she really believed those gits.

"No, no, no, don't tell me you believed them." I said.

"Then tell me the truth! What are those skunks talking about?"

"It's the Pamela-girl." I sighed. Mas mabuti nang malaman niya ang katotohanan kesa bawiin niya pa 'tong ipinamili niya sa'kin. Sayang din. Tsaka, she's so nice to me. I don't want to ruin the friendship she's building. "Pamela hated me so much at Mathew's Party so she posted something on Facebook. She told everyone that I seduced Ard Radke which she claims to be her boyfriend and now everyone thinks I'm a whore!" Nakakainis talaga 'yung Pamela na 'yan. Marie stayed silent, pinaprocess niya pa siguro ang mga pinangsasasabi ko. "Pamela and Ark doesn't have a thing, you know. Pamela is just jealous because Ark asked me as his date. Everything that everyone says is not true. I never even had a boyfriend or seduced one. Yuck!"

Marie sighed. Finally she understood everything. Then she got out her phone from her bag. "I'm sorry, I want to see what she posted, please, I can help."

Agad kong ipinakita sa kanya ang post ni Pamela and she was so shocked. "I get it and I can see here that Mathew believes you. I have a lawyer, this is cyber-bullying, we could make a case."

"But I don't want war, surly, Pamela's gonna have another revenge one way or two."

"Do you want your reputation back?"

"Yes but probably in a less-traumatic, less-lawic way." Wika ko.

"Trust me, In no time, these skunks will bow down and say sorry to you." I looked at her with the weirdest expression in my eyes and disbelief. Paano niya naman gagawin 'yun. Seriously? Pero ang bait niya talaga ha.

"Well, you've done so many nice things to me. thank you so much!" Sabi ko sa kanya sincerely.

"We're friends now, right? You can count on me." I really want to cry. Waaaahuhuhuha. Thank you so much!

Pagkatapos ng sobrang hassle na Malling. Siyempre, sobrang sakit na ng paa ko, pinawear niya kasi ako noon ng high na wedge eh. "Okay, Lola, don't forget my fashion tips for you especially--"

Pinutol ko siya, "--Yes, yes, light top, dark below or vice versa." We both smiled and binesohan niya ako pero bago siya pumunta sa sasakyan niya. "Think about Mathew." Yeah right!

ғʀoм: Dean Mirasol

~I'm sorry, let's not fight please.~

Aww, kaya rin pala niyang magpakumbaba, ang bait niya talaga. (It's all fine, apology accepted. I don't want to fight to.) Kilig na kilig akong humiga sa kama ko.

~I agree with you princess. And I'm apologizing again for my behavior this morning.~ Yieee! Bati na kami ulit. No more fights and no more caps lock.

After all, napag-isip isip ko na hindi naman pure masama si Dean dahil ang tunay na definition ng masama ay yung mga bad guys at si Kulangot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro