-----CONTINUATION-----
Minulat ko ang mga mata ko. Saan na ba ako? Bakit ang daming alikabok sa paligid ko? Tapos 'yung mga walls gawa sa kahoy. Teka, nasa barn 'ata ako. or yah, I think so... Ha!!! Nasa barn ako?! Ano ba ang ginagawa ko dito at bakit, nakaposas ang mga kamay ko sa likod ng upuan?! ANAK NAMAN NG HAZELNUT!!!! Nakidnap 'ata ako! Oh no, baka masasamang tao dumukot sa akin, ano ba ang kailangan nila!?
Mga posibleng gawin nila sa isang teenage girl na katulad ko:
a. Kukunin nila kidney ko;
b. Kukunin nila liver ko;
c. Kukunin nila pagkain ko sa bag;
d. Kukunin nila 'yung bigay na teddy bear sa'kin ni Mathew;
e. Magjajack and poy kami ng mga kidnappers;
f. Kukunin nila numbers ng mga magulang ko at humingi ng ransom;
g. )*%@#^&
Oh no! ayoko sa letter g. Virgin pa ako 'no tapos gusto ko sa one true love ko 'to ibibigay which is hopefully si Dean, ayoko sa kanila. HELP HELP!
"TULONG!!!" Sumigaw ako at the top of my lungs and when I say at the top of my lungs, hmm, it could break a car glass.
"Uy, gising na pala tong alaga natin." Eew, watta-language. Parang telenovela lang ha.
"Alaga, alaga mo mukha niyo! You guys are so ugly to live!" Sinigawan ko sila. Hindi naman sila marami, apat lang siguro na mga lalaki. Nakakapagtaka nga eh, parang kasing age ko lang sila.
"HOY BABAE, HINDI MO BA AKO KILALA?" Sinabi 'ata nang master nila.
"DUH! MAY UTAK KA BA, PAANO KITA MAKIKILALA EH NAKAMASK KAYO!"
"Hahaha, mukhang wala kang panlaban sa babaeng 'yan ha." sinabi ng kasama niya.
"SCOOTCH TAPE! BIGYAN NIYO AKO NG SCOTHTAPE!" Sabi noong master nila.
"HOOOOOY, BIGYAN NIYO RAW SIYA NG SCOTCHTAPE, LALAGYAN NIYA BUNGANGA NIYA KASI TUMATALSIK 'YUNG LAWAY NIYA!" Tumawa ang mga kasama niya. Oo, mahiyain ako pero kung ito naman lang ang huling oras ng buhay ko, itotodo ko na 'no. Mas mabuting insultuhin ko ang mga kidnappers kesa maghintay sa time of my death.
"Ah, wala po tayong scotch tape." Sinabi nang isa pang kasamahan niya.
"ANG PALPAK NIYO NAMAN, NANGINGIDNAP KAYO, WALA NAMAN KAYONG SCOTCH TAPE!!!!"
"WILL YOUR MOUTH JUST F*CKING SHUT UP. WILL YOU JUST SHUT YOUR F*CKING BUNGANGA DOWN!!!" Sumigaw 'yung master nila, nainis siguro sa'kin. Natakot ako sa boses niya, parang thunderstorm. Parang kakainin niya ako nang buhay, kaya tumahimik nalang ako at niroll ko nalang 'yung mga mata ko as a sign of 'whatever'.
"Gawin na natin to para matapos na." Lumapit 'yung dalawa sa akin. Wait, teka lang ha. ANONG GAGAWIN NILA SA AKIN?!
"Mabilis lang 'to, Bunganga, don't worry " Sabi noong evil master nila.
"Hoy, kulangot! Anong gagawin mo sa'kin?" Natatakot na nagsalita ako habang ngumingiti-ngiti siya.
"Bubugbugin ka lang namin, inutusan lang kasi kami, may deal kasi eh." Ha?! Bubugbugin? Ayaw kong mabugbog, babae lang ako.
Tataasan na sana ako ng braso noong kasama ng boss noong biglang bumukas ang pinto at dumating si — huh?! Si Ark?
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Biglang kinarate kid ni Ark 'yung tatlong kidnappers. Tapos 'yung master naman ng mga kidnappers hindi mapakali, hindi ata alam 'yung gagawin until such time na tulog na 'yung tatlong kidnappers. Linapitan ni Ark 'yung master kidnapper tapos tumakbo yung kidnapper palayo. Hinablot ni Ark yung takip niya sa mukha.
Nakita ko yung mukha niya dahil nakaharap siya sa akin. Si Ark, I think hindi niya nakita. Tapos biglang umalis yung kidnapper. Parang familiar nga 'yung mukha noong master kidnapper e.
Si Ark nga pala, napapabalitang may crush daw sa akin pero hindi naman lumalapit sa akin para manligaw. Lower year siya sa amin, in short, second year siya. Paano ko nalaman na may crush siya sa akin? Simple. Edi may nagchismis sa'kin.
Palaging pumupunta 'yan si Ark sa classroom namin, hindi para lapitan ako, kundi para hingan ng kung ano-ano 'yung cousin niyang si Isabel. I agree na gwapo siya. Medyo foreign-ish 'yung ichura niya pero hindi ko siya type e.
Lumapit na siya sa'kin. "Ate Lorraine, okay lang po ba kayo?" Nakakainis naman, bakit ate 'yung tawag niya sa'kin? Hindi naman ako masyadong matanda para maging isang ate.
"Naku, okay lang ako, salamat nga pala." Nagpasalamat ako sa kanya habang kinakalagan niya ang tali sa kamay ko. Grabe, ang daming nangyari sa araw na 'to!
"Ummm, hatid na kita sa bahay niyo, ate Lorraine." Ughh ang pangit talaga pakinggan ng ate Lorraine, eew!
"Umm, Ark, pwede pahinging pabor". Tumingin siya sa mga mata ko. Sana hindi niya mapansin 'yung eyebags ko at maturn-off siya sa akin. "Pwede 'wag mo na akong tawaging ate Lorraine?Pwede Lorraine nalang, ampangit kasi pakinggan."
"Ah, sige ho, Lorraine." Tinigilan niya nga ang pagsabi ng 'ate', ginamitan niya naman ako ng ho at po. Ganoon na ba talaga kapangmatanda 'yung hitsura ko?
"At please huwag ka ng gumamit ng po, ho at opo sa'kin. Treat mo na lang ako bilang kaedad." Prinangka ko nalang siya.
Nagsmile siya sa akin. "Magkaedad naman talaga tayo, nagrepeat lang ako hehe." at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Itim na Volkswagen ang sasakyan niya at katulad ni Mathew, may driver din siya. Hayaan mo, ang daming mayayaman sa mundo.
May apat na taong nakaupo sa sasakyan, 'yung driver, ako, si Ark at si Katahimikan.
After two minutes of silence, "Ah, paano mo pala nalaman na naroon ako sa barn?" Tinanong ko siya.
"Ah, k-kasi a-ah e-eh kasi..." Bakit kay nagu-utter siya?
"Ark?" Sinambit ko ang pangalan niya. Nakakapanibago ang pangalan niya.
"a-e- a-e kasi-eh-o-ah" So, mag a-e-i-o-u nalang siya?
"Sige na nga, kung ayaw mong sabihin, okay lang." Nadissapoint ako sa kanya. Alam kong wala naman ako sa posisyon para maging dissapointed. Pero bakit ba ayaw niya sabihin 'yung rason kung paano niya ako nakita."
Bumalik ulit si Silence... Bakit ba palaging may katahimikan? Ang awkward too much... nakakainis.
"Kasi, Lorraine, naoverheard ko si ate Isabel at ang mga kaibigan niya." Sinasabi ko na nga ba, sila 'yung may kasalanan kung bakit ako nakidnap eh!
So hindi lang pala ako iniwan ni Isabel sa friendship namin, hindi lang ako broken, betrayed pa ako. Ipinabugbog niya pa ako para lang kay Mathew. Urgh! Nakakainis siya, sasabunutan ko siya sa girl's C.R pagnakita ko siya.
Pasensiya na sobrang shy, ayaw sabunutin ang kaaway sa maraming tao ;)
"Pasensiya na talaga, Lorraine ha." Tumingin ako sa kanya at nagsmile. "Naku, wala 'yun." Grabeh, nagawa ko pang sabihin 'yung mga salitang 'yun. NAKAKASUKA. Hindi 'yun okay, HINDI OKAY. Muntik na akong mabugbog tapos papalampasin ko lang 'yung ginawa sa'kin ng ex-BFF ko. Pwes, humanda ka sa Monday, Isabel Antonette Gusilaw!
Anyway, bago pa ako sumabog, inhale, exhale. "Bakit mo pala ako tinulungan?" ambisyosa ko 'no, gusto ko kasing sabihin niya na mahal niya ako kaya niya ako tinulungan.
"Ah, kasi mahal — " Uy, mukhang magcoconfess siya sa akin. :D. "Kasi mahal ko ang mama ko, gusto ko siyang maging proud sa anak niya at tsaka gusto ko rin magamit ang lahat ng pinag-aralan ko sa TaeKwonDo."
Aww, sadface, hindi niya sinabi. "Nagtataekwando ka pala." Tinanong ko siya.
"Ah, oo, since I was 8 years old."
"Grabe kaya pala ang galing-galing mo kanina. Ano na bang color ng belt mo?"
"Brown." Wow brown-belter, so that explains kung bakit wala siyang natanggap kahit ni isang pasa man lang sa mga kidnappers. Ang galing niya. "Ito na ba bahay niyo?"
"Ah, eh, oo, salamat sa paghatid. Bye, Ark." Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at mabilis na bumaba. Siguradong galit na si mama dahil late na ako sa curfew ko.
"Bye, Lorraine." Pagkatapos noon, umalis na siya. Mga ilang segundo pa bago ko narealise—TEKA PAANO NALAMAN NI ARK NA DITO AKO NAKATIRA?! Sa pagkakaalam ko wala naman akong sinabi kanina ha. OMG, hindi kaya stalker ko rin siya. Grabe, lumalala na 'tong pagiging ambisyosa ko ha.
Bago ako pumasok sa bahay namin. Chineck ko muna 'yung oras ko sa watch ko. 11:00. Naku, malapit na palang maghating-gabi, patay ako nito kay mama.
Pagbukas ko ng pinto — "HOY BABAENG WALANG HIYA, HINDI MO BA ALAM KANINA PA AKO NAGHIHINTAY SA'YO?! SAAN KA BA NANGGALING?! ISANG ARAW BA EXAM MO?! HOY!!! SA PAGKAKAALAM KO ENGISH LANG 'YUNG EXAM MO. ANO BA?! SAGUTIN MO AKO!" Sinigawan ako ni mama.
"Ah, kasi mama, may nangyaring masama sa'akin." Totoo naman eh, nakidnap ako.
"AT SUMASAGOT KA PA?!" Ano ba 'tong si mama, sabi niya sumagot ako at nang sumagot ako, pinagalitan ako. "NANGYARING MASAMA, AT NAGDADAHILAN KA PA" Sarcastic na sinabi ni mama. "SA KWARTO!!" sabay turo ni mama sa stairs. Kung hindi ba obvious, nasa second floor ang kwarto ko.
Nakasimangot akong pumunta sa kwarto ko. Hay, what a day, nakakainis, andami-dami talagang nangyari sa araw na ito. Itutulog ko na nga lang ito.
End of Chapter 03 - World Of Fun |part 3|
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro