Chapter 6
Paglisan
Renn's POV
Kinausap ako kaagad ni Mama pagdating ko sa bahay. Ginabi ako ng uwi dahil nagkaroon ng problema sa kotse namin ni Quintin. "So did you say your goodbyes sa SWEETHEART mo?"
Hindi ko siya kinibo. Lalong bumigat ang sama ng loob na dinaramdam ko sa kaniya. Nilagpasan ko lang siya pero napahinto ako nang bigla ulit siyang magtanong.
"Bakit parang wala kang reklamo?"
"Pwede bang wala nang tanong, Mama? Pabayaan mo na ako please!" napapadyak ang mga paa ko sa inis. Dumeretso ako ng lakad.
Muli akong napahinto nang sumigaw si Mama. "Hoy Renn hindi kita pinalaking suwail! Wala dito tatay mo kasi kailangan niyang magpagamot doon. Pero kung narito siya malamang pinagalitan ka na rin niya."
"Mom ayokong magwish ng masama sa'yo pero sana ikaw nalang nagkasakit!" nadala ako ng emosyon ko na sinigawan ko na lang siya. "Kasi alam mo, dati mo pa siya niloloko! Dati mo pa siya pinapaikot. At kung siya narito gagalangin niya ang desisyon ko hindi gaya mo na wala kang iniisip kung hindi sarili mo!"
Sa sobrang galit niya sinampal niya ako. Wala akong naging reaksyon kahit katiting na pag-aray. "Bastos ka! Hindi mo na ako ginalang, gusto mo pa akong magkasakit! Ganiyan ba talaga ugali mo?"
"Kung kilala mo talaga ako, alam mo ang makabubuti sa'kin. Sobra na akong napipilitan pero pinipilit kong intindihin ka." sinampal man niya ako nang pisikal pero sinampal din siya ng reyalidad para gisingin ang utak niya. I may be younger but atleast I'm aware sa mga ginagawa niya sa'kin at 'yon ang hindi niya magagawa.
***
It's already 3:00 AM at wala pa akong tulog. Nakaka-awa si Cat dahil alam kong hindi niya kayang bitawan ang relasyon namin. Napilitan lang talaga siya.
5:00 AM ang alis namin kaya hindi na ako natulog.
"Renn? Sorry sa mga sinabi ko kanina." mahinhin na sinabi ni mama sa akin kahit alam kong galit na galit siya sa mga sinabi ko.
"It's okay mama naiiintindihan ko naman. Maghanda ka na at mamaya na tayo aalis. Ako din mama maghahanda na'ko." malungkot na pagkasabi ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang awayin. Hindi man kami close, hindi ko rin siya matiis dahil masasaktan rin siya.
5:00 AM umalis na kami sa bahay dahil 6:00 ang aming flight papuntang America. Halos mapuyat ako ngayong araw dahil hindi ako natulog. Bahagyang sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari.
Sa kotse, magkahiwalay kami ng upuan ni Mama,
malamig pa rin ang pagtrato namin sa isa't-isa. Biglang tumawag si Quintin sa cellphone ko habang tahimik kaming nagb-byahe.
"Hello Quintin? Ba't ang agap mong gumising?" tanong ko sa kaniya nang may pagkahina.
"Uhm Renn tumawag si Mommy sa'kin. Tito Vincent is healing. He's body has a lot of improvements sa paglalakad." natutuwang sinambit ni Quintin kahit halatang bagong gising pa lang siya.
"Sige Quintin salamat sa balita!" masayang sabi ko sa kaniya. "Sabihin mo kay Tita Jannah, salamat sa efforts niya. Papunta na kami sa airport ngayon."
Binaba ko na ang telepono ko biglang nagtanong si mama na halatang excited rin at curious."Anong sinabi ni Quintin?"
"Mama, si Papa magaling na. Hinihintay niya tayo sa bahay." matamlay kong sinabi habang iniiwasan ng tingin si Mama.
Sa sobrang tuwa ko nayakap ko si mama kahit na may pag-aaway kami. Aksidente lang ito at agad akong napabitaw. Nagpatuloy ang pagsusungit naming dalawa.
Matutuwa na muli sana ako hanggang sa naalala kong muli si Cat. Talaga namang mahirap iwasan siyang isipin pero hindi ko siya kalilimutan. Patuloy siyang magiging bahagi ng buhay ko.
Around 5:30 nakarating kami sa Airport hanggang sa umalis na kami nang masaya.
Catalina's POV
Sa sobrang lasing ko tanghali na'ko nagising. At nang tumingin ako sa orasan, 10:30 ako nagising! "Jusko malelate na'ko sa bakery! Wait lang? Nasaan si Renn? Si Renn? Umalis na siguro siya iniwan na niya ako."
Panic mode, on.
Hinanap ko ang phone ko. Kakapa-kapa ako sa kama habang nagpapanic. Tawag ako nang tawag kay Lola at Drea pero walang sumasagot. Bahagya pa akong nahilo dahil may hang-over pa yata ako.
Naligo ako at nag-ayos nang mabilisan para lang mapuntahan sina Lola sa bakery. Ginamit siguro ni Drea ang kotse dahil wala sa tapat ng bahay kaya nagjeep pa ako nang 'di oras papunta sa bayan.
Nang makarating ako sa bakery, nakita ko sa bakery na nagtra-trabaho si Lola. "Jusko si Lola. Catalina ano bang ginagawa mo? Bakit ba ganiyan ka? Sa sobrang kakaisip mo kay Renn, nalilimutan mo na ang bakery." sabi ko sa sarili ko.
Agad kong pinuntahan si Lola at inalalayan paupo. Kinuha ko ang mga gamit na hawak niya at ipinagawa sa iba. "Lola bakit ka nagtra-trabaho?" tanong ko na may pag-aalala.
"Abay ikaw ba naman ay hindi magising kanina at ang sarap ng tulog mo." bahagyang nagdabog at nagalit sa'kin si Lola. "Dahil kay Renn napapabayaan mo ang sarili mo. Pupunta lang siya sa America, iba na naman ang teknolohiya ngayon. Alam kong nasaktan ka rin pero sana man lang inisip mo din ang mga taong nasa paligid mo."
"Sorry na Lola. Hindi ko sinasadya nadala lang ako sa nangyari. Promise Lola hindi na mauulit." humingi din ako ng tawad sa kaniya kasi naaawa din ako sa kaniya.
Napapatulala na lang ako sa sobrang lungkot. Kung minsan ay nanghihinayang ako sa mga panahong pinagsamahan naming dalawa. Hindi ko maiwasang isipin siya pero kailangan ay hindi na para hindi na rin maabala ko ang puso kong nasasaktan.
Lumipas ang mga oras, inilaan ko ang buong lakas ko para hindi na masyadong isipin si Renn. Pero sa kahit saang anggulo ng bakery-cafe na 'to, lagi kong naalala ang mga masasayang ala-ala namin. Hanggang sa magsasara na nga kami ng bakery.
Sawa na kami sa ibinubuga ng aircon ng bakery kaya balak namin ni Drea na magpahangin. Malapit na rin ang bayaran ng bills at pasweldo sa mga empleyado ko kaya nagtitipid na rin kami sa gastusin.
"Galing talaga ng bakery Cat! Kahit na malapit nang magsara ang dami pang bumibili. Ano bang secret recipe?" tanong ni Drea dahil parang nagtataka lang siya bago kami maglakad palabas ng pinto.
Umikot-ikot ako at inobserbahan ang paligid. Ang ipinagtataka ko ay bakit nakapila si Trisha? Baka gusto niyang bumili? Nakipagbreak na siya kay Aidan? Imposible. Aha! Gusto niyang malaman ang secret recipe.
Curious siya dito dahil kapag nalaman niya ito, magagamit nila ito ni Aidan para mapaunlad ang bakery nila na hindi ko naman hahayaang mangyari.
Lumapit ako kay Drea upang may ibulong. Kunwaring binaggit ko sa kaniya ang secret recipe. "Hoy Drea, si Trisha'y nakapila. Kunwari binubulong ko secret recipe sa'yo. Hayaan mo na lang maghinala para walang mapala kapag may ginawa."
Trisha's POV
Secret recipe ba kamo? Kailangan kong malaman ito at baka sakaling umunlad ang bakery ni Aidan. Kapag maunlad ang bakery ni Aidan, mas maraming pera! Ang ganda ng plano mo Trisha, kasing ganda ng pagmumukha mong mas sasapaw pa sa artista.
Pak! Kabog! Ultimate plan, ready na!
"Ba't ka narito?" tanong ng kaibigan ni Catalina na may halong pagsusungit.
"Bibili ako bakit masama?" sumagot ako para hindi maghinala. Ang original plano kasi namin, alamin ang nagpapasarap sa tinapay nila by tasting it, pero I got a better plan na dahil sa kanila.
"Wala lang sige anong bibilhin mo?" tanong ulit niya na parang may pagtataka.
"Uhm itong pandesal na may cheese bente pesos lang." itinuro ko sa kaniya ang cheese na nasa glass displayer. Masama ko siyang tinitigan habang tumataas ang isang kilay ko sa kaniya.
Ibinigay niya ang pitong pirasong pandesal na nakabalot sa paper bag. Tres ang isa marahil sa kanila kapag may cheese, kapresyo lang ng sa bakery ni Aidan.
Pagkatapos kong umorder nagpunta agad ako sa bahay ni Aidan. Hindi ako nagpahalata dahil kung pupunta ako sa bakery ni Aidan baka awayin pa nila ako at magkaroon ng issue.
Pagpasok ko ng pinto bumungad si Ayeza hawak ang mga make-up kits at mga branded clothes na nakalagay sa bag. "Ate Trisha, eto tingnan mo bumili ako ng mga make-up kits at mga damit sa mall." natutuwang sinabi niya.
"Teka nasaan ang mommy mo? Nasaan si Tita Corinna? Paano ka nakapunta sa mall mag-isa?" tanong ko nang may pag-aalala.
"Ehhh saa ano pooo kaseee anooo..." parang kinakabahan siyang magsalita na parang may tinatago siya.
"At saan galing yung perang ginamit mo?" tanong ko ulit.
"Hindi po kayo magagalit ha? Nakita ko po yung wallet na kulay black sa sofa, akala ko po akin yun. Black kasi yung bagong wallet ko kaninang umaga bago ako pumasok. Tapos nung makita ko may laman siyang 5k kaya po ginastos ko kasi akala ko akin. Nagpunta po kami sa mall ng mga kaklase ko at inubos namin yung 5k." paliwanag niya
"Ano?! 5k ang laman?! Sige pasok ka na muna sa kwarto mo at iligpit mo mga dala mo. Pero patingin muna nung wallet mo." bilin ko sa kaniya.
Umalis si Ayeza at ibinigay niya sa'kin ang wallet. Laking gulat ko nang makita ko ang wallet. Hindi ako makapaniwalang halos magkapareho ang wallet naming dalawa kaya nagtataka ako kung bakit nawawala ang 5k ko at ang laman lang ay 200.
Same brand, Gossip ang tatak. Same color, black na black. Pero hindi pareho ang laman! Dakilang spoiled bad b*tch talaga 'yang si Ayeza, manang-mana sa kaniyang ate Trisha.
Ibig sabihin ay nagkapalit nga kami ng wallet! Gusto kong mainis at gusto kong sumigaw pero inintindi ko nalang si Ayeza dahil siya nalang ang pag-asa ko para perahan si Aidan. Pero 'di bale na dahil aalamin ko ang secret recipe ng kanilang bakery para kapag maraming kita ang bakery ni Aidan, maraming pera si Trisha.
More money means happiness. Kasabihan lang naman ang money can't buy you happiness kasi masaya ako kapag may pera. Baka gawa-gawa lang ng illuminati ang kasabihang 'yon.
Renn's POV
Finally after sixteen hours nakarating na kami sa America kahit masama ang loob ko. Natutuwa pa rin ako na makikita ko na si Papa finally after three years.
Natulog ako habang nagbya-byahe kaya okay na'ko. Magaan na rin ang pakiramdam ko pero mabigat pa rin ang problema ko.
Nagpunta kami sa bahay na tinutuluyan ni papa and finally natalo niya ang sakit niyang Lung Cancer. Magandang balita pero masama pa rin loob ko kay mama.
"Kumusta na ang aking nag-iisang anak? May girlfriend na ba? Sana naway may girlfriend na para magkaka-apo na'ko." sabi ni papa nang masaya pero ang totoo hiniwalay ako ni mama sa girlfriend ko.
Sa loob ng tatlong taon, hindi man lang nalaman ni Papa na may girlfriend na ako. Hindi rin kasi ako madalas sa social media, tahimik lang ako do'n at walang naip-post na picture kasama si Cat. Pero kung kay Cat ang pagbabasehan, punong-puno ang timeline niya ng mga pictures namin kahit hindi ako naka-tag.
"Uhm Vincent naman hayaan muna natin si Renn na mag-aral para naman makahanap naman siya ng girlfriend pagkatapos niyang mag-aral." natutuwang sinabi ni Mama.
Lalo akong nagalit sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin ang totoo pero hayaan ko na muna siya. Ayos naman ang lahat except kay mama na laging nagbibigay sa'kin ng sama ng loob.
Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa recovery ni Papa. Nagkaroon ng kaunting salu-salo dahil naghanda si Tita Jannah ng dinner.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro