Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Desisyon

Catalina's POV
Sa gitna ng pagt-trabaho ko, habang nasa bakery ako, nagtext si Renn. Isang notification ang tumunog at nagvibrate mula sa cellphone ko.

Message from: Renn Fernandez

Renn:
Cat gusto kong sabihin na within this week,
aalis na kami at wala na tayong magagawa. Gusto ko na huwag nating labagin si mama at sa pag-alis ko susundin natin ang gusto niya nag magbreak na tayo.

Catalina:
Oo Renn susundin natin ang gusto ni Tita Janice. Alam kong hindi lang ako ang babaeng mamahalin mo. I'm sure na marami ka pang mahahanap na iba bukod sa akin. Magkita tayo mamayang 1:00 PM sa  bakery may sasabihin ako.

Renn:
Sige salamat Cat at sinunod mo utos ni Mama. Kahit masakit ay ginagawa mo 'yon para sa'kin. Pupunta ako sa sinabi mong lugar.

Catalina:
Salamat Renn! Ilove you!!❤️

***

Pinapunta ko siya sa bakery at dumating siya.
Sa pagdating niya agad ko siyang niyakap ng mahigpit na parang hindi ko na siya papakawalan. "Ang mga iyan ang magpapalaya sa iyo. Mula sa araw na ito, wala nang mamamagitan sa'tin."

Bahagya akong nasaktan na para bang may kumurot sa puso ko nang sabihin ko 'yon. Parang kay daling makipaghiwalay sa kaniya kaysa mabuo ang mga masasayang ala-ala namin.

"Kung iyon ang gusto mo hindi kita tatanggihan." sabi ni Renn habang hawak ang mga kamay ko. Isang luha ang pumatak sa mga kamay ko at nakaramdam ako ng pagkapaso rito dulot ng hinanakit. "Pero sana, maging maganda pa rin ang relasyon natin."

Luha ang lumabas sa mga mata ko habang ibinubuhos ko ang mga emosyon ko sa mga balikat niya. Muli ko siyang niyakap. "Gusto kong maging magkaibigan pa rin tayo. Ituring mo akong parang bestfriend. Hindi mapuputol ang samahan nating dalawa."

"Oo naman," ngumiti si Renn kahit nasasaktan. "Malay mo, magkabalikan tayo sa future. Pareho tayong nasasaktan sa pinili nating desisyon. Pero lalo tayong masasaktan kung hindi natin 'yon gagawin."

I couldn't agree more. It was the hardest part for us pero It was the best decision that we could make. "Thank you for three years. See you for more years."

Sa gitna ng masasakit na nangyayari, narinig at nakita kami ni Drea kaya agad siyang nagtanong. "Cat hiwalay na kayo? Why? Pwede namang hindi na, pwede namang gumawa pa ng paraan."

"Yes hiwalay na kami para sa parents niya. Para wala nang masaktan at magalit sa amin." sagot ko kay Drea.

"Hoy Cat!! Hindi siya makatarungan kailangan bigyan ng hustisya ang relasyon niyo." bahagya siyang naawa sa'min. "Magbalikan kayo! Sundin niyo ako kasi batas ako!"

"Alam mo naman Drea na aalis siya kaya nga kami naghiwalay." pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti. "Iyon ang gusto ng mama ni Renn. Hahayaan ko na lang siya sa kaniyang gusto para wala nang gulo."

"Okay pero si Quintin ba aalis?" sumaya ang tono ng pananalita ni Drea. "Sana naman hindi siya umalis. Huling kita ko sa kaniya, three years ago, hindi ko pa naa-appreciate ang kagwapuhan niya."

"Hindi siya sasabay sa amin. Magbabakasyon siya dito ng three months at tsaka siya aalis. Gusto niya na makapaggala dito sa bansa." Renn answered calmly.

"Sus!" Nagtaka si Drea. "Ilalaan lang niya ang three months niya sa bakery. Sure akong 'yon ang plano niya. Speaking of plano, anong plano niyo?"

"Ako kapag umalis si Renn papaunlarin ko bakery without his help pero tatanawin ko na utang na loob ang mga ginawa niya dito." nakangiti akong sumagot.

"Ako naman pagkatapos kong mag-aral babalik ako dito and I'm expecting na nakahanap na si Catalina ng bagong boyfriend na mas mamahalin siya at mamahalin ng mga magulang niya hindi gaya ng mga magulang ko." bahagyang napaatras si Renn at napalingon sa mukha ko matapos magsalita. Alam kong nasasaktan siya.

After what Renn said, lalo rin akong nasaktan knowing na nasasaktan siya sa mga nangyayari. Niyakap ko ulit siya nang mahigpit na para bang mawawala na siya sa buhay ko. Umiyak ako dibdib niya at patuloy niya akong pinapatahan.

"Okay so pagkatapos niyong mag-iyakan d'yan, pwede bang mag-ano kayo." na-weird-an si Drea sa mga kinikilos namin. "Mag-ano na kaya kayo."

"Ano Drea? Ano pang gagawin namin?" sumagot ako nang mahimasmasan sa pag-iyak.

"Mag-ano na kayo—" nalilito pa rin na nagsasalita si Drea, hindi alam ang isasagot.

"Eh kasi kailangan niyo nang mag-asikaso ng bakery kasi madaming bumibili." napakamot siya ng ulo, 'yon lang pala ang gustong sabihin paiikot-ikutin pa ang utak namin.

Nagpatuloy kami sa pagt-trabaho at kasama ko si Renn para sa huling pagkakataon ay matulungan niya ako. Ready na rin akong i-serve sa mga customers sa mga susunod na araw ang mga bagong recipe ng tinapay namin.

After several hours malapit na naming isara ang bakery biglang dumating si Quintin. Dumeretso siya kay Renn at kinausap ito. "So you're leaving? Bukas na ang flight mo papuntang America. What will happen sa inyo ni Cat?"

"Tapos na ang lahat but we're stil friends." tugon ni Renn.

"Renn pinapasabi nga pala ni Tita Janice kay Cat na she is not allowed to call you. So wala kayong communication sa isa't-isa." dagdag ni Quintin

"Quintin totoo ba sinasabi mo?" naiinis na sinabi ni Drea. "Ang lupit din naman ng mama mo Renn. Pilit ka na nga hinihiwalay kay Cat, minamaliit pa ang bakery, pagkatapos ay puputulan ka pa ng communication?"

"Iyon ang desisyon ng mama niya kaya hayaan na natin. Drea tara na isara na natin ang bakery." pagkatapos kong sabihin iyon umalis ako sa harapan nila.

Nagpatuloy ako sa pagsasara ng bakery hanggang sa umuwi na rin sina Renn. Unti-unting lumalig ang pagsasama namin dahil hindi na kami nagpansinan matapos nitong umalis.

Sabay na kaming umuwi ni Drea sakay ng kotse ko. Dahil si Drea ay nag-iisa sa kaniyang apartment dati, pinapatulog na namin siya sa bahay kaya kaming tatlo nina Lola na ang matutulog ngayon. Baka nga sa kwarto na siya ni Renn matulog.

Lumapit ako kay Drea habang tulog na si Lola. "Drea samahan mo akong mag-inom tutal ikaw lang naman mapagsasabihan ko ng problema." sa puntong ito, gusto ko lang maglasing para naman matakasan ko mga problema ko.

"Ah sige doon tayo sa labas." halatang hindi makatanggi si Drea lalo't mahilig rin 'yan sa alak.

"At anong gagawin niyo sa labas?" isang nakakagulat na boses ang narinig ko, gising pala si Lola. "Mag-iinom? Nako Catalina tigilan mo 'yan at ikasasama ng liver mo 'yan."

"Eh lola siya po talaga yung labis na nasaktan hayaan na natin siya." pinagtanggol pa ako ni Drea.

"Ang sabihin mo, gusto mo ring tumungga ng alak." naiinis na sinabi ni Lola. "Catalina at Drea, sinasabi ko sa inyo, ayusin niyo desisyon niyo sa buhay."

"Sige lola matutulog nalang kami." hindi na ako nagpaligoy-ligoy, inakbayan ko si Drea papasok sa kwarto.

Humiga ako sa sobrang pagod. Mapapaiyak na ako sa sakit na dinaramdam ko kaya around 10:00 PM tulog na si Lola at Drea kaya ako na lang mag-isa ang nag-inom sa sala.

Dahan-dahan akong lumabas ng pinto at kalmadong binuksan ang napaka-ingay naming gate para bumili sa tindahan na malapit. Isang boteng malaki ng alak ang binili ko at kapag napasarap ako, bibili pa ako ng marami.

Unti-unti kong inuubos ang alak nang mag-isa habang si Renn lang ang nasa isip ko, inaalala ko ang mga memories namin. Mahilo-hilo na ako pero hindi ako tumigil sa pag-inom.

Flashback...

Nakilala ko si Renn noong sila pa ni Trisha ay magbestfriend. Lagi siyang bumibili sa bakery ni Lola. Naging magkaibigan muna kami at galing kami sa same school.

Hindi ko pa rin makalimutan na siya ang customer na nain-love ako nang sobra dahil sa cuteness niyang dala. May salamin pa siya noon at tinutukso na nerd. Nerd rin nga ang tawag ko sa kaniya noon.

Solid rin ang friendship nila ni Trisha. Habang magkasama kaming naglalakad noon, nakita ko si Trisha na may kasamang ibang lalaki.

"Si Trisha 'yon oh!" Itinuro ko si Trisha sa isang cafe na may kausap na lalaki. Bigla ko ring naalala na hindi sila magjowa kaya iniisip ko na okay lang sa kaniya ang mga ginagawa niya pero nagpunta siya kay Trisha.

Hindi nagkimkim ng galit si Renn kaya naman pinuntahan namin sina Trisha para alamin ang mga nangyayari. "Trisha? Anong ginagawa mo dito? Ba't may kasama kang ibang lalaki?"

"Obvious ba?" natutuwang sinabi ni Trisha. "Renn uhm eto si Aidan, boyfriend ko. Aidan eto si Renn bestfriend ko." sabi ni Trisha na parang ipinagmamalaki pa si Aidan.

"Ah so iyan na pala pinalit mo sa'kin?" hindi ko inasahang magagalit si Renn, akala ko bestfriends lang sila. "Nililigawan kita noon pero hindi ka makapagdecide kung sasagutin mo ba ako tapos ang dali lang sa'yo na maghanap ng iba. Hindi mo pa nga ako sinasagot."

"And what do you expect? Na sabihin ang yes para maging boyfriend kita? No! You're a nerd, apat ang mata mo! At 'yang babaeng 'yan ang ipinalit mo sa'kin!" sabay pagkaturo ni Trisha sa akin na parang wala akong nalalaman.

"Sana ni-reject mo na lang ako hindi 'yung paasahin mo pa ako kung oo o hindi ba isasagot mo!" pinilit ni Renn na maging kalmado kahit na nagagalit na siya.

"Girlfriend mo ba siya?" tanong ni Trisha habang masamang tinititigan ang mga mata ko. "Kasi wala akong pake!"

"Uhm oo, siya ang girlfriend ko kaya simula ngayon wala na tayo okay! Hindi na kita kaibigan!" sigaw ni Renn habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ko.

Hindi ako makapagsalita habang nag-aaway sina Trisha at Renn. Napapatingin na lang ako kay Aidan na nananahimik rin at hindi mapigilan si Trisha. Maraming tao ang nakatingin sa pag-aaway namin kaya kinakabahan ako at natatakot na mapahiya. Binulungan ko na lang si Renn. "Renn, nakakahiya na. Umalis na tayo."

Dahan-dahan niya akong hinila palabas sa cafe.
"Cat sorry kung ginamit kita. Hindi pa dapat kita dinamay sa gulo namin ni Trisha. Napapahiya ka pa dahil sa'kin."

"Okay lang Renn pero sana ayusin niyo pagkakaibigan niyo ni Trisha." nanghinayang ako sa pagsasama nila. "Sayang kasi friendship niyo."

"Tama lang naman 'yon. Mas okay nang hindi ko na siya pakisamahan kaysa plastikin pa niya ako. Mahirap na siyang pagkatiwalaan ngayon dahil naririnig ko rin na nagpapakalat siya." matapang na sinabi ni Renn. "Tara kain na lang tayo sa bakery."

Sa loob ng ilang buwan lumalim ang pagsasama namin. Naging mas malapit kami na parang magkapatid. Kahit na maraming issue siya sa school tungkol sa mga pamdaraya niya na pinakalat ni Trisha, suportado ko lang siya.

Kasama ko siya sa hirap at kawalan ng pera na naging dahilan ng pagtigil ko sa pag-aaral. Sinuportahan ko siya sa pag-aaral niya habang sinuportahan niya ako sa bakery. Lumipas ang isang taon hanggang sa niligawan niya ako ng ilang buwan at sinagot ko siya.

End of Flashback...

Lasing na ako at sa mga oras na iyon ako nalang kumakausap sa sarili ko. Dahil maingay ako, nagising sina Lola at Drea. Nakakaramdam na ako ng hilo at malapit nang masuka. Hindi na ako makatayo nang maayos at patumba-tumba na ako.

"Hoy Catalina napakapasaway mo talaga! Hindi kita pinalaking lasinggera! Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na! May bakery ka pa bukas." parang galit na galit si Lola noong makita niya akong naglalasing.

Dinala ako ni Drea sa kwarto at natulog na'ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro