Chapter 35
Judgement
Unti-unti akong nakarinig ng footsteps nang palapit na siya nang palapit sa'min. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng tila ba paglamig ng mga kamay ko. Tila ako'y natakot, nanginginig at hindi mawarian ang gagawin nang masilayan ang mukha niya.
"Catalina, I think we need to talk. Una sa lahat, I'm sorry." her knees are shaking as she faces me at tila nalilito siya. "Buong kinabukasan mo ang sinira ko dahil sa mga ginawa ko. Dahil rin dito ay nasaktan ko ang damdamin mo kaya patawarin mo'ko."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" bahagya akong naguluhan pero alam kong may aaminin siyang kasalanan. "Ano pong kasalanan ang ginawa niyo?"
Hinawakan niya ang kamay ko, nanlalamig ang amin pareho sabay na pinatayo ako. Maging ang mga tuhod ko'y nanginginig sa kaba. "Huwag tayo dito mag-usap. Sa tingin ko'y tayo lang nina Renn ang dapat mag-usap."
Tumayo rin si Renn habang ako'y ginagabayan. "Magpatuloy muna kayo sa pagkain, may pag-uusapan lang sila ni Mama."
Naglakad kami palapit sa tabing dagat at malayo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang marinig ang usapang 'to pero sa tingin ko'y mabigat 'to.
Hindi normal ang paghampas ng hangin na para bang may galit. Nagsimulang tumirik ang mga balahibo ko nang makita ko si Tita Janice na dahan-dahang nahahabag at nag-iipon ng luha sa mga mata niya.
"Cat, ako ang sangkot sa investment scam na nangyari sa inyo few years ago. Ako ang tumangay ng daang-libo niyong pera na gagamitin niyo sana sa pag-aaral niyo at magtataguyod ng bakery niyo para lang mapagamot ang asawa ko, ang ama ni Renn."mariin na nagsalita si Tita Janice habang bahagyang nanginginig.
Hindi ako makapagsalita matapos marinig ang mga 'yon. Tila nawalan ako ng pakiramdam, nakatayo lang ako do'n na parang bato pero parang nangangalit na alon ang nasa isip ko. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? Anong ibig niyo pong sabihin? Na kayo ang nagnakaw sa pera namin?"
"Oo Cat, kaya kita nilayo kay Renn kasi ayokong magkaroon pa ng koneksyon ang anak ko sa taong ninakawan ko." tumulo ang mga luha sa mata niya habang nagpipigil na humagulgol.
"Cat, handang pagbayaran ni Mama ang lahat ng ginawa niya." pinilit akong pakalmahin ni Renn nang mapansin ang unti-unting pagbigat ng pakiramdam ko. "Kaya nga siya umuwi sa Pilipinas, para aminin lahat."
Patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko matapos kong maalala ang takot sa nangyari noon na para bang isang bangungot. Mangingig-nginig na lumapit ako kay Tita Janice habang tinatatagan ang loob ko.
Bago magsalita, nilunok ko ang hiya ko at nilakasan ang loob. Walang halong galit, kinausap ko siya. "Sige po tita, pagbayaran niyo po ang kasalanan niyo. 'Yon na lang ang paraan para mapatawad kita, kailangan nating sundin ang batas dahil alam kong marami ka ring nabiktimang tao noon."
Nagmadali siya para yakapin ako matapos sabihin ang mga salitang 'yon. "Oo Catalina, handa na'kong magbayad. Pangako kong haharapin ko ang batas at hihingi ng tawad sa iba pang taong nabiktima ko. Papayagan ko na rin kayo ni Renn na ibalik ang relasyon niyo."
Tila ba ako'y nanghina nang mabanggit niya si Renn. Napabitiw ako sa pagyakap at napaatras. Para bang wala lang sa'kin ang mga 'yon, na dapat masiyahan pa ako. "Sige tita, kakain na po muna ako. Bahala na po muna kayo d'yan."
Naglakad ako pabalik sa kanila na may bigat ng loob. Hindi ko mawari kailan kaya ako sasaya sa dami ng sunod-sunod na mga pangyayari.
"Kumusta anak, anong pinag-usapan niyo ng mama ni Renn?" agad na tumayo si tatay para alalalayan akong umupo. Napansin niya ang pagpapahid ko ng mata kaya nag-abot siya ng napkin. "Sigurado ka bang kinakaya mo mga problema?"
"Siguro dapat na lang akong matuwa kasi unti-unti nang nalulutas ang problema na 'to." ngumiti ako kay tatay habang nagpupunas ng luha.
Pero dapat naman talaga akong matuwa dahil kahit papaano'y unti-unti na akong naliliwanagan sa mga totoong dahilan ng lahat ng ito.
***
Makalipas ang isang linggo...
We're back sa bakery at ready na kaming magbake muli. Busy na muli kaming lahat at nasa café na si Aidan para simulan ang trabaho niya. It's a busy week lalo't maraming nagpapagawa sa'min ng cakes.
Kahit na hindi na kami magkaaway ni Trisha, sinukuan na niya ang bakery niya para tumulong sa bakery ni Lola. Kahit anong pilit namin ay gusto niya na lang na magtrabaho dito kaya wala kaming magawa. Sa ngayon ay dito muna siya sa bakery pero sa susunod ay sa café na siya kasama si Aidan.
Pero sa oras ng pangangailangan, hindi rin naga-atubiling tumulong si Renn kahit na sinasabi namin na hindi na niya ito kailangan. At dahil masyadong sisikip ang bakery dahil sa'ming lahat, sa café na lang siya dahil nagiging popular ito ngayon.
Mapapatalon na lang sa tuwa si Drea nang pumasok sa bakery na nakatingin sa phone niya. "Cat, may gustong magreview ng bakery natin lalo't narinig daw nilang papasikat na'to nang papasikat."
"Sino raw 'yon?"
"Si Chef Mariella! 'Yung sikat na food vlogger na iniikot at nir-review ang iba't-ibang kainan sa bansa. Siya mismo nagmessage sa page natin para magkaroon ng review." natutuwang sinabi ni Drea.
Oh my! Things are becoming more exciting.
Narinig ni Beatriz at Trisha ang mga sinabi ni Drea. "Kapag si Chef Mariella ang nagreview sa inyo, trusted na masarap o hindi ang mga inihahanda natin."
"Kailan raw siya magr-review nang makapaghanda tayo?" tanong ko.
"Sa Friday pa raw naman. Mabuti na 'yon para makapaghanda tayo." tugon ni Drea.
Renn's POV
Ngayon ko lang naranasang magtimpla at mag-serve ng mga kape. Hindi pa rin ako makapaniwalang matutupad na ni Cat ang sinasabi niyang second branch ng bakery. Naaalala kong pangarap pa lang niya ito few years ago at ngayon nagkatotoo na.
Masaya ako para sa kaniya at kahit wala ako noong opening, masaya naman ako na kahit papaano'y nakakapagtrabaho na ulit ako sa kaniya.
Nagkataon pang nagkausap kami ni Aidan. Natuto kaming makisama sa isa't-isa para na rin kay Cat. "Liligawan mo ba si Cat? Alam kong mahal mo na siya."
Kalmado siyang sumagot with confidence and happiness. "Hindi naman, nagconfess lang ako ng nararamdaman ko kasi I had the chance to and that's okay to me na malaman niyang mahal ko siya. Although it's not worth it, atleast kampante na'ko."
"That's meaningful."
"Kayo Renn, may chance ba kayong magkabalikan?" nagsitaasan ang mga balahibo ko nang magtanong siya.
"It's low to none and yet I'm hoping kasi ipinaglaban ko siya para malaman ang katotohanan." I offered a handshake to him. "May the best win her heart. I'm rooting not just for our happiness but for hers also."
Aidan accepted my handshake. "May the best one deserves her because she deserves the world."
Biglang vibrate ang cellphone ko habang kinakamayan si Aidan. Bigla kong naalala na may alarm pala ako para sa visiting hours ni Mama.
"Aidan, kailangan ko munang umalis. Dadalhan ko muna ng pagkain si Mama." nagpaalam muna ako kay Aidan. Nagkumaripas ako ng takbo at sumakay sa kotse ko.
Nagdrive-thru na lang ako sa isang fast food chain dahil wala pa akong naisip na ipakain sa kaniya bukod sa pandesal na nai-bake ko kanina. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay dumeretso na'ko sa presinto para dalawin siya.
Magkaharap kami at natutuwang nag-usap. "Mabuti na lamang Renn at mababait ang mga kasama ko dito. Tsaka huwag mo ako alalahanin, ilang taon at buwan lang ako dito. Ang isipin mo muna ngayon ay kung paano mo maibabalik ang dati na ipinagkait ko sa'yo."
Napahinga ako nang malalim at bahagyang kinabahan. "Eh mukhang hindi na rin ako sure kung magkakabalikan kami. I just don't care na lang, ang mahalaga'y I'm with Cat."
"Kumusta na nga pala si Catriona? Parang hindi mo yata siya kasama lately at siya nga ba't wala sa bakery at hindi nagt-trabaho?"
"Mama, hindi po ganon." napatawa ako nang bahagya. "Late lagi po siya pero nang matutuhan niyang magbake, nagustuhan niya. Besides, narito siya para magbakasyon kaya hindi ko siya pipigilan kung gusto niyang gumala mag-isa."
"Hi po tita!" napatalon ang puso ko sa gulat nang may sumigaw rin sa malayo. Nang humarap ako'y nakita ko si Cat na may dalang pagkain rin. "Nagluto po ako para sa inyo, tara kain na po tayo."
"Akala ko ba'y s-sideline ka sa bakery? Ba't narito ka?" pabiro kong sinabi habang nagpipiit ng tawa. "Ayusin mo nga buhok mo't parang kagigising mo lang."
Umupo siya sa tabi ko kaya inayos ko ang buhaghag niyang buhok na hindi ko alam kung bakit naging gano'n. Nagsuklay-suklay muna siya at tsaka nagsalita. "Sorry naman, nagtry lang ako mag-jeep papunta dito ngayon at sa dami ng masasakyan ko, 'yun pa talagang mabilis magpatakbo. Para akong aatakihin sa puso kanina. Pilipinas nga naman, Pilipinas moments."
"Kumusta bakasyon mo dito? May mga gala ka na bang plano?" tanong ni Mama.
"Eh bahala na sa gala. Sabay naman kaming uuwi ni Renn sa July kaya susulitin na lang namin ang oras namin dito sa Santo Niño." nakangiti niyang sinabi.
Uuwi na kami sa July? Parang ayoko pa pero kailangan na rin.
Puro kasiyahan ang napag-usapan namin habang sinusulit ang visiting hours ni Mama. Natutuwa kami ni Catriona na malaki ang pagbabago ni Mama at pinagbabayaran na niya ang mga nagawa niya noon.
Pagkatapos naming bumisita kay Mama, bumalik kami ni Cat sa café at doon siya sumasideline ngayon bilang isang cashier. Hindi na need ng calculator, mabilis kumilos at tama ang computation.
At habang tinatanggap ang order at bayad ng mga customers, kumakanta rin siya which we find cute. Nasisiyahan rin ang mga customers sa kaniya dahil sa humor niya at ang gaganda rin ng mga pinapatugtog niya.
Parang laging may party sa café pero ang mga kanta ay relaxing. Mapalad rin pala kami to have Cat although she's spending time on the bakery kaysa magbakasyon.
"Hay nako Catriona, parang hindi ka galing sa States sa mga kinikilos mo ah." namangha sa kaniya si Aidan. "Ang bilis mong makapag-adjust."
"Alam niyo, better work." napakamot siya ng ulo habang tila naiinis na sa'min at kanina pa kami nakaaligid sa kaniya. "Hindi ako si Catalina para lapitan niyo ng ganito. Let's wait na lang sa friday sa pagdating ni Chef Mariella."
Catalina's POV
It's friday, one of the best days and the bakery is open! Kasama ko ngayon as usual sila habang hinihintay na lang namin si Chef Mariella. Malinis na ang paligid at wala nang mapapansin kahit alikabok habang patuloy pa rin kaming tumatanggap ng customers as per her wish.
Kumakabog-kabog sa kaba ang dibdib ko habang nasa tabi ko sina Andrei at Aidan. Nasa kusina naman sina Trisha at Beatriz para gumawa pa ng tinapay sa customers at hinihintay na rin namin si Quintin para mag-film kay Chef Mariella.
Sinusundo na rin ni tatay si Lola para makita ang epic moment na'to. Sino ba namang hindi kikilabutan kung isang sikat ang biglang bibisita sa bakery niyo?
Napansin kong wala si Renn at Catriona when they are supposed to be here. Kanina ko pa hinahanap ang presence nila pero I guess mal-late na naman sila. Kanina pa rin sila hindi nagr-reply sa texts ko at sumasagot sa mga tawag ko.
Napansin ni Aidan ang paglalim ng hininga ko habang pinapatunog ang mga buto ko sa daliri. "Hindi ka dapat kabahan, Cat. You should be confident dahil alam naman ng lahat na masarap ang mga tinapay dito lalo na ang pandesal ni Lola."
Huminga ako nang malalim. "Tama, hindi dapat ako kabahan." napasilip ako sa likod at sumigaw. "Tapos na ba ang pandesal na ipapatikim natin sa kaniya?"
Hanggang sa nanlaki ang mga mata ni Aidan nang marinig niya mga sinabi ko. Agad siyang nagmadali para tingnan ang naib-bake niyang pandesal.
Isang kulay pulang kotse ang tumigil sa harapan ng bakery namin. Kitang-kita ito sa salamin na pader ng bakery at nang magbukas ang pinto, isang matangkad, morena at magandang babae ang bumaba. Nakabihis na chef, si Chef Mariella?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong siya nga 'yon! Oh my, hindi pa kami tapos!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro