Chapter 22
Sick Day
Trisha's POV
"Fun Run?!" mainis-inis akong kumausap kay Beatriz nang sabihin ang balita sa pagpasok niya sa bakery. "Mas sikat tayo kaya bakit hindi tayo ang pinili ni Mayor na magbake para sa kanila?"
"Baka malakas rin ang kapit nila lalo't nasa bakery nila si Andrei." hindi na rin mapakali si Beatriz at bahagyang nagp-panic. "Alam mo Trisha, ikaw ang may-ari nitong bakery kaya bahala ka nang lumutas ng problema mo. Marami pa akong ie-edit na videos."
Naglakad palabas si Beatriz at nilayasan ako. Bago pa man isara ni Beatriz ang pinto napahinto siya at biglang may lumapit sa'kin na empleyado. "Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Okay sige, ako na bahala." sagot ko.
Lumabas ako para tingnan kung sino ba siya. Napahinto na lang ako nang makita ko ang ama ko. Nasundan na niya ako!
"Dad? Bakit naman ikaw narito? Sinundan mo 'ko?" inunahan ko paglabas si Beatriz at hinila palayo sa bakery ang ama ko. "Subukan mo akong ipahiya dito. Kapag nalaman nilang ikaw sng tatay ko, paniguradong pareho tayong walang ihaharap na mukha."
"Anak mag-usap naman tayo please." nagmamakaawa niyang sinabi habang unti-unting hinahawakan ang mga kamay ko. "Gusto ko lang magpaliwanag sa mga nangyari."
"Mag-usap agad?" nagpabitiw ako sa paghawak niya. "Hindi mo man lang ako babatiin at nakapagtayo ako ng bakery all by myself? Nakakapagtaka rin na nakapunta ka dito sa Santo Niño eh janitor ka lang naman sa resort. Umalis ka na dito."
"Anak, hayaan mo kasi akong magpaliwanag." muli siyang nagmakaawa habang namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. "Hindi ko ginustong iwan ka. Pinilit ko mang hanapin ka, hindi na kita makita."
"Umalis ka na." tinalikuran ko siya habang unti-unti akong nahahabag. "I don't need your explanation. Sapat na sa'kin ang mga nangyari. Wala ka talagang paki-alam sa'min."
Naglakad ako papasok sa bakery at iniwan siya sa labas. Nakita ako ni Beatriz kaya pinilit niya akong patahanin.
Owen's POV
Pinagtatabuyan na ako ng anak ko pero kailangang hindi kami magkahiwalay lalo't kailangan kong paulit-ulit na humingi ng tawad sa kaniya hanggang sa malaman niya ang mga pinagdaanan ko kung bakit iniwan ko siya mag-isa. Kailangan kong maka-usap ang anak ko na makipag-ayos sa 'kin.
Naisipan kong maghanap ng maliit na apartment kung saan pwede akong manirahan nang masubaybayan ko si Trisha sa mga pinagdaraanan niya. Malapit lang rin ito sa bakery niya kaya mabibigyan ko siya ng pansin habang hindi pa kami nagkakaayos.
Flashback...
Nasa kama na ng ospital si Diana na tila hinihintay na ang kamatayan niya habang patuloy na lumalaban sa cancer. Hinding-hindi ko siya gustong pakawalan pero nagsasabi na siya ng hindi namin gustong marinig.
"Trisha, tuparin mo mga pangarap mo." nanghihina, pinilit magsalita ni Diana. "Gusto kong maipagmamalaki ka namin kahit wala na ako. Pero kahit anong problema ang dumating sa inyong dalawa, huwag niyong hayaang mamagitan ang galit sa puso niyo."
Iyak nang iyak si Trisha habang yakap-yakap ang mama niya. Hindi niya kinakaya ang sakit habang nakikitang nahihirapan si Diana. "Mama, please lumaban ka. Gagaling ka sabi ng mga doctors."
Nakatayo lang ako at hindi mayakap si Diana na parang may pumipigil sa'kin. Napapaluha na lang ako habang unti-unti nitong dinudurog ang puso ko. "Diana, huwag ngayon. Tatanda pa tayong magkasama. Masasaksihan pa natin ang pagtupad ng mga pangarap ni Trisha."
"Mama, hindi pwedeng mawala ka." paisa-isang humihinga si Trisha habang pahigpit nang pahigpit ang pagyakap niya. "I'll treat you all the things kapag gumaling ka na."
"Mahal na mahal ko kayo. Sana'y maging matatag kayo para sa huli ay maghari ang pagmamahalan." tuluyang ipinikit ni Diana ang mga mata niya habang nagf-flatline na siya.
Napatulala ako habang tinitingnan ang unti-unting pagkawala ng kaniyang hininga habang si Trisha ay sisigaw-sigaw at pilit na ginigising siya.
Gusto kong magalit.
Nawala siya dahil wala akong nagawa.
Lumipas ang ilang linggo matapos siyang mawala, baon na baon kami sa utang dahil sa mga gastusin na hindi ko na nabayaran ang mga ito dahil nawalan na rin ako ng trabaho at nagpapatuloy pa rin ang pagluluksa namin.
Sa isang madilim na gabi, habang natutulog si Trisha ay bigla na lang akong kinuha ng mga hindi ko kilalang tao. Naka-itim at takip lahat kaya hindi mo sila makikilala.
Pinilit kong kumalas habang mahigpit akong hinahawakan ng mga kumuha sa'kin. Isinakay nila ako sa isang van at dinala sa isang lugar na tila abandonado.
Nang magising ako, nakatali na ako sa isang lugar, hindi makapagsalita habang may mga taong may baril na nakapalibot sa'kin. Ang isa ay nakatutok sa ulo ko mismo.
"Bayaran mo ang utang mo." mariin niyang sinabi habang nanginginig na naitututok ang baril. "Bayad o patay?"
Nanginginig ako at kinakabahan. Dumidilat ang mga mata ko at nasa isip ko na lang na gusto kong tumakas. Sumagot ako nang kalmado. "Hayaan niyo akong magbayad. Nagluluksa pa rin ako dahil sa pagkamatay ng asawa ko."
Bilang kabayaran, nagtrabaho ako sa isang factory ng mga tela nang walang pasweldo at paminsan-minsan lang ang pagkain. Hindi ako makatakas at maging ang ilan kong kasamahan.
Araw-araw kaming inaalipusta. Iba't-ibang sugat sa katawan ang natatamo namin at napakalaking pagsisisi na dito kami sa kanila nangutang. Para kaming nasa kulungan pero mas malala. Kung nagtiwala lang sana ako, hindi kami hahantong ganitong sitwasyon ni Trisha.
Araw-araw, wala akong inisip kung ano bang kalagayan niya. Kung ano kaya ang iisipin niya kung bakit bigla ko siyang iniwan, kung saan na kaya siya nakatira at kung nakakakain ba siya nang maayos.
Habang tahimik ang lahat isang gabi, ilan kaming nagplano ng pagtakas habang tulog ang mga armadong nagbabantay. Mapanganib man pero sinuong namin ito.
Sa isang binta sa palikuran, doon kami lumusot. Walang nakakita sa'min at tahimik kaming tumakas hanggang mapagtanto naming malayo ito sa sibilisasyon at puro puno at halaman ang makikita.
Kahit walang alam kung anong lugar ang napuntahan namin, sinuong namin ang madidilim at delikadong gubat para lang makatakas.
Nang makatakas kami, lalo akong lumayo mula kay Trisha dahil ilang probinsya na ang layo nito mula sa Maynila. Hanggang natagpuan ko ang dagat kung saan nasimulan kong gawing negosyo ang resort.
End of Flashback...
Catalina's POV
"Suka talaga?!" magulat-gulat at tila nagbalik ang nanghihina kong katawan nang makita ko ang sukang nasa tabo. "Gagawin ba akong paksiw ni Lola?"
"Proven and tested simula noong kabataan natin." pinilit ako ni Drea na punasan habang iilag-ilag sa kaniya. "Okay lang mangasim basta't huwag magkasakit."
Hanggang hindi na ako makatanggi. Pinunasan niya ako sa iba't-ibang parte ng katawan at nagpalit ako ng damit. Maasim nga ang amoy ko pero nakakaramdam ako ng ginhawa at pagbaba ng temperature.
Naghiga lang ako sa kwarto habang iniwan muna ako ni Drea dahil ibinababa ang tabo na may suka. Hindi pa man nagtatagal ang ilang minuto, nakarinig na agad ako ng hakbang mula sa kahoy naming hagdan.
"Ganda pala ng bahay niyo." boses ba ni Andrei 'yon? Hanggang tumanaw siya sa pinto, si Andrei nga. "Kahoy na kahoy at parang makaluma na pero ang tibay pa rin."
"Kasing-edad ni Lola ang bahay na 'to." sinagot ko si Andrei. "75 years and counting."
Nakarinig na naman ako ng isa pang taong tumataas. Akala ko si Drea pero bigla na lang sumilip si Aidan sa pinto kalapit ni Andrei. "Paksiw na bangus raw ang ulam sabi ni Lola."
"Hoy Catalina, gagamitin natin 'tong sukang pinangpunas sa'yo." napasigaw si Lola habang tumataas. "Mahal na bilihin kaya magtitipid tayo."
"Ano?!" sabay-sabay naming sinabi nina Andrei at Aidan.
"Lola kadiri naman!" napa-angal ako sa inis. "Mas mahal po ang pampaospital. Baka mamaya magkasakit pa tayo sa suka na 'yan."
Napahalakhak si Lola habang sumisilip sa pinto. "Alam mo bang kapag nagkakasakit kami, binibiro kami ni inang nang bumilis raw ang paggaling namin. Iyan ay 'wag mo nang isipin, lulutuin ko pinakamasarap na paksiw."
Muling bumaba si Lola pagkatapos akong biruin pero ang dalawa ay hindi pa rin umaalis at patuloy na tumitingin sa'kin. Takang-taka ako kung bakit hindi pa sila umaalis kaya hinayaan ko na lang sila.
Nang kukunin ko ang phone ko sa mesa na katabi ng kama, agad silang pumasok at kinuha ito. Nakuha ni Aidan ang cellphone pero si Andrei ang nagsalita.
"Cat, huwag ka nang magcellphone. Baka makasama pa 'yan sa'yo." may pag-aalalang sinabi ni Andrei. "Ganyan ginagawa sa'kin kapag nagkakasakit ako, bawal ang cellphone."
"Hindi ako ikaw." naiinis kong sinabi. "Wala namang problema kay Lola kung magcellphone ako magdamag basta inumin ko 'yung mga halamang gamot na pinakulo niya."
Pinilit kong tumayo para kunin kay Aidan ang cellphone pero nanghihina ako at tinatamad na ayaw akong paalisin sa kama.
"Bawal nga ang cellphone." lumayo nang lumayo si Aidan sa'kin nang tangka kong kukunin ang cellphone ko. "Baka saktan ka ng ulo kagaya ng nangyari sa'kin noon. Manood ka na lang ng TV."
Pinipiloso po ako ni Aidan kaya lalong kumulo ang dugo ng nanghihina kong katawan na parang nagpapalakas para hampasin siya. "Walang TV sa kwarto, tinatamad akong tumayo. Kung hampasin kaya kita, lumapit ka sa'kin."
"Enough Miss Cat." kalmado akong sinaway ni Andrei. "Concern lang kami sa'yo kaya ganito kami pero gagawin namin ang lahat para mapasaya ka."
"Gusto niyong masisante?" napasigaw ako nang 'di oras kahit parang sumasakit-sakit ang lalamunan ko. "Gusto niyong pasayahin ako? Ibigay niyo phone ko."
"Bawal." nagmatigas sila at sabay muling nagsalita.
"Ewan ko sa inyo!" napakamot na lang ako ng ulo sa inis. Bahagya akong nilamig kaya nagpagpag ako ng kumot at nilagay ito sa paa ko. "Kayo na lang magkatuluyan tutal kayo naman ang magkasundo."
Nanlaki mga mata nilang dalawa sa mga sinabi ko at nagkatitigan sa isa't-isa.
"Speechless pala kayo eh." pinilit kong tumayo para lapitan si Aidan. Binunot ko sa kaniya ang phone ko at tsaka bumalik sa higa. "Ihahanda ko na mga files para sesantihin kayo mamaya kapag hindi pa kayo bumalik sa bakery. Andaming trabaho tapos tatayo-tayo lang kayo dito?"
Wala akong magawa, nakatayo lang sila't parang ayaw umalis hanggang tumaas na si Drea. "Sis kakatapos ko lang maghugas ng plato. Ba't narito pa 'tong dalawang 'to?"
"Ayaw umalis, gustong alagaan ako. Nakakabwisit nga eh." tugon ko habang nags-scroll lang sa phone ko.
Nakatayo lang silang nakatingin sa'kin hanggang may nakita akong dumaan sa news feed ko. "World Baking Day? Hosted by Mike Enrile? Napapanood ko siya sa isang cooking show ah."
"Magpaparegister ba tayo?" agad akong nilapitan ni Aidan sa tuwa.
Nagkunwari akong umuubo at sa bawat paglapit niya ay pinapalala ko ito. Nagtataka siya sa'kin habang unti-unting lumalayo.
Hanggang may sumagi sa isip ko dahil kay Andrei. "Lapit na rin pala election. Buti na lang at si Mayor Connard ay mabait kaya siya ang iboboto ko."
"Malinis rin ang track record." napangiti si Drea habang nagsasalita. "Bilib ako sa tatay mo Andrei, sana maging kasing galing ka niya kahit man lang sa baking."
"Don't worry Cat, sisiguraduhin kong makakasali tayo sa World Baking Day at sisiguraduhin kong matutulungan ko kayong manalo nang walang daya." lalapitan sana ako ni Andrei para yakapin pero bigla ulit akong umubo nang malakas.
"Hoy Andrei at Aidan!" sumigaw sa baba si Lola. "Bumalik na nga kayo sa bakery at kailangan nila ng tulong."
Nang tatalikod na, sabay silang natipalok sa paa ng isa't-isa. Napapikit ako nang tumama ang kanilang mga katawan sa kahoy naming sahig. Tinulungan nila ang mga sarili na tumayo.
"Alis na." pinatabuyan ko na sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro