Chapter 21
Paghahanap
Catalina's POV
Good morning! Alas-tres pa lang.
Maagap akong nagising dahil sa excitement pagpuntang bakery at sa isang special event. Kakaiba rin ang vibes na ibinibigay ni Andrei kahit na nakakainis siyang turuan kaya nang malaman kong may special event ang Santo Niño, sinabihan niya si Mayor na sa amin kumuha ng ipapakain.
Marami nang plano ang nabubuo ko para sa second branch ng bakery. Handa na rin ang budget ko para rito at sinobrahan ko na para incase of emergency, mayroon na agad.
As usual, maaga rin kaming umalis ni Drea sa bahay para magpunta agad sa bakery. Nai-kwento ko rin sa kaniya habang nagb-byahe ang mga nakahandang plano para sa bakery.
Sa labas ng bakery ay parang mga estudyanteng nag-aabang sina Aidan at Andrei na parehong maaagap nagsipunta sa hindi ko mawariang dahilan.
"Good morning Miss Cat!" sabay nila akong binati nang bumaba ako sa kotse. "Ako na magbubukas." sabay ulit silang nagsalita.
"Ako na." nabigla ako sa kanilang dalawa kaya inunahan ko na silang maglakad palapit sa pinto. Habang unti-unting binubuksan, nagtanong agad ako. "Buti maagap kayo. Hindi ko naman sinabing agapan niyo. Sina Love ang dapat narito na, ba't kayo ang narito?"
Nagkasabay sila ng pananalita ulit na hindi ko na mawarian ang kanilang sinasabi.
"Isa-isa nga!" nauna pa akong matapos magbukas bago marinig ang mga paliwanag nila. "Siya nga pala, kailangan nating doblehin ang mga pandesal na ib-bake natin. May special event ang bayan natin at dito dadaan sila."
"Anong special event?" tanong ni Drea.
"Fun Run." sagot ni Andrei. "Dito kukuha sina Dad ng pagkain para sa mga dumalo bukod sa ibang mga restaurants. Mga nasa 50 rin ang dadalo at 8 pieces ng pandesal kada tao."
"Ang dami!" napanganga si Aidan sa gulat. "Kaya pala magsisimula na tayong magtrabaho nang hindi sumisikat ang araw."
"Hindi lang 'yan. May event rin para sa world baking day sa May 17. Competition ng different bakers from all over the province." sabi pa ni Andrei.
"I think magsimula na tayo." naglakad na ako papunta sa baking area. "Kakayanin nating gumawa ng 400 pieces ng pandesal before 5:30. May dalawa pa tayong oras. Gagamitin natin ang pugon at ang industrial oven."
Nagsimula kaming magwarm-up lalo't marami-raming pandesal ang gagawin namin. Kakayanin namin 'to para sa ekonomiya! Habang gumagawa kami sabay-sabay, nagsidatingan na rin ang iba pa.
Sapat ang lahat ng ingredients na ginagamit namin at suportado at ginastos ito lahat ni Mayor. Pinagplanuhan na rin namin ito at handa kami rito.
Lahat kami ay sa iba't-ibang parte naka-assign at kinakaya namin 'to. Si Andrei ay nakakagawa na rin nang maayos kahit bahagyang nap-pressure at nahihirapan.
Dumating ang alas-singko at madalian pa rin kaming naggagawa. Walang oras na sinayang hanggang nang tingnan ko ang oras, 5:20 ay natapos namin ang ika-50 na balot ng pandesal.
Napasigaw kami sa tuwa lalo't natapos na kami at nakaraos sa mga ito. Hinintay na lang namin ang pagdating nga mga tao para kunin ang kanilang mga pagkain.
Owen's POV
Excited akong makarating ng Santo Niño nang malaman kong sarado pala ang national road dahil may event. Hindi ko nga lang alam kung paano ako makararating at mahahanap ang bakery nina Trisha.
Ilang milya na lang ang layo nito mula sa pagmumulan ng Fun Run. Naisipan kong sumabay na rin sa pagtakbo sa event kaya naghanap ako ng lugar kung saan pwedeng i-park ang kotse ko.
Maagap-agap pa at papasikat lang ang araw kaya umuna na ako sa pagtakbo. Sinundan ko ang sinasabi ng app sa bakery nina Trisha.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo ay nakakita ako ng isang bakery. Pero hindi ito kay Trisha. Panaderya ni Isadora ang pangalan at parang abala sila.
Marahil ay dito ko na makikilala si Nanay Isadora at dito ko na rin mahahanap ang iba pang kasama niya nang magpunta sa resort.
Lumapit-lapit ako kahit pinagpapawisan at hinihingal. Sumulyap-sulyap ako sa pinto at naghanap ng pagkakataon na makausap ang isang empleyado ng bakery.
Aidan's POV
Busy pa si Cat na nagpapahinga sa loob habang iniintindi si Andrei para sa iba pang customers mamaya habang kami ay naglilinis ng mga gamit.
Hanggang may nakita ako sa na lalaki na tila humahanap ng tyempo at may gustong kausapin. Nang makita ko ang kaniyang mukha, hindi ako pwedeng magkamali. Si Roweno Del Valle 'yon at baka hahanapin niya si Cat.
Nagmadali akong lumapit kay Drea habang may binubulong sa kaniya. "Drea, 'yung taong nasa labas, siya ang tatay ni Cat. Si Owen yung nasa labas! Nakita na niya akong nagtra-trabaho dito kaya ikaw na bahalang kumausap. Sabihin mo kahit ano, sasamahan kita."
"Di ba siya yung may-ari ng resort? Ano sasabihin ko? Hindi pwedeng malaman ni Cat ang totoo!" bahagyang nagpanic si Drea. "Lagot na talaga kapag nalaman niyang anak niya si Cat."
"Pwede tayong gumawa ng kwento. Kung sakaling malaman niya ang pangalan ni Cat, magpanggap kang ikaw 'yon." bulong ko ulit.
Tumango si Drea at bahagyang kumalma. Maging ako'y kinakabahan sa gagawin naming pagtatago ng totoo. Naglakad kami paunti-unti hanggang sa buksan namin ang transparent na pinto.
Lumabas na kami para kausapin siya. Agad niya kaming sinalubong nang may ngiti.
"Magandang umaga, may kilala ba kayong Isadora Montero at Catalina Montero? Kasi nakalagay sa pangalan ng bakery na 'to yung pangalan na Isadora." tanong ng tatay ni Cat sa'min.
Napakamot kami ng ulo dahil hindi namin alam ang isasagot. Hindi namin alam ang gagawin sa sitwasyon na 'to.
"Ikaw 'yung lalaki sa beach na kasama ni Nanay Isadora 'di ba?" naghihinala, itinuro ako ng tatay ni Cat. "So ibig sabihin narito siya at pwedeng narito rin ang posibleng anak namin ni Lucy. Nasaan sila?"
"Sir, kilala po namin si Isadora Montero at ako po si Catalina Montero. Anak po ako ng lalaking anak ni Lola Isadora na si Roberto. Kapatid po siya ni Tita Lucy. Namatay si Tita dahil sa isang aksidente at wala po siyang naging anak sa inyo." deretsong sumagot si Drea habang pinipilit na maging kalmado kahit na gumagawa lang ng kwento.
"Kung gano'n, sinong may-ari nitong bakery?" nabalutan muli ng pagtataka ang tatay ni Cat. "Bakit wala si Nanay Isadora rito? Nasaan ang tatay mong si Roberto?"
"Sa'kin po ipinamana ni Lola ang bakery." mariing sumagot si Drea. "Si tatay po ay nasa Maynila, doon nagt-trabaho. Kung wala na po kayong tanong, umalis na kayo."
"Pero wala naman yatang kapatid si Lucy." aalis na sana siya nang biglang may sumagi sa isip niya. "May kapatid siya? Imposible, wala namang sinasabi noon si Nanay Isa at maging si Lucy, wala rin."
"Meron po kaya po 'wag na po kayong maraming tanong." bahagya nang nainis si Drea. "Maraming salamat po sa inyong konsiderayon, makakaalis na po kayo."
"Sige salamat na lang. Pwede ko nalang bang makita si Nanay Isadora?"
"Si Lola Isadora po ay ayaw po kayong makita. Kaya po umalis na lang po kayo." dagdag ko pa. "Hindi nakabuti sa kaniya ang pag-aaway niyo sa resort. Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po siya."
Umalis na may malungkot na mukha siya. Tumakbo lang siya palayo.
Sa pagpasok namin sa loob ng bakery, tinanong kami ni Cat kung tungkol saan ang at kung ano ang tinanong. "Drea, Aidan, ano bang tinanong sa inyo? Sino 'yang taong nasa labas?"
"Nagtatanong kung may pizza ba tayo. Obvious naman eh bakery ito." kunwaring nagbiro si Drea habang patawa-tawa.
"Kaya nga dapat maglagay tayo ng pizza sa menu natin. Pwede naman siguro 'yon 'di ba?" dagdag ko pa.
"Oo maglalagay tayo ng pizza dito. Pero doon kayo sa labas magtitinda hindi dito sa loob." sagot ni Cat. Bahagya siyang nanghihina nang mapansin ko. Ang mukha rin niya ay parang hindi maayos.
"Cat, nagsisimula na raw ang Fun Run." lumapit si Andrei kay Cat at napansin rin ito. "Are you okay? Parang masama ang pakiramdam mo."
Napilitang sumagot si Cat. "Okay lang ako, nakakapagod lang kanina." papikit-pikit ang mga mata niya at tila papatumba na.
Naisipan kong hawakan ang kaniyang noo. Nakaramdam ako ng init. "Nilalagnat siya, pagpahingahin niyo muna siya dito. Dalhin natin siya sa bahay para maalagaan ni Lola."
Nang tuluyan na ngang manghina si Cat, inalalayan ko ito sa kanang braso pero nakisabay si Andrei at tumulong sa kabila.
Kinakabahan, ibinilin muna ni Drea sa iba ang trabaho. "Guys, kayo na muna dito sa bakery." pinagbuksan kami ni Drea ng pinto.
Nagpunta kami sa lugar kung saan naka-park ang mga kotse namin. "Sa kotse ko na kayo sumakay." nagsabay pa ng pananalita kami ni Andrei.
"Sa kotse na nga ni Cat!" nanggigil si Drea sa pag-aalala. "Ako na magd-drive para kayong dalawa ay maglapit at pag-usapan ang mga pagkakasundo niyo sa boss niyo."
Umalis na kami sa bakery.
Magkalapit kami ni Andrei na parang may mga galit sa isa't-isa habang sina Drea at Cat ay nasa unahan. Bahagyang natutulog sa pagod si Cat.
"Andrei sa susunod, ako na ang mag-aalaga sa kaniya." kinausap ko siya habang may sama ng loob. "Thank you for your concern pero kahit ako na lang."
"Pwede namang tayong dalawa mag-alaga sa kaniya. Bakit ikaw lang?" pinagtaasan ako ng boses ni Andrei.
"Mag-aaway pa kayo? Nagkakasakit na si Cat!" bahagyang nainis sa'min si Drea. Tumigil ang kotse
sa isang botika.
"Ako na ang bibili." muli kaming nagsabay ng pananalita ni Andrei.
"Ako na!" bumaba si Drea sa kotse nang may sama ng loob.
Ilang minuto ang lumipas ay nakabili na si Drea ng gamot habang kami ay mamasid-masid kay Cat sa unahan na natutulog. Nag-uunahan pa kami ni Andrei sa pagc-check sa kaniya.
Nakarating kami sa bahay nang mabilis.
"Lola! Lola! Tao po?" sigaw ko habang kumakatok ako sa gate. Nakalock ito at inaalalayan ni Drea si Cat.
"Ano ba Aidan? Nanonood ako ng teleserye, malalaman na 'yung resulta ng DNA Test tapos sigaw ka nang sigaw." medyo nagalit sa 'kin si Lola habang nakatutok sa TV.
"Lola papasukin niyo po muna kami. Nilalagnat si Cat at kailangan niyang magpahinga. Napagod siguro kanina." sigaw ko ulit sa kaniya.
Napatakbo sa pag-aalala si Lola habang unti-unting binubuksan ang gate. Pinapasok niya kami at maging si Andrei.
"Drea, kumuha ka ng suka at pahiran mo agad si Cat." pag-uutos ni Lola.
"Suka talaga Lola?" nagtataka kong itinanong. "Ba't naman suka?"
"Hindi mo alam ang effectiveness ng suka? Tanggal lahat ng sakit pati sama ng loob d'yan."
Agad naglagay ng suka si Drea sa isang tabo. Dala-dala ito, itinaas niya si Cat papunta sa kwarto nila.
"Sino 'yang gwapong lalaking 'yan?" akala ko hindi na niya mapapansin si Andrei pero bigla niyang itinuro habang nag-aabang lang sa pinto.
"Ako po 'yung bagong empleyado ng bakery." natutuwang sinagot nito.
"Pwede po ba tayong mag-usap muna Lola?" tanong ko.
"Tungkol saan?"
"Lola, yung tatay po ni Cat, nagpunta sa bakery. Mukhang nahanap tayo." mahina kong sinabi.
"Ha? Anong ginawa niyo?! Nalaman na ba ni Cat na tatay niya si Owen? Dapat hindi niya malaman!" mabilis nag-iba ang mood ulit ni Lola nang mainis.
"'Wag kang mag-alala lola, si Drea po gumawa ng paraan. Sabi ni Drea, siya si Cat tapos sinabi niya na anak siya ng lalaki mong anak na si Roberto." paliwanag ko kay Lola.
"Oh wala naman akong anak na Roberto." napangiti si Lola kahit na naiinis. "Si Lucy lang ang anak ko."
"Hayaan niyo na po basta nalusutan natin siya." nakangiting sinabi ko. "Alagaan na lang po muna natin si Cat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro