Chapter 17
Pagkikita
Catalina's POV
Pagkatapos naming kumain, kaniya-kaniya muna kaming buhay sa resort habang naghahanda para sa swimming. Bumalik kami sa room namin para doon ay magpalit ng damit.
Nang matapos na sila, ibinilin ko muna siya. "Ay teka lola, magpasama muna kayo kay Aidan, hindi naman siya magpapalit. Kung gusto niyo, mauna na kayo sa dagat."
Si Drea lang kasama ko sa room pagkatapos nilang magbihis lahat. Umuna na silang lahat sa dagat at doon nagpatuloy ang kasiyahan.
Inihanda ko ang isosoot ko. One piece swimsuit para sosorpresahin ko silang lahat nang bonggang-bongga!
"Cat, magtwo-piece ka kaya." biglang nakita ni Drea ang baon kong two piece kaya naman kinuha niya ito. "Babagay 'to sa'yo at sigurado akong nganganga si Trisha sa ganda mo!"
Two piece talaga?
Napatulala na lang ako at nakaramdam ng kahihiyan. "Kaya nga nagbaon ako ng one piece para kung sakaling mahiya ako, may back-up."
"Sabi mo eh, your body your choice ika nga nila." nanghihinayang pa yata si Drea.
Aidan's POV
Inalok at tinanong ko si Lola kung saan pupunta. Mukhang ayaw niya rin sa dagat at gusto munang mamasyal. "Lola, saan niyo gustong mamasyal? Gusto mo bang libutin natin ang resort?"
Sumang-ayon siya. "Sige Aidan, maglibot-libot muna tayo habang hinihintay natin si Cat. Malamang ay matatagalan pa 'yon sa pagpili ng isosoot niya."
Habang papalapit kami nang papalapit sa pool, may isang lalaking nakatayo. Tila umiiyak siya habang may hawak-hawak na walis. May mabigat yata siyang pinagdaraanan.
"Aidan lumayo na tayo. Tara na, tara na. 'Wag na pala tayo dito." gulat na gulat si Lola at parang takot na takot nang makita ang lalaki. "Baka tapos nang magbihis si Cat."
"Bakit po lola? May problema po ba?" tanong ko.
Nag-iba ang kilos ni Lola Isadora na parang may koneksyon siya sa lalaking 'yon. "M-mamaya ko na s-sabihin basta umalis na tayo." nagmamadali niyang sinabi.
"Nay Isadora? Nay!" narinig kong boses sa likod. Nagtataka ako kung bakit may tumawag sa kaniya. Lumingon ako at nakita kong tumatawag ay ang lalaking parang umiiyak kanina.
"Lola may tumatawag po sa inyo hindi niyo po ba papansinin?" bulong ko kay Lola.
"Hindi." naiinis niyang sabi. Hinarang kami ng lalaki tumakbo siya sa harapan namin.
"Nay Isa hayaan mo po akong magpaliwanag. Please." nagmamakaawang sinabi ng lalaki. "Patawarin niyo po ako kung hindi ko kayo nahanap."
"Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sa'yong hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sa buhay namin." nagagalit na sinabi ni Lola.
"Sinubukan ko po kayong hanapin. Wala pong naging balita. Wala na pong nakatira sa dating bahay niyo sa Maynila. Nasaan na po kayo? Lola nasaan si Lucy? Nasaan po siya?" nagmamakaawa ulit ang lalaki na patulo-tulo na ang mga luha sa mata.
"Hinanap mo kami sa Maynila ni Lucy? O baka naman babae ang hinanap mo do'n! At si Lucy, namatay siya dahil sa 'yo!" sa mga oras na 'yon, mangiyak-iyak na si Lola habang pinagbubuhusan siya ng galit.
"Lola patawarin mo ako sa mga gina—"Sinampal ni Lola nang malakas ang lalaki habang nagsasalita.
"Huwag na huwag kang lalapit sa'kin ni magpakita man lang. Kaya kitang isumpa!" Hinawakan ni Lola ang kamay ko at naglakad nang mabilis palayo sa lalaki.
Nahingal siya kaya pinaupo ko muna siya. "Lola sino ba 'yon? Sino ba siya sa buhay niyo ni Cat? Ang tindi yata ng galit mo sa kaniya." tanong ko.
"Siya ang ama ni Catalina. Iniwan niya si Lucy, ang nanay Catalina at sumama sa ibang babae dahil akala niya hindi niya ito mabibigyan ng anak. Aidan, 'wag na 'wag mo 'tong sasabihin sa kaniya o kahit kanino. Ayaw kong masaktan si Cat kaya gawin mo rin ito para hindi siya masaktan." sumagot si Lola. Nagtataka rin ako kung bakit niya sinabi sa 'kin ang buhay ni Cat. Nahihingal din siya sa pagsasalita.
"Pero Lola ano po bang pangalan niya?" tanong ko ulit.
"Roweno Del Valle. Owen ang palayaw niya. Siya ang tatay ni Catalina." nanghihina, sumagot pa rin si Lola. "Tara na at puntahan si Cat. Aidan 'wag mong sasabihin sa kaniya 'to. Ikaw lang ang napagkakatiwalaan ko ngayon." sagot ulit niya sa 'kin.
"Opo Lola, hindi ko sasabihin." mariin kong sinabi. "Tumayo na po tayo at puntahan na natin si Cat."
Nasa beach na pala si Cat at nakikipaglaro na sa mga lahat. Naroon na rin si Quintin kaya nagpunta na rin kami.
"Aidan! Narito na pala kayo." sinalubong kami ni Cat na natutuwa. "Anong ginawa ni Lola sa pool?"
"Namasyal lang si Lola at tiningnan ang ilang parte nito kaya nga nahihingal siya." sagot ko.
"Lola eto upuan, upo ka muna para makapagpahinga ka." binigay ni Catalina ang upuan na maliit. "Magpahinga ka muna at tingnan ang napakagandang asul na dagat."
Umupo ako sa buhangin. Nagkatinginan kami ni Lola. Nakakaramdam siya ng hiya kay Cat at nag-aalala para sa kaniya.
"Trisha?!" napasigaw si Quintin sa gulat. Nang tumayo ako ay nakita ko nga si Trisha na naglalakad. "Are you following us?"
"Sana pala nagbukas ako ng bakery para wala akong kakumpitensiya." nainis na lang si Cat nang makita siya. "Pero okay na rin pala 'to, lumipat lang ang stress sa ibang lugar."
"Kahit naman bukas ang bakery mo, wala naman ang secret recipe mo. Anong saysay ng iyong bakery kung walang bumibili? Sayang lang pinang-beach niyo dapat pinampasweldo nalang sa mga cheap mong empleyado." nagmamataray na pagsasalita ni Trisha.
Kumuha ng lupa si Baby sa baba na siguro'y nainis sa kaniya. "Nakikita mo ba 'tong lupang 'to? 'Yan ang pag-uugali mo!"
"Ano namang connection ng lupa sa ugali ko?" tanong ni Trisha.
"Buhaghag." mariing sinabi ni Baby. Sinubukan ni Baby na batuhin si Trisha pero pinigilan siya ni Catalina nang hawakan ang kamay nito.
"Pati ba naman hanggang dito, paaabutin mo ang kamalditahan mo?" matapang na sinabi ni Cat.
Catalina's POV
Tinanggal ni Trisha ang cover-up na soot niya at pinakita ang kaniyang swimsuit na two piece. Talagang sinasagad niya ang pasensya ko, gusto pa yatang makipagbakbakan.
Napilitan rin akong magtanggal ng cover-up kaya nakita nila ang one piece swimsuit ko. Naglakad akong parang nasa beauty pageant. "Nasa akin ang korona. Tara na't layasan ang malas."
Sinundan ako ni Trisha at hindi magpapakabog. Naglakad rin siyang parang nagm-model, umikot-ikot at nag-flex ng kaniyang buhok at katawan.
"Hindi sa ganiyan nadadali ang isang babae sa pageant." pinagsungitan ko siya ng pananalita. "Magkakaalaman ang lahat, sa utak at puso."
"Oh my gosh." bahagyang tumawa na lang si Trisha. "I'm sorry kung hindi ako pasok sa standards mo. Kung malas man ako sa buhay mo, patuloy kitang susundan."
Hinabol ako ni Drea na may hawak na suklay at biglang nagtanong. "Bakit karapat-dapat na marami ang customers ng iyong bakery?"
Nagulat naman ako, ba't may question and answer?
Bahagya akong nanginig at nagtaka. "Ba't may tanong na ganiyan?" bulong ko.
"Akala ko nagp-pageant kayo." pabulong na saad ni Drea.
Kinuha ni Trisha ang suklay at sumagot nang may confidence. " I desperately believe na deserve namin ang maraming customers dahil nasa amin ang kasikatan at nasa amin ang sarap ng mga tinapay."
Pumalakpak si Beatriz at ang isang kasama niya. Pare-parehong mga sumusuporta kay Trisha.
Kinuha ko ang mic este suklay kay Trisha at tsaka sumagot. "Naniniwala ako na aanhin mo ang kasikatan at dami ng customers, kung galing naman sa nakaw ang sarap ng tinapay niyo. Deserve ko ang maraming customers dahil nasa amin ang dedikasyon at pagmamahal sa baking.
Nasa puso namin ang pagmamahal at wala sa talampakan. Higit sa lahat, I want to show the world, the universe rather that I'm confidently beautiful with a heart."
Naiinis lang na tumingin sa'kin si Trisha habang nagsisigawan sa tuwa ang mga kasama ko.
"Tingin ko, may ninakaw ka na linya." ngumit lang siya at malakas ang loob na humarap.
"Atleast hindi recipe ang ninakaw." mariin kong sinabi habang pinagtataasan siya ng kilay. "Ewan ko sa'yo, maglalaro na lang ako. Let's mind our own business na lang."
Muli akong lumapit sa mga kasama ko. Tuwang-tuwa sila sa mga sinabi ko at hindi maitago ang ngiti.
"Roasted si Trisha." nakangiting sinabi ni Quintin. "Sayang ang ganda niya kung mali mga decisions niya sa buhay."
Unti-unting tumakbo si Aidan sa malayo at biglaan na lang akong niyakap. "You did so well. I AM SO PROUD OF YOU!" pinaglakasan pa niya ang kaniyang pananalita.
Nakaramdam ako ng kahihiyan. Hinampas ko siya sa braso. "Tigilan mo ako Aidan. Huwag mo 'kong magamit-gamit para lang pagselosin si Trisha."
At nang sabihin at gawin 'yon ni Aidan, nakita ko ang unti-unting pagdilim ng pagmumukha niya. Nagselos siya sa'min at nainis.
Aidan's POV
Umahon na kami mga bandang 4:00 para kumain at magbihis. Wala si Cat sa loob dahil kausap niya si Lola.
Dito na ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin si Drea. "Drea may itatanong lang ako. Kilala mo ba tatay ni Catalina?"
"Hindi nga ayaw sabihin ni Lola pangalan." bigla siyang na-curious. "Ano bang pangalan niya? Mystery ang pagkakakilanlan niya."
"Narito siya Drea, narito ang tatay ni Cat nakaharap nga pa ni Lola. Grabe ang galit niya pero Roweno Del Valle pangalan niya." bulong ko.
"Roweno Del Valle?" muli siyang naging interesado. "Search ko kaya sa social media? Halos lahat naman ng tao may socmed account na kaya madali nating mahahanap."
Nagtingin-tingin kami ng mga accounts. May mga kapangalan syempre pero hindi kami nahirapang hanapin ang account niya at pagkatapos ng ilang scroll ay natagpuan rin namin agad.
Bago pa man namin matingnan ang kaniyang account, bigla na lang nagsalita si Cat. Nagulat kaming dalawa ni Drea at napatingin sa likod.
"Guys anong tinitingnan niyo?" tanong ni Cat. "Mukhang seryoso kayong dalawa ah. May hind ba kayo sinasabi sa'kin?"
"Uhm tinitingnan namin kung may account si Renn! Nakakamiss kasi siya." nagpalusot si Drea. "Actually, wala akong makita. Sayang at gusto pa namin siyang makausap."
"Susubukan nga ni Quintin na tawagan si Renn bukas. Siguro naman pagkatapos ng ilang linggo ay nawala na galit sa 'kin ng nanay niya." sumaya nang konti si Cat nang malaman na makakausap niya si Renn.
Hindi ko rin siya masisisi kung bakit miss na miss niya si Renn. Hindi nga ba naman sumang-ayon sa kanila ang tadhana.
Kinagabihan...
Naghahanap pa ng signal si Quintin sa ibang bahagi ng resort. Dala ang kaniyang laptop, lumibot pa sila, nagpunta sa dagat at lumabas pa sa gate para lang makahanap ng signal.
Kaming tatlo ang magkakasamang lumabas. Nagrereklamo na rin ako at naiinip kakahanap. "Cat, mukhang hindi tayo makakahanap ng signal. Baka pwedeng ipagpabukas na natin."
"Desisyon ko 'to. Ako ang haharap dito." mariin niyang sinabi.
Papabalik na kami nang mapatalon na lang sa tuwa si Drea nang maabutan namin sa harap ng room. "May signal dito! Malakas-lakas! Pwede na nating maka-usap si Renn!"
"Finally! After several months makakausap ko rin ang lalaking pinakamamahal ko!" nagmadaling tumakbo si Cat papunta kay Drea. Halata ang saya sa mga mata niya, mahal na mahal niya nga si Renn.
Hinawakan ako ni Quintin sa balikat nang mapansin ang pagbagal ng lakad ko. "Marami pang chance Aidan. Sa ngayon ay pagbigyan mo muna si Cat, she really misses Renn afterall."
Nakakahalata na ba sila? Nagpapahalata ba ako?
"Quintin ano na? Nacontact mo ba si Renn? 10 PM na." inaaya na ni Cat si Quintin habang kami ay naglalakad.
Nang kami ay makarating, agad na nai-contact ni Quintin si Renn.
Humarap agad si Cat sa camera habang nakapatong ang laptop sa mesa. Handang-handa na siyang makita ito. "Hello Renn I miss you."
Galit na galit na nagsalita ang mama ni Renn na siyang nagpakita sa camera. "Hoy Catalina! Gagawa ka pa talaga ng paraan para makausap ulit ang anak ko? At ikaw Quintin kasabwat ka pa? Tigilan niyo na nga ang anak ko!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro