Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Palit-Plano

Naalala ko may kaibigan akong medyo malapit dito kaya napagdesisyonan ko na puntahan siya. Mayaman siya katulad nina Aidan. Hindi kami masyadong close pero may pinagsamahan kami.

Nagdoorbell ako sa bahay nila. Lumabas agad ang isang maid. "Sino po sila?"

"Trisha Del Valle po. Narito po ba si Bea?" agad kong itinanong.

"Madam, may naghahanap sa'yo." napasigaw ang maid at nagpatuloy sa pagt-trabaho.

"Trisha Del Valle?" nagulat na itinanong ni Bea nang makita niya ako. Agad niya akong sinamahan papasok sa gate nila.

"Beatriz Allison, my favorite vlogger!" niyakap ko siya nang mahigpit. Namiss ko rin siya nang sobra. "Kumusta ang isang taon sa Europe? Siguradong nag-enjoy ka."

Si Beatriz or Bea ay aking kaibigan. Mahilig siya sa vlogging kaya naman sumikat siya. Meron na siyang mahigit 300,000 subscribers sa YT. Nakilala ko siya noong highschool at mahilig siyang magtravel. Bukod sa malaki kinikita niya, mayaman din ang mga magulang niya na may-ari ng isang clothing company.

"Actually, namiss ko nang sobra ang Pilipinas kaya napa-uwi ako. Narito rin ako para sa family ko." natutuwa niyang sinabi habang inaalalayan ako papasok.

Umupo kami sa sofa. Grabe ang lambot ng sofa nila, mas malambot pa kaysa kina Aidan. Tapos ang laki ng bahay nila. Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng mga mamahaling gamit sa bahay niya.

"So nasaan ang mga parents mo?" tanong ko.

"Sariling bahay ko 'to. Nasa Manila sila." sagot niya habang nakangiti pa rin sa'kin. "Ba't may mga bag ka? Lumayas ka ba kina Aidan?"

"Beatriz, nagbreak na kami ni Aidan." kalmado kong sinabi. Napahinga ako nang malalim nang sabihin ko 'yon. "Ngayong gabi lang actually. Nagkaroon kami ng patong-patong na issues kaya ayon."

"Huh? Sayang naman ang three years niyong dalawa." nanghinayang siya. "I'm so sorry to hear that."

"Wala akong matutulugan kasi wala na rin akong pera. Gusto ko sanang magrent kaso wala na talaga akong pera kaya nagpunta ako rito para tulungan mo 'ko." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Pwede ka namang matulog dito kahit kailan gusto mo. Do'n ka sa guest room. Kumpleto na gamit mo do'n. May TV, may wifi, may shower din at may mga lalagyan para sa damit mo." agad siyang natuwa at hindi nag-atubiling tulungan ako.  "'Wag ka nang maghanap ng lilipatan, may pinagsamahan naman tayo at tsaka matutulungan mo 'ko sa vlogging."

"Maraming salamat Beatriz!"

Napakaswerte ko at may makakatulong sa 'kin para ipamukha kay Aidan na sinayang niya ako.

Aidan's POV

Umiiyak pa rin si Ayeza hanggang ngayon. Gusto niyang pabalikin si Trisha pero iniinis ko lang siya kasi wala naman siyang magagawa kung ako na ang magd-desisyon para sa sarili ko.

"Kuya please-" malungkot ang mukha ni Ayeza para siyang baby. Ang sarap talagang mang-inis ng kapatid.

"Hindi na Ayeza! Hindi na. Badtrip ako ngayon at alam kong magd-drama ka na naman kasi hiniwalayan ko si Trisha." ayos lang ang pagsasalita ko na parang walang nangyari. Ang totoo hindi ko na mahal si Trisha. Si Ayeza lang may mahal do'n.

"Balikan mo na po si Ate Trisha nagmamakaawa ako kuya Aidan please please please promise gagawin ko lahat para magkabalikan na kayo please please." mabilis niyang pananalita. Sinasabi na nga ba at nagd-drama na naman siya.

"Ayoko." madiin kong sinabi habang pinangdidilatan ko siya ng mata.

"Diyos ko Ayeza hayaan mo na si Aidan. Balang araw makakahanap ka rin ng ibang ate kaysa kay Trisha. Dapat igalang mo ang desisyon ng kuya mo at intindihin na lang natin ang sitwasyon." itinatago ni Mommy ang ngiti niya. Halatang natutuwa sa pag-alis ni Trisha.

"Bahala na nga kayo sa buhay niyo! I hate y'all!" pamalditang sigaw ni Ayeza palibhasa inispoil ni Trisha.

Sinundan ko siya sa kwarto. Mukhang tinawagan niya si Trisha.

"Ate Trisha alam mo ba na ayaw na sa'yo nina mommy at kuya. Nakakainis sila!" may padabog pa siya habang kinakausap niya si Trisha.

"Okay lang 'yon Ayeza. Next time mag-acting ka nang natural para hindi ka nila mahalata na gumagawa ka ng drama." hindi alam ni Trisha na nasa speakerphone ang tawag niya.

Biglaan akong pumasok at kinompronta si Trisha.
"Ano Trisha? Inuutusan mo si Ayeza? Kaya pala malakas ang kapit sa'yo. Subukan mo lang talagang utuin ang kapatid ko, ako ang makakalaban mo." binaba ko naman ang tawag at pinagsabihan si Ayeza.

"Ayeza listen to me." sinamahan ko siya sa pag-upo sa kama. Pinakalma ko siya at tinanong. "Kailan ka pa sinasabihan at inuutusan ni Trisha nang ganiyan? Be honest please."

"Kuya sorry po. Few months ago sinabihan ako ni Ate Trisha na ipagtanggol ko siya para hindi kayo maghiwalay."

Flashback...
Ayeza's POV

"Ate Trisha ano pong gagawin niyo?" tanong ko kay Ate Trisha.

"Eto mga mamahaling damit, sapatos at make-up. Pero kailangan mong gawin ang ipapagawa ko."

"Okay ate pero ano pong ipapagawa niyo?" tanong ko.

"Mag-act ka lang para hindi kami magkahiwalay. Kahit nagkahiwalay na kami, gumawa ka ng paraan para magkabalikan ulit kami. Lahat ng perang ibibigay ni Aidan sa 'kin, kalahati do'n ay iyo." paliwanag niya.

"Madali lang po iyon ako na po bahala." tugon ko.

End of Flashback..
Aidan's POV

Malaki ang tiwala ni Trisha sa kaniyang sarili kaya malakas ang loob niyang pumayag agad kapag kami ay naghiwalay. Wala siyang utang na loob at gagamit pa ng pera para lunakas ang kapit kay Ayeza.

Hindi ko 'yon inasahan. Ginamit pa niya si Ayeza.

"Kuya s-sorry po." nauutal na sabi ni Ayeza habang umiiyak.

Niyakap niya ako nang mahigpit. Wala siyang kaalam-alam na ginagamit lang siya ni Trisha. Wala kaming magagawa. Sisiguraduhin ko na lang na safe kaming lahat pati ang aming bakery.

Catalina's POV

Panibagong araw na naman at nakakaantok ang araw pero isang balita ang gumising sa 'kin habang ako'y nagkakape sa bahay. Pascroll-scroll lang ako sa 'king account sa social media.

"Si Trisha at Aidan hiwalay na?" napabuga nalang ako ng kape habang binabasa ang nakapost sa official social media page ni Beatriz Allison.

Hi Guys! Meet Trisha, isa sa bago niyong makikita sa vlog ko! Actually kagagaling niya lang sa break-up kaya naman tinutulungan ko siyang makamove-on. Don't forget to follow her social media account: TrishaDelValle.

Trisha is my friend at bilang isang mabuting kaibigan, kailangan nating tulungan ang mga taong kailangan ng tulong natin. Well 'yan lang guys ang update ko ngayon. See you sa next vlog ko!!

Nagpost siya ng picture nilang dalawa na marahil sa bahay nina Beatriz. Tuwang-tuwa rin siguro si Trisha dahil mayaman na naman ang nahanap niya.

"Ano Cat? Break na sila ni Aidan? Buti nga sa kanila! Sinubukan nilang kunin ang secret recipe mo. 'Yan tuloy sila naman ang nagkaroon ng problema imbis na ikaw." biglang natuwa si Drea sa sinabi ko. Siguro'y naisip niya na parang karma sa kanila 'yon pero ako hindi natutuwa.

"Oo naghiwalay na sila pero sa tingin ko hindi pa dapat tayo magpakampante. Si Trisha ay naninirahan sa bahay ni Beatriz Allison." nag-aalala kong sinabi.

"Hindi ba't siya yung sikat na vlogger? Ano namang connect kung nakatira siya kay Beatriz?" pagtatakang tanong ni Drea.

"Hindi mo ba naisip na dati pa pineperahan ni Trisha si Aidan?" sagot ko kay Drea habang umiinom ako ng kape.

"So kung pineperahan lang niya si Aidan noon..." napag-isip-isip si Drea.

"Baka perahan din ni Trisha si Beatriz!" bigla kaming nagkasabay ng pagsasalita.

"So pareho tayo ng naiiisip? Na kapag naperahan ni Trisha si Beatriz, mas madali niya tayong matatalo?" nalaman na ni Drea ang puntong gusto kong sabihin.

"Bahala na Drea, mukhang kailangan na nating umalis. 5:30 AM na." nilagay na namin ang baso pati mga plato sa hugasan. Dati si Drea ang naghuhugas ng mga plato dahil kasama ko naman si Renn papuntang bakery. Wala lang naalala ko lang.

Sumakay na kami sa kotse. Mabilis lang kaming nakarating do'n dahil maaga pa. Nakita namin si Quintin na kumakaway sa'min sa harap ng bakery pero bike lang ang dala niya. Bumaba na kami sa kotse. Naunahan pa niya kami sa pagbubukas.

"Quintin ba't ang agap mo? Kanina ka pa? Alam mo kahit bagong gising ka, ang cute mo." pambobola ni Drea.

"Kanina pa 'ko gising. We were cycling with some of my friends. I woke up at 3:00 AM and napadaan lang ako dito to buy breakfast." sagot ni Quintin kay Drea. Pawis na pawis si Quintin kaya naman naging concern si Drea.

"Hoy ba't ang pawis mo?" inalok ni Drea ang panyo niya kay Quintin. "Magpunas ka nga't baka magkasakit ka."

Kinuha ni Quintin ang panyo at nagpunas-punas. Agad niya rin itong ibinalik kay Drea.

Lumapit sa'kin si Drea habang inaamoy ang panyo nito. Kinikilig pa siyang bumulong. "Hoy alam mo ba Cat ang gwapo ni Quintin tapos ang bango niya kahit pawisan."

Binatukan ko si Drea nang mahina-hina. "Ang landi mo talaga sis. Una parang naging crush mo si Renn tapos ngayon pinsan naman niya."

"Magaganda lahi nina Renn sis ehe! Pero sigurado na 'to, si Quintin na talaga bumihag sa heart ko!" pagbibiro ni Drea.

"Uhm magbubukas na kami Quintin pero kailangan mo pang maghintay. Late na kasi kaming magbukas ngayong mga nakaraang araw." nakangiti kong sinabi kina Drea at Quintin.

Kukunin ko na sana ang susi pero nasangga ni Drea ang bike ni Quintin habang naglalakad na siyang nasa tabi naming dalawa. Mapapatid na sana siya pero bigla siyang sinalo ni Quintin! Nabigla ako sa mga nangyari.

"Okay ka lang Drea?" tanong ni Quintin habang hawak niya ito sa likod at salo-salo ito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan ko sila pero hindi nila alam. Kumuhit sa likod ko si Baby. "Uhm ma'am pwede niyo na po bang buksan ang bakery??"

"Hoy Drea tumabi na kayo, kung gusto niyong magmoment do'n kayo sa park 'wag dito sa harap ng bakery ko. Naghihintay na mga empleyado ko." sigaw ko sa kanilang dalawa.

Binitawan ni Quintin si Drea at nag-unat-unat pa ito sa paglalakad. "Sorry na sis, minsan na nga lang magkaroon ng moment naming dalawa, hahadlang ka pa."

"Wala nga kayong chemistry eh." masungit kong sinabi kay Drea.

"Bitter naman ni Cat palibhasa.."

"Sige na malakas na chemistry niyo basta huwag mo lang banggitin si Renn." inis kong sinabi habang iniikutan ko siya ng mata.

"Pasok na kayo!" sigaw ko.

Ilang oras ang lumipas, dumating si Drea na inutusan ko kanina para may bilhin.

"Totoo ba this?" nang pumasok si Drea ay nagmamadali siyang nagpunta sa'kin. "Tingnan mo Cat yung sa labas halika." hinila ni Drea ang aking kamay at tumakbo kami sa labas.

"Nakita mo 'yan Cat? 'Yang building na 'yan gagawin daw na bakery at rerentahan ng kung sino." tinuro ni Drea ang bagong ginagawang bakery ilang metro mula sa 'min. "Tinanong ko pa sa naggagawa d'yan at ang sabi hindi lang basta ordinaryong tao ang may-ari, si Beatriz Allison daw." dagdag pa ni Drea.

"Ang may-ari ay si Beatriz Allison?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ito. "Mukhang mahihirapan tayong talunin siya. Isa siyang vlogger at sikat na sikat siya. Sa pagbubukas nito, kailangan nating tindihan ang marketing strategy natin."

Nagbigla kami sa bagong bakery. Malapit-lapit pa 'to sa 'min. Malaking problema 'to kapag nagkataon dahil mababaling ang atensyon ng customers namin sa kanila.

"Anong suggestion mo Drea?" tanong ko.

"Bumalik muna tayo sa bakery." tugon ni Drea.

Habang naglakakad kami pabalik, nakabuo ako ng hinuha. "Hindi kaya nakipagsabwatan si Trisha kay Beatriz? Imposible namang gumawa ng bakery si Bea."

Nang pumasok kami, umupo muna kami at nag-usap.

"Gusto mo ba ng donut?" Inalok ako ni Drea habang kumakain.

"Wait lang sis mamaya na 'ko kakain. Ang weird nga kasi." naiinis kong sinabi.

"Hindi kaya gumaganti si Trisha sa'tin?" tanong ni Drea habang ngumunguya ng donut.

"May iba akong nararamdaman eh. Kung ginagamit lang ni Trisha si Beatriz, ibig sabihin si Beatriz ang naiipit sa sitwasyon. Siguro kailangan nating magwarning kay Beatriz until marealize niya ang mga ginagawa ni Trisha." paliwanag ko.

Napapalakpak si Drea. "Boom! Nakuha mo! Imposibleng walang koneksyon 'yang bakery na 'yan kay Trisha. Kailangan lang nating isipin kung paano 'yan tatalunin."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko para kay Trisha at Beatriz. Pero malamang ay malaking gulo ito at kailangan na tapusin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro