Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17th Chord

CHAPTER 17


Last night na namin ngayon, at magkakaroon ng bonfire mamayang hating gabi. I was invited to join Harris' group para maki-jam. Dahil bukod sa isang malaking bonfire para sa lahat, magkakaroon ng maliit na session right after ng midnight snacks.

Hindi na ako tumanggi dahil nakakahiya rin naman kay Harris at 'dun sa iba pang nag-aya saakin. Tutal wala pa naman akong plans after ng bonfire.

And right after what happened last night, parang may utang na loob ako kay Harris dahil siya ang nandun na nagcocomfort saakin, imbis na si Jarvis.

Right after I knew na hindi pala niya asawa si Kat at anak si Peachy, gumaan 'yung loob ko sakanya. Syempre 'di naman ako papayag na nandun siya kagabi kung may anak at asawa na siya.

"Oh halika na?" Aya ni Krish tapos lumabas na kami ng hotel room.

Dahil sa may lakad sila Ken at 'yung dalawa, kami naman ni Krish may pupuntahan rin.

Sabi kasi ng isang classmate naming, may magandang sight seeing daw dito kung saan may high cliff tas makikita mo 'yung mga bundok at dagat tapos 'yung daan papunta 'dun.

Inayos ko 'yong camera na nakasukbit sa leeg ko tapos naglakad na kami palayo.

"Buti naman at naisipan mo akong samahan Lauren Yen." Sabi ni Krish.

Napalingon ako saknya then make a denying face, "Kasalanan ko bang lagi tayong magkahiwalay?"

"Nako! Eh kasama mo nga lagi si Jarvis, segway ka pa."

"Wala na nga e, biglang umalis." Sagot ko.

"Everything happens for a reason." Napalingon naman ako sakanya bigla at nakita ang seryosong ekspresyon niya.

"Wow. Serious." Tapos bigla na lang siyang natawa dahil 'di niya kayang maging seryoso ng matagal.

Sa haba ng nilakad naming papunta sa isang cottage na may mga ATV naghintay pa kami dahil wala pang available na ATV dahil may gumamit pa raw!

"Grabe kuya, 'di kami nainform na ganito pala kahangin dito sana hindi ako nagdress!" reklamo ni Krish habang pilit pinipigilan na liparin 'yung laylayan ng dress niya at ang buhok niya.

Natawa lang si Manong. Hindi ata marunong magtagalog kaya puro tawa na lang.

"Ay salamat!" Napalingon ako nung narinig naming ni Krish na may parating na ATV.

Sumingkit ang mata ko dahil lumakas lalo ang hangin kaya lumihis ako ng tingin dahil sa mga buhangin na hinangin.

Nung lumingon ulit ako, nakita ko si Harris na dala 'yung camera niya. Tapos bumaba na siya ng ATV at inassist na ni Manong 'yung ATV niya.

"Uy." Bati ko sakanya nung napatingin siya saakin at ngumiti.

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya habang tinatanggal 'yung helmet niya.

"Ah diyan lang sa-"

"'Dun sa may cliff something, ano na nga tawag 'dun kuya?" Lumingon si Krish para tanungin si Manong.

"Sa botolan Ma'am." Sabi ni kuya at nagpatuloy sa pagasikaso ng dalawang ATV na sasakyan namin.

"Samahan ko na kayo, risky road there." He offered.

"Ha? Hindi na, si Manong na lang." Dinggol ako ni Krish gamit 'yung bewang niya tapos sumingit siya.

"Ah oo sige, hindi namin alam papunta 'dun eh, atsaka magbabayad pa kung may guide na kasama. 'Diba libre naman sayo?" Krish smiled at Harris ako naman pinanlakihan ko siya ng mata.

Nakakahiya na 'yung ginagawa ni Krish! Pilit ko na ngang tinatanggihan, siya naman tong mapilit! Mukhang pagod na pagod na si Harris tapos magpapasama pa kami.

Harris chuckled why does he looks so sexy when he chuckles? And why am I thinking that way?!, " Yeah alright then.." Sinuot na ulit 'yung helmet niya tapos sumakay na sa kaninang ATV na sinakyan niya.

"Angkas ka na," Siniko ako ni Krish at sumakay siya sa mas maliit na ATV. I was about to hope into her ATV when she continued, "Sakanya." Ngumuso siya kay Harris na kasalukuyang tinetest 'yung ATV.

"Sayo na lang!"

"'Di tayo kasya oh!" Umusog pa siya kunwari para 'di talaga kami magkasya.

"Hop in." Harris said habang nakalingon saakin.

And with that, wala na akong nagawa kundi kay Harris umangkas.

Edi sana kung hindi siya kasama, solo ko 'tong ATV.

"Can I drive?" I offered instead.

But I'm so dumb to ask that. "No. It's delicate." He simply answered tapos tumungo na sa harap.

"Friend, ang awkward naman kung siya ang aangkas sayo." Singit ni Krish tapos sinuot na 'yung helmet niya.

Sinuot ko na lang ang helment ko at humawak sa likuran.

"Kapit ka." Sabi ni Harris.

"No, I can manage." I said.

Bigla niyang pinatakbo 'yung ATV kaya muntik ako ma-out of balance.

Hinampas ko siya sa likod, "Oy! Dahan dahan naman!"

Grabe! Muntik na akong malaglag! Hindi man lang ako sinabihan!

"I said kapit ka." I heard him chuckle tapos unti unti kong kinapit yung kamay ko sa balikat niya.

Ihininto niya 'yung ATV tapos kinuha niya 'yung kamay ko at ipinalupot sa bewang niya. "Right.." Mahinang sabi niya at pinaandar na ulit 'yung ATV.

"Woooooh!" Rinig kong sigaw ni Krish pagkatapos ng ginawa ni Harris.

I'm so close to him. I can feel his warm body in my face. Kung awkward na kumapit ako sa balikat niya, how about this one?

This. Is. So.... I can't explain it.

Kapag nadadaan kami sa mas mabatong lugar I tend to hug him more, dahil parang malalaglag ako sa kaldag.

And I can see at the side mirror on how he reacts...he was smirking when I tightened my grip in him.

This is embarrassing...

His body is really hard, para akong may yakap na poste. Masyado siyang pinagpala ni Lord!

"You okay?" Medyo hindi ko marinig 'yung sinabi niya dahil sa lakas ng tunog ng machine ng ATV.

"Ha?" I said out loud.

Hininto niya 'yung ATV sa gilid ng damuhan tapos bumaba siya ng ATV. Si Krish naman ay walang nagawa kundi huminto rin dahil si Harris ang may alam ng daan.

"Are you okay? Nahihilo ka ba or anything?" He asked while studying my face like I was a figure.

Umiling ako at tumingin kay Krish na nakataas ang kilay. Tapos naggesture siya ng mahabang buhok.

"Yeah, just checking." He smiled tapos sumakay na ulit sa ATV but before he drive, kinuha niya ulit 'yung mga kamay ko at ipinalupot sa bewang niya.

Can this moment be more embarrassing? Gosh!

Mga 20 minutes 'din ata ang travel papunta sa botolan, napakapangit ng daan pero kung ano ang ikinapangit ng daan siyang kinaganda ng lugar.

Sobrang worth it 'yung rocky road at madadamong daan dahil sa breath taking na sight seeing.

Bumaba ako ng ATV at tinanggal ang helmet ko, I can't stop looking at this place, it's so nice!

Sobrang mas maappreciate moa ng nature kapag nakita mo 'to, sobrang mesmerizing!

Kinuha ko ang camera ko atkumuha ng ilang pictures.

"Friend ha! I smell something." Hindi ko napansin na nasa tabi ko nap ala si Krish. Naalala ko tuloy bigla si Harris kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakasandal lang sa ATV at nakatingin sa view.

Siguro dito siya galing kanina, kaya alam na niya 'to.

"Wala. Malisyosa ka talaga." Sabi ko at kumuha ulit ng mga pictures.

Isa to sa magandang pictures na mailalagay ko sa collection ko!

Sobrang kita ko ang mga bundok na para bang abot na abot na 'yung mga clouds, tapos 'yung deep blue see! It's like nature is really awesome! I really love it!

"You take pictures too?" Muntik na akong mapatalon nang nagsalita si Harris sa likod ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang nagse-selfie si Krish.

"Oo, ikaw 'din?" Sabi ko sabay tingin sa camera na nakasukbit sakanya.

"Well, it's my sideline when I was in college, in my tita's photo shop." He said tapos lumayo ng konti at kumuha ng picture.

Tumingin ako ng mga pictures sa camera ko, gusto ko magpadevelop ng isang landscape photo.

As I was searching for a photo, naririnig ko ang ilang clicks mula sa camera ni Harris.

"Uy! Picture naman tayo Lauren!" Lumapit si Krish tapos sinet-up 'yung phone niya.

"Let me take the photo." Harris offered kaya binigay ni Krish 'yung phone niya tapos nagpose na kami.

"One, two," Then the camera flahes.

"Another one." Tapos ginawa niyang pa-landscape 'yung phone.

"Ready, One, Two.." Then he clicked the phone.

Mukhang sanay na sanay na nga siya kumuha ng pictures.

"Oh kayo naman!" Sabi ni Krish tapos kinuha kay Harris 'yung phone niya tapos kinuha niya saakin 'yung camera ko.

Nagkatinginan naman kami ni Harris, pero mukhang okay lang naman sakanya. Nagpamulsa siya tapos lumapit papunta sa tabi ko.

"Oh, dali na wag na maarte!" Sabi ni Krish habang nakatapat na saamin 'yung camera.

Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang. Hindi ko alam kung anong pose ang gagawin ko, ang awkward sa feeling.

"Compress! Compress pa!" Sigaw ni Krish habang nage-gesture ng compress.

Dumikit ng kaunti si Harris saakin, parang wala na atang space sa pagitan namin.

"Ayan! One! Two!" Bago ma-click ni Krish yung camera, biglang umakbay saakin si Harris at hinatak ako ng konti sakanya.

Medyo nagulat ako but I managed to smile then the camera flashes.

"OMG!" Tumili si Krish tapos tinitigan 'yung phone niya.

"May I see?" Tanong ni Harris tapos ibinigay ni Krish sakanya 'yung camera ko.

Am I just hallucinating or I really seen him smiling while looking at the photo?

Tumabi saakin si Krish at bumulong. "Haba talaga ng hair mo!"

"Ewan ko sa'yo." Lumapit ako kay Harris nung nakita kong pinicturan niya 'yung camera ko gamit 'yung phone niya.

Nung nakita niyang nasa tabi niya ako, "Memories." He said while smiling.

"Oh tara na! Baka kung san pa mapunta 'to!" Pumalakpak si Krish ng dalawang beses tapos sumakay na ulit kami sa ATV.

Kukunin ko na sana 'yung helmet ko para isuot pero kinuha 'yon ni Harris.

"We really look good together." He smirked then gives my helmet tapos nagsuot na siya ng helmet niya.

I felt my cheeks heat up. Parang kahit sobrang lamig ng hangin dito, all of a sudden uminit yung mukha ko. Lahat ata ng init ko sa katawan umakyat sa mukha ko!

Gosh! Why does he have to be  that...urgh!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro