10th Chord
CHAPTER 10
"Okay guys, settle down!" Sigaw nung babaeng may hawak ng mega phone. Siya 'yung mag-aassist samin papuntang Batanes. Nandito na kami ngayon sa tabi ng airplane, we we're just waiting for the go signal para umakyat na sa loob.
"Look at your seat number," Tiningnan ko ang akin. J2
"Okay, so 2 seater siya, so may isa kayong makakatabi alright?" Sino kaya 'yung katabi ko? Sayang, sila Krish kasi, ibang plane ang sasakyan nila. For sure, hindi siya ang makakasama ko.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga familiar faces ng mga kabloc ko. But hindi ko naman sila ganun kaclose. Nagkakagulo 'yung iba lalo na nung may iba pang dumating.
Gosh! Can't they even wait until sa batanes para magkagulo? Nakakahiya sa operator.
Nagtext naman si Krish kung nasaan na daw ba ako. Sila kasi nakasakay na daw. I replied na papasakay na rin kami.
Buti na lang talaga nasa mood sila Mommy at Daddy nung pinapirmahan ko 'yung "Consent". And I also assured na hindi nila malalaman, dahil kakuntsaba ko sila Manong Roger at si Manang.
Nung nagsignal na 'yung operator na pwede na kami sumakay, umakyat na ako at pumunta sa seat ko, buti nauna ako. I always want to see the sky when we fly. Although ang hassle talaga kapag Cebu Pacific lang, kasi ang sikip ng daan. But anyways.
Nung nakasakay na ang karamihan, umakyat na si Sir CJ at si Hunter. It means complete na. Asan na 'yung katabi ko?
As if on cue, biglang may umakyat na lalaki na may sukbit na gitara at sa kabila naman ay isang black na backpack.
Don't tell me...
"Hi," Bati niya at inilagay ang gamit niya sa cabin at umupo sa tabi ko.
Mukhang humabol lang talaga siya, kasi pawis-pawis pa siya at mukhang tumakbo para lang makahabol sa flight.
"You can blink Lauren," He said tapos inabot 'yung aircon para itapat sakanya.
Napailing ako ng bahagya, is it coincidential? Katabi ko siya. Sa dami ng upuan at mga pweeng tabihan, saakin pa talaga natapat.
"Pwede ko makita plane ticket mo?" Mukhang nagtataka pa siya sa tanong ko pero ibinigay niya naman din.
Tiningnan ko 'yun at J3 nga ang nakalagay. So hindi nga siya nagkakamali, ako nga talaga ang katabi niya.
Nung ibinalik ko sakanya 'yung plane ticket niya, nakatingin lang siya saakin at unti-unting nagform ng smirk ang labi niya.
"What?" I asked.
"Nagtataka ka ba kung bakit ako ang katabi mo?" He asked.
Hindi ako sumagot. Hindi ko 'din kasi alam ang isaasgot ko.
He chuckled a bit. "You should think outside the box Lauren." He said tapos napatingin ako sakniya, not just tingin, napaharap ako sakanya.
But, then the stewardess spoke to the intercom and signaled to put the seatbelts on.
After that, tiningnan ko ulit siya
But he already closed his eyes, habang 'yung kamay niya nakarest sa mga bulsa niya.
Ang haba ng pilik mata niya...
Hindi ko na lang siya kinausap at isinaksak sa tenga ang earphones ko.
After ilang minutes, hindi parin ako makatulog. Lalo na nung pataas na ang airplane, I need to capture the moments in the sky. I can't sleep. Lalo na't 1 hour and 30 minutes lang naman ang travel, I don't think masusulit ang tulog ko kung matutulog lang ako.
I fished for my phone and capture the beauty of clouds.
Ah. Ang ganda talaga ng clouds, sobrang blue pa ng sky. It's so peaceful to watch.
When I was about to sit properly, bigla akong nagulat dahil ang lapit ng mukha ni Jarvis. Hindi ko namalayan na nakatingin pala siya dito kanina pa.
Lumayo ako ng konti at umupo ng maayos. Itinago ko na ang phone ko at inayos ang buhok kong nakalugay.
"First time?" Napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya.
Anong tingin niya saakin inosente?
Tinaasan ko siya ng kilay.
He just shook his head tapos isinuot ang hoodie niya at pumikit na lang ulit.
Buong biyahe, nagbasa lang ako ng magazines na nakalagay sa harap ko at nakinig ng music, nabasa ko na halos lahat, pati 'yung sa harap ni Jarvis!
Nang makarating na kami sa camp site, meron kaming sari-sariling rooms for girls and for boys. Buti na lang dito, pwede ko nang kasama si Krish.
Tinext ko si Krish na magkita na lang kami sa room namin.
Nakita kong may isang malaking stage sa gitna, at may mga nakaset-up na for the event, sobrang peaceful tingnan ng lugar, and ganda rin ng sand. It's white and clean.
Nakita kong may ilang tent rin na nakatayo at mga sineset-up na upuan.
Tapos may mga nagkakabit ng mga banners at ilaw.
Sobra talaga nilang pinaghandaan 'tong event na 'to.
Nung papunta na ako sa cottage room naming ni Krish, nakita kong magkausap si Jane at Jarvis sa labas ng isang cottage.
I think, they where... arguing.
Hinayaan ko na lang sila, at hinatak ang luggage ko papasok sa room.
I went to the windows facing the bay.
It's so relaxing, and refreshing at the same time. Ang ganda tingnan ng nature. Kahit na medyo maaraw, mahangin parin. Kaya 'yung kurtina hinahangin 'din kasabay ng buhok ko. Kaya ipinusod ko 'to.
Narinig kong may nagbukas ng pinto kaya napalingon ako.
"Krish!" I hugged her.
Mukha siyang bangag na bangag.
"Oh anyare sa'yo?" tanong ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Letcheng eroplano na 'yan! Nabingi na nga ako! Nahilo pa ako! Sayang 'yung kinain naming ni Ken na French fries at ice cream! Ugh!" Napahiga na lang siya sa kama.
Natawa ako habang siya ang hawak ang sentido niya. "Oo nga pala first time." Binato niya ako ng unan na nasa tabi niya habang hinihilot parin niya ang sentido niya.
Mas natawa ako. "Buti nga sandali lang eh, paano kung sa ibang bansa pa. Baka nahimatay ka na!" Tumawa ako habang siya ay umupo at mukhang problemado.
"Wag na! Sa Pilipinas na lang ako! I love Manila, Phillipines!" Sigaw niya habang ginulo ang buhok niya.
"Bruha ka talaga," Binato ko ulit sakanya 'yung unan na ibinato niya saakin, "Bahala ka, mag-aayos na ako ng gamit, malapit na mag-opening oh."
"Bahala ka, matutulog muna ako." Sabi niya at dumapa na.
Sus, sira talaga. Nag-ayos na lang ako ng gamit at iniligpit 'yung nagkalat na bagpack at maleta.
Daig pang nagpunta sa ibang bansa 'tong si Krish! Ang daming dalang gamit, samantalang 5 days lang naman kami dito.
Nang matapos ako mag-ayos at mag-linis ng katawan, narinig kong may tumutugtog na sa labas at nagma-mic check.
4:30 na pala, malapit na mag-start.
"Krish..." inalog ko 'yung balikat ni Krish at umungol siya.
"Maligo ka na kaya, mag-oopening na oh." Sabi ko habang inaalog parin siya.
Umupo siya agad at nagkusot ng mata. "Anong oras na?" Mahinang sabi niya habang pinipilit dumilat.
"4:30 na." Sabi ko at nag-inat siya.
Tumayo na siya at naghalungkat sa maleta niya. Para siyang robot na tuloy-tuloy lang, may topak nanaman siguro. Naalala ko nung camping ng girl scout nung high school kami, parang pikit mata pa siyang pumunta sa labas para kumain, as in wala siyang pinapansin mga 1 oras. Bad mood lagi kapag kakagising.
"Labas muna ko." Sabi ko at tumango siya.
Ang ganda! Gusto kong sumigaw sa ganda ng lugar, ang daming ilaw, iba-ibang ilaw. Tapos may mga puting ilaw din sa mga puno sa labas, tapos may isang malaking banner sa taas ng stage na nakalagay ang "10th Music camp"
May mga nakasabit rin sa taas na iba-ibang kulay.
Hinawakan ko 'yung buhok ko na nililipad at pinagpag ng konti iyong tsinelas ko na napasukan ng buhangin.
Umupo ako sa bench sa labas ng cottage at pinagmasdan and mga bundok sa likod ng stage.
The sky's starting to turn orange and red. I can seethe mixing of colors to pastel.
I really love sunsets! It reminds me of how theday turns so right and beautiful.
"Lauren!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya lumingon ako.
Nakita kong kumakaway saakin si Jane sa 'di kalayuan kaya nginitian ko siya, habang siya ay papalapit naman saakin.
Nakasuot siya ng Coachella skirt at ng sleeveless shirt tapos may head band siya. Ang cute niya tingnan!
"Ang ganda noh?" Sabi ko nang makaupo na siya. Nakikita ko na kasing lumulubog ang araw.
"Alam mo may nagsabi saakin," huminto siya saglit, napatingin naman ako sakanya.
"Kapag sunset daw, may lagi siyang naalala na kasing ganda nito." Sabi niya at nakita kong ngumiti siya at tumingin saakin ng makahulugan.
And I don't know why, but something's pushing me to glance at my left side.
Then I saw there Jarvis, leaning his back on the tree with his hands in his pockets, his hair swaying as the wind blows, with his sunglasses on.
He's just cool right there.
And I know he's looking at our side. Or should I say to me?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro