SPECIAL CHAPTER: FORGOTTEN MEMORIES
SPECIAL CHAPTER: FORGOTTEN MEMORIES
THIRD PERSON'S POV
HINDI MAPAKALI SI ANNA habang nakatingin sa kanyang ama na ngayon ay nagsusuot ng puting sapatos.
Ngayong araw ay pupunta sila sa Monsietta para bumisita sa matalik nitong kaibigan. Request na rin kasi ni Anna sa kanyang ama na bumalik doon dahil gusto na niyang makita si Kristoff.
"Papa ang tagal mo naman!" hindi makapaghintay na sambit ni Anna. Nakahawak siya sa strap ng maliit nitong bag. "Excited na po ako makita si Kristoff!"
Kumpleto sa ayos si Anna. Naka sout siya ng paborito nitong damit na maong jumper at ang panloob no'n ay isang puting sando dahil summer ngayon.
"Anna, makakapunta naman kayo ro'n ng papa mo. Matutong mag hintay, okay?"
Bumingisngis si Anna ng makita ang kanyang ina. Kagagaling lang nito sa kanilang kuwarto. Nakasout ito ng duster na puti at nakatali ang mahaba nitong itim na buhok.
"Mama!" masayang wika ni Anna sa kanyang ina.
Bumaba si Anna sa sofa at muntik pang ma-out of balance dahil tumalon ito. Mabuti na lang at nasalo siya ng kanyang ama.
"Anna, dahan dahan lang. Baka madisgrasya ka," kinakabahang sambit ng kanyang ama.
Napalabi si Anna. Niyakap niya sa leeg ang kanyang tatay at humingi ng tawad.
"Sorry po," mahinang sagot ng bata.
Gumuhit na lang ang ngiti sa labi ni Samuel at sabay silang nagtungo kay Clarisa. Pinanood lang ni Anna ang kanyang magulang na masayang naglambingan sa harapan niya.
"Mag-iingat kayo ro'n, Samuel," malumanay na wika ni Clarise sa kanyang asawa.
Pagkatapos ay sinulyapan niya si Anna na ngayon ay nakasandal sa balikat ng kanyang ama. Umangat ang kamay ng ina ni Anna at hinaplos ang bilugang mukha nitong mukha.
"Anna, huwag ka masyadong makulit. Baka makasira ka roon," paalala ni Clarisa sa kanyang anak.
Dahan dahang tumango si Anna at hinawakan ang kamay ng kanyang ina. Ang seryosong mukha ni Anna ay unti unting napalitan ng ngisi, bumungisngis pa nga.
"Maglalaro lang po kami ni Kristoff, mama," inosenteng sagot ni Anna.
nagkatinginan ang mag-asawa at nagpalitan ng tawa. Hindi alam ni Anna kung ano ang dahilan bakit sila tumatawa. Napakurap kurap na lang ang mata ni Anna habang nakamasid sa kanyang magulang.
Hinawakan ni Samuel ang kamay ni Clarisa at hinila papalapit sa kanya. Niyakap niya ang kanyang asawa at dinampian ng halik ang noo nito.
"Babalik lang din kami, mahal," malambing na sambit ni Samuel sa kanyang asawa. Bumaba ang kamay ni Samuel at hinaplos ang tyan nito. "Huwag niyo kami mamiss, ah? Alam mo naman na hindi ko rin matanggihan ang panganay natin."
Tanging tango na lang ang naitugon ni Clarise at niyakap ng mahigpit ang kanyang asawa. Mabilis niyang hinalikan sa pisngi si Samuel at ganoon din kay Anna.
"Masakit tyan ni mama?" kunot noong tanong ni Anna.
Parehas na natigilan ang mag-asawa.
"Hindi, anak. Bakit?" naguguluhang tanong ni Samuel.
Napalabi si Anna at tinuro ang kanyang ina na naguguluhan din dahil sa sinabi ng anak nila.
"Bakit mo hinawakan tyan ni mama?" inosenteng tanong ni Anna. Nilingon niya ang kanyang ina. "Masakit tyan ni mama kaya hindi siya makakasama?"
Nang maintindihan nila kung ano ang ibig sabihin ni Anna ay napuno ng tawanan ang sala. Parehas na binigyan ni Samuel at Clarisa ng halik sa pisngi si Anna kaya napahagikhik ang bata.
"Magiging ate kana kasi, Anna. Magkakaroon kana ng kapatid," nakangiting tugon ni Samuel.
"Ate kana," masayang wika ni Clarisa.
Nanatiling inosente ang mukha ni Anna dahil wala siyang maintindihan. Sa huling pagkakataon ay nagpaalam na si Samuel.
"Mahal, ang mangga at bagoong huwag mong kalimutan," pahabaol ni Clarisa.
"Opo, mahal. Susubukan ko rin bumili kela Alex baka may napitas na sila sa tanim nila," sagot ni Samuel.
"Salamat, Ingat kayo ni Anna. Maghihintay kami rito sa bahay," wika ni Clarisa.
Hinatid sila ni Clarisa sa labas ng bahay hanggang gate. At bago pa sila tuluyang makaalis ay pinapasok muna ni Samuel ang kanyang asawa sa loob ng bahay at umalis na sila.
"Saglit lang tayo ro'n, papa?" tanong ni Anna.
"Opo, hindi natin puwedeng iwan ng matagal si mama mo sa bahay at may mangyaring hindi maganda sa kanila ng kapatid mo."
"Okay po."
NAPUNO NG HAGIKHIK ang pwesto ni Anna habang nakatingin kay Kristoff. Nasa bakuran sila at doon sila nakapwesto sa malaking puno na napuntahan ni Anna noong unang punta niya rito.
"Hindi ka magagalit?" tanong ni Anna kay Kristoff.
Umiling ang batang lalaki at nanatiling nagbasa sa kanyang educational book.
"No. You can do whatever you want to my hair," tugon ni Kristoff.
Wala naman na nagawa si Kristoff dahil may mga palamuti na ang mala ginto nitong buhok. Iba't ibang kulay ng maliliit ng clips. Halos butterfly ang disenyo no'n pero kulay lang ang naiba.
"Ganda ng buhok mo, Kristoff," nakangiting sambit ni Anna.
Malakas ang simoy ng hangin sa kanilang pwesto. Ang ganda ng kapaligiran dahil sa mga tanim malapit sa kanila. Lalo na ang nagagandahang burol at bukirin.
"You said I looked like corn when we first met, and right now you like it?" kunot noong tanong ni Kristoff kay Anna.
Napahalukipkip si Anna at humaba ang labi.
"Bakit kasi ang sungit mo sa akin no'n? Ayan tuloy nasabihan kita ng mais," paninisi pa ni Anna sa kanya.
Sanay na si Kristoff sa pagiging pilosopo ni Anna kaya napabuntong hininga na lang ito.
"Because I thought hindi ka taga rito," tugon niya.
Sinirado niya ang libro at tinignan si Anna. Ang inosenteng mukha nito ay nakaharap sa kanya. Nakaupo siya sa likod ng binti nito habang ang kanyang palad ay nakapatong sa hita. Ang kanyang buhok na mahaba at itim ay nakatali sa dalawang bahagi at nakatirintas 'yon.
"Puwede ba na mag tagalog ka na lang? Hindi ko kasi masyado naiintindihan yung sinasabi mo," wika ni Anna at napakamot sa kanyang ulo.
Nakakaintindi naman siya pero kaonti lang. Kahit bata pa si Anna ay paminsan minsan ay tinuturuan siya ng kanyang ama sa salitang ingles dahil sabi ng kanyang ama magagamit niya 'yon kapag malaki na siya.
"Oh, okay. Sorry," paghingi ng paumahin ni Kristoff kay Anna.
"Okay lang!" nakangiting tugon ni Anna.
Maganda ang klima ngayon. Hindi masyadong mainit, maulap din kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Kapansin pansin din ang morenang balat ni Anna sa ilalim ng araw dahil parang tumitingkad pa 'yon.
"Ano 'yon?!" biglang sigaw ni Anna.
May nakita kasi siyang parang bahay sa hindi kalayuan. Tinuro niya 'yon para maipakita kay Kristoff. Awtomatik naman na nilingon ni Kristoff 'yon.
"'Yan ang white victorian gazebo, " sagot ni Kristoff ng tagalog. "Pabilog lang ang style niya," pahabol nito.
Kahit hindi maintindihan ni Anna kung ano 'yon tumango na lang siya.
Biktoryan gasibo? tanong ni Anna sa kanyang isipan.
"Hindi tayo puwede pumunta ro'n kasi malayo sabi ni mommy—"
Hindi na natapos ni Kristoff ang kanyang sinabi dahil nakita niya na lang si Anna na kumakaripas ng takbo patungo roon. Agad siyang nataranta at hinabol 'yon.
"Hey, Anna! Hindi tayo puwede d'yan!" malakas na sigaw ni Kristoff.
Bumungisngis si Anna at hindi nakinig. Gusto niyang tignan kung ano ang meron doon kasi ang ganyan ng disenyo.
"Blee!—"
Hindi nakita ni Anna ang maliit na butas sa lupa kaya siguradong susubsob ito. Ang malala pa ay putik ang kanyang babagsakan.
"Anna!" sigaw ni Kristoff sa maliit na boses nito.
Mabuti na lang at nahawakan niya ang kamay ni Anna kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa putik.
Natigilan si Kristoff dahil bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kunot noo na tinignan ng batang Kristoff si Anna na ngayon ay mukhang paiyak na dahil sa tingin ni Kristoff ay na overwhelm ito sa nangyari.
What's happening? Why is my heart beating so fast? Do I have a crush on her? tanong ni Kristoff sa kanyang isipan.
Napalunok si Kristoff at hinila papalapit sa kanya si Anna na parang paiyak na. Pero nadulas naman si Anna sa putik kaya ang nangyari ay parehas silang natumba roon.
Parehas silang natigilan at nagkatinginan. Isang malakas na iyak ang bumalot sa buong bukirin dahil sa pag iyak ni Anna.
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa 'yo?" kinakabahang tanong ni Kristoff.
Hindi parin maalis sa kanyang isipan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso noong nahawakan niya si Anna. Masyado pa siyang bata para sa ganyan.
"Hey, Anna. Are you okay? May sugat ka ba?" nag-aalalang tanong ni Kristoff.
Umiling ang si Anna at patuloy pa rin sa pag iyak. Walang nagawa si Kristoff kundi tinapik ng mahina ang ulo ni Anna para kumalma.
Isang malakas na boses ang narinig nila kaya sabay silang tumingin sa pinanggalingan ng boses.
"Kristoff! Anna!"
Tumayo si Kristoff at nilahad ang kanyang kamay kay Anna. Tumutulo pa rin ang luha ni Anna at tinanggap na lang ang kamay ni Kristoff.
Ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ni Kristoff. Binalewala niya 'yon at nagtungo na sila sa kanilang pwesto kanina. Ang sout na jumper ni Anna ay nabalot na ng putik ganoon din sa sout na puting tshirt ni Kristoff.
"Oh my! Where have you been, son?!" malakas na sambit ni Marina ng makita ang kanyang anak na puro putik.
Kasama ni Marina ang kanyang asawa at si Samuel naman ay nakasunod sa kanila. Nang makita ni Anna ang kanyang ama ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Kristoff sa kanyang palad at tumakbo patungo kay Samuel.
"Papa!" umiiyak na wika ni Anna.
"Son? palagi mo na lang pinapaiyak si Anna kapag bumibisita rito," wika ni Alex sa kanyang unico hijo.
Agad naman na tumaas ang kamay ni Kristoff at parang sumusuko.
"I didn't do anything to her, dad. Sinubukan niya kasi pumunta sa gazebo pero sabi ko we can't go there because mommy said is too far from house," depensa ni Kristoff.
"Putik. Nahulog kami sa putik," biglang sambit ni Anna, humihikbi pa rin ito.
Lahat sila napatingin doon. Buhat buhat ni Samuel si Anna at hindi man lang umangal na dumikit ang putik sa sout nitong damit.
"Pasensya na. Paborito niya kasi itong sout niyang jumper kaya siguro umiyak," nakangiwing sambit ni Samuel.
"Your daughter is cute, Samuel. You can change her clothes. May extrang tshirt si Kristoff sa kwarto niya ipapakuha ko na lang," wika ni Marina at sinulyapan si Kristoff na ngayon ay nakatingin parin kay Anna.
"Son, is it okay if Anna borrowed your clothes?" tanong ni Marina.
"Yes po, mom," tugon ni Kristoff.
"If gusto niyong pumunta roon puwede naman basta sasamahan ko kayo. Baka kasi mawala kayo kung wala kayong kasama na matanda," sambit ni Marina.
"Or si manang na lang ang sasama kung hindi available si mommy mo," pag singit ni Alex.
"Okay po," masunurin na tugon ni Kristoff.
Inabot pa yata sila ng ilang minuto bago mapatahan si Anna. Ang porch na tinutukoy nila ay pabilog lang talaga ang disenyo no'n. Medyo may kalumaan na pera maganda parin.
"Maglalaro pa kami ni Kristoff, papa," humihikbing wika ni Anna.
"Naghihintay na sa atin si mama mo sa bahay. Next time na lang, anak," malumanay na sagot ni Samuel.
Napalabi si Anna. "Maglalaro pa kami, papa," nangingilid na ang kanyang luha.
Nasa labas na sila ng hacienda at nagpapaalam na kela Alex at Kristoff. Si Marina ay nasa kanyang opisina dahil abala sa trabaho kahit kakauwi lang nito.
"Next time, anak. Promise ni papa mo 'yan babalik tayo rito."
Napayuko si Anna at pinaglaruan ang kanyang maliit na daliri. Napalabi siya at hindi na nagsalita.
"Don't worry, I'll visit you at your house next time," biglang wika ni Kristoff.
Pati si Alex ay nagulat yata sa sinabi ng kanyang anak.
"That's nice, Kristoff," wika ni Alex. "Kami naman sa susunod ang bibisita sainyo para naman makapaglaro ulit sila ni Kristoff. Alam ko naman na hindi kayo puwedeng gabihin kasi buntis si misis mo."
"Anytime puwede kayong bumisita. Alam mo naman kung saan kami nakatira, Alex."
Nagpaalam na sila para makabalik na sa bahay. Umangat ang kamay ni Kristoff at kumaway kay Anna.
"Bye, Anna," pagpapaalam ni Kristoff.
Nakasandal ang ulo ni Anna sa balikat ng kanyang ama ng kumaway rin siya pabalik kay Kristoff. Unti unti na rin itong inaantok sa pagod.
"Bye, Kristoff."
WALANG PASOK SA TRABAHO ang ama ni Anna dahil malakas ang bagyo sa kanilang baryo. Sobrang lamig ng klima kaya nakasout ito ng longsleeve at pajama na kulay pink.
"Anna, huwag mo ng paglaruan 'yang baso na may tubig at baka matapon pa," wika ni Clarise sa kanyang anak.
"Opo," tugon ni Anna.
Abala ang ina ni Anna sa pagluto ng hapunan. Ang kanyang ama naman ay nasa kuwarto nila at nagpapahinga. Medyo masama na rin ang kanyang pakiramdam. Nang makita ni Anna na hindi na nakatingin sa kanya ang mama nito ay maingat niyang sinalinan ng tubig ang baso na hawak nito.
"Bibigyan ko na lang ng tubig si papa," mahinang sambit ni Anna sa kanyang sarili.
Nang malagyan niya ng tubig ang baso ay muli niyang nilingon ang kanyang ina sa huling pagkakataon bago nagtungo sa kuwarto nila. Nasa malayo pa lang si Anna ay tanaw niya na ang kanyang papa sa nakabukas na pintuan na parang nasasaktan ito.
"Papa..." mahinang wika ni Anna sa kanyang sarili.
Hindi niya alam kung bakit gano'n ang papa niya. Nakayuko sa palad nito at nakatukod ang siko sa tuhod. Ang kamay ni Samuel ay paunti unting gumagapang patungo sa ulo.
Humakbang si Anna pero agad din natigilan dahil natapon ang tubig sa sahig. Kumalat 'yon at parang nangalahati pa. Punong puno kasi 'yon at hindi pa siya gaano marunong tumansya ng tubig.
"Hala," bulong ni Anna.
Kinakabahan na lumingon siya sa kanyang ina na abala parin sa ginagawwa nito, nagluluto parin siya. Maingat ang galaw ni Anna papunta sa lamesa para ipatong ang baso sa lamesa at kumuha na rin ng basahan para mapunasan ang natapon nitong tubig.
Lakad takbo siyang nagtungo sa basang parte ng sahig at sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente itong nadulas. Kasabay ng pag-labas ni Samuel sa kuwarto para puntahan ang kanyang mag-ina nakita niya kung paano nadulas si Anna.
"Anna!" sigaw ni Samuel.
Kumaripas ito ng takbo para iligtas ang kanyang anak pero huli na ang lahat. Parehas silang nadulas at nabagok pa ang ulo sa sahig. Agad na nandilim ang paligid ni Anna at nawalan ng malay.
Ang paglipas ng panahon ay sobrang bilis na rin. Malaki na si Annie, ang kapatid ni Anna at sumunod naman ay si Anton. Ang nagiisang anak na lalaki ni Samuel at Clarisa. Hindi naging madali ang kanilang buhay dahil may isang pangyayari na hindi nila inaasahan.
Namatay si Samuel.
Ang bahay na punong puno ng saya ay parang naglaho na. Hindi na 'yon katulad ng dati. Nakakapanibago at hindi sanay si Anna.
"Ikaw ang may kasalanan!" lumuluhang sambit ni Clarisa kay Anna. "Kung sinunod at hindi mo na lang sana ginawa 'yon hindi mangyayari 'to! Maagang namatay ang papa mo dahil sa 'yo!"
Hanggang sa paglaki niya lagi ng nakatatak sa kanyang isipan at laging pinapamukha ng kanyang ina na siya ang may dahilan kung bakit maaga silang nawalan ng haligi ng tahanan.
MALAKAS NA TUGTUGAN ang naririnig sa isang rented hall sa isang sikat na hotel. May malaking event ang eskwelahan na pinapasukan ni Anna. at doon muli nagkrus ang kanilang landas ni Kristoff. Malaki na sila ng magkita o magkakilala ulit. Masaya siya dahil muling nakasama at nakita niya ang kanyang kaibigan noon.
Agad silang umalis kasama ang kanyang kaibigan ng matapos ang event dahil nag-aya ang iba na mag bar hopping. First time lang din ni Anna na makapunta roon kaya sumama na lang siya, curious kasi ito kung ano ang hitsura sa loob.
"Don't drink too much," wika ni Kristoff.
"Hindi naman madami ininom ko," tugon ni Anna habang nakasandal ang likod sa sofa.
Nasa second floor sila ng bar at ang iba nilang kasamahan ay nasa dancefloor, sumasayaw. Ang totoo niyan ay nahihilo na si Anna dahil hindi na niya mabilang kung ilang shots na ng tequila ang nainom niya.
Magkatabi lang sila ni Kristoff kaya hindi na niya kailangan pang sumigaw kung sakaling kakausapin niya ito. Nakapikit na si Anna at minsan ay nakakaidlip lang kung hindi siya kakalabitin ni Kristoff.
"You're drunk. Umuwi na tayo," pag-aya ni Kristoff. "May pasok pa tayo bukas kaya baka malate ka pa sa pasok mo," wika nito kay Anna.
Kahit na mabigat ang talukap ng mata ni Anna ay pinilit niya parin dumilat. Sinulyapan niya si Kristoff at inayos ang kanyang upo. Ang kanyang katawan ay nakaharap kay Kristoff kaya parang nakatigilid ito.
"Nahihilo lang ako hindi ako lasing," palusot ni Anna.
"I counted the number of tequila shots you take, Anna, and it comes to six and a half. It's not terrible for a newbie like you."
"Newbie. Newbie," mahinang sambit ni Anna. kahit mapupungay ang kanyang mata at sinalubong niya ang tingin ni Kristoff. Ang mga mata ng lalaki na mala dagat ay seryosong nakatingin sa kanya.
"Oa! Oa! Oa spotted!" pangaasar ni Anna.
Napabuntong hininga na lang si Kristoff at niligpit na ang kanilang gamit. Mabuti nga at nagkakaintindihan pa sila kahit na nangingibabaw ang malakas na tugtog sa dancefloor.
Nagpaalam muna si Kristoff sa mga kasamahan nila sa chat dahil hindi siya papayag na iwan si Anna na kalahating tulog at kalahating gising sa couch. Inakay niya ang dalaga pababa at patungo sa parking lot. Naging madali lang naman ang kanilang paglalakad dahil masunurin pa rin si Anna kahit na may tama na ito ng alak.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo," mahinang wika ni Kristoff kay Anna.
Lumapit siya sa dalaga na ngayon ay nakasandal ang ulo sa bintana ng kotse, siya na ang nagkabit ng seatbelt kay Anna. Nakapikit si Anna pero gising na gising ang diwa nito. Narinig niya ang sinabi ni Kristoff kaya awtomatik itong umiling.
"Ayaw ko. Ayaw ko muna umuwi ng bahay," nagkanda bulol bulol pa ang dalaga sa sinabi nito mabuti na lang at naintindihan ni Kristoff 'yon.
"Ayaw ko sa bahay, Kristoff," humihina ang tono ng boses ni Anna at mukhang paiyak na.
Napabuntong hininga na lang si Kristoff at pinaandar na ang kotse. Alam niyang may problema ito sa pamilya pero ayaw niyang tanungin dahil ayaw niya na nanghihimasok siya ng buhay nito. Mas mabuti pa kung siya na kusa mag sabi no'n.
Dumiretso sila sa apartment ni Kristoff. Minsan ay dumidiretso siya rito kapag sobrang busy ng school at kailangan na maaga siya sa school. Malayo kasi ang Monsietta sa paaralan nila kumpara sa baryo nila Anna malapit lang.
"Do you have a first kiss?" biglang sambit ni Anna.
Inaalalayan na siya ni Kristoff patungo sa magiging silid nito. Dalawa ang kuwarto ng kanyang apartment. Isa ay para sa kanya at ang isang bakante ay minsan sa mga bisita o sa mga classmate nitong nagoovernight para sa kanilang group project.
"No, bakit mo natanong?" tanong pabalik ni Kristoff. "Ikaw? May first kiss kana ba?"
Nagkibit balikat si Anna. nakaakbay si Anna sa balikat ni Kristoff, mahigpit siyang napakapit sa kanyang balikat. Hindi niya alam bakit 'yon biglang lumabas sa kanyang bibig. Masyado siyang madaldal at lalong kumapal ang mukha dahil sa alak na ininom nito.
"I don't have a first kiss, Kristoff," mahinang sambit ni Anna. Wala sa sariling binasa niya ang kanyang labi habang nakatingin kay Kristoff.
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagbaba ng tingin ni Kristoff sa kanyang basang labi.
"Let's give our first kiss to each other," Anna whispered.
Natigilan si Kristoff sa kanyang narinig at napabuntong hininga. Pinaupo na niya ang dalaga sa paanan ng kama. Pero hindi siya agad naka tayo ng hilain ni Anna ang braso nito kaya napaibabaw sa kanya si Kristoff.
"Hey," mahinang wika ni Kristoff.
Hindi siya sanay na ganito ang akto ni Anna sa kanya. Mas gusto niya pa na asarin siya nito kaysa na makita ang ganitong side ng babae. Lasing lang ito kaya ganito ang kanyang akto.
"Why? Ayaw mo? Okay lang sa akin kasi magkaibigan naman tayo," nakangiting sambit ni Anna.
"You're drunk, Anna. Wala ka sa sarili mo kaya sinasabi mo 'yan," sagot ni Kristoff.
Humaba ang nguso ni Anna dahil sa naging sagot ni Kristoff. Napalunok naman ang lalaki dahil doon. Ang mapulang labi ni Anna ay nakanguso sa kanya. Parang may kung anong tumutulak sa kanyang isipan na halikan ito pero hindi niya 'yon ginawa.
"Hindi ako lasing, okay? Alam ko ginagawa ko," tuwid na ang salita ni Anna. Mukhang nahimasmasan na habang nasa byahe pa ito.
"You're drunk," pagdidiin ni Kristoff habang nasa ilalim niya si Anna. ang Mahaba at itim na buhok ng dalaga ay nakakalat na sa kama. Habang nakikita niya 'yon ay may nararamdaman na talaga siyang kakaiba pero pinigilan niya 'yon dahil may respeto siya sa babae.
"And if you really want to kiss me we can kiss tomorrow. Sakto no'n hindi kana lasing," panunudyo ni Kristoff.
Napairap si Anna sa sinabi ni Kristoff. Umangat ang kamay ng dalaga hinawakan ang batok ni Kristoff para mapalapit sa kanya at siniil nito ng halik ang lalaki.
Kristoff's eyes widened. Hindi niya inaasahan ang halik na binigay ni Anna sa kanya, nabigla siya at naninibago. Kahit na first kiss ito ni Anna nagtataka naman si Kristoff na bakit parang ang galing nito humalik? As they play with each other's tongue, their lips are pressed together. Kristoff had no idea how to give a kiss. He just lets Anna lead the way.
Ang plano lang nila ay kunin ang first kiss ng isa't isa. Everything happened so quickly that they ended up in bed together, both unclothed and gasping for air. They seem to crave each other every time they kiss.
Mapupungay na mata na sinalubong ni Anna ang tingin ni Kristoff. Ang itim sa kanyang mata ay sobrang laki. Hindi niya alam pero nagagandahan siya kapag ganoon nangyayari sa mata nito. Ang intense ng nararamdaman nila para sa isa't isa.
Awtomatikong napapikit ang mata ni Anna ng muling yumuko si Kristoff para bigyan ng halik sa labi. Tinugon naman ni Anna 'yon habang ang kamay ng lalaki ay unti unting gumagapang pababa sa kanya.
"Kristoff..."
"This is your last chance. Do you want it or not?" tanong ni Kristoff kay Anna. "We can stop this if you're not ready—"
"G-gusto ko," Anna stuttered.
"Don't worry I'll take care of you," Kristoff whispered.
Anna felt nervous when she saw Kristoff's private part. She looked away because it's huge. and she didn't know if it was going to fit her. Eventually, she looked at Kristoff back.
"I'm scared this is my first time," Anna said and held Kristoff's arm.
"Don't worry, we can take it slow, Anna."
Pulang pula ang mukha nito at umabot hanggang sa kanyang dibdib. Nakahiga si Anna sa kama habang si Kristoff naman ay nasa ibabaw nito. Mukhang napansin niya na kinakabahan si Anna kaya umalis siya sa ibabaw ng dalaga pero agad siyang pinigilan nito.
"Okay, Let's stop. I don't want to force you—"
"No, no. Just do it. Mawawala naman yung sakit kapag tumagal na kaya ayos lang. S'yempre una ko kaya ganito nararamdaman ko," mahabang paliwanag ni Anna.
Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Well... it's also my first time—"
"Just do it," pagputol ni Anna sa sinabi ni Kristoff.
Kristoff smiled warmly at Anna and bent to give her a kiss. Once more, their kiss was a passionate one. That night, not only was it their first kiss, but it was also their first time doing this thing for each other—having sex, or should I say, lovemaking.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro