PROLOGUE
TAKE NOTE: (this is the third installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!)
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
PROLOGUE
MALALIM NA BUNTONG hininga ang aking pinakawalan at naupo sa bakanteng monoblock ng makitang nakapagpahinga na ang binabantayan ko. Maingat na hinaplos ko ang buhok nito habang tinitignan na mahimbing itong natutulog.
"Anna?"
Napatayo ako at naglakad papunta sa nakabukas na pintuan. Dumungaw doon si Maris—ang ka workmate ko.
"Bakit?" Tanong ko at nilapitan siya.
"Muhkang tulog naman ang binbantayan mo, tara sa hall tayo. May charity kasi magaganap dito kailangan tayo doon para i-welcome yung pupunta na mga tao rito," tugon nito.
Tipid ko siyang ningitian at tumango na lang. Sinilip ko sa huling pagkakataon ang binabantayan ko bago isarado ang pintuan. Sinundan ko nalang si Maris at hindi na nagsalita.
"Nagdonate rin sila ng mga p'wedeng magamit natin dito kaya hindi na tayo masyado mahihirapan o mag aagawan sa mga gamit," wika ni Maris sa akin.
Community Carers—yan ang pangalan ng pinagtatrabahuan ko. Kami ni Maris ay isang caregiver dito. Ngayon ay masasabi kong sobrang busy talaga dahil ang mga ibang staff namin ay abala sa paglalagay ng mga upuan sa hall.
"Mabuti naman kung gano'n," tipid kong tugon.
Nilingon niya ako at ang kanyang mata ay nangungusap sa akin. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay at ningitian.
"I'm fine, Maris. Don't worry."
Umiling ito. "Hindi ako naniniwala na okay ka, Anna. May nangyari ba?" tanong nito.
I shook my head. "No."
Hinayaan niya nalang ako at hindi na namilit tanungin ulit kung okay ba ako o hindi. Naupo na kami sa monoblock na nakahilera sa tapat ng mini stage ng hall namin at hinintay na mapuno ng mga tao dito.
Nanahimik at pinagmamasdan ko ang mga taong unti unting nagsisipasukan sa hall. Mga caregivers din na katulad ko at ang iba ay kasama ang kanilang mga binabantayan.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino.
09*********
Hanggang kailan mo ba kami hindi kikibuin, Anna? Wala ka man lang ba awa sa pamilya mo?
Napalunok ako at nilagay nalang ulit sa pabalik sa bulsa ang phone ko. Hindi rin nagtagal ay padami na rin nang padami ang mga tao rito sa loob.
Ilang taon na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi ko parin kinikibo ang magulang ko. Bumukod na rin ako at wala ng balak magpakita sa kanila. Wala naman akong choice dahil si mama naman ang nagpalayas sa akin.
Nabalik ako sa aking ulirat ng bigla akong kalabitin ni Maris.
"Okay ka lang ba talaga? Muhkang kulang ka sa tulog, eh. Mag half day ka nalang kaya muna ngayon," nagaalalang wika sa akin ni Maris.
"Okay lang ako baliw ka," tugon ko at tinawanan siya.
"Muhkang hindi at ikaw ang baliw," tinuro niya ang eye bags kong nangingitim na. "Ang dami mong OT ngayon, Anna. Kahit isang beses lang mag half day ka at magpahinga sa apartment mo. Hindi ka naman nila pagbabawalan kasi ikaw na ang kilala nila sa suking suki mag OT dito."
Hindi ko siya tinugon at ningitian nalang. Binaling ko ang aking pansin sa mini stage.
"Alam kong may problema ka, Anna. I understand if you are not ready to talk about it at okay lang din kung wala kang balak pagusapan 'yon."
Nilingon ko ito. Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsalita. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking kamay at pinisil 'yon.
"Since we are all here. I would like to welcome......"
Sabay sabay kaming nakinig sa nagsalita sa mini stage. Sobrang lutang ang utak ko ngayon kaya ang mga sinasabi nila sa akin ay hindi pumapasok sa aking utak. Kaya ang nangyari ay tulala lang ako sa stage.
Kumunot ang noo ko ng maramdamang parang may tumulo sa aking hita. Namantsahan ang sout kong pastel violet na scrubsuit at bahagyang nanlaki ang mata ng makitang kulay dugo 'yon. Kasabay ng muling pagtulo ng dugo sa aking uniform napahawak ako sa aking ilong.
"Mauuna na muna ako, Maris," pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Bakit—shit! Okay kalang ba talaga?"
Kumuha siya ng tissue sa bulsa at binigay sa akin. Tinanggap ko 'yon at pinunas ang dugo sa aking ilong. Tumayo na ako at nagsenyas na aalis na ako. Lakad takbo ang aking ginawa sa restroom at naghilamos.
Muhkang mag hahalf day nalang talaga ako, ah. Inayos ko ang aking sarili bago ulit lumabas dahil pupuntahan ko ulit ang aking bantay. Minsan kasi ay naalimpungatan iyon.
Nang makarating sa kwarto niya ay dahan dahan kong binuksan 'yon at dumungaw. Awtomatik akong napangiti ng makita siya.
"Lola Gigi, gising na po pala kayo," nakangiti kong wika.
Nilingon niya ako at kumaway sa akin.
"Rina, anak nandito kana pala."
Ningitian ko lang siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. Rina ang tawag niya sa akin... iyon ay ang anak niyang namatay dahil sa sakit na dengue. May dementia itong alaga ko kaya kailangan ng mahaba habang pasensya.
"Gusto niyo po bang maglaro?" tanong ko rito.
"May nag coconcert sa labas, Rina. Ang ingay naman," reklamo nito sa akin.
Mahina akong natawa. "Dito nalang po tayo sa loob muhkang ayaw mo lumabas."
"Talaga! Sino ba ang nagpauso niyan? nakakainis, ang sakit sa tenga," reklamo niya at nahiga ulit sa kama habang yakap yakap ang maliit ng stuff toys.
"Rina... nauuhaw ako," mahina niyang wika.
"Sige po kuha lang ako ng tubig sa labas," tugon ko at kinuha ang tubigan niya para lagyan na rin 'yon.
"Nasaan na ang boyfriend mo, Anna? Ang tagal ko ng hindi nakikita boyfriend mo. Lagi mong kinwento 'yon sa akin ah."
Natigilan ako sa sinabi nito at naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Lagi kong kinikwento sa kanya ang last relationship ko.
"Ang gwapong lalake..." mahina nitong wika. "Maganda pa ang lahi."
Mahina akong natawa at lumabas na. Yakap yakap ko ang tubigan niya at ganoon din sa akin. On the way ako papunta sa cafeteria ng biglang may lumabas sa unang kanto ng nilakaran ko.
As usual dahil maliit lang naman ang body frame ko para akong tumalsik sa sobrang lakas ng pagkakabangga sa akin.
"Shit!"
"Aray..." mahina kong daing at dahan dahang naupo sa pagkakahiga. Gumapang pa ako kaonti ng biglang gumulong ang dala kong tubigan.
Parang namanhid ang pwetan ko dahil doon. Hindi ko maramdaman dahil sa pagkakabagsak ko.
"I'm really sorry, Miss."
Tinignan ko ang nakabangga sa akin. May bitbit itong mga box na magkakapatong at natatakpan non ang kanyang muhka. Malalim ang kanyang boses at parang pamilyar pa. Pinag sa walang bahala ko ang unang taong pumasok sa aking isipan ng marinig ng boses non.
Malaki ang kanyang katawan at mapapansin mo talaga na alaga sa pag ggym kahit nakasout ito ng tshirt na medyo maluwag sa kanya at itim na pants.
"I'm kinda lost here. Uhm... Can you tell me where's the hall?"
Binaba nito ang dala niyang box at tinignan ako. Parehas kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Masasabi ko na gumaling na ito dahil nakakalakad na siya ng maayos. Nakakabuhat na nga siya ng mga mabibigay na bagay eh. Ang ginto nitong buhok na palagi kong sinusuklay gamit ang aking daliri ay mahaba na at naka bun ito. Bakas na bakas sa mala dagat niyang mata ang gulat ng magkrus ang aming landas.
"Toffy..." I accidentally whispered my favorite nickname to him.
I can tell by looking into his eyes that he missed me. But why? Why did Kristoff miss me?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro