CHAPTER 6
CHAPTER 6
SUMAKIT ANG ULO KO NG magising bigla sa aking pagkakatulog. Mahimbing pa 'yon dahil naramdaman ko ang laway ko sa gilid ng labi. Napangiwi nalang ako dahil do'n.
"Hirap mo gisingin, Anna. Tulog mantika kaparin talaga."
Wala sa sariling napasulyap ako sa aking gilid. Ang ka-work mate ko rito sa aking pinagtatrabahuan ay nakapameywang.
"Sorry. Medyo pagod lang talaga," tugon ko at tumayo na. Bumaba ang aking tingin sa wrist watch ko. Lagpas na pala ako ng ilang minuto sa breaktime ko.
"Halata naman. Tara na? Baka mamaya pagalitan kapa," pag-aya nito sa akin.
Tipid akong tumango at tumayo. Parehas na kaming naglakad papuntang hall nitong pinagtatrabahuan ko. 4 years na ako rito sa ibang bansa para magtrabaho bilang caregiver.
Kalahati ng aking buhay ay wala akong matandaan dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. Paggising ko ay wala na akong maalala. . . nalaman ko nalang na graduating na pala ako ng ilang araw. Ang dami kong hindi alam sa buhay ko at sa tuwing pinipilit ko ang aking sarili na maalala 'yon ay nananakit lang ang aking ulo.
"Good afternoon, Anna. Did the two of you already eat?"
Parehas kaming napatingin sa gilid ng biglang may lumabas na doctor na babae sa isang room. Seryoso ang muhka nito habang nakatingin sa amin.
"Good afternoon, Ma'am and yes," tinignan ko ang kasama ko bago ibaling ang paningin sa kanya. "We already ate."
She nodded. "I'm glad to hear that. I honestly do not like to see my workers go hungry here."
Ningitian ko siya. "Thank you, Doc. We need to leave our patients," pagpapaalam ko.
She nodded. "Okay," tipid nitong tugon at nauna ng umalis.
Tahimik lang kami naglakad sa hallway at paminsan minsan ay binabati ang mga kakilala namin dito. Pasalamat nalang siguro ako dahil ang environment ng napagtrabahuan ko ay maayos at hindi toxic.
"Dito na ako, Anna," biglang wika ng kasama ko.
Kumaway ako sa kanya at hindi na nagsalita. Pagkapasok ko sa isang kwarto ay mahina akong kumatok sa pintuan para makuha ang atensyon ng matanda na abala sa pag gagantsilyo.
"Hi," I said softly to her.
Doon ay napasulyap siya sa akin pero sa kalaunan ay binalik ulit ang atensyon sa pag gagantsilyo.
"I'm making my grandchild some blanket," sagot niya. Focus na focus siya sa ginagawa nito at hindi man lang akong magawang tignan.
Naglakad ako papalapit sa kanya at tinignan ang wrist watch para tignan kung anong oras na. Nang makita ang oras ay kumuha muna ako ng gamot nito atsaka tubig.
"That's good to hear," I answered. Naglakad ako papunta sa kanya at binigay ang gamot nito. "Your grandchild would like it."
Umangat ang tingin niya sa akin. "Are you sure?" tanong nito at muhkang nagaalanganin pa.
I nodded and brushed my fingers through her hair. "Yes. Don't worry she'll like that blanket."
Ang pagaalanganin at parang malungkot na expresyon nito ay napalitan ng saya.
"Here you go. Drink your meds and after that take a rest."
Tipid itong tumango at tinanggap ang binigay ko. Siguro ay siya palang ang pasyente ko na kalmado kesa sa mga nauna kong naalagaan. Nakakapagod siya pero masaya naman dahil gusto ko ang trabaho na ito.
Inihiga ko na siya sa kama at kinumutan na. Binaba ko rin ang blinds at binuksan ang maliit ng ilaw sa bandang gilid ng kama nito bago tuluyang patayin ang ilaw sa kwarto nito.
Hatinggabi na rin at matatapos na ang shift ko ngayong araw. May ginawa pa akong ibang bagay para sabihin sa papalit sa akin ang gagawin niya ngayon gabi para malaman niya rin ang mga ginagawa ko ngayong araw.
Nagpaalam na ako sa mga kakilala ko at dumiretso na sa apartment dahil gutom na gutom na ako. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay doon ko naramdaman lahat ng pagod na hindi ko naramdaman kanina.
"Kapagod," mahina kong wika sa aking sarili ng mahiga ako sa sofa.
Nagtagal pa siguro iyon ng ilang segundo bago ako bumangon at naupo. Napukaw ang aking atensyon ng biglang nagring ang cellphone ko.
Marcus:
Babe, kumusta kana? I miss you.
Napangiti ako at nagsimulang mag type sa keyboard ng phone ko.
Anna:
Hi, babe. Kakauwi ko lang galing trabaho. Okay lang naman ako kaso medyo masakit lang ang katawan pero kaya ko pa naman.
Si Marcus ay nobyo ko mahigit tatlong taon na. Legal naman kami both sides at paminsan minsan ay pumupunta siya sa bahay para masahama sila Mama at ang dalawa kong kapatid. Kadalasan din ay natutulog siya sa bahay dahil hindi rin naman daw namin masasabi kung may mangyayaring masama sakanila pero huwag naman sana.
Marcus:
I miss you. Kailan ka uuwi dito?
Anna:
I don't know. Wala pa naman akong balak umuwi d'yan. Alam mo naman pinapaaral ko pa yung dalawa kong kapatid hindi ba?
Marcus:
Alam ko, Babe. Pero miss kana rin naman nila dito.
Anna:
I'll think about that.
Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho rito ay hindi pa ulit ako nakakabalik sa Pilipinas. Gugustuhin ko man na umuwi rin dahil paminsan minsan ay nahohomesick ako pero kung gagawin ko 'yon paano na sila Mama? Saan kami kukuha ng mga gastusin kung gagawin ko 'yon.
Kaya grabe ang pagtitiis ko rito basta maprovide ko mga pangangailangan nila. Bilang ate ay kailangan kong mag sakripisyo rito para sakanila. Alam ko naman na hindi ko na sila obligasyon pero sino naman ang tutulong sakanila? ako parin naman 'di ba? Hindi ko rin kaya na makita silang nahihirapan habang ako dito ay kumikita ng pera.
Marcus:
Can't wait to see you, Babe. Baka naman pag nakauwi kana rito mabigay mo na.
Kumunot ang noo ko dahil do'n. Anong baka naman?
Anna:
Anong baka naman?
Marcus:
Give yourself to me. Mahigit tatlong taon na tayong magkasintahan pero hindi mo parin nabibigay yung gusto ko.
Anna:
You mean I give myself to you in a
sexual way?
Ano na naman bang pumasok sa utak nito ni Marcus.
Marcus:
Yes, Babe. Parehas na tayong matatanda rito at imposibleng wala ka rin pangangailangan.
Napabugtong hininga ako at sinandal ang aking likod sa sandalan ng sofa. Napahilamos nalang ako sa muhka dahil do'n.
Anna:
You're right, Marcus. I also have a need. Pero nilabanan ko 'yon. Alam mo naman magiging sagot ko d'yan 'di ba? Paano kung mabuntis ako? alam mong napakamalaking responsibilidad sa buhay ng isang tao ang pag aanak at isa na ako sa mga hindi pa handa. Marami pa akong pangarap para kay Mama at sa dalawa kong kapatid.
Marcus:
Magiging maingat ako. Kung sakaling magbunga ang ginawa natin handa naman ako na panagutan kita.
Anna:
Ni wala ka pa ngang trabaho ngayon, Marcus. Nagiisip ka ba ng tama? alam mo ba kung gaano kamahal ang mga gatas at gamit ng mga baby ngayon? sobrang mahal, Marcus.
Marcus:
Sa ngayon wala akong trabaho pero makakahanap naman ako, Babe.
Anna:
Sa ngayon? Ngayon lang yung iniisip mo at hindi yung mangyayari in the future sa ginagawa natin. Ayaw kong maging kawawa ang magiging anak ko, Marcus. Gusto ko pinaghahandaan ang lahat ng bagay. Gusto ko ng magandang buhay ang maibibigay sa anak ko para hindi niya maranasan yung naranasan ko ngayon.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Heto ang pinag aawayan naming dalawa sa tuwing binibring up niya ang bagay na 'yon. He wants sex and I always decline it because I'm not ready for the consequences. Hindi pa ako ready maging ina. Paminsan minsan ay pinipilit niya pa ako to the point na umiiyak na ako para lang tumigil siya.
Marcus:
I see... Akala ko ba mahal mo 'ko? Kahit 'yon lang hindi mo maibigay sa akin.
Anna:
Marcus! Can you hear yourself? Hindi basehan kung gaano mo kamahal ang isang tao dahil lang sa sex! Why would you say that? I love you, Marcus. I'm sorry kung hindi ko maibigay yung gusto mo pero hindi pa talaga ako handa at natatakot ako sa magiging kalabasan no'n kung sakaling hindi tayo naging maingat.
Marcus:
Ok. I understand.
Anna:
I'm really sorry.
Marcus:
Ok. Lagi ko naman iniintindi lahat, Anna. Pero kahit ito lang gusto ko hindi mo pa maibigay. If you love me ibibigay mo sarili mo sa 'kin.
Hindi ko na kayang makipagtalo sa kanya dahil pagod na pagod ako galing trabaho. Basta ko nalang nilapag ang cellphone sa centertable at ninamnam nalang ang katahimikan.
Mahina akong napasinghap ng maramdamang parang may basa sa aking pisngi. Wala sa sariling hinawakan ko 'yon at napagtanto na lumuluha na pala ako. Pinipilit niya parin ako hanggang at siguro pasalamat nalang dahil sa chat kami nag uusap. Kung sa personal pa nangyari 'to ay baka magiging bayolente siya.
Umiling ako at pilit na winaksi ang problema sa aking isipan. Naiistress ako at sumasakit ang ulo ko dahil do'n. Isa na rin sa advice ng doctor na gumamot sa akin ay huwag masyado maistress dahil kumikirot ang aking ulo. Huminga ako ng malalim at natulala nalang.
I'm really curious... How was I living my life before the accident?
Nabalik ako sa aking katinuan ng biglang may chat. Hindi ko na sana rereply-yan 'yon dahil baka si Marcus iyon pero hindi pala kundi si Anna.
Annie:
Si mama kasi ate nadisgrasya. Medyo hindi maganda yung nangyari sa kanya ngayon. Gusto niya raw na umuwi ka rito para makita ka niya.
Naestatwa ako sa aking kinauupuan ng mabasa ang chat ng kapatid ko. Nanginginig ang aking kamay at biglang nabitawan ang cellphone ko.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro