CHAPTER 5
CHAPTER 5
HINDI AKO MAPAKALI sa aking kinahihigaan. Gusto kong magising pero hindi ko magawa. Nahihirapan ako at parang hindi ako makahinga.
"Don't worry I'll take care of you."
Hindi ko makita kung sino ang lalake na 'yon. Malabo ang kanyang muhka pero ang boses nito ay clear na clear sa aking pandinig.
"I'm scared. This is my first time."
Boses ko 'yon! Anong it's my first time?!
Nagbago na naman ang lugar sa aking panaginip. Ngayon ay nasa isang kwarto na ako pero hindi ako nag iisa. May kasama akong lalake at ang mas nakakagulat pa ay ang hindi ko iniisahang tao ang nandoon.
"Don't worry, Anna. We can take it slow."
Malambing ang kanyang boses. Wala siyang saplot sa aking harapan at ganoon din ako. Nasa iisang kama kaming dalawa at parehas na nakahubad!
Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa aking kama ng biglang tumunog ang alarm clock ng aking cellphone. Wala sa sarili na sumulyap ako sa harap ng salamin at kitang kita ko ang pamumula ng aking pisngi.
Ano iyon!?
Am I having wet dreams!?
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Hindi ko maimagine ang bagay na iyon lalo na si Kristoff! Hindi ko alam pero masyado siyang inosente para sa akin na gawin ang bagay na iyon pero ang pinakamalala ay ako pa ang kasama niya!
Napahilamos nalang ako sa aking muhka at nagsimula ng mag asikaso ng mga gamit para sa pag pasok sa iskwelahan.
Hanggang makapasok ako sa campus namin ay hindi mawala sa isip ko 'yong napanaginipan ko. Parang gusto kong sabunutan sarili ko dahil doon.
"Aga mo, ah."
Napalingon ako sa gilid ng may nagsalita. Ningitian ko lang si Abby. Sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa room.
"Ganoon daw pag excited ng maka graduate," natatawa kong sagot.
Nung gabing nag stroll kami ni Kristoff ay inabot yata kami hanggang alas dos ng gabi. Naglibot libot at naisipan din kumain kaya ang kinalabasan ay napuyat talaga ako. Sinabayan niya ako hanggang makauwi sa bahay bago siya dumiretso sa kanya kahit kaya ko naman ang sarili ko.
"Sa library muna tayo gusto mo?" biglang tanong ni Abby.
"Bakit?"
"Muhkang absent yata prof natin ngayon tapos yung vacant time natin 3 hours pa ulit bago next subject," tugon ni Abby.
Tumango nalang ako. "Sige tara sakto malamig naman doon."
Sabay kaming naglakad. Sobrang busy rin ngayon sa school dahil may pa event ang senior high school at sa gymnasium ginanap. Naghanap agad kami ng mauupuan sa library at doon tumambay.
Hindi rin naman kami nagusap ni Kristoff pagkatapos ang pag iistroll namin siguro ay busy ulit sila. Kailan ko kaya ulit makikita siya?
Napatanga nalang ako dahil sa aking naisip.
Parang sinisilaban ang aking katawan. Ang kamay niya at kung paano niya haplusin ang katawan ko na para akong isang mamahaling gamit.
"Kristoff..." I whispered.
Dahan dahan ang pag galaw nito sa ibabaw ko at napahawak sa kanyang balikat ng maramdamang bumilis ito. Hindi mapigilang mapaungol dahil doon.
"Dahan dahan lang please," mahina kong wika sa kanya.
Parang may sarili utak ang aking balakang at kusang gumalaw 'yon para salubungin ang kanya. Napakagat ako sa aking labi ng maramdamang ang mainit nitong bibig sa aking dibdib.
Para akong mababaliw sa sarap. Ganito pala 'yon.
"It feels so good..." he whispered. "Anna... I love—"
Napaangat ang aking ulo ng may kumalabit sa aking balikat. Bahagya pa akong napapunas sa aking bibig ng maramdamang parang may natulo pa roon.
"Tara na baka malate tayo sa next sub. Muhkang napasarap tulog mo, ah," natatawang wika ni Abby.
Nakasakbit na ang kanyang bag sa balikat nito at ako na lang talaga ang hinihintay niya.
"Nakatulog ako?" tanong ko sa kanya at parang hindi pa makapaniwala.
Mahina siyang natawa at tumango. "Oo. Tara na? muhka ka naman kasing pagod kaya hinayaan nalang kita na matulog."
Napabugtong hininga na lang ako at sinakbit na ang bag sa aking balikat. sinundan ko na siya patungo sa room namin.
Para tuloy sumasakit ulo ko sa nararanasan ko ngayon. Wet dreams na naman ba!? masyado na akong matanda para sa ganoong bagay! Sa dami p'wedeng mapanaginipan bakit si Kristoff pa!?
Napahilot na lang ako sa aking sintido hanggang sa makarating sa room. Ang totoo n'yan ay puro OT ako sa trabaho para mabawi ko kahit papaano yung nakuha ni Mama na pera sa akin.
"Sa susunod na araw na ang defense niyo," seryosong anunsyo ng aming professor. "Give your best shot at ireview ng maayos ang thesis para may maisagot kayo kapag nag tanong ang panelist at iwas gisa na rin."
"Yes, Ma'am!" dinig kong wika ng iba naming classmates.
Hindi namin maintindi ang nararamdaman namin ngayon. Masaya kami at kinakabahan para sa parating na defense namin.
TINAGO KO ANG NANGINGINIG kong kamay sa aking likuran habang nakaharap sa panelist namin. Tapos na kami mag defense at hinihintay namin ang magiging resulta nito kung makakapasa kami or wala.
"Maayos niyo namang nasagot ang mga katanungan namin," seryoso nitong wika habang tinitignan ulit ang manuscript ng thesis namin. "Malinis ang pagkakagawa niyo. Wala rin kaming nahanap na mali..." umangat ang tingin nito sa amin. "Congrats nadefend niyo ang thesis niyo."
Yumuko ako kaonti at ang iba kong groupmates ay mahinang napatili sa saya. "Thank you po," pagpapasalamat ko.
"You're welcome. Ginawa niyo ang best niyo kaya deserve niyo 'to. Minor edit lang naman need niyo sa bandang background of the study and p'wede niyo ng mapabind 'to."
Muli ulit kaming nagpasalamat bago makalabas sa room. Nag kanya kanya na kami dahil may aasikasuhin pa ang iba.
"Mauuna na ako, Abby. Papasok pa kasi ako sa trabaho."
Niyakap niya ako at impit na napatili. "Ingat ka! Congrats sa atin, Anna. Grabe parang nabunutan ng tinik yung dibdib ko nung makapasa tayo."
"Congrats sa atin," natatawa kong wika at niyakap siya pabalik.
Humiwalay na siya sa akin at kumaway pa sa huling pagkakataon bago naglakad papalayo.
Mahaba haba pa naman ang oras ko sa mismong pasok ko sa trabaho kaya naisipan ko na umuwi muna para sana makaligo para naman presko kapag papasok na ako.
Pagbaba ko sa trysikel ay kumunot ang noo ko ng makita si mama sa tapat na bahay. May mga lamesa roon at baraha. Napabugtong hininga ako at nilapitan siya.
"Ma, tara na umuwi na po tayo," mahinahon kong wika sa kanya.
Lahat ng kalaro nito sa tong its ay napatingin sa akin at ganoon na rin siya. Mahinang natawa ang iba nitong kasama.
"Mare pinapauwi ka na pala ng anak mo, eh. Bukas ka nalang bumalik wala ka naman na rin pera," natatawang wika ng katabi nito.
"Tara na po," mahina kong wika sa kanya sapat na 'yon para marinig ni Mama.
Tinalikuran ko na siya at naunang pumasok sa bahay. Hindi pa ako nakakapasok sa aking kwarto ng may humila sa aking braso. Naramdaman ko nalang na masakit at mahapdi ang aking kanang pisngi.
"Tarantada ka talaga 'no?" galit na tanong sa akin ni mama. Dinuro niya ako at mahinang tinuktok ang aking ulo. "Gusto mo talaga na pinapahiya ako sa mga kumare ko? Ayos ka rin talaga 'no?"
"Nagsusugal ka na naman, 'ma," sagot ko.
"Ay malamang anong gagawin ko? Tutunganga at maghihintay ng grasya mo? Eh, ang tagal pa ng sahod mo gaga ka," gigil nitong wika.
Hindi ko na pinansin ito at kinuha ang susi sa aking bag.
"May extra pa ka ba d'yan?" bigla nitong tanong sa akin ng makapasok ako sa aking kwarto. "Kailangan ko ng pera wala ng pambili ng napkin 'tsaka mga sabon pangligo yung kapatid mo."
Nilabas ko ang mga gamit ko sa bag at nilapag sa study table. Pati na rin ang laptop ay pinatong ko roon dahil balak ko irevise ang pinapabago ng isa sa panelist namin.
"Wala ka bang naririnig, Anna?" naiiritang tanong ni mama at pumasok na sa aking kwarto.
Napalingon ako ng marinig na parang may kinakalkal siya sa aking bag. Basta niya nalang hinalungkat ang bag ko at hinanap ang aking wallet.
"Ma, ano ba!?" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.
Nakuha niya ang wallet ko at binuksan niya 'yon. Ngayon ay nag aagawan na kaming dalawa.
"Akin na po 'yan, 'ma," naiiyak kong wika sa kanya.
Para kaming nag tutug of war dito. Kahit anong bawi ko sa aking wallet ay hinihila niya rin iyon pabalik sa kanya. Malakas niya akong tinulak at ng makalayo ako dahil sa pagtulak nito ay may dinukot siyang pera roon.
"Paka arte meron naman palang pera," galit nitong bulong at sinulyapan ako. Dinuro niya pa ako habang nanlalaki ang kanyang mata. "Manghihingi ba ako kung hindi kailangan? Tanga tanga ka yata, eh. Pambili lang ng napkin 'tsaka sabon pangligo pinagdadamot mo pa! Wala ka talaga kwenta kahit kailan, Anna."
Pinunasan ko ang aking luha at hinablot ang wallet ko sa kanya. Wala na akong lakas para makipagaway sa kanya. Tao lang din ako at napapagod. Marami pa ako aasikasuhin at diretso pa ako mamaya sa trabaho.
"Kakabigay ko lang po sa 'yo—"
"Letse! 'Yan nalang ba palagi mong irarason sa akin!? Kakabigay mo lang sa akin? Manghihingi ba 'ko ng pera sa 'yo kung meron pang natira sa binigay mo 'di ba hindi!?"
Hindi ko maintindihan bakit naging ganito si Mama sa akin. Palaging mainit ang ulo sa tuwing nakikita ako at parang naghahanap ng mali sa akin para 'yon ang dahilan sa pagiging magagalitin nito.
Hindi naman siya ganito sa aking dati eh.
"Pinangsugal mo na po kasi 'yon, 'ma."
Naupo nalang ako sa monoblock chair habang nakatingin sa kanya. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang nakatingin sa kanya at sa tingin ko ay mas lalong sumama pa ang timpla nito. Mas lalo siyang nagalit sa akin.
"Huwag na huwag kang umiiyak sa harapan ko, Anna. Naiirita lang ako makita 'yang pagmumuhka mong ganyan," bawat salita nito ay may diin. Sumisikip ang aking dibdib sa sakit dahil doon. "Ano magagawa ko eh natalo ako sa sugal? kung nanalo ako e'di sana 'yong napanalunan ko 'yon yung ipapangbili ko kaso wala!"
Naglakad na siya palabas ng aking kwarto. Bago pa tuluyang makalabas sa pintuan ay tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit pa kasi siya pa..." dinig kong bulong ni Mama.
Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ang sinabi ni Mama na para bang nasasaktan siya.
Sino? Sinong siya pa?
Binuksan ko ang wallet ko. Wala na roon ang buong limang daan at isang libo nalang ang natira roon. May iilan din barya sapat na para sa pamasahe ko mamaya papasok sa trabaho.
Kahit masakit ang aking dibdib ay nag asikaso na ako. Naghanda ng sosoutin para mamaya at naligo na rin. Kahit anong gawin ko ako parin ang nagiging masama kaya hinahayaan ko nalang si Mama. Anong laban ko sa kanya eh sa pagiisip nito ay tama siya sa lahat ng bagay.
Kaya iniintindi ko nalang siya.
MAGULO, HECTIC, MASAKIT SA ULO ang araw namin ngayon. Ang dami kong inasikaso ngayon. Mabuti nga lang at may nag presinta sa isa kong ka group siya na maglakad ng manus namin na para pamirmahan sa mga head ang thesis namin.
Kailangan iyon at kapag tapos na ay p'wede na siyang ipabind sa mismong araw na ito. Kaya nag aasikaso na kami.
"Kami na bahala rito, Anna," dinig kong wika ni Abby habang nakatutok sa kanya laptop.
Dinodouble check niya kasi ang manuscript bago ipaprint para wala ng aberya. Pirma nalang kasi talaga ang kailangan para makapagpabind na kami.
"Sure ba kayo?" tanong ko at tinignan ang mga ka groupmates ko.
Nag thumbs up naman sila at ningitian ako.
"Okay na okay lang sa amin, Anna. Iuupdate ka nalang namin kapag naayos na tsaka napa bind. For sure this day din natin mapapabind 'to kasi maayos naman na yung manuscript natin," tugon ng isa kong kagroup.
Tumango tango naman si Abby dahil sang ayon siya sa sinabi ng katabi nito.
Wala naman na akong nagawa kundi pumayag na. Hindi naman sa walang tiwala sa mga kagroup ko pero hindi kasi ako sanay na walang ginagawa parang may kulang sa akin o baka nasanay lang talaga ako na may ginagawa sa mga ganitong bagay.
"Sige salamat sainyo, ah," tugon ko at ningitian sila.
"You're welcome, Leader!"
Nandito kami ngayon sa labas ng campus sa bandang gilid kung saan may maraming mga chairs and table para sa mga students na gustong tumambay. Hindi naman kami maiinitan dahil may silungan ang inuupuan namin.
"Sa wakas tapos na rin."
Napatingin ako sa gawi ni Abby ng umunat ito at impit na tumili. Mahina ko itong siniko sa tagiliran.
"Daming tao nakatingin sa 'yo baliw ka talaga," pag saway ko sa kanya.
Wala naman itong pake dahil tinawanan niya lang ako.
"Sorry old habits die hard."
Napailing nalang ako. Uwian na namin at naglalakad na kami ngayon palabas ng gate ng school.
"Dito na 'ko, Anna. Bye! See u next week," pagpapaalam ni Abby sa akin.
"Bye! Ikaw din. Ingat ka mag papractice pa tayo sa graduation natin," tugon ko at kumaway sa kanya.
Napahagikhik ito ay niyakap ako. Niyakap niya rin ako at tumalon talon pa. Natawa tuloy kami dahil do'n.
"Makakapagpahinga na rin dahil wala na ang stress sa thesis," natatawa kong sabi sa kanya.
Umangat ang tingin niya sa akin at tumango ng ilang beses. "Tama ka d'yan! bye! see you next week ulit!"
"Bye!"
Nagkanya kanya na kami at naglakad na papunta sa waiting shed para mag hintay ng jeep. Day off ko ngayon sa trabaho kaya diretso ako sa bahay para makapagpahinga. Jeep ang hinihintay ko ngayon hindi fx dahil hindi naman sa trabaho ang diretso ko.
Naupo ako sa upuan at hindi maalis ang maliit na ngiti sa aking labi.
Wala ng thesis. Wala ng thesis. Wala ng thesis.
Nag chachant 'yan sa aking isipan habang naghihintay ng jeep na dadaan dito. P'wede na akong matulog ng taimtim na hindi iniisip ang thesis namin. Hindi na ako mapupuyat, maiistress!
"I heard you and your group members are done with your thesis defense."
Umangat ang tingin ko ng marinig ang pamilyar na boses. Hindi parin maalis ang maliit na ngiti sa aking labi dahil doon. As usual ang attire nito ay gano'n parin nung unang kita ko sa kanya nung nasa library.
Ngayon ko nalang ulit siya nakita mahigit ilang araw na rin ang nakalipas. Kitang kita ko ang buhok nitong mala ginto mas lalong matingkad tuloy dahil sa sinag ng araw. Ang mga mata nito ay wala parin pinagbago... sobrang ganda parin sa aking paningin na akala mo ay nakatanaw ako sa karagatan.
"Yes. Sa awa ng diyos na defend naman namin kahit papaano," tugon ko at ningitian siya.
"Congratulations," tipid na sagot nito at naupo sa aking tabi.
"Salamat," nakangiti kong tugon.
"Uuwi kana?" bigla nitong tanong sa akin.
"Oo. Nagugutom na rin kasi ako dami naming tinapos ngayon, eh," sagot ko at sinulyapan siya.
Nakatingin parin ito sa akin. Para tuloy siyang golden retriever na aso na nagkatawang tao. Parang gusto ko tuloy isuklay ang daliri ko sa kanyang buhok.
"Well, uhm. I want to grab some food at KFC, would you like to join?" he asked.
Nakangiti ito sa akin at naghihintay ng magiging sagot ko. Muhkang nag aalanganin pa ako dahil wala pa akong budget para d'yan—
"Don't worry it's my treat," bigla nitong wika. "Let's go? I brought my car. P'wede rin kita ihatid sainyo mamaya pagkauwi natin madadaan ko naman yung baryo niyo bago sa amin."
"Nakakahiya ano ka ba," ito nalang ang naging sagot ko dahil do'n. Libre na nga niya ako ng pagkain tapos ihahatid pa ako sa bahay!
"Don't be," he answered. Mahina siyang natawa at biglang ginulo ang aking buhok. "Isipin mo nalang na congratulations gift ko nalang 'to."
Ang unfair! gusto ko rin guluhin buhok niya. Ang kaso nakawax kasi ito kaya nakakahiya naman na guluhin ang buhok niya.
"Sure ba?" tanong ko sa mahinang boses.
He nodded. Tumayo na siya at inayos ang kanyang bag bago ako tignan.
Kumunot ang noo ko ng bigla itong yumuko sa aking harapan. Napaatras ako dahil doon.
"Anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Bahagyang umangat ang kanyang tingin sa akin pagkatapos ay binalik lang din ang kanyang ulo sa pagkakayuko.
"I can feel that you want to touch my hair," sagot nito. "There you go you can touch it."
Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan at parang hindi pa napoproseso sa aking utak ang sinasabi nito.
Hawak ko raw buhok niya? pumayag siya!?
Hindi na ako makapalag ng hawakan ng maingat ang aking buhok. Nilagay niya iyon sa kanyang buhok. Lumubog agad ang aking daliri sa kanyang buhok.
Kahit na nakawax ito ay napakalambot ng kanyang buhok akala mo ay cotton. Narinig ko ang mahihina nitong tawa. Hinaplos haplos ko iyon hanggang sa mag sawa ako.
"Happy?" he asked.
Tanging tango lang ang aking naitugon at napangiti na rin. Hindi ko alam pero akala mo ay isa iyong napakalaking bagay na gusto kong mangyari sa bucket list ko!
"Let's go. Nandoon sa loob ng campus yung kotse. Nakaabot pa ako sa slot ng parking-ngan nila," pag aya nito sa akin at nauna na.
"Okay," tugon ko at sinundan siya.
Dahil mahaba ang binti nito ay ang bilis niyang maglakad kumpara sa akin. Lakad takbo ang aking ginawa para mahabol siya kahit papaano.
Hinihingal na ako. Bakit ang bilis niya!?
Napatakip ako sa aking tenga ng makarinig na malakas na tunog. Para 'yong galing sa gulong ng sasakyan na hindi mo maintindihan.
"What's that? Ang sakit sa tenga—" dinig kong tanong ni Kristoff pagkatapos ay sumulyap sa akin.
Parang bumagal ang kapaligiran ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at naestatwa. Hindi ko na magawang makaalis sa aking pwesto kasi alam kong huli na para maka alis. Ganoon nalang ba? Eto na ba talaga? ang oras ko na?
Sa sobrang lakas ng impact ng sasakyan sa akin ay hindi ko alam kung gaano kalayo ang pinagtalsikan ko.
"No! Anna!"
Mabilis ang pangyayari at naramdaman ko nalang tumama ang aking ulo sa matigas na bagay bago ako mawalan ng malay.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro