Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 41

CHAPTER 41

NAKITA KONG NATIGILAN siya sa aking binanggit. Mga ilang segundo ay sinilip niya ako na para bang naninigurado kung totoo ba ang kanyang narinig o hindi.

"Are you sure?" he asked.

I nodded while smiling. "Yes, Toffy," tugon ko. "Na pressure ka ba? I'm sorry kung na pressure kita," mahina kong wika.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at nilapat ang palad nito sa aking pisngi. Ningitian ko ito at mabilis na hinalikan ang kanyang labi bago mag salita.

"Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako, Toffy. Kaya kung sakaling mamatay man ako hindi ako mag-sisisi sa huli dahil kasal na tayo. Panatag na ang loob ko no'n kahit 'yon man lang maranasan ko. Kung hindi ko aabutan na magka-anak tayo ayos lang sa akin basta maikasal ako sa'yo," mahinahon kong sambit sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang panga. Pinaglaruan ang dulo ng kanyang buhok na mahaba at mala ginto. Mahina akong natawa ng makita ang munting luha nito na nahulog pababa sa kanyang pisngi.

"Stop crying," malambing kong wika.

Parang bata na suminghot ito at pinunasan ang kanyang luha sa aking harapan.

"Please don't say that, hon. Para ka namang namamaalam sa akin. Kung magiging ganyan lang din ang sasabihin mo sa akin huwag ka nalang mag-salita," tugon nito at muli na namang naiyak.

"Anong gusto mo mag sign language ako rito?" pilosopo kong sagot.

Umiling siya at hindi na muling nakipagtalo sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto bago siya mag-salita.

"Gusto mo ba talaga?" tanong nito sa akin.

Dahan dahan akong tumango. "Yes. one hundred percent sure."

Iningat ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw? Baka mamaya napipilitan ka lang. Ayos lang naman kung ayaw mo pa naiitindihan ko naman."

He shook his head. "I would love to marry you, hon. I want to settle down with you. Build a happy family and grow old with you. And promise me again that you will tell me everything, no secret and lies. Parang nakakalungkot naman kung isasarili mo mga problema mo. Kung nasasaktan ka sa iniisip mo o nalulungkot ka, mas gugustuhin ko na kasama mo ako roon para iparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa," malambing nitong wika sa akin.

Hindi ko mapigilan na maiyak sa sinabi nito. Mahina akong natawa at hinampas ang braso nitong matigas. Pinunasan niya ang aking luha at hinalikan ang aking noo.

"Ano ba naman 'to sana tinago mo nalang 'yan para sa vows mo sa akin. Nasaan na ba yung pari ngayon dapat may narinig na akong you may now kiss the bride," pabiro kong sambit.

I caught him chuckling. His voice is both quite soft and a baritone. His forehead touched mine as he gave me a warm look. His gentle, gorgeous, piercing blue eyes remind me of the ocean. I feel like I'm about to melt from how he looks at me.

I feel like I'm being hypnotized as I stare into his eyes. Dear God, I want our children to inherit his eyes. I would love to see this color of his eyes on miniature versions of ourselves. Not now, but maybe soon.

"For the last time, hon. Bibigyan kita ng ilang oras para pag-isipan kung gusto mo ba talaga makasal sa akin o hindi. After the marriage ceremony, you're now Mrs. McQuoid. This is a huge responsibility, hon. That's why I want you to think carefully about it and let me know your decision," seryoso niyang sambit sa akin.

"Mrs. McQuoid," I whispered. "Ang ganda naman pakinggan," nakangiti kong wika at sinulyapan siya.

"Let's get married tomorrow, please."

Mukhang naintindihan niya na buo na talaga ang aking desisyon na maikasal sa kanya kaya napabuga ito ng hangin. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at gumuhit ang ngiti sa kanya labi.

"Okay, if that's what you want, hon."

KINABUKASAN AY NAG-ASIKASO na agad ang pamilya ni Kristoff sa magiging kasal namin. Hindi na nagawang magtanong ni Tita Marina ng dahilan kung bakit nagpakasal kami agad. Sinunod niya na lang ang gusto namin ng anak niya at tinulungan kami sa magiging kasal namin. Ang pari na kakilala ng papa ni Kristoff ang nagpakasal sa amin. Naging mabilis lang din naman 'yon dahil gusto ko na talagang maikasal sa kanya.

Ayaw ko na magkaroon ng pagsisisi kung sakaling mamatay ako sa sakit na 'to. Hindi ko rin naman malalaman kung magtatagal ako rito o hindi. Kung gumaling ako salamat sa diyos pero kung hindi naman, siguro 'yon na talaga ang kapalaran ko pero ang importante ay mag-asawa na kami.

Nandito lahat ng pamilya ni Kristoff lalo na si Kuya Toryo at Lola Gigi kasama na rin si manang. Para naman sa side ko ay si Annie at Maris ang ininvite ko. Sinabihan ko na rin ang aking kapatid na isama sana si mama pero ayaw niya sumama. Mataas parin ang pride nito.

Ang cute lang din dahil isa lang ang  flower girl namin at 'yon ang nag-iisa kong pamangkin na si Ashley. Naka light blue dress ito at ganoon din ang mga bisita namin.

Para naman sa akin ay ang sout ko ngayon ay simpleng white dress. Hanggang binti ang dress na 'yon at pa letter u ang neckline, medyo fitted lang siya sa bandang beywang pero maluwag pa 'yon sa akin dahil sa pinayat ko. Satin ang tela nito kaya kahit simple lang ay nagmukha namang elegante. Ang pinaka maganda pa rito ay heto ang sout ni Tita Marina noong kinasal siya kay Tito Alex noong dalaga pa sila.

Mahigpit na hinawakan ko ang aking wedding boquet. Blue hydrangeas and white roses ang combination no'n. Same lang din sa sout ng magiging asawa ko na naka itim na slacks at white polo longsleeves na may maliit na bulaklak na nakaipit sa maliit na bulsa sa bandang dibdib nito. Naka manbun ito at may ilang hibla ng kanyang buhok ang nahulog sa kanyang mukha.

"Because they have exchanged their vows before God and these witnesses, have pledged their commitment to each other, and have declared the same by joining hands and by exchanging rings, I now pronounce that they are husband and wife," nakangiting sambit ng pari.

Nagpalitan kami ng ngiti ni Kristoff ng magtagpo ang aming tingin. Kahit may nakaharang na belo sa aking mukha ay kita ko ang kanyang luha na tumutulo pababa sa pisngi nito.

Nanginginig ang aking kamay na ilahad ito kay Kristoff. Parehas ang aming nararamdaman. Ang kanyang kamay ay nanginginig din at nahihirapan pa na ipasok ang wedding ring sa daliri ko. Nang ako na ang maglalagay ng kanyang singsing ay parehas pa kaming natawa dahil nahihirapan din akong ipasok 'yon sa kanyang palasingsingan.

"Kalma, hon. Mag-asawa na tayo kaya huwag kang kabahan," pangaasar nito sa akin.

Humaba lang ang aking nguso at pabirong tinignan ng masama. Tinawanan niya lang ako at pinagsiklop ang aming palad at muling humarap sa pari.

"You may seal this union with a kiss. Congratulations, Mr. McQuoid and Mrs. McQuoid."

Lumawak ang aking ngiti at hinarap ang aking asawa. Umangat ang kanyang kamay at dahan dahang inangat ang aking belo. Impit akong napaiyak ng tuluyan ko ng makita ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasan na hindi matawa dahil namumula ang dulo ng kanyang ilong habang nakatingin sa akin.

"Hi," mahina kong wika sa kanya.

"Hi," garalgal ang kanyang boses dahil sa pag-iyak.

Awtomatik akong napapikit ng makita na lumapit ang kanyang mukha sa akin. At nang maradaman ang labi nito sa akin ay narinig ko ang palakpakan sa hospital church. Nangingibabaw ang impit na tili ni Tita Marina.

"You're now, Mrs. McQuoid," nakangiti niyang wika.

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Napahalakhak ako ng binuhat niya pa aking katawan at umikot ikot pa.

"I love you," he whispered.

"I love you too—"

Mahina akong napadaing ng maramdaman ang pag sakit ng aking ulo. Mahigpit akong napakapit sa braso ng aking asawa. Naramdaman ko na natigilan ito dahil sa biglang pagtahimik ko.

"What's wrong?" he asked.

"Nothing," pagsisinungaling ko.

"Remember what we talked about, hon?" seryoso niyang tanong sa akin.

Napalabi ako at tinanday ang aking ulo sa kanyang balikat.

"I'm sorry. Sumakit lang ulo ko," mahina kong sagot. "I don't want to ruin our wedding, Toffy."

Napabuntong hininga ito at binuhat ako ng maigi. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pwesto ng aming bisita pagkatapos mag picture kasama silang lahat. Nang matapos ay bumalik na kami kwarto at nandoon ang mga handa na naghihintay sa amin. Simpleng salo salo lang ang nandito at hindi ko na hiniling na maging bongga pa 'yon.

Kuntento at masaya na ako sa ganap ngayon. Sobrang saya na nararamdaman ko sa nangyayari ngayon. at habang pinagmamasdan ang mga bisita ko na masayang nakikipagusap sa isa't isa ay ngayon ko lang din na realize na hangga't nabubuhay ka ay kailangan mo maging grateful sa kung anong meron ka ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka!?" umiiyak na sambit ni Maris. Tinuro niya ako at napanguso na lang. "Tignan mo grabe na ang payat mo."

"Ayaw ko kasi na dumagdag pa sa mga iniisip mo ngayon, Maris," natatawa kong tugon.

Napadaing ako ng bigla ako nitong sabunutan. Hindi naman 'yon masakit pero nagulat lang talaga ako. Mahina kong hinampas ang kanyang braso.

"Ano ba wala na ngang buhok 'yong tao gaganyanin mo pa," tugon ko.

Suminghot ito at inirapan ako. "Paano mo nagagawang tumawa sa sitwasyon mo ngayon," para na siyang bata na ngumangawa sa aking harapan. Na-smudge na rin ang mascara na sout nito dahil sa kanyang pag-iyak. "Ang payat mo na para kang stress. Atsaka simula noong bigla kang umalis sa community carers sumama kana sa mga pinagiisip ko kasi maski ako hindi mo sinabihan ng dahilan bakit ka umalis. Para mo akong ghinost, Anna."

"Totoo naman na iistress na ako sa sakit ko," natatawa kong wika.

"Kapag gumaling ka magpadilig kana sa asawa mo para hindi na mag-mukhang tuyot 'yang balat mo," sumisinghot parin siya.

"Alam mo wala talagang filter bibig mo 'no?" tanong ko.

Pasimple kong tinignan si Kristoff na abala ngayon sa pakikipagusap ng aming bisita. Nandoon din si Annie karga ang kanyang anak na nakikipag laro rin kay Kristoff.

"Oh? Anong mali sa sinabi ko. Normal na 'yon sainyo kasi mag-asawa na kayo alangan naming magpa virgin ka pa," pang-aasar nito sa akin. "Ay sorry virgin ka pala 'no," humalakhak ito at hinimas ang aking braso.

Inirapan ko nalang siya at kumain ng salad. May chicken breast din sa gilid no'n kaya hindi ako mauumay na puro damo lang ang kinakain ko. Ang kaninang mukha nito na nangaasar ay napalitan ng pag-aalala.

"Magpagaling ka, Anna. Huwag kang mamatay, please. Malulungkot ako," mahina niyang wika sa akin.

Ngumiti ako at tumango. "Huwag ka mag-alala gagaling ako, Maris. Tiwala lang."

Tumango siya at niyakap ako. Nagpaalam muna ito na kakain muna saglit at magpapakilala sa pamilya ni Kristoff dahil nakakahiya naman daw kung hindi siya makikipag interact sa kanila.

"Hon, may sasabihin daw si Annie sa'yo," dinig kong wika ni Kristoff.

Kasama niya ngayon si Annie na karga si Ashley. Nang makita ako ng bata ay napangiti ito at gustong kumawala sa bisig ng kanyang ina.

"Baby, hindi okay si Tita Anna mo kaya wala pa munang karga," mahinahong wika ni Annie sa kanyang anak.

Inosenteng tinignan ni Ashley ang kanyang ina at sunod ay ako naman.

"Bakit?" inosente niyang tanong.

"You're tita are not feeling well because she's sick," pag papaliwanag ni Krisotff.

Nakita ko na binuhat niya si Ashley para makalapit na sa akin si Annie. At nag usap na kami sa dapat nitong pag-usapan.

"Sampung libo lang yung kinuha ko sa pinadala ni Kuya Kristoff sa banko ko, ate. Sobrang dami pa ng paninda sa iniwan mong grocery store sa bahay. Nakakaluwag luwag na rin kami ngayon dahil sa trabaho ko kaya paunti unti kong nalalagyan ng mga stocks ang paninda," wika nito sa akin.

Sinulyapan ko si Kristoff na tahimik ngayong nakikinig sa amin habang karga ang aking pamangkin na ngayon ay nilalaro ang bulaklak sa bulsa ng polo nito sa bandang dibdib.

"Sabi kasi niya sa akin nung pumunta siya rito nalulugi na ang tindahan. Wala rin naman ako mabigay na malaking pera kasi lahat ng naipon ko napunta rito sa pagpapagamot ko," tugon ko.

Napabuntong hininga nalang si Annie at hinawakan ang aking kamay. "Ate, huwag kang magpapaniwala sa mga sinasabi ni mama."

Bumaba ang tingin ko ng may dinukot siyang puting sobre sa bag nito. Alam kong pera ang laman no'n dahil may nakita akong tig iisang libo. Inabot niya kay Kuya Kristoff ang pera.

"Ibabalik ko nalang yung sobra—"

"Sa'yo nalang 'yan," pagputol ni Kristoff sa sinabi ni Annie.

Napaestatwa ang aking kapatid dahil sa sinabi ng aking asawa. Lumipas pa ng ilang segundo bago siya mahimasmasan at napakurap pa.

"Hindi ko po matatanggap 'to," nahihiyang wika ni Annie.

Hinawakan ko ang kanyang braso kaya napatingin siya sa akin.

"Kahit anong gawin mo mapupunta parin sa'yo 'yan. Ganyan katigas ang ulo ng asawa ko."

Sa kalaunan ay wala an siyang nagawa kundi tanggapin 'yon. Umabot ng gabi ay nagpaalam na sila na uuwi na at ganoon din si Maris dahil may pasok pa ito. Ganoon din si Annie at s'yempre hindi p'wede na malate ng tulog ang bata.

"Oh my god!" kinikilig ng wika ni Tita Marina. "Finally you're now my daughter-in-law, my dear."

Mahina akong natawa at hinawakan ang kamay ni Kristoff. Pinagsiklop namin 'yon habang nakatingin sa magulang nito.

"Masaya ako na kinasal na kayo," pahabol nito sa akin.

Kinikilig na sinandal nito ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang asawa. Natatawa na napapailing si Tito Alex bago mag salita.

"Congratulations sainyong dalawa," masayang bati ni Tito.

"Congrats po sainyo, Ma'am Anna at sir Kristoff," bati ni Kuya Toryo.

"Congrats sainyong dalawa, hija," nakangiting wika ni manang.

Nang sulyapan ko si Lola Gigi ay tahimik lang siyang nakangiti sa amin habang nakaupo sa wheelchair nito.

"Thank you po," pagpapasalamat naming dalawa ni Kristoff.

Nagsimula na rin ulit silang mag kanya kanya sa kanilang gawain habang itong si Tita Marina ay naglakad patungo sa amin. Hinawakan niya ang aking kamay at maingat akong niyakap.

"From now on, my dear. You can call me mommy," nakangiti niyang wika sa akin. "Ganoon din sa darling ko. P'wede mo rin siyang tawagin na daddy. Pamilya na tayo rito kaya huwag kang mahihiya, okay?"

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at tumango. Nang sulyapan ko ang aking asawa ay nakangiti rin siya sa akin. Parehas kaming natutuwa sa reaksyon ng kanyang ina.

"Yes po, m-mommy," nahihiya at nauutal kong sagot.

"Oh my," she squealed like a child.

"Ang saya ko sobra. Mabuti at nagbalikan na kayo. Alam mo bang inaway ko si Kristoff nung nag break kayo. Ilang beses ko siyang sinabihan na kapag hindi ka pa niya binalikan itatakwil ko na siya bilang anak," wika nito sa akin.

"Mom!" pag-pigil ni Kristoff.

Pigil tawa na tinignan ko siya. Namumula na ang kanyang tenga, nahihiya siya.

"I was joking sa itatakwil na part, anak. Nakakalungkot lang talaga because you're the one I want to be my daughter-in-law, my dear," malambot ang expresyon ng kanyang mukha habang sinasambit 'yon.

"Uhmm," hindi ko alam ang aking sasabihin dahil sa aking nalaman. "Paano po 'yon kung nakahanap ng bago si Kristoff," pabiro kong tanong sa kanya.

"Hon, huwag mo ng sakyan ang trip ni mommy alam mo naman na oa 'yan," dinig kong bulong nito.

Umismid ako at tinignan siya. "For your information, Toffy. Nag-mana ka rin kay mommy. Oa ka rin 'no," tugon ko.

Napanguso nalang ito sa aking sinabi at hinayaan nalang ako.

"No, my dear. Alam kong hindi pa 'yan nakakamove on sa'yo kaya alam kong sa'yo parin ang bagsak niya," proud niyang wika sa akin. "At tignan mo ngayon kasal na kayo hindi ba. I'm so happy para sainyo," nakangiti niyang sambit.

Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko at ganoon din kay Kristoff. Bago pa siya bumalik kung nasaan ang asawa nito ay nagsalita siya.

"Don't you ever hurt Anna again Kristoff. Ako makakalaban mo," pananakot ng ina nito sa kanya.

"Mom, I'll never hurt, Anna. I promise," seryosong sagot ng aking asawa.

Mukhang nakumbinsi naman si Tita Marina sa naging tugon ni Kristoff ay bumalik na siya sa kanyang asawa. Kaya kaming dalawa nalang ang nandito sa kama. Niyakap ko siya ng maramdaman na ikinulong ako nito sa kanyang bisig.

"Binuking kana ni mommy," pang-aasar ko. "Totoo ba 'yon?"

"Yes," tugon nito. "Atsaka kahit hindi niya sabihin gusto ko parin makipagbalikan sa'yo, hon. Kung magsisimula ako sa panliligaw kahit hindi ko alam kung paano ang tamang paraan no'n, gagawin ko ulit 'yon. I'll purse you again until I make you mine."

Nanunudyong tinignan ko ito at pinisil ang kanyang matangos na ilong.

"Mag-asawa na nga tayo, eh. More than mine na kaya 'yon," nakangiti kong wika.

Malambing na sinandal ko ang aking ulo sa malapad niyang dibdib ng hindi siya makasagot sa akin. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Ang kanyang palad ay dahan dahang tinataas baba sa aking likuran.

Asawa. Ang sarap pakinggan ang salita na 'yan. Parang may karapatan na kami sa isa't isa. Alam ko naman na ganoon din sa mag girlfriend at boyfriend pero iba ang ganito.

"Thank you for this, Toffy. Salamat kasi pinagbigyan mo ako sa gusto ko," pagpapasalamat ko.

Awtomatik akong napapikit ng dampian niya ng halik ang aking ulo.

"You're welcome, hon. I'll give you anything you want because you deserve everything," malambing nitong sambit sa akin.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro