Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40

CHAPTER 40

PATULOY LANG AKO sa pagduduwal at naramdaman na hinawakan ni Kristoff ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Lahat yata ng kinain kong pagkain ngayong araw ay naisuka ko na. Halos yakap yakap ang bowl ay hindi ko na nasuportahan ang aking sarili dahil sa panghihina ng katawan ko mabuti na lang at naalalayan ako ni Kristoff bago pa bumagsak ang aking katawan sa tiles.

"Let me take you to your bed," malumanay nitong wika sa akin.

I nodded. "Thank you," I whispered.

Nang makarating sa kama ay dahan dahan ang aking galaw hanggang sa makahiga. Lumipas na ng isang buwan at ang side effect ng chemotherapy ang lagi kong kinakalaban sa araw araw. Halos hindi ko na magawa ang mga dapat kong gawin dahil nanghihina na ang aking katawan.

Bukod sa pagsusuka at panghihina ay mabilis na pagkapagod ang aking nararamdaman. Wala sa sariling napasuklay ako sa aking buhok at ng makita ang aking palad ay nandoon ang ilang hibla ng aking buhok. Sumikip ang aking dibdib dahil do'n.

"Drink your water," dinig kong wika ni Kristoff ng makarating sa akin.

Bumangon ako at tinaggap 'yon. Hindi ko alam pero pagod na pagod talaga ako kahit wala naman akong ginagawa. Napasulyap ako sa kanya ng maramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Binigyan ko ito ng nanunudyong tingin at ngiti.

"Hmm, bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko. "Hindi pa po ako ready sa matured roles direk kasi may sakit pa ako. Kapag gumaling na ako p'wede na natin araw —" pabiro kong wika. Ang kaso hindi rin natapos dahil niyakap niya ako.

"Bakit nagagawa mo pang mag biro sa kalagayan mo na 'yan?" tanong nito sa akin habang nakakulong sa kanyang bisig.

Naglaho ang aking ngiti at mahina natawa. Niyakap ko rin ito pabalik at tinanday ang aking ulo sa malapad nitong dibdib. As usual naka topless na naman ito dahil mainitin siyang tao.

"Sa nangyayari ngayon sa 'kin, Toffy. Mas pipiliin ko na lang maging masaya kesa mag-isip ng ikalulungkot ko," mahinahon kong sagot at inangat ang tingin sa kanya.

Doon ko natagpuan ang seryoso nitong mukha at parang maiiyak pa dahil namumula ang kayang mata. Ang dalawang pares ng asul na mata nito na nakatingin sa akin ay namumula at nagbabadyang tumulo ang kanyang luha.

"Why does it feel that you're going to leave me anytime, hon," nasasaktan niyang sambit sa akin.

Umangat ang aking kamay at pinunasan ang kanyang luha na tumulo pababa sa kanyang pisngi. Inipit ko sa likod ng kanyang tenga ang mahaba nitong buhok at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi.

"Ikaw ang oa mo talaga, Toffy. Hindi pa ako mamatay baliw ka talaga," natatawa kong wika sa kanya at sa kalaunan ay naging seryoso na rin. "Ayaw kong mamatay na hindi ako nagiging successful. Ang dami kong gusto pang gawin sa buhay ko na hindi ko nagawa noon dahil mas inuna ko pa sila mama kesa sa kasiyahan ko. Parang hindi matatahimik ang kaluluwa ko kung sakaling mamatay ako sa sakit na 'to."

Nakita ko na tumango ito at yumuko. Dinampian niya ng halik ang aking noo at pinagdikit ang noo nito sa akin.

"That's right. Huwag ka munang mamatay. Gustong kong bumawi sa lahat, hon. Natatakot lang ako na baka kunin ka niya sa akin na hindi pa natin nagagawa lahat ng gusto kong iparanas sa'yo," bakas sa tono ng kanyang boses ang pagkatakot.

Nangaasar na ningitian ko ito. "Katulad ng?"

"Cute dates, heart-to-heart talk, beach date again and picnic date," sunod sunod nitong sambit. "We can travel to your favorite country and many more," pahabol nito.

Hindi ko maiwasan na mapahagikhik sa sinabi niya. Malambing na sinandal ko ang aking ulo sa malapad na dibdib nito.

"Ang dami naman niyan," pang-aasar ko sa kanya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Maraming mga bagay na hindi natin nagawa noon, hon. Kaya gusto kong bumawi ngayong nagkabalikan tayo."

"Okay naman yung date natin sa hacienda niyo, Toffy," sagot ko. "Ang cute kaya ng picnic date natin."

"For me, it's still not enough. Hindi mo ba napapansin," pabitin nitong wika.

Muli ko siyang tinignan. "Ang alin?"

"Hindi humahadlang yung magulang natin sa relasyon na meron sa'ting dalawa. Pero etong nararanasan lang natin noon at ngayon parang nagpapahirap. First, yung sa akin. Parang naging hadlang 'yon sa atin—"

Tinapat ko ang aking hintuturo sa kanyang labi para manahimik. Umiling ako sa kanyang harapan at ningitian.

"Don't say that, Toffy," mahina kong wika. "Let me tell you na hindi lahat ng relationship puro kilig lang. Dadating ang araw na may pagsubok na darating sa kanila," pag-papaintindi ko.

Nakita ko na humaba ang kanyang nguso sa sinabi ko.

"So sinasabi mo na pagsubok lang 'tong sakit mo sa relasyon natin?" nasasaktan niyang tanong sa akin. "This is not what I want, hon. Nahihirapan din ako kapag nakikita kitang nahihirapan."

Napalabi ako at mahinang hinampas ang kanyang braso. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na magpahinga sa bisig nito habang nakasandal sa dibdib niya.

"Malalagpasan din natin 'to, hon," mahina nitong bulong habang nakayakap sa akin.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilan na umiyak. Pinunasan ko ang aking luha at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

"I wish," I said while crying, silently.

"Gagaling ka. Tiwala lang," pagpapagaan nito sa aking loob. Mabilis niyang hinalikan ang aking noo at sinubsob ang mukha sa aking leeg.

UMIIYAK NA UMILING AKO at naduwal na naman sa maliit na planggana na hawak ni Kristoff. Ayaw ko na. Ang sakit na ng pakiramdam ko. Parang pinipilipit ng sobra ang sikmura ko kakaduwal. Wala na 'yong laman dahil naisuka ko.

"It hurts," I cried.

Lumipas ng ilang linggo ay sinugod ulit ako sa ospital dahil natagpuan nalang ako ni Kristoff na walang malay sa loob ng banyo ng apartment ko. Hindi na niya ako pinayagan na umuwi pabalik doon kaya naka confine na ako rito sa hospital.

"It hurts to see you like this, my dear," naiiyak na sambit sa akin ni Tita Marina.

Inayos niya ang hospital gown ko at hinawakan ang aking kamay. Ningitian ko na lang siya at pinunasan ang aking luha. Malaki na ang binawas ng aking timbang kaya kapag pumapasok ako sa banyo nitong napiling kwarto ni Kristoff ay hindi ko magawang tignan ang sarili ko sa salamin na nakalagay roon.

"Nandito na po ang sakit, Tita. Wala na po tayong magagawa," mahina kong tugon.

Napahawak siya sa kanyang labi at impit na napaiyak dahil sa aking sitwasyon ngayon. Mahina na lang akong natawa at hinaplos ang kanyang braso para kahit papaano ay kumalma siya.

Sinundan ko ng tingin si Kristoff na may hawak na peeled oranges at binigay sa akin.

"Eat this," inabot niya sa akin 'yon. "Wala pang lamang tyan mo kasi naisuka mo na lahat."

Tinanggap ko 'yon at kinain habang nakikipagkuwentuhan sa mommy ni Kristoff. Nandito siya ngayon para bisitahin ako. Hanggang matapos ang buong session ng treatment sa aking brain cancer ay dito muna ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa sout kong bonnet na kulay aqua blue. Napapansin ko na rin na sobrang dami na rin ang nalagas sa buhok ko kaya napagisipan ko na lang na mag sout ng ganito.

"Ang bait mong tao pero bakit ganito," sambit ni Tita sa akin. "Ang unfair naman. Bakit lahat ng mababait na tao nakakaranas ng ganito," naiiyak na wika nito.

Nataranta naman ako ng makitang umiyak ito. "Tita," kinakabahan kong wika. "Huwag na po kayong umiyak. Kaya nga po nandito ako para magpagamot hindi ba?"

Tumango siya. "Yes."

Humaba pa ang pinagusapan namin sa ibang bagay. Si Kristoff naman ay nandoon sa may pahabang lamesa dahil siya ngayon ang pumalit sa position ng kanyang ina sa kanilang kumpanya.

"Nagiging pabigat na ba ako?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Hating gabi na at kaming dalawa na lang nandito. Ang mommy niya ay umuwi na kaninang hapon dahil walang kasama si Lola Gigi sa hacienda.

Umangat ang tingin nito sa akin. Naka sout siya ng anti radation na glasses dahil naka-laptop ito buong araw.  Hindi ko siya maistorbo o makulit o magpalambing sa kanya dahil alam ko mamaya pa ang out nito. Nakita kong napabuntong hininga ito at nagtungo sa aking pwesto.

"Why would you say that?" he asked.

Umusod ako kaonti para makaupo sa malaking kama na hinihigaan ko. Naupo ako sa kanyang hita at niyakap siya. Langhap na langhap ko ang natural na amoy nito.

"Bakit parang nararamdaman ko na yung nararamadaman mo noon, Toffy," mahina akong natawa at sa kalaunan ay napalitan ng lungkot ang tono ng aking boses. "Ganito pala nararamdaman mo. Yung tipo na ayaw maging pabigat kasi parang nakakahiya na."

"Yeah. that's how I feel, hon," sagot nito. "And for your information hindi ka nagiging pabigat. Huwag mo na isipin 'yon. Nandito kami nila mom and dad para suportahan ka sa treatment mo. Lakasan mo lang loob mo para sa'yo at para sa amin," kinulong niya ako sa kanyang bisig at hinalikan ang aking leeg.

Dahan dahan akong tumango kasabay no'n ang pagtulo ng aking luha. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Grabe ang takot at kaba ang nararamdaman ko. Kinakabahan na baka hindi ako gumaling at takot na baka hindi ko kayanin. Baka matulad din ako ni papa na mamatay.

"I'm sorry if I think that way, Toffy. Natatakot lang ako. Na baka matulad ako kay papa na mamatay. Baka hindi ko kayanin yung sakit ko. Ayaw ko pa mamatay," garalgal ang aking boses ng sambitin 'yon sa kanya.

Umalis ako sa pagkakayakap nito at kinul0ng ang kanyang mukha sa dalawa kong palad. Sinalubong ko ang mata nitong mala dagat ang kulay. Parehas na pala kaming umiiyak na dalawa.

"Me too," he answered. "Please don't die, hon. Hindi ko kaya kapag nangyari 'yon. Hindi ko matatanggap kapag nangyari 'yon sa'yo. I want to build a happy family with you. So please ako na ngayon nag mamakaawa sa'yo huwag kang susuko," walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha habang sinasabi 'yon sa akin.

Ngumiti ako sa pagitan ng aking pag iyak at pinunasan ang kanyang luha. Napapikit kaming parehas na halikan ko ang kanyang labi. Ang kamay nito ay naramdaman ko na gumapang paakyat sa aking batok para lumalim ang aming paghahalikan. Parehas na tumutulo ang aming luha at ramdam ko ang takot nito kung sakaling mawala man ako sa mundo.

"I have a favor," I whispered.

"What?" he asked while sobbing. "I'll give you anything you want, hon. Just tell me," namumula na ang kanyang ilong dahil sa pag-iyak.

Kahit din ako ay alam kong namumula na ang aking ilong. Natutuyo na rin ang ibang luha sa aking pisngi pero napapalitan parin ito ng bago.

"Let's get married tomorrow. In this hospital's church."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro