CHAPTER 35
CHAPTER 35
HANGGANG MAKARATING sa apartment ay walang nag-salita ni isa sa aming dalawa. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo pero pinigilan niya agad ako.
"What?" kunot noo kong tanong.
"Masama maligo kapag galing sa pagod 'di ba?"
Napaisip ako sa sinabi nito. Tama naman siya pero gusto ko na talagang maligo. Nanlalagkit na ang aking katawan at hindi ako sanay.
"Sus wala 'yan. Gusto ko ng maligo kasi kanina pa ako nanlalagkit. Ang baho ko na," sagot ko.
Pasimple ko pang pinagpag ang aking sarili na akala mo ay may imaginary alikabok na nakadikit sa aking katawan. Napasinghap ako ng hapitin niya ang aking beywang at dumukwang ito sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo sa katawan dahil sa ginawa nito.
"You still smell good, Anna," he whispered in my ears.
Nanginginig ang aking kamay na nilapat iyon sa malapad niyang dibdib at tinulak siya papalayo sa akin. Masyado na siyang malapit at baka kung saan pa mapunta 'to.
"Baliw," 'yon nalang ang aking tugon.
Kinuha ko ang towel na nakasampay sa gilid ng damitan ko at naglakad patungo sa banyo. Bago pa ako tuluyang makapasok doon ay nilingon ko siya. Kanina niya papala ako sinusundan ng tingin.
"D'yan ka muna maliligo lang ako," wika ko.
He nodded like a child. "Okay."
Pumasok na ako sa loob ng banyo at ginawa na ang dapat gawin. Hindi ko alam bakit nakapaghilod pa ako ng maayos. Nag sabon ako ng dalawang beses at nakapag keratin pa ng buhok kahit maikli naman 'yon!?
Nang makalabas ako ay natagpuan ko siyang nakaupo sa upuan ng dining table. May mga pagkain na roon na ikinatigil ko. Ang kanyang mata ay nanlalaki habang nakatingin sa akin. Umiwas siya ng tingin sa akin at wala sa sariling napasuklay sa mahaba at mala ginto nitong buhok.
Pinagsawalang bahala ko 'yon at nagtungo sa cabinet para kumuha ng damit. Nagbihis din ako sa banyo at binalot ko ang aking buhok ng tuwalya. Naupo na agad ako sa bakanteng upuan sa harapan nito.
"Let's eat muna," pag-aya nito.
Tumango na ako at kinuha ang kutsara kasama ang plato ng hawak ko. Naiwan sa ere ang aking kamay ng bigla niyang kunin ang plato. Siya na ang nagkuha ng pagkain at nilagyan ang aking plato.
Hindi ko alam pero natutuwa ang puso ko sa ginagawa nito. Kung nakakapagsalita lang yata yung puso at utak ko baka kanina pa sila nakikipagdibatehan sa gilid ko.
"Thanks," pagpapasalamat ko ng mabigay niya sa akin ang plato.
Maraming laman 'yon. Kahit tinitignan ko palang ay parang nabubusog na ako.
"You're welcome," tugon nito.
Kumuha na siya ng kanyang makakain at ng makita kong okay na ay sinabayan ko na rin ito. Tahimik lang ang buong apartment. Tanging pagtama ng kutsara at tinidor sa plato ang naririnig namin hanggang sa ako ay magsalita.
"Anong sasabihin mo?" tanong ko.
Umangat ang tingin nito sa akin habang ngumunguya. Nilunok niya muna ang kinakain nito at bago magsalita ay uminom muna siya ng tubig.
"We can talk after we're done eating," he answered. "It's really bad when we fight in front of the food."
Tumaas ang isang kilay ko. "Fight? Nag aaway ba tayo sa harap ng pagkain pag nag-uusap?" medyo naiinis kong wika.
"See, you're already mad. Hindi pa nga nasisimulan yung paguusapan galit ka agad," mahinahon niyang wika.
Napabuga nalang ako ng hangin at tinuloy ang aking kinakain. Nang matapos na ay ako na ang nagprisenta mag hugas ng plato dahil siya naman ang bumili ng pagkain namin ngayon gabi.
Sinulyapan ko ito kung anong ginagawa niya. Nagwawalis na pala siya at nililinis na ang magiging higaan ko ro'n. Hinayaan ko nalang ito at tinapos na ang paghuhugas. Mabilis lang din naman ang kilos ko kaya ngayon ay nandito na kami sa labas ng apartment nagpapahangin. Malalim na ang gabi at ang mga maliliit na insekto na gumagawa ng ingay ang naririnig namin.
"Gusto mo?" pag-aalok ko sa iniinom ko.
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
"Hindi ako umiinom ng alak," tugon nito.
"Beer lang naman 'to," sambit ko at sumimsim sa alak. "Minsan kasi nahihirapan ako makatulog kaya ginagawa kong pampatulog 'to," natatawa kong wika.
Kumunot at napapailing na tinignan niya ako. "P'wede ka namang kumain ng gummies na melatonin. Drinking alcohol is very unhealthy, Anna," seryoso niyang wika sa akin.
"Oa spotted," tugon ko.
"Anna, I just want to apologize for all the things I said to you three years ago. Even though you don't want to, I know that you are still hurt because I ended our relationship without your permission. That's why i'm here to fix everything because of that," ang tono ng boses nito ay malumanay at parang malambing.
Dahil na rin siguro sa iniinom kong beer ay medyo kumalma ako. Kung hindi yata ako uminom ngayon baka nagsisimula na naman akong tumalak sa kanyang harapan at kung ano-ano pa ang aking sasabihin. Nanatili akong nakatulala sa sahig habang pilit na pinapasok sa aking utak ang sinabi nito.
"Why?" I asked. Nilingon ko ito at sinalubong ang kanyang tingin. "Bakit ngayon lang? Alam mo naman na kaya kitang alagaan sa kundisyon mo na 'yon pero pinilit mo parin akong itaboy, Kristoff."
Tama lang talaga na uminom ako. Namamanhid ang aking katauhan pero ramdam ko parin ang pag-sikip ng aking dibdib at pag-kirot nito.
"Anyways wala naman na sigurong kaso 'yon ngayon kasi nakakalakad kana. Sobrang saya ko na makita kang nakakalakad kana, Kristoff. Pero tama si Tita Marina na mas masaya siguro kung nandoon ako sa tabi mo nang tuluyan ka ng makalakad," nasasaktan kong wika.
Nanlabo ang aking paningin. Namumuo na pala ang aking luha pero pinipigilan ko lang 'yon na huwag tumulo. Naninikip ang aking dibdib at grabe ang naipon kong emosyon do'n na kaonti nalang ay sasabog na.
"Ayaw ko lang maging pabigat sa'yo. . . sainyo," mahina nitong wika.
Nakita ko na umangat ang kanyang kamay at naramdaman nalang ang hinlalaki nito ay pinunasan ang aking luha na ngayon ay tumulo na. Iyon na nga ang naging sanhi ng pag-iyak ko sa kanyang harapan.
"Palagi mo namang sinasabi 'yan, Kristoff," lumuluha kong saad. "Kung sa tingin mo pabigat ka bakit tumagal kami na alagaan ka?" tanong ko rito. "Natiis ka namin na ganoon kundisyon mo kaya 'yang iniisip mo na pabigat ka sa amin o sa akin hindi 'yan totoo."
"I'm sorry..." he whispered.
Ang kanan nitong kamay ay naramdaman ko nalang na nakasiklop sa aking kaliwang kamay. Mahigpit parin ang hawak ko sa bote ng beer habang nakatingin sa kanya.
"Sila Tita at Tito hindi sumuko na humanap na magaling na doctor para makapagpagaling sa 'yo. Alam naman namin na nahihirapan at gusto mo na talaga maglakad, eh. Nasasaktan lang talaga ako na nakipagbreak ka sa akin kahit nagmamakaawa ako na huwag mong gawin 'yon," wika ko sa pagitan ng aking hikbi. "Hindi pa ba sapat yung pagluhod ko sa harapan mo para lang ipaalam sa'yo na ayaw ko. . . ayaw kong makipaghiwalay," umiiyak kong wika at parang nanghihina pa dahil sa pagsikip ng aking dibdib.
Mas lalo akong nasaktan ng makitang walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Namumula na ang tungki ng kanyang ilong habang nakatingin sa akin. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at inusog ang upuan nito sa akin.
"I'm really sorry kung pinagtabuyan kita. Hindi ko na rin alam mga pumapasok sa isip ko na akala ko 'yon yung tanging paraan para hindi na kayo mahirapan. Tanggap ko na talaga ng hindi na ako makakalakad, Anna. Narinig ko sila mom at dad na nag-uusap na parang wala na raw silang mahanap na doctor na gagamot sa akin—"
"Kaya yung pakikipaghiwalay sa akin yung ginawa mo? Na sa tingin mo magandang paraan 'yon kasi ayaw mo maging pabigat kapag tumagal tayo?" pagputol ko sa sinabi nito. "Natiis nga kita ng dalawang taon na magkarelasyon tayo Kristoff kaya wala ng kaso sa akin kung habang buhay kang ganyan kasi mahal kita, eh."
Dahan-dahan siyang tumango. "Yes, i'm really sorry," umiiyak niyang wika.
Napayuko nalang ako at pinunasan ang aking luha. Inubos ko na rin ang beer sa bote at nilagay sa gilid ko.
"Hindi ko iniinvalidate yung nararamdaman mo, Kristoff. I really understand your feelings but it's just really hurts you know. Masakit lang talaga sa part ko na nangako ka sa akin na hindi mo ako ipagtatabuyan pero anong nangyari? Nangyari rin yung kinakatakutan ko," napahawak pa ako sa aking dibdib habang nakatingin sa kanya.
"Anna..." mahina niyang wika.
Lumapit pa siya ng tuluyan sa akin pagkatapos no'n ay ikinulong ako sa kanyang bisig. Wala na akong nagawa ng umiyak ako sa malapad nitong dibdib. Sinandal niya ako roon at ang kanyang kamay ay unti unting hinagod ang aking likod para kumalma.
"I know I also have a fault. Sorry kung hindi ako nagkukwento. Alam kong marami tayong personal problem. Nagsasabi ka sa akin no'n pero ako mas pinili kong manahimik o itago nalang 'yon imbis na sabihin sa'yo. Ayaw ko na kasi makadagdag ng problema," nakasubsob ako sa kanyang dibdib habang lumuluha. "May kasalanan parin ako kaya i'm sorry."
"I understand," he whispered. "I'm sorry rin, Anna," pag-aalo nito sa akin.
"I'm sorry," pag-uulit ko.
Humigpit ang yakap niya sa akin at hinayaan ko nalang 'yon. Gusto ko nito, ang makulong sa bisig nito at sumandal sa malapad nitong dibdib. Sa tingin ko kasi ay mas safe ako kapag niyayakap niya ako. Na sa wakas ay may masasandalan na akong tao sa tuwing hindi ko na kaya ang nangyayari sa aking buhay.
"Let's get back together, hon. I promise to make it up to you this time," malambing nitong wika. Hinahaplos niya na ngayon ang aking maikling buhok. "Promise me that if there's a problem, we will talk about it right away, so there's no misunderstanding, okay?" malumanay niya saad.
Tumango lang ako habang nasa bisig nito. Nang sulyapan ko ito ay kanina papala siya nakatingin sa akin. Nagpipigil na naman ito ng panibagong luha kaya bago pa 'yon tumulo yan pinaglandas ko ang aking hinlalaki sa mata nito para punasan 'yon.
Naririnig ko ang malakas na kabog ng kayang dibdib. Parehas lang naman kami ng narararamdaman. Parang gusto kumawala ng aking puso dahil sa sobrang lakas ng tibok.
"I love you, hon," he whispered.
Mas lalong lumakas yata ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito. Parang aatakehin ako sa puso. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib kung saan nakapwesto ang aking puso.
I looked at him. His lips softly touched mine as he went closer to me. I was so shocked at what he did that I failed to react. I finally felt his kisses on mine after three years. It stays the same. Unlike my chapped lips, his are extremely soft, like cotton. Letting him push himself into mine to deepen our kiss, I automatically positioned my arms around his nape and accepted it wholeheartedly.
I missed this. I miss him. I miss doing this with him.
We were both gasping for air after our deep kisses. Nobody spoke at all. You can only hear the sounds we made when gasping for air.
Napapikit ako ng maramdaman ang paghalik nito sa aking noo. Hinawakan niya ang aking kamay at pinagsiklop 'yon.
"Let's go to bed," pag-aya nito sa akin.
Wala sa sariling tinignan ko ang aking wrist watch. Mag aalas dyes na ng gabi. Tumango ako at nagpahila nalang sa kanya ng pumasok ito sa loob ng apartment. Nilock niya rin ang pintuan at dumiretso na sa aking higaan.
"Hindi ka uuwi?" tanong ko habang inaayos niya ang kama.
Iniisip ko ngayon kung magkakasya ba kaming dalawa sa kama ko kung doon kami matutulog.
He shook his head. "No. I'll sleep here for the mean time. Atsaka na miss kita," tugon nito.
Tumango nalang ako at nahiga na sa kama ng makitang maayos na 'yon. Dala na rin ng ininom kong beer ay inantok na ako. Napatakip ako sa aking bibig ng bigla akong napahikab.
"I love you, Toffy," mahina kong wika sa kanya. Tinapik ko ang gilid ng aking kama para roon siya mahiga.
Nakita ko ang pagsilay sa kanyang labi at naupo sa aking tabi.
"I'm happy to hear that you call me Toffy again, hon," masaya niyang wika.
Hinubad niya muna ang pang-itaas nito at nahiga sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa aking beywang habang ako naman ay nakasiksik na naman sa malapad nitong dibdib. Tuwang tuwa na naman ang puso ko dahil do'n.
"I love you more, hon," malambing niyang wika. "Let's sleep? May pasok ka pa tomorrow."
I nodded. "Okay."
"Goodnight, hon," nakangitin nitong sambit sa akin.
Mabilis kong hinalikan ang kanyang labi at muling siniksik ang sarili sa malapad nitong dibdib.
"Goodnight, Toffy."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro