CHAPTER 33
CHAPTER 33
ILANG BESES KONG SINISILIP si Kristoff habang kinakausap ang aking kapatid. Naririnig ko parin ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Sinugod mo na ba si Ashley sa hospital, Annie?" tanong ko.
"Oo. Nandito ako ngayon binabantayan siya," tugon nito.
Napatango ako na akala mo ay nasa harapan ko ito.
"Sige. itatransfer ko nalang sa e-wallet mo yung hihiramin mong pera sa akin, ah. Pero bayaran mo rin ako. Kailangan ko rin kasi 'yan," wika ko.
"Oo, teh. Huwag kang mag-alala ibabalik ko agad 'yan kapag nakuha ko na sahod ko."
Nagpaalam na ako binaba ang tawag. Sinabihan ko nalang siya ng iupdate ako kung kumusta na ang kalagayan ni Ashley dahil maski ako ay nag-aalala sa kanya.
Nang pumasok ako sa loob ng apartment ay natagpuan ko si Kristoff na abala naman ngayon sa paglilinis ng aking kama. Naka patong ang mga unan at kumot sa maliit ng upuan dahil pinapagpagan niya ang kama.
"Anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Naglakad ako papunta sa pwesto nito at inagaw sa kanya ang hawak nitong unan na ilalagay niya dapat sa kama ko. Malinis na ito ngayon lalo na ang bedsheet na walang kagusot gusot.
"Inaayos ko yung higaan mo," malumanay nitong sagot. Kinuha niya pa ang ang isang unan at inabot sa akin. Tinanggap ko naman 'yon at binalik sa kama.
"Hindi mo kailangan gawin 'to," seryoso kong wika.
Nang tignan ko ito nakita ko sa expresyon nito na nasaktan siya. Bakit? Bakit nasasaktan siya? Pinagsawalang bahala ko 'yon at inabala nalang ang sarili sa pag tutupi ng aking kumot.
"Gusto lang kitang tulungan," mahina nitong sambit.
Natigilan ako sa ginagawa ko. Dahan dahan ko siyang sinulyapan habang ang expresyon sa aking mukha ay blanko at walang emosyon.
"Kaya ko sarili ko, Kristoff. Ilang taon na ako rito sa apartment nakakaya ko naman ng walang tulong kaya hindi uubra sa akin 'yang ginagawa mo," saad ko. "Umuwi kana at gabi na. Atsaka bakit ka ba laging nandito, ha? Wala ka bang trabaho? Inuubos mo lang yung oras mo rito sa apartment imbis na pumirmi ka sainyo."
"Day off ko ngayon at work from home ako," sagot nito. "And I just want to visit you here if you're okay—"
"Diretsohin mo na nga ako. Yung totoong dahilan kung bakit ka nandito. Wala kang mapapala kung palaging pupunta rito," pagputol ko sa sinabi nito.
Hindi siya agad nakapagsalita sa aking sinabi. Na para bang hindi niya inaasahan na 'yon ang magiging tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at humakbang papalapit sa akin na ikina atras ko. Napaupo tuloy ako sa kama habang nakatingala sa kanya.
Bakit ba ang laking bulas nito?
"I just want to talk about our relationship last three years ago," he whispered. "Atsaka may mapapala ako rito dahil nakikita kita."
Hindi ko alam pero ang mga salita nito ay nakapagpatriggered sa aking galit at tampo. Naiinis na tumayo ako at mahina siyang tinulak papalayo sa akin.
"Wala ng dapat pag-usapan kasi tapos na 'yon," naiinis kong sambit. "Lakas ng loob mo magpakita ngayon na akala mo walang nangyaring hiwalayan," galit kong wika. "Let me remind you, Kristoff. You're the one who broke up with me. Pinagtabuyan mo ako kahit na nagmamakaawa ako na huwag mo akong hiwalayan," naiiyak kong sambit.
Napaubo ako ng maramdaman na parang may nakabara sa aking lalamunan. Nakakainis pa dahil sa naging reaksyon nito. Parang naaawa na hindi mo maintindihan. Nagtatalo na naman ang aking puso at utak kung magpapadala ba ako o hindi sa reaksyon nito. Bago pa manaig ang sinisigaw ng aking puso ay tinuro ko na ang pintuan ng apartment.
"Get out," pagpapaalis ko sa kanya.
"Anna, I'm sor—"
"No!" I shouted. "Huwag na huwag mong sasabihin sa akin 'yan," lumuluha na ako sa kanyang harapan. "Don't you ever say that to me, Kristoff."
Pain pierced into his beautiful blue eyes. I can see he was hurt by what I said, but I believe he deserved it. I harshly wiped away my tears and pointed to the door again, glancing into his eyes. His eyes were bloodshot, with tears gathering in them. He was about to cry, but he forced himself not to.
Mapakla akong tumawa. "Ano? Masakit hindi ba? Ganyan din ang nararamdaman ko no'ng pinapaalis mo ako sa bahay niyo, Kristoff," madiin kong wika.
"Umalis kana, please," nanghihina at walang tigil ang aking luha sa pagtulo.
Wala akong narinig na sagot sa kanya. Tahimik at parang masunuring bata itong nakinig sa akin. Nakita ko ang paglock niya sa doorknob ng pintuan.
"Goodnight, Anna. Please lock the window and double-check the lock on your door, bye," garalgal ang kanyang boses at halatang pinipigilan na huwag umiyak.
Nang maisara niya ng tuluyan ang pintuan at pabagsak akong naupo sa kama. Hindi ko na napigilan na pakawalan ang sunod sunod kong hikbi sa pagitan ng aking hagulgol. Ang sikip at bigat ng aking dibdib.
Parehas kaming nasasaktan. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko sa kanya kanina. Hindi ko ugaling magsalita ng gano'n sa kanya kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
ISANG MALAKAS NA PITIK sa hangin ang aking narinig na nakapagpabalik sa aking malalim na iniisip. Nandito pala ako ngayon sa canteen nitong pinagtatrabahuan ko. Kasama ko ngayon si Maris.
"Anong iniisip mo?" curious nitong tanong.
"Wala," pagsisinungaling ko.
Huminga ako ng malalim at napapikit ng maramdaman ang pagsakit ng aking ulo. Sunod sunod na araw nalang ako nakakaramdam ng ganitong sakit. Minsan nga ay iniinuman ko nalang ito ng gamot para kahit papaano ay mawala.
"Sus, Anna. Ang mema mo alam mo ba," tugon ni Maris. "Anyways congrats nga pala kasi nanalo ka nung appliances nung nagparaffle rito nung charity event," nakangiti niyang sambit sa akin. Mahina niya pang hinampas ang aking braso. "Dryer atsaka electric fan. Siguro nung nagpapaulan ng swerte si Lord nagtatampisaw ka 'no?"
Napailing nalang ako at sumubo ng pagkain. "Oa ka."
Umismid ito. "Epal. Pero guwapo yung lalake na nagtanong sa akin kung nasaan ka, ah. Ngayon lang din ako nakakita nang malapitan na may lahi. Akalain mo blonde atsaka blue eyes pa."
Sa pag dedescribe nito kung sino ang nag tanong sa kanya ay kilala ko na. Dahil talaga sa charity event na 'to nag krus na naman ang landas namin, eh.
"Oh tapos?" pang-aasar ko.
Ngumuso siya at sumimangot. "Hindi ka ba nagu-guwapuhan sa kanya? Ang kaso ito lang inooverthink ko. Bakit ka sumakay sa kotse no'n?"
Napatakip ako sa aking bibig ng masamid ako sa tubig. May lumabas pa nga sa ilong ko dahil sa pagkabigla.
"B-baka namamalikmata ka lang," kinakabahan kong saad habang nauutal. "Hindi ako 'yon baliw ka."
"Hindi, Anna," madiin nitong sagot. "Ikaw lang ang worker dito na naka short layered bob dahil kadalasan sa mga nagtatrabaho rito ay mahahaba ang buhok na naka clean bun pa. Ikaw lang din ang worker dito na naka baby blue bagpack na punong puno ng cute na bag pins," seryoso niyang wika. Matamis siyang ngumiti sa akin at nagpapacute na tinignan ako. "Kung hindi ikaw 'yon e'di sino?"
Hindi ako makatingin sa mga mata nito na ngayon ay naniningkit. Kilala ko na 'tong si Maris eh. Hindi titigil ito hangga't hindi nasasagot yung katanungan nito.
Napabuntong hininga ako. "Okay, okay," pagsuko ko. "He's my ex boyfriend."
Napatanga pa ito sa aking sinabi at parang hindi pa yata nag sisink in sa utak ni Maris ang narinig nito. Dahan dahan nanlaki ang kanyang mga mata at napatayo pa.
"Ano!?"
"Ingay mo, gaga!" malakas kong bulong sa kanya at hinila siya paupo.
Napatakip siya sa kanyang bibig habang nanlalaki parin ang mata. "Omg! What a small world," mukhang kinikilig pa ito. "Naging ex mo talaga 'yong blondie guy na 'yon?" parang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko.
"Oo nga ang kulit mo," tugon ko.
"Ilang years kayo?" curious nitong tanong.
"2 years," mabilis kong sagot.
Napatango siya. "E'di malaki?"
Kumunot ang noo ko sa tanong nito. "Anong malaki?"
Makahulugan niya akong tinignan. Sa kaliwang kamay nito ay gumawa siya ng bilog at sa kanan naman ay dahan dahan niyang pinasok doon sa bilog ang hintuturo nito. Nakuha ko naman ang ibig sabihin nito kaya nanlaki ang aking kamay.
Dumukwang ako at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay para itigil ang kanyang ginagawa habang siya ay hindi mapigilan ang sarili na humalakhak. Kahit hindi ko tignan ang aking sarili sa salamin ay alam kong namumula ako ngayon.
"Maris! Para kang ewan," saway ko sa kanya.
"Ano?" humahalakhak parin ito. "Nagtatanong lang ako masyado ka namang seryoso sa buhay. So malaki nga?" paguulit nito.
Agad naman nag flashback sa akin isipan ang araw na nakita ang ibabang parte ni Kristoff ng tulungan ko ito dahil nadulas siya sa kanyang banyo. Hindi ko naman maipagkakaila na may kalakihan 'yon pero dati pa 'yon ewan ko nalang ngayon.
"Wala! Hindi ko alam," mabilis kong sagot.
"Hmm. sure ka?" panunudyo nito. "Namumula ka," muli siyang napahalakhak.
Napanguso ako. "Oo nga. Atsaka tigilan mo na nga ako sa pangaasar mo," wika ko dahil feeling ko grabe na ang pamumula ng aking pisngi.
"Aalis na ako at baka kailangan ako ni Lola Gigi ro'n," pagpapaalam ko.
Tumango naman ito at kumaway. "Okay po. Bye, virgin," pangaasar niya.
Matalim kong tinignan ito at naglakad na patungo sa silid ni Lola Gigi. Kinuha ko na rin pala ang kanyang pagkain dahil ako ang mag papakain dito at papainumin na rin ng maintenance nito.
Nang makarating ako sa silid ni Lola Gigi ay hindi natuloy ang pagbukas ko ng pintuan ng may tumigil sa aking gilid. Kahit hindi ako nakatingin ay kilala ko na kung sino 'to. Sa amoy palang ay alam na alam ko na.
"What are you doing here?" I asked.
Nang lingunin ko ito ay nakatingin na pala siya sa akin. Ang mga mata nitong mala dagat ay seryosong nakatingin sa akin. Ang itim ng kanyang mata ay napakalaki habang pinagmamasdan ako. Muhkang bagong ligo pa dahil ang mahaba nitong mala-gintong buhok na nakalugay ay medyo basa pa
"Binibisita kita sa trabaho mo," tugon nito.
Tuluyan ko ng binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. "Hindi ka p'wede rito."
Napabuntong hininga ako ng marinig ang pagsara ng pintuan at dahil naka aircon ang silid ni Lola Gigi ang amoy nito ay kumalat sa buong kwarto. Pumasok siya sa loob.
"Bawal ka rito, Kristoff—"
Kumunot ang aking noo ng makitang tulala ito sa matanda na nakahiga sa kama ng lingunin ko siya. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan habang pinagmasdan si Lola Gigi na ngayon ay nakatingin naman sa akin.
"Anna, sino 'yang kasama mo?" tanong ni Lola Gigi at mabilis na binalingan ng tingin si Kristoff na hanggang ngayon ay hindi pa nakakarecover sa pagkakatulala. "Ayan na ba ang nobyo mo? Bati na ba kayo? Pinapansin kana niya?" sunod sunod na tanong nito.
Boses ni Kristoff ang aking narinig at hindi inaasahan ang sunod na sinambit nito.
"Grandma..." Kristoff whispered.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro