CHAPTER 27
CHAPTER 27
PASALAMAT NALANG SA PANGINOON at nailuwal na niya ang kanyang anak. Nahuli ako ng punta dahil traffic papunta sa GCH. Paano ba namang kasi ay may ginagawang kalsada roon. Kung minamalas ka ba naman.
"Kumusta kana?" tanong ko sa kanya.
Gising na pala ito mula sa pagkakatulog niya pagkatapos ng kanyang panganganak.
"Okay lang," huminga ito ng malalim.
Nagtungo ako sa bakanteng upuan at doon naupo. Wala kaming mapag-usapan. Parang ang awkward ng set up namin ngayon. Nasabihan narin kami ng nurse na maya maya ay ihahatid na rito ang pamangkin ko.
Sinundan ko ng tingin ang aking ina na kalalabas lang sa cr. walang emosyon ang kanyang mukha ng dumako ang tingin nito sa akin. Heto na naman ang parang milyon milyong karayom na tumuturok sa aking puso.
"Akin na," wika nito ng makalapit sa akin.
"'Ma?" naguguluhan kong tanong.
Mahina akong napadaing ng sabunutan niya ako. "Tanga ka ba? Yung pera na hinihingi ko nasaan? Alangan namang ako pa magbabayad sa bills ng kapatid mo. Wala siyang trabaho ako wala rin. Ikaw lang meron e'di malamang sa'yo ako manghihingi," bastos nitong sagot.
Napalunok nalang ako. Naramdaman ko na nakatingin sa akin si Annie kaya sinulyapan ko ito. Naguguluhan ako dahil alam kong masama ang loob niya sa akin pero bakit nababasa ko sa kanyang mga mata na parang naaawa ito at parang gusto akong tulungan.
"Magbibigay naman po ako, 'ma," mahina kong saad.
Kinuha ko ang bag at chineck kung nandoon ba yung dala kong sobre na puti na naglalaman ng pera na kinuha ko sa atm machine nung isang araw.
"Magkano po?" tanong ko.
"Fifty thousand. Akin na bilisan mo at babayaran ko na sa cashier,"sagot nito na ikinaestatwa ng aking katawan.
"'Ma," dinig kong pag-awat ni Annie sa akin, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni mama.
"F-fifty thousand?" sagot ko habang nauutal.
Sumama lalo ang kanyang mukha sa naging sagot ko. Umatras ako sa aking kinauupuan ng nilapit niya ang mukha sa akin.
"Huwag mo 'kong simulan, Anna. Bukod sa wala ka ng maalala bingi ka na pala? Hindi ko alam na naapektuhan din pala tenga mo dahil sa nangyari sa'yo."
Bumaba ang tingin ko ng ilahad niya sa akin ang kanyang palad. Naghihintay na ibigay ko ang hinihingi nito pera pambayad sa bills ng kapatid ko.
"Bilisan mo!" singhal nito sa akin.
Natataranta na sumunod nalang ako. Mabilis kong binuksan ang sobre at binilang pa ng maigi para masigurado ko na tama lang ang maibibigay kong pera kay mama.
"Ate huwag-"
"Manahimik ka, Annie. Malilintikan ka sa 'kin makikita mo," pagpigil ni mama at binigyan din ng matalim na tingin si Annie.
Ngayon ay nabilang ko na ang pera. Naguguluhan na tinignan ko sila dahil sa sinabi ni mama kay Annie.
"Sure na po ba na 'yon ang babayaran? Mukhang malaki naman po siguro yung tulong ng philhealth ni Annie-"
"Akin na sabi!" mainit na ang ulo nito. Ang mata niya ay nanlalaki dahil sa galit.
Wala na akong nagawa ng hablutin niya ang pera na hawak ko. Binulsa niya 'yon at tinignan ako sa huling pagkakataon.
"Masyado kang palatanong, Anna. Pagbibigay nalang ng pera yung gagawin mo hirap na hirap ka pa," seryoso na ang kanyang boses ngayon.
Napayuko nalang ako at hindi na sumagot dahil mauuwi na naman sa away. Ayaw ko naman mangyari 'yon dahil kakapanganak palang ni Annie. Baka mabinat ito delikado na. Lumabas na si mama sa kwarto kaya kami nalang ni Annie ang natira rito.
"Sorry kay mama."
Hindi makatingin sa akin si Annie habang binabanggit 'yon. Mahina akong natawa at nilapitan siya. Naupo ako sa kanyang tabi kaya napatingin na siya sa akin.
"Okay lang," tugon ko.
"Bakit ang bait mo?" kunot noo nitong tanong sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Iniisip ko lang kayo, Annie. Mahal ko kasi kayo. Gusto ko sabay tayong aangat, walang naiiwan sa ibaba. Kaya tinutulungan ko kayo kahit sobrang hirap."
Habang nakatingin sa kanyang mukha ay napansin ko ang pangingilid ng kanyang luha at parang may gustong sabihin sa akin pero mas pinili na manahimik nalang. Hindi ko na tinanong kung ano 'yon dahil sa tingin ko mas maganda kung siya mismo ang magsasabi.
"Ang cute," nakangiti kong sambit.
Dumating na rin ang anak ni Annie. Ang unang pamangkin namin ni Anton. Tulog ito sa kanyang pink na swaddle. Kumikibot kibot pa ang pink nitong labi.
"May naisip kana bang pangalan sa kanya?"
Parehas na kaming nakaupo sa kama nito. Karga niya ang kanyang anak habang ako naman ay naka dungaw lang.
"Ashley. Ashley Santiago."
Malawak ang ngiti pumalakpak ako sa tuwa. Ang cute lang dahil parehas na letter A ang simula ng aming pangalan. Wala si mama dahil lumabas para bumili ng makakain.
"Ate..."
"Hmm?"
Napawi ang aking ngiti ng makitang parang malungkot ito. Umusog ako papunta sa kanya dahil parang paiyak na ito habang karga ang kanyang anak.
"Tama lang ba na Santiago ang gagamitin na surname ni Ashley imbis na kay Marcus?" naluluha nitong tanong sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Tama lang ang ginawa mo, Annie. Napatunayan niya rin na hindi niya deserve na makita ang anak mo. Kaya ngayon protektahan mo si Ashley, okay?"
Tumango siya sa akin at ang malungkot na expresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng pagiging matapang. Doon ay mas natuwa ako kaya niyakap ko ito ng hindi naiipit ang aking pamangkin.
"Lakasan mo lang ang loob mo at maging matapang, Annie. Aayon din ang panahon sa'yo."
"Salamat, ate."
KAHIT ANONG PILIT kong bumalik sa pagkakatulog ay hindi ko magawa. Ilang beses na ba akong napabuga ng hangin? Hindi ko na mabilang. Dapat nga masaya ako dahil magbabagong taon na. Karamihan sa mga bata excited at nagsisimula ng magtorotot kahit umaga palang pero ako heto nakahiga parin sa aking kama.
Ang bigat ng katawan ko at parang mas gusto ko nalang mag mukmok dito pero alam kong hindi p'wede dahil may trabaho pa akong gagawin dito.
Toffy:
Goodmorning, Hon!
Tipid lang akong ngumiti ng mabasa ang text sa akin ni Kristoff. Nauna na pala siyang magising kesa sa akin.
Anna:
Hi. goodmorning din sa 'yo.
Kahit tinatamad ay tumayo na ako para mag-ayos ng sarili. Alam kong nakakahiya pero ang kalat ng kwarto ko. Sumikip ang aking dibdib sa nakita ko. Heto na naman ba? Bumalik na naman ba ako sa phase na 'to? Akala ko ba naman tapos na.
Napailing ako sa aking naisip.
Sa tingin ko hindi ka na talaga makakatakas sa ganito. Masasabi mo na okay ka ng ilang buwan o taon pero kung nararamdaman mo na naman na parang nawawalan kana sa gana sa lahat ng bagay ang hirap na 'yon ibalik sa dati. Nakakapagod siya sa totoo lang. Kahit anong pilit kong maging masaya hindi ko magawa. Magiging okay ka tapos sa susunod hindi na naman. Kahit sabihin nila na gawin ko ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin maski 'yon hindi na ako nagiging masaya.
For me, this phase is a never ending cycle.
"Hon, come here!" nakangiting wika ni Kristoff.
Kahit papaano ay napapawi ang lungkot at pagkadrained na nararamdaman ko dahil kay Kristoff. Pabagsak akong nahiga sa kanyang kama. Basta nalang akong humiga sa ibabaw nito at pinakinggan ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
"Are you okay?" tanong nito.
"Hmm," tugon ko habang nakapikit.
Para akong hinihele sa paraan ng pag haplos at pagsuklay niya sa mahaba kong buhok.
"Why does it feel you're not okay?" he whispered. "May problema ka bang hindi sinasabi sa akin?" he asked.
Napipilitan na tumawa ako at bumangon. Mahina ko siyang hinampas sa braso habang nakangiti. Hindi ko pinahalata na napipilitan ako.
"Ano ka ba, Toffy. Okay lang ako 'no," sagot ko.
Hindi siya nagsalita dahil seryoso itong nakatingin sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan. Ang bilis ng tibok ng aking puso na akala mo ay ang layo ng aking tinakbo. Mahirap takasan ang pagiging ganito ni Kristoff dahil masyado siyang magaling.
"Toffy," malambing kong wika para man lang madistract siya sa kanyang iniisip.
Niyakap ko nalang siya para hindi niya matignan ang aking mukha. Wala parin akong narinig na salita sa kanya kaya sinilip ko siya. Mahaba ang kanyang nguso habang nakatingin sa whole body mirror nito na katapat ng kanyang kama.
"Ano na naman bang meron sa'yo mukha kang bibe, Toffy," saad ko at hindi na napigilan na matawa.
"Sabi mo kung may problema dapat magkukwento pero ikaw mismo hindi mo magawa," tugon nito habang nanatiling nakatingin sa salamin.
Wala akong masagot dahil natamaan ako sa sinabi nito.
"Ano ka ba. Wala nga akong problema, Toffy. Okay na okay lang ako," pagpapagaan ko sa kanyang loob.
"Are you sure you're not lying?"
"Yes po," I answered.
Napabuntong hininga nalang ito. Mahina akong napasinghap ng hilain niya ako pahiga kasama siya. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at pinakatitigan ako.
"Mag to-two years na tayo, Hon," bulong nito sa akin. "Are you excited sa annivesary natin?"
Nakagat ko ang ibaba ng aking labi ng marinig ang kanyang sinabi. Lumalabas na naman ang pagkaconyo nito.
"S'yempre naman," masaya kong wika. Mabilis kong hinalikan ang kanyang labi at pinisil ang matangos nitong ilong. "Sinong hindi maeexcite sa anniversary eh anniversary natin 'yon."
Namula ang kanyang mukha. Pigil ang ngiti na niyakap niya ako ng mahigpit. Ginagawa niya lang 'yon para maitago ang pamumula ng kanyang mukha kilala ko na 'to at palagi niyang ginagawa 'yon.
"Toffy," tawag ko.
"Bakit?"
"Sana ikaw na," pinagsiklop ko ang aking kamay sa kanya. Mahigpit na mahigpit at ayaw kong bumitaw. "Ikaw na sana yung last, Toffy."
I felt him kiss my hands softly and rub his thumb. Ang pangangamba sa aking puso ay nabawasan kahit papaano. Alam na alam niya kung paano ako pakalmahin. Kilalang kilala na niya ako.
"We are never going to break up," he whispered while hugging me. "I promise."
BITBIT ANG DALAWANG malaki at isang maliit ng paper bag ay dumiretso na agad ako sa loob ng bahay. Nang makapasok ako sa loob maliit na ngiti ang namutawi sa aking labi ng makita ang makukulay na christmas lights.
"Nandito kana pala, teh."
Napalingon ako sa hagdanan ng makita si Annie. Karga nito si Ashley na ngayon ay isang taong gulang na. Grabe ang bilis lumipas ng panahon. Hagikhik ang naririnig sa sala ng makita niya ako.
"Happy new year, Annie," pagbati ko sa kanya. "Happy new year din sa bulinggit namin na si Ashley," maliit ang aking boses ng batiin ko ito.
"Tata," bulol nitong wika sa akin.
Mahina akong natawa at sabay na kaming naupo sa sala. Ibibigay ko lang 'tong mga regalo ko sa kanila at babalik lang din ako sa Monsietta. Dahil papaalisin na naman ako ni mama rito. Nabibisita lang ako rito kapag ihahatid ang pera pagkatapos no'n papalayasin niya na ako.
"Bakit ka nandito?" sa tono palang ng kanyang pananalita ay halatang ayaw niya na nandito ako.
Sabay na dumako ang tingin namin sa bukana ng pintuan ng marinig ang boses ni mama. Nakahalukipkip ito at masama na naman ang tingin nito sa akin. Wala na naman sa mood ito kapag nandito ako o nakikita niya ako.
"Ihahatid ko lang po yung regalo ko sainyo, 'ma. Happy new year po pala," naglakad ako papunta sa kanya habang nakangiti kahit na nasasaktan sa trato nito.
Akmang yayakapin ko siya ng tinulak niya ako. Sumikip ang aking dibdib, ang sakit sa puso. Parang siyang tinutusok ng ilang beses gamit ang karayom. Kahit nasasaktan ay ningitian ko parin siya.
"Hindi ko kailangan ng regalo mo. nanghingi ba ako? Nanghingi ba kami? Nakakahiya manghingi sa'yo kasi baka isumbat mo pa sa'min."
"'Ma," awat ni Annie.
"Kung pinera mo nalang sana 'yan e'di mas natuwa pa ako 'di ba?" naglakad siya papasok at binangga ang aking braso. "Bibigay pa ng walang kwentang bagay," dinig kong bulong nito.
Sinakbit ko ang bag sa aking balikat at nilapitan si Annie. Hinalikan ko ang pisngi nito at sinunod si Ashley na abala sa paglalaro ng kanyang laruan sa sofa.
"May iniwan akong pera sa maliit na paperbag. Para kay Ashley 'yon kahit konting pandagdag lang sa mga gastusin ng bata," mahina kong wika. "Huwag mo nalang ipaalam kay mama kasi baka kunin pa sa'yo 'yan."
Napapailing na hinawakan niya ang aking kamay. "Ate huwag na. Kakasahod ko lang din naman kaya may extra pa ako rito."
"E'di mas mainam. Itago mo nalang 'yon," natatawa kong tugon.
"Thank you, teh," nahihiya niyang wika.
"Maliit na bagay."
Hinalikan ko sa noo ang pamangkin ko sa huling pagkakataon at lumabas na ng bahay. Nagpaalam din ako kay mama pero hindi niya ako pinansin. Pumasok na agad ako sa nakahintay na van sa labas ng bahay. Si Kuya Toryo ang kasama ko ngayon. Hindi na sana ako magpapasama ang kaso si Kristoff na ang nagsabi tapos narinig pa ni Tita Marina kaya wala na akong nagawa.
Nang makabalik sa Monsietta dumiretso ako sa dining area dahil doon sila nagsalo salo kanina bago salubungin ang bagong taon. Napaigik ako ng may yumakap sa akin. Sa amoy palang ng pabango nito na parang fruity at ang malambot niyang palad na nagtaas baba sa aking braso ay kilala ko na.
"Happy new year, dear," malambing na pagbati sa akin ni Tita Marina. "I have a gift for you but i'll give it to you tomorrow nalang, ah."
Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang ang pangingilid ng aking luha. Bakit ang lambing ni Tita Marina sa akin kahit hindi niya naman ako anak. Nataranta naman siya dahil nakita niya na may tumulong luha pababa sa aking pisngi.
"Oh my god. What happened, dear?" kinakabahan niyang tanong. Lumingon pa siya sa likuran nito dahil nandoon sila Kristoff kasama ang kanyang ama. "I didn't do anything, darling. I promise! Bakit siya nag cry? Oh my god! May masakit ba sa'yo?"
Pinunasan ko nalang ang aking luha habang humihikbi. Lumapit na si Kristoff sa akin at hinawakan ang aking kamay. Pinagsiklop niya 'yon habang pinapakalma ako. Habang si Tito Axel naman ay kinakalma rin ang kanyang asawa dahil natataranta ito dahil sa akin.
"Hon, si Tita na naman ba?" dinig kong bulong niya sa akin.
Tumango nalang ako at ang mga luha ko ay wala paring tigil sa pag agos.
"Come here, dear. I'll give you a very very warm hug," malambing na wika ni Tita Marina. "Hush now, dear. We're here for you."
Parang bata na sumunod ako sa sinabi nito. Mabilis niya akong kinulong sa kanyang bisig. Maski na rin sila Tito at Kristoff ay nakisali na rin. Naririnig ko ang mahinang pagkanta nito sa akin na akala mo hinihele ako.
Kahit masakit dahil sa pagtrato ni mama sa akin. Masaya parin ako dahil may inuuwian akong masayang pamilya rito na ibang iba sa pamilya namin. Kahit hindi ako kadugo ay parang tinuturi parin nila akong pamilya. Sila ang nagpuno at nagparanas sa akin ng masayang pamilya na nais ko.
"Thank you," I said while crying in her arms. "Thank you, Tita Marina."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro