Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

tw: violence

CHAPTER 24

NANINIKIP ANG AKING DIBDIB na para bang kakapusin ako ng hininga sa aking nalaman. Hindi na agad ako nakapagpaalam dahil nagmamadali akong umalis sa Monsietta. Alam kong ang bastos ng ginawa ko dahil sa pag-alis ko ng walang paalam pero para na akong mababaliw at mawawala na sa sarili. Mabuti nga at nakita ako ng Kuya Toryo kaya siya na ang nagpresinta na maghatid sa akin patungo sa bahay.

Habol ang aking hininga na tinakbo ang bahay hanggang sa makapunta sa pintuan at hindi na nakapagpaalam kay Kuya Toryo maski pasalamat man lang. Nakabukas ang pintuan kaya pumasok na ako. Nakita ko si Mama na nakayuko habang nakaupo sa sofa. Naririnig ko ang paghikbi nito habang nakayuko. Gano'n din si Annie na lumuluha habang nakatakip ang kanyang palad sa bibig nito.

"M-ma..." naibagsak ko ang hawak kong bag at unti unting napaupo sa tiles. "Si Anton–"

Hindi ko natapos ang aking sinabi dahil lumapat ang palad nito sa aking pisngi. Ang pinipigilan kong luha ay kusa ng tumulo. Ang lahat ng emosyon na naipon ko nung nasa bahay ako ng aking amo ay ngayon lumabas na. Napuno ng hagulhol ang buong bahay.

"Anong ginagawa mo kay, Anton!" dinig kong sigaw sa akin ni mama habang tumatangis.

Umiling ako at walang tigil sa pagtulo ang aking luha. Nanlalabo na ang aking paningin dahil kahit anong punas ko sa luha ko napapalitan parin 'yon ng bago. Nagmistula silang talon sa sunod sunod na pagtulo.

"W-wala. Wala akong ginawa sa kanya, 'ma," humihikbi kong wika.

Matalim ang titig sa akin ni mama habang ako naman ay nakasalampak sa tiles. Nakaangat ang tingin ko habang walang tigil sa pag tulo ang kanyang luha. Ang kanyang kamay ay nasa dibdib nito, sobrang nasasaktan sa pagkawala ni Anton.

"Wala?! Wala kang ginawa sigurado ka ba, ha!" sigaw niya sa akin at sunod sunod ang hikbi nito. Dahan dahan siyang napaupo ulit sa sofa. Ang sala ay puno ng hikbi at hagulhol namin.

"Ma! Tama na, please," pagsingit ni Annie.

"Hindi!" singhal ni mama.

Binigyan niya ako ng matalim na titig at napapikit ng biglang tinuktok ang aking ulo gamit ang kamay nito. Wala akong nagawa kundi tanggapin 'yon habang lumuluha. Halos hindi na ako makahinga dahil barado na ang aking ilong.

Impit akong napasigaw ng hilain ni mama ang aking buhok pa tayo. Hindi ko magawang lumaban dahil ina ko siya. . . sa lahat ng ginagawa nito sa akin, sa pagsabi sa akin na masasakit na salita ay hindi ko siya magawang gantihan dahil hindi ko kaya.

"Ma! Masakit po," daing ko sa pagitan ng aking hikbi.

"Lahat nalang, Anna!" sigaw nito. Muli akong napabaling sa kanang bahagi ng sampalin niya ako. "Lahat nalang kinuha mo sa 'kin! Walang hiya ka! Ikaw may kasalanan kung bakit namatay si Anton! Wala na ang anak ko. . . ang bunso ko wala na. . . s-si Anton!"

Muli akong napahagulhol ng mabitawan niya ang aking buhok dahil nanghihina siya. Hindi ko alam kung bakit sa akin niya sinisisi ang pagkamatay ng bunso kong kapatid. Iniisip ko ngayon kung ano na naman ba ang mali kong nagawa sa pamilyang 'to. Ginawa ko naman lahat, eh. Pero bakit ganito?

"Ikaw laging nakakausap ni Anton, Anna! Bakit hindi mo man lang ba napansin na may pinagdadaanan siya? May depresyon si Anton pero hindi mo napansin. Ganyan kana ba talaga? Wala siyang buhay sa sarili niyang kama kung alam mo lang. Malalim ang laslas niya sa pulsuhan niya at ang daming dugo sa kama niya! Putlang putla at malamig si Anton ng makita namin ni Annie!" umiiyak na sambit ni mama sa akin. "Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo at hindi ang ibang tao!"

Napapailing na tinignan ko ito at halos hindi makasalita sa aking narinig.

"W-wala siyang sinabi sa'kin, ma," nauutal kong tugon.

Mukhang lalong nagalit si mama sa aking naitugon kaya hinawakan niya na naman ang aking buhok. Napasigaw si Annie dahil nagwawala na si mama. Kung ano ano nalang ang mga sinasabi nito sa akin dahil sa galit nito.

"Ma! Bitawan mo na si ate. Wala siyang kasalanan dito–"

"Anong wala!? Meron siyang kasalanan, Annie!" pabalik nitong sigaw kay Annie.

"I'm sorry, ma," lumuluha kong wika. Napalabi ako at pinipigilan ang aking paghikbi. "I'm sorry kung kasalanan ko bakit namatay si Anton pero totoo ang sinasabi ko. Naguusap kami ni Anton pero hindi niya sa 'kin nabanggit–"

"Manahimik ka!" pagpigil nito sa aking sinabi. "Lahat nalang, Anna! Lahat nalang ng mahal ko namatay dahil sa'yo!" nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit.

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. May hindi ba siya sinasabi sa akin?

Lahat nalang ng mahal ko namatay dahil sa'yo!

"Ma, sabi ng itigil niyo na po 'yan," sambit ni Annie.

Siya pa ang nagtanggal ng kamay ni mama na nasa aking buhok. Tumigil na sa pag-iyak si Annie pero humihikbi parin ito. Sumunod naman si mama sa kanya pero matalim parin ang titig nito sa akin na ikinasikip ng aking dibdib. Sarili kong ina nagiging ganito ang trato sa akin, sino ba namang hindi masasaktan sa ganito.

"Hindi mo alam 'di ba? Hindi mo alam na ikaw may kasalanan kung bakit namatay si Samuel! Ikaw ang may dahilan kaya siya maagang kinuha sa akin!" pag tangis nito sa aking harapan. Habang sinasabi niya 'yon sa akin ramdam ko na nasasaktan ito. "Ikaw may dahilan kung bakit namatay ang ama mo!"

Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa aking narinig. Ako? Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si papa? Sumikip ang aking dibdib at unti unting namumuo ang aking luha.

"H-hindi ko alam. . . wala akong maalala," naiiyak kong wika habang umiiling. Nanghihina na napaupo ako sa sofa habang nakahawak sa aking ulo.

"Malamang wala kang maalala dahil nabagok ulo mo! Dahil sa katangahan mo nung bata ka nadamay pa ang asawa ko. Dahil sa kakulitan mo natapon yung tubig sa baso at nadulas ka. Parehas kayong nadulas ng asawa ko at nabagok ang ulo!"

Napatakip ako sa aking bibig at umiiyak na umiling habang nakikinig sa sinabi ni mama.

"Mas lalong lumala ang sakit ng papa mo dahil sa'yong gaga ka!"

Hindi na ako nakapalag ng muli niya akong sinugod. Dahil buntis si Annie ay hindi niya maawat si mama. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha ng mahiga sa sofa dahil pinagsasampal ako ni mama dahil sa galit.

"Ma!" sigaw ni Annie.

"Ikaw ang may dahilan, Anna! Nawala na si Samuel tapos ngayon si Anton naman!" wala siyang tigil sa pagsasampal sa akin. Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo sa labi dahil sa ginawa nito.

"Wala akong kasalanan," umiiyak kong sambit. "Wala akong maalala. . . sorry. Sorry, 'ma," paghingi ko ng tawad habang lumuluha. "Sorry sa lahat. Sorry kung sarili ko lang ang iniisip ko. Pasensya kana kahit anong gawin ko wala akong maalala. Sorry sa lahat, 'ma," sunod sunod kong wika sa kanya.

Ngayon ko lang din napagtagpi tagpi lahat ng iniisip ko kung bakit ganito si mama sa akin. Dahil ako ang sinisisi nito kung bakit namatay si Papa. Ito pala ang dahilan kung bakit parang hindi niya ako anak kung tratuhin niya ako ng ganito.

"Wala na ang asawa ko, Anna. tapos ngayon si Anton naman? Wala na ang bunso ko," nanghihinang iyak ni mama habang nasa ibabaw ko. "Kasalanan mo lahat ng 'to, Anna!"

Ang boses nito ay punong puno ng poot at hinagpis. Hindi ako makasagot dahil sa mga nalalaman ko. Minsan iniisip ko rin kung baka kasalanan ko kung bakit silang dalawa namatay. . . baka nga tama si mama na kasalanan ko kung bakit sila may kasalanan.

"Dapat d'yan sa utak mo inuuntog sa pader ng makalog utak mo para maalala mo lahat ng kagagahan mo!" galit nitong wika at hindi ko naprotektahan ang aking ulo ng bigla niya akong hinampas.

"Ma!" biglang sigaw ni Annie.

Napapikit ako ng maramdaman ang hapdi at sakit sa aking noo. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nahampas niya pala ako ng matigas na bagay na nakuha niya sa center table. Isa 'yon sa mga palamuti na naka display roon.

Hindi agad ako nakarecover dahil sa nangyari. Bahagya pang umikot ang aking paningin dahil sobrang sakit. Wala sa sariling napahawak ako sa aking noo at bumilis ang tibok ng puso ng maramdamang may basa roon. Parang mawawalan ako ng ulirat ng makitang dugo 'yon.

"M-ma," nanghihina at tila hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.

"Dapat ikaw nalang namatay! Dapat ikaw nalang at hindi si Samuel o Anton!"

Sa dami at nakakagulong pangyayari sa pamilya ko kahit isang beses minsan iniisip ko na maglaho nalang. Sa tingin ko maaga akong tatanda kakaisip sa problema ko. Maririnig sa ibang tao na kung panganay ka dapat ganito ka ganyan ka. Ate ka kaya dapat gawin mo 'to sa magulang o maski sa mga kapatid mo.

Sinusunod ko naman. Ginagawa ko ang dapat gawin bilang isang anak at ate. Pero bakit ganito natatanggap ko? Simpleng pasalamat na galing sa puso at hindi napipilitan ay sapat na 'yon sa 'kin dahil sa tingin ko nagagampanan ko ang role ko sa pamilyang 'to.

"Hon..." mahinang sambit ni Kristoff habang nanlalaki ang kanyang mata na mala dagat ang kulay.

Akala ko wala na akong mailuluha pero meron pa pala. Parang bata na napalabi ako at basta nalang nahiga sa tabi ni Kristoff sa kama. Yumakap ako sa kanya at sinubsob ang aking mukha sa dibdib at doon binuhos ang aking nararamdaman.

Mainit pa ang dugo sa akin ni mama kaya umuwi nalang ako. Hindi ko na naisipan na gamutin ang aking sugat sa noo kaya alam kong nagulantang si Kristoff ng makita niya ang aking ayos.

"What's happening?" he asked, worriedly. "Let's treat your wound first. You're still bleeding," wika nito sa akin habang hindi parin makapaniwala sa kanyang nakita.

"Toffy. . ." I sobbed while hugging him.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim at pinulupot ang kamay nito sa aking katawan para ikulong sa kanyang bisig. Naramdaman ko pa na binibigyan niya ng munting halik ang tuktok ng aking ulo para kumalma dahil sunod sunod ang hikbi ng pinakawalan ko.

"Calm down, Hon," he said. "Take a deep breath," humihinga rin siya ng malalim na para bang sinasabi na gayahin ko ang ginagawa nito.

"S-si Anton," humihikbi kong wika. "Wala na si Anton, Toffy. He took his own life," humahagulhol kong saad sa kanya.

Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan sa aking sinabi. Hindi niya ako sinagot ngunit mas lalong hinigpit ang kanyang yakap sa akin. Ang palad nito ay humahagod sa aking likuran dahil napapansin niya narin na nahihirapan akong huminga dahil sa aking pag iyak.

"You can tell me anything, Hon. I will listen. My ears are always open for you," malambing at mahinahon niyang sambit sa akin.

At ang gabi na 'yon ay kinwento ko ang lahat lahat na nangyari sa bahay namin bago ako makauwi rito sa Monsietta. Salamat sa kanya dahil handa siyang makinig sa kwento ko. Kung hindi ko 'yon mailalabas at maiipon lang sa aking dibdib ay sa tingin ko masisiraan na ako ng ulo.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro