CHAPTER 23
CHAPTER 23
MAINIT AT napakatirik ng araw ngayon pero balewala lang kay Anna 'yon dahil kasama naman niya ang kanyang ama na ngayon ay naglalakad sila patungo sa kalapit baryo nito. Nakangiti ito habang naglalakad at paminsan minsan naman ay tumalon.
"Saan po tayo pupunta, papa?" magiliw na tanong ni Anna sa kanyang ama.
Bumaba ang tingin ng ama ni Anna sa kanya at pinatong ang palad nito sa kanyang ulo. Kahit wala namang nakakatawa ay napahagikhik ang bata sa ginawa nito.
"Bibisita tayo sa kaibigan ko," tugon ng kanyang ama sa kanya.
"Okay po!" masigla niyang sagot. Hinawakan nito ang kamay ng kanyang ama dahil takot ito na baka mawala siya. "Si mama ayaw po sumama?" inosenteng tanong nito.
"Hindi muna, Anna. Hindi mahilig sumama ang mama mo sa mga ganitong bagay," tugon nito.
Inayos ng kayang ama ang pagkakahawak sa palad nito habang naglalakad sila. Nang makarating sa arko ng Monsietta ay pinagilid niya si Anna dahil may dumaan na motor.
"First time ko rin pumunta sa bahay ng kaibigan mo, pa," nakangiting wika ni Anna.
Kitang kita tuloy ng kanyang ama ang bungi nitong ngipin. Napakamasayahing bata ni Anna at akala mo ay hindi napapagod. Nakasuot ito ng jumpsuit na kulay asul at ang pangloob no'n ay simpleng puting tshirt lang. Ang kanyang buhok naman ay naka pigtails at may palamuti na ipit sa kanyang buhok. Iba't ibang kulay ang mga palamuti sa kanyang buhok.
"Ako rin, 'nak. Gusto ka rin makita ni Alex kaya sinama nalang kita," tugon ng kanyang ama.
Ngumiti nalang si Anna at hindi na sumagot. Ang daming tumatakbo sa isipan nito at halo halo pa. Hindi na siya makapaghintay na maglaro roon. Marami siyang dalang barbie dolls na regalo ng kanyang ama na nasa loob ng backpack nito. Mahigpit ang hawak niya sa cute at maliit na payong, hindi siya nakisalo sa payong na dala ng kanyang ama dahil kaya naman daw niya ang sarili nito.
"Samuel! Akala ko hindi kayo matutuloy naghanda pa naman ako ng meryenda natin."
Lumabas sa malaking pintuan si Alex wala ang kanyang asawa na si Marina dahil nasa cuidad ito para asikasuhin ang kanilang business at pansamantalang naiwan lang si Alex para sa araw na ito. Dahil sa pagkikita nilang dalawa.
"Pasensya kana at natagalan pa," natatawang tugon ni Samuel pagkatapos ay sinulyapan ang kanyang anak.
Ang kaninang masigla at excited na si Anna ay ngayon nasa likod ng hita ni Samuel. Nahihiya at nagtatago. Mahinang natawa ang kanyang ama at binuhat si Anna.
"Unica hija ko," pagpapakilala ni Samuel. "At sa tingin ko ay masusundan na ito," nakangiting wika nito.
Sumubsob si Anna sa balikat ng kanyang ama ng maramdaman na naglakad siya patungo sa kaibigan nito.
"Pagpasenyahan niyo at mukhang naninibago pa siya pero makulit din ito," nakangiting saad ni Samuel. Mahina niyang tinapik ang braso ni Anna. "Anna, si Tito Alex mo."
Nahihiyang tinignan ni Anna ang tao na nasa harapan nito. Nakangiti ang kaibigan ng kanyang ama sa kanya at mukhang natutuwa na nakita na niya ang anak ni Samuel. Hindi na nakatiis si Alex at nilapitan niya na si Anna. Mahina niyang pinisil ang pisngi ng bata.
"She's cute," pagpuri ni Alex. Hinaplos niya ang buhok ni Anna at ningitian ang bata. "How old is she?" tanong nito.
Naramdaman ng bata na maagan ang loob nito kay Alex kaya bumalik na ulit ang pagiging masigla nito. Ngumiti siya at doon nakita ang bungi bungi nitong ngipin. Mukhang naintindihan niya ang tanong ni Alex kaya nagsimula na ito maging madaldal.
"Five years old po."
"Limang taon na siya."
Parehas natigilang ang magkaibigan dahil sa narinig nito. Para namang nabunutan ng tinik ang ama ni Anna dahil sa wakas bumalik na ang pagiging masigla nito at hindi na naging mahiyain.
"She's talkative, huh," natatawang anas ni Alex.
"Sinabi mo pa," tugon ni Samuel at mabilis na hinalikang ang tuktok ng ulo ni Anna.
Kung ano ano ang pinaguusapan ng magkaibigan at walang maintindihan si Anna. ang inosente nitong mukha ay nilibot ang paningin sa kabuuhan ng bahay ng kaibigan ng kanyang ama. Hindi niya alam kung bahay ba ito o mall sa sobrang laki. Ngayon lang din siya nakakita ng ganitong bahay sa tanan ng buhay nito.
"Hala ang laki," mahina niyang wika sa sarili. Humigpit ang hawak niya sa strap ng backpack nito na akala mo ay magsisimula sa adventure nito.
Dahan dahan siyang naglakad patungo sa nakabukas na pintuan at sa tingin nito ay makakalabas siya sa bakuran ng bahay. Paulit ulit siyang tumingin sa ama nito habang papalayo dahil alam niya sa sarili na kahit nakikipagusap ito sa kaibigan nito alam niyang nababantayan niya parin siya.
Nang makalabas ito sa likod ng bahay ay napatalon ang bata sa sobrang tuwa at napasuntok pa sa hangin.
"Yes!" humagikhik ang bata habang nakatakip sa kanyang bibig.
Lakad takbo ang ginawa nito hanggang sa malibot niya ang buong bakuran. Malawak na bukurim ang kanyang nakikita at may pananim din sa ibang bahagi. Nakita niyang may siwang ang maliit ng gate na nagmimistulang harang sa bakuran nito. Nagtungo siya ro'n at tinulak para makalabas.
"Wow, ang ganda," mahinang niyang sambit.
Muli niyang nilibot ang paningin sa bukirin. Binuksan niya ang nakasara na payong at naglakad konti. Tinignan niya sa huling pagkakataon ang bahay ng kaibigan ng kanyang ama bago maglakad palayo. Hindi naman sobrang layo, balak niyang pumunta sa malaking puno. Mukha kasing mahangin at sa tingin niya ay magandang maglaro ro'n.
Lakad takbo siyang nagtungo roon at basta nalang umupo sa damuhan. Nilapag niya ang kanyang bag sa gilid nito at nilabas ang kanyang mga barbie dolls.
"Lalaro muna ako–"
"Who are you, and what are you doing here on our property?"
Kusang umangat ang tingin ni Anna. Isang batang lalake na sa tingin niya ay mas matanda ito ng ilang taon sa kanya. Seryoso ang tingin nito kay Anna habang may hawak na libro. Puting santo ang sout nito at naka black basketball shorts na pambata.
"Hala kapatid mo si barbie?" nanlalaki ang bilugang mata ni Anna habang nakaturo sa batang lalake.
Manghang mangha si Anna habang nakatingin sa batang lalake. Nakanganga pa nga siya habang nakatingin sa kaharap nito.
"No."
Dahil sa sinabi ng batang lalake ay para siyang pinagsakluban ng langit ng lupa dahil do'n. Humaba ang kanyang nguso at nagsimula nalang maglaro sa mga barbie nito.
"Sungit mo," maliit na boses nitong wika ni Anna.
"I didn't even know you. Sino ka ba?" tugon nito sa kanya at naupo sa kanyang tabi.
Nainis naman si Anna at umusog papalayo. Umismid ito at naglaro lang sa kanyang laruan.
"Alam mo ang ganda ng mata mo kasi parang kakulay niyan, oh," tinuro ni Anna ang langit pagkatapos ay humalukipkip. "Ganda nga ng mata mo ang sungit mo naman sa'kin," naiinis nitong wika.
"T-then i'm sorry," pagpapaumanhin nito at bahagya pang nautal.
Hindi niya alam bakit siya natitiklop kay Anna. habang tinitignan niya si Anna ay kitang kita niya ang pagkawala ng sa mood ng bata habang masama parin ang tingin sa mga laruan nito. Ang noo nito ay nakakunot din.
"Sorry sorry ka d'yan! Pagkatapos mo 'ko sungitan mag sosorry ka," wika ni Anna sa kanya.
Napalabi si Anna at nagbabadyang tumulo ang luha nito. Agad naman nataranta ang batang lalake at nilapitan niya ito. Hinawakan niya ang likod ni Anna at hinagod para kumalma pero mahina siyang tinulak ni Anna papalayo sa kanya.
"Huwag ka ngang lumapit sa 'kin. Porket kakulay ng buhok mo si Barbie akala mo bati tayo? Kulay mais nga yung sa'yo, eh! Ang pangit pangit! Para kang mais!" paiyak at naiinis na wika ni Anna at ngayon ay lumuluha na. "Mas maganda pa yung buhok ng barbie doll ko kesa sa'yo. Ang sungit sungit mo pa sa'kin."
Naestatwa lang sa kinauupuan ang batang lalake habang nakatingin kay Anna. Pumalahaw na ito ng iyak kaya mas lalo siyang nataranta.
"Kristoff, what's happening here?"
Dumating na si Alex kasama ang kaibigan nito na si Samuel. Dumiretso sila sa pinuntahan ni Anna dahil anong oras na at baka kung saan pa sila mapunta. Ang nag-aalaga kay Kristoff ang nagbabantay sakanila sa malayo.
"Papa!" umiiyak na wika ni Anna ng makita ang kanyang ama.
Mahinang natawa si Samuel at binuhat si Anna. Hinagkan niya ang kanyang anak na ngayon ay lumuluha parin sa kanyang balikat. Sinundan lang ng tingin ni Kristoff si Anna na nasa bisig na ng kanyang ama.
"What did you do, anak?" tanong ni Alex sa kanyang anak.
"I'm just asking her kung sino siya at anong ginagawa niya rito–" sagot ni Kristoff pero hindi na natuloy.
"Sungit!" sigaw ni Anna at tinuro si Kristoff. Umiiyak parin ito.
Natawa nalang si Alex at Samuel sa kanilang anak. Ginulo ni Alex ang buhok ni Kristoff at tinignan ang kanyang anak. Naririnig parin sa kanilang likuran ang pagiyak ni Anna.
"Say sorry to her," mahinahon na usap ni Alex sa kanyang anak.
Tumango si Kristoff. "Okay. Nag-sorry naman ako a while ago sa kanya but hindi niya tinanggap kaya mag sorry po ulit ako," masunurin na tugon ni Kristoff.
"Very good, son," nakangiting sambit ni Alex. "Dapat hindi pinapaiyak ang mga babae, Kristoff. Tandaan mo 'yan, ah."
"Yes, dad."
Naglakad si Kristoff patungo sa pwesto nila Anna. napangiti nalang si Samuel at nagsquat para pumantay ang tingin nito kay Kristoff dahil magsosorry ito. Si Anna naman ay tumigil na sa pagiyak pero naririnig pa ang hikbi nito.
"I'm sorry," mahinang wika ni Kristoff. "I'll never do that again to you. Hindi na ako magiging masungit," bahagya pang sumilip si Kristoff sa balikat ni Samuel para silipin si Anna pero iniwas niya ang ulo nito dahil ayaw niya makita si Kristoff.
Hindi na nangielam ang kanilang mga ama at pinagmasdan lang ang dalawa kung paano magbati.
"I'm sorry na. I'll give this to you nalang para bati na tayo."
Nagmamadaling dumukot si Kristoff sa bulsa ng kanyang short at doon may nilabas siyang alahas. Isa 'yong palamuti sa bandang paa. Kulay asul 'yon at may iba't ibang disenyo na nakalawit. Alam niya kung paano ikabit 'yon kaya siya na ang naglagay sa bukong-bukong ni Anna.
"Bati na tayo, please," mahinang wika ni Kristoff.
Doon ay nilingon na siya ni Anna. namumula ang tungki ng kayang ilong habang humihikbi. Namamaga na rin ang kanyang mata habang nakatingin kay Kristoff. Bumaba ang tingin niya sa kanyang bukong bukong at napasinghap.
"Ganda," mahinang sambit ni Anna at ngumiti kahit humihikbi parin.
"My lola gave this to me," saad sa kanyan ni Kristoff. "Ibibigay ko nalang sa'yo kasi mukhang bagay sa'yo. Let's be friend and i'm sorry again," pagpapaumanhin ni Kristoff.
"Hindi mo na ako susungitan?" malungkot ng tanong ni Anna habang nakasandal ang kanyang ulo sa braso ng kayang ama.
Tumango si Kristoff. "Yes and you can visit here anytime you want. We can also play together with you barbie dolls."
Nangningning sa tuwa ang mata ni Anna at tinignan ang kanyang ama na para bang sinasabi dapat ay araw araw nasa silang pupunta rito sa Monsietta.
"Talaga!? Oh sige bati na tayo," masayang wika ni Anna. Napalitan na ng saya ang malungkot nitong mukha. "Ako nga pala si Anna."
"I'm Kristoff."
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may malakas na tunog ang aking narinig. Hinihingal na napahilamos ako sa aking mukha dahil doon. Bahagya pang natulala dahil sa aking napanaginipan.
Ano 'yon? Iyon na ba ang mga alaala ko nung bata ako na hindi ko matandaan? Napadako ang tingin ko sa bedside table dahil hanggang ngayon ay nagriring parin ang aking cellphone.
Dinampot ko 'yon at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Punyeta ka, Anna! Anong ginawa mo kay Anton!?" umiiyak na bungad sa akin ni mama na ikinakunot ng aking noo.
"Ma? Ano pong anong ginawa ko kay Anton? Wala po akong ginawa sa kanya–"
"Hayop ka! Nagpakamatay si Anton. Nagpakamatay ang anak ko, Anna! Si Anton wala na!"
Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa aking narinig. Kasabay no'n ang panlalamig ng aking katawan at nahulog ang hawak kong cellphone.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro