CHAPTER 21
CHAPTER 21
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa aming pwesto. Walang balak na magsalita at tanging tunog ng aircon ang naririnig namin sa loob ng opisina nito.
"Well. . . uhm," nauutal nitong wika.
Hindi ulit siya nagsalita dahil mas inuna niya muna ang paggamot sa aking binti. Binalot niya ng benda 'yon pagkatapos ay naupo sa isang bakanteng upuan sa tapat ko. Napalunok nalang ako sa kaba ng makitang sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang pagwawala nito. Humalukipkip siya habang nanatiling nakatingin sa akin.
"I'm sorry po. Dapat po nung una sinabi na namin ni Kristoff na may relasyon kami ang kaso hindi pa po ako ready. Nahihiya po ako kasi parang mali yung set up namin–"
"I can feel that there's something between you and my son, so I was going to ask you about it," pagputol nito sa akin sinabi. "Naghintay lang ako ng ilang days bago kayo umamin sa akin pero mabuti at nalaman ko na rin."
Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Napansin niya na pala.
Nahihiyang napayuko ako. "I'm really sorry po. Ilang weeks na rin po kami ni Kristoff at mag iisang buwan na rin sa next month."
Narinig ko ang mahinang yabag ng kanyang paa patungo sa akin. Nakita ko ang kanyang paa na tumigil sa aking harapan kaya inangat ko ang aking ulo. Wala na ang seryosong expresyon sa kanyang mukha at napalitan ng malambot ng expresyon.
Malambing itong ngumiti sa akin at hinaplos ang aking buhok. Parang bulang nawala ang aking kaba dahil sa ginawa nito.
"I'm not mad actually," mahinang sambit nito.
"Kung sa tingin mo na ako yung tipong nanay na nagbibigay ng malaking pera para hiwalayan ang kanyang anak nagkakamali ka," ang kaninang hinahaplos niyang buhok ko ngayon ay sinusuklay na niya. "Kristoff is mama's boy, my dear. Pero bilang mama niya hindi na ako nangingielam sa mga bagay na nangyayari sa kanya lalo na sa magiging relasyon niya kasi malaki na siya at nasa tamang edad."
"Hindi po kayo g-galit?" nauutal kong tanong sa kanya.
She scoffed and shook her head. "Of course not! Actually i'm happy because my girlfriend na ang unico hijo ko. Gusto ko kasi ng babaeng anak but sadly I can bear another child that's why we just had Kristoff." bahagya pa akong napaatras ng dumukwang ito at may sinabi. "Gusto ko sanang magparami ng lahi ni Alex kaso wala eh. Ganda pa naman ng lahi ng asawa ko. Just look at my son he's handsome right? Pero wala parin makakatalo sa asawa ko. He's more handsome in his 20's," bulong nito at napahagikhik pa na akala mo ay kinikilig.
Nanginit ang aking pisngi at umiwas nalang ng tingin sa kanya. Napuno ng kanyang tawa ang opisina nito.
"Ma'am naman," nahihiya kong wika.
"I'm sorry. Masyado lang talaga akong kinikilig, hija," napaigik ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "You can call me now Tita, okay?"
I nodded. "Yes po, T-tita," halatang hindi pa sanay sa bagong tawag ko sa kanya.
She chuckled and clapped her hands. Para siyang bata na naexcite.
"Oh my god! I have a daughter na. Alex need to know this!"
Hindi na ako nakasagot sa mga naging reaksyon nito at pinagmasdan nalang siya. Natutuwa ang puso ko dahil hindi siya nagalit sa amin ni Kristoff bagkus ay natuwa pa nga. I never felt this before. . . mga bagay na hindi nagawa sa akin ni mama noon ay ginagawa ng mama ni Kristoff. Is this actually a motherly love?
Napatanga ako ng maramdamang may tumulo sa aking hita. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Mapait akong ngumiti at pinunasan 'yon.
Ganoon lang pala kadali 'yon. Pero bakit parang hirap na hirap si mama na iparamdam sa akin 'yon?
WALA PARING KIBUAN ang ganap ngayon. Hindi naman sa wala, meron naman ang kaso ang tipid niya parin magsalita kaya ang ginagawa ko ngayon ay cinocomfort ko siya.
"Nasabi ko na sa mama mo na may relasyon na tayo," mahina kong wika.
Hinalo halo ko ang pagkain nito na sopas dahil mainit pa. Umaga na ngayon at kailangan na niyang makakain para mainom na nito ang gamot. Dahil sa sinabi ko lumingon siya.
"I was afraid they would be upset with us, but they aren't. Masaya ang mommy mo kasi may anak na raw siya na babae," pagkukwento ko habang nakangiti. Sumandok ako ng sabaw at nagsama na rin ng mga halo roon. "Kumain kana, Toffy. Hindi ka ba masaya na legal na ako sa family mo? Next time i'll introduce you to my family," nilapit ko sa kanya ang kutsara.
Ang mga mata nitong nakatingin lang sa labas ng balkonahe ng kanyang kwarto ay dahan dahang nalipat sa akin. Ang mala dagat nitong mata ay ngayon nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng unti unti niyang kinain ang pagkain na sinusubo ko sa kanya.
"Goodjob, Toffy," I whispered.
"I'm sorry, Hon."
Napatanga ako sa aking narinig. Mabilis na binaba ko ang hawak kong mangkok sa bedside table nito at kinulong siya sa aking bisig. Ang lahat na naipon na emosyon ko nagdaang araw ay lumabas na ngayon habang kayakap siya.
"Please, Toffy. Magsabi ka sa akin kung may problema ka," lumuluha kong wika sa kanya. Naramdaman ko ang braso nitong dahan dahang pumulupot sa akin. "Alam mo ba kung gaano ako kinabahan ng makita kang nakasalampak sa carpet mo no'ng nag wala ka. Sobra akong nag alala," humihikbi kong wika.
"I'm sorry, Hon. I'm sorry," paulit ulit niyang sambit sa akin.
"Nandito naman ako palagi sa tabi mo kaya kung may dinidibdib ka sabihin mo lang sa akin kasi makikinig ako," tinignan ko siya at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. "Makikinig ako, Toffy kasi mahal kita," humihikbi kong wika.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang mata ibig sabihin no'n ay pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag din umiyak.
"Gusto ko ng makalakad, Hon," garalgal ngayon ang kanyang boses. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa akin dibdib. "Ayaw ko na ng ganito. Gusto ko nakakaalis tayo kahit saan. Gusto kitang dalhin sa malalayong lugar o sa mga lugar na gusto mong bisitahin," ngayon ay umiiyak na siya habang nasa dibdib ko ito. "Hindi natin magawa lahat ng bagay na 'yon dahil hindi ako makalakad. Ayaw ko na iisipin mo pa ako. . . ayaw ko maging pabigat."
Umiling ako at hinawakan ang kanyang pisngi para iharap sa akin.
"Please huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi ko iniisip na pabigat ka sa akin o maski sa magulang mo," pagpapagaan ko sa kanyang loob. "Nandito kami para tulungan ka. Kaya huwag kang panghihinaan ng loob. Makakalakad ka tiwala lang," nakangiti kong wika.
Bahagya pa akong napasinghot dahil sa sipon na nagbabadyang tumulo. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kristoff. Pinunasan niya ang aking ilong gamit ang dulo ng kanyang damit at ganoon din sa kanya. Mahina kong hinampas ang braso nito.
"Kadiri ka!"
"That's not kadiri kaya," tugon nito.
"Conyo mo."
"Okay, stop. Your bullying me."
Nilambing lang namin ang isa't isa sa loob ng kwarto nito. Nakaupo ako paharap sa hita nito habang nakayakap parin siya sa akin. Parang kulang pa nga ang pwesto namin dahil gusto ko pang isiksik ang sarili ko sa katawan nito. Ganito na yata ako ka komportable sa kanya.
PATUNGO NA NAMAN AKO sa bahay dahil day off ko ngayon. Kasama ko ngayon si Kristoff dahil gusto niya raw makilala si mama. Nagdadalawang isip pa ako dahil balak kong paghandaan ang araw na ipapakilala ko siya kay mama.
"Handsome, ah," pagpuri ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at sinuklay ang buhok. Hinayaan niya lang na nakabagsak iyon. Nakasout siya ng puting tshirt at brown short. Habang ang sa paa nito ay simpleng sapatos lang na mukhang mamahalin.
Tinignan niya rin ako simula ulo hanggang paa.
"You too. You look gorgeous," saad nito.
"Ang oa mo, ah," hindi ko napigilan na irapan ito pero tinawanan niya lang ako.
Mabuti nga at bumalik na ulit ito sa dati. Pero lagi rin akong sinasabihan ni Tita Marina na may mga araw din talaga siyang ganoon. Paminsan minsan ay tumatagal pa ng ilang linggo iyon bago siya maging maayos ulit. Kaya ngayon ginagawa ko lahat para hindi na mangyari 'yon.
As usual ang sout ko ngayon ay parang katulad lang din dati. Itim na tshirt at gray na sweatpants. Hinayaan ko lang din nakalugay ang aking buhok.
"Kahit anong soutin mo maganda ka parin," dinig kong wika sa akin ni Kristoff.
Magkahawak kamay kaming dalawa habang papunta sa labas ng bahay nito. Wala ang kanyang magulang dahil may inasako raw sa tingin ko ay kahit na nandito ngayon ang kanyang papa ay naghahanap parin sila ng doctor na makakapagpagaling sa anak nila.
"Oo na," pag-sangayon ko. "And thank you for that," nakangiti kong wika.
Kita ko ang pamumula ng kanyang tenga ibig sabihin no'n ay kinikilig siya. Napailing nalang ako at nang makarating sa labas ay tinulungan namin siya ni Kuya Toryo na makapasok sa van.
"Kuya Toryo hintayin mo nalang kami para hindi kana bumalik ulit. Bibisita lang naman ako kela mama," wika ko.
"Sige po, Ma'am Anna."
Umandar na ang van at tahimik lang ang byahe maliban nalang dito sa katabi ko na minsan ay hinahalikan ang likod ng palad ko. Kung hindi d'yan ay sa aking pisngi naman. Pinagsawalan bahala ko nalang iyon dahil gusto ko rin naman ang ginagawa nito.
"I want to meet your family again," I heard him whisper in my ear.
Napangiwi ako sa sinabi nito. "Please don't expect too much from my family, Toffy. Hindi sila kagaya sa pamilya mo," tugon ko sa mababang boses.
"Okay. But I want to meet them out of respect because their daughter is my girlfriend," nakangiti nitong wika.
Hinaplos ko ang kanyang panga at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. Nagsalubong ang aming mga mata. Walang panama ang kulay dark brown kong mata sa asul nitong mata. Muling kong dinampi ang aking labi sa kanya at hinalikan. Tinugon niya naman 'yon at hinawakan ang aking batok para mas lalong lumalim–
"Ehem."
Napabitaw naman agad kami ng may tumikhim. Dinig ko ang mahinang tawa ni Kristoff at niyakap nalang niya ako hanggang sa makarating kami ng bahay. Nang nasa labas na kami ng pintuan ay sakto nandoon si mama na mukhang bagong ligo pa dahil may nakaikot pa na tuwalya sa kanyang buhok.
"Boyfriend ko po, ma. Si Kristoff," pagpapakilala ko.
"Nobyo mo 'to? 'Yang lumpo na 'yan?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro