CHAPTER 20
CHAPTER 20
KUMUNOT ANG AKING NOO at nagsimulang magtype sa keyboard ng aking cellphone para replyan ang bunso kong kapatid.
Anna:
Oo naman, bakit? May problema ka ba?
Hindi ako mapakali at gusto ng malaman kung bakit kailangan akong kausapin ni Anton. Kung hindi ko narinig ang malambot at malambing na boses ni Ma'am Marina ay hindi pa ako kakalma.
"Anna? Why are you there? Let's go to dinner area na kakain na tayo ng meryenda," nakangiti nitong wika sa akin.
"Sige po," mahina kong tugon.
Sabay kaming naglakad patungo sa dining area.
"Are you okay, dear? Mukhang wala ka sa mood ngayon," nagaalalang tanong niya.
Ngumiti ako at umiling. "Okay lang po ako, Ma'am. Hinihintay ko lang po yung reply ng bunso kong kapatid gusto raw po kasi ako makausap."
"Ohh. Is that so."
Nang makarating na kami sa dining area ay nandoon na sa lamesa ang mga pagkain na sa tingin ko ay binili nila. Dumako ang tingin ko kay Kristoff nasa kabilang pwesto ito ng lamesa, katapat ng kanyang papa. Nagtapo ang aming tingin. Kanina pa pala niya ako pinagmamasdan.
Nangungusap ang kanyang mata na tumabi ako sa kanya. Kita ko ang pagsenyas ng kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na umupo raw ako sa tabi nito. Kami lang namang dalawa nagkakaintindihan sa mga ganitong senyasan at wala ng iba.
Naglakad na ako papunta ro'n at tumabi sa kanya. Mabilis kaming binalingan ng tingin ni Ma'am Marina bago tumabi sa asawa nito.
"Let's eat na," nakangiting wika ni Ma'am Marina.
Halo halo ang mga pagkain na nasa lamesa. May barbeque, pansit, maja, at garlic bread. Kumuha ako no'n at nilagay sa aking plato. May pagkain ng naka handa para kay Kristoff kaya kumuha na ako ng sa akin.
"How's your first therapy, anak?" biglang tanong ni Ma'am Marina habang kumakain.
Pabalik balik lang ang tingin ko sakanilang dalawa habang tahimik na kumakain. Ramdam ko ang mahinang pagtapik tapik ni Kristoff sa aking hita. Hindi naman nila makikita 'yon dahil ang table cloth ay mahaba.
"Good. Mahirap lang kasi parang nag start ako sa una," tugon ni Kristoff at sumubo ng pagkain.
Patigil tigil kasi ito sa pag therapy kaya gano'n. Mas maganda kasi talaga kung tuloy tuloy 'yon hanggang sa makumpleto niya yung session.
"Don't worry masasanay ka rin, anak. Mukhang magtatagal naman si Anna rito," aniya pagkatapos ay nilingon ako. "Hindi ba, dear?" malambing itong ngumiti sa akin.
"Yes po," uminom ako ng tubig at ningitian siya.
Bahagyang bumaba ang tingin ko ng maramdamang pinagsiklop ni Kristoff ang aming palad. Pasimple rin siyang tumingin sa akin dahil sa ginawa ko. Hindi rin nakatakas ang pagtingin namin sa isa't isa.
"Mukhang nagkakasundo naman kayo ng anak ko, Anna. I hope magtagal ka talaga rito."
"Don't worry, darling magtatagal naman 'yang si Anna. I know her, she's a good girl," pagsingit ni Sir Alex.
Pinanood ko kung paano lumawak ang ngiti ni Ma'am Marina at naglalambing na inangkla ang kamay sa braso ng kanyang asawa.
"I know, Darling," mabilis akong sinulyapan ni Ma'am Marina.
Hindi ko alam pero ang saya at masarap sa pakiramdam na may nag gaganito sa akin. Siguro dahil hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ina simula noong bata pa ako dahil hindi kami close ni mama.
May kung anong parte sa akin na naghahanap ng pagmamahal ng isang ina at itong mama ni Kristoff ang nagbibigay no'n. Sa simpleng mga malalambing nitong salita ay natutuwa ang puso ko.
"Darling, can you treat me to the salon shop? I need to dye my hair," dumukwang ito sa kanyang asawa. "I already have gray hair and I need to dye it. Hindi ko pa ma accept na i'm old na," malungkot nitong wika.
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi nito. Naglambingan lang silang dalawa hanggang sa matapos kaming kumain. May kanya kanyang ng mundo.
"Sure ka ba?" tanong ko kay Kristoff.
"Yeah, why? Matagal na rin simula akong maglibot libot dito sa labas ng hacienda. Nagkukulong lang ako sa kwarto simula ng maaksidente ako," tugon nito at humina ang boses sa bandang dulo.
"Kung gusto mo p'wede tayong gumala rito kapag wala kang magawa. Hiramin nalang natin 'yung ebike para hindi ka maboring sa kwarto mo," inikot ko ang susi ng ebike at pinaandar 'yon.
"Sure if that's what you want. Hindi na rin naman nagagamit 'to pero maayos parin naman kasi laging pinapacheck ni mom kay Kuya Toryo 'to every month."
Nakasakay siya sa bakanteng upuan sa likuran ko habang ako ay nasa harapan dahil ako mag mamaneho nitong ebike na may upuan sa likuran. P'wede 'yon hanggang sa tatlong tao at may bubong pa.
Papunta kami sa labas ng arko nitong Monsietta dahil doon kami magkikita ni Anton. Gustong sumama ni Kristoff kaya sinama ko nalang atsaka para makilala niya rin ang bunso kong kapatid.
"Okay kana d'yan?" tanong ko.
Nang lingunin ko ito ay nakatingin lang siya sa mga malawak na bukirin at may mga pananim din. Napangiti nalang ako at dahan dahang pinaandar ang ebike.
"Careful, Hon," dinig kong wika nito.
"Yes po," tugon ko habang napokus ang tingin sa kalsada.
Mabilis lang din ang byahe namin at chill lang. Dahil bukod sa patag ang kalsada rito ay nakakarelax din dahil sa mga puno na nadadaanan namin. Pinabati rin si Kristoff ng ibang tao rito at ang iba nagugulat pa dahil lumabas daw ito.
Nang makarating sa labas ng arko nitong Monsietta ay tanaw ko agad si Anton na nakaupo sa waiting shed.
"Is he okay?" dinig kong tanong ni Kristoff.
Mabilis kong sinulyapan si Anton at si Kristoff.
"I don't know..." mahina kong wika.
Bumisina ako para kunin ang atensyon nito dahil nakatulala ito sa kalsada. Mukhang kagagaling lang nito sa eskwela at dumiretso siya agad dito.
Pinaandar ko papalapit sa kanya ang ebike at tinigil sa harapan nito. Umangat ang tingin niya sa akin at nagulat pa nga.
"Ate!" gulat nitong sambit.
Pinatay ko ang ebike at nakita kong lumapit ito sa akin. Natigilan lang siya ng makitang may kasama ako kaya ningitian ko siya.
"Si Kristoff nga pala siya yung alaga ko ngayon," pagpapakilala ko. "At boyfriend ko," nakangiti kong ani.
Palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Kristoff. Gulat parin ang nasa hitsura nito pagkatapos ay nilapitan niya si Kristoff.
"Hello po, Kuya Kristoff. Anton nga po pala," pagpapakilala niya.
Lumawak ang aking ngiti at pinagmasdan sila.
"Hi, Anton. I'm Kristoff, nice to meet you," nilahad niya ang kamay nito.
"Nice to meet you too," sagot ng kapatid ko at nagshake hands sila.
Binuksan ko ang mini electric fan sa pwesto ni Kristoff at lumabas na sa ebike.
"Kakausapin ko lang kapatid ko, Toffy," pagpapaalam ko.
"Yeah sure. Take your time."
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad bago bitawan 'yon.
Nilapitan ko na si Anton na ngayon ay nakaupo sa bakanteng upuan sa waiting shed. Naupo ako sa tabi nito.
"Bakit ka pala mag chat sa akin, Anton?" panimula ko.
Nataranta ako ng makitang namumula ang kanyang mata at nagbabadyang tumulo ang pinipigilan nitong luha.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba talaga?" nagaalala kong tanong.
Dahil sa naging tanong ko ay doon na bumuhos ang luha nito habang naka tingin sa akin. Pinatong niya sa aking hita ang kanyang palad habang nakatingin sa akin.
"A-ate. Pasensya na po kayo," umiiyak niyang ani. "May tatlong po akong subject na nabagsak ngayon. Akala ko madali lang maging archi student pero hindi pala," humahagulgol nitong wika sa akin. "Matagal ko na pong tinago sainyo 'to kasi nahihiya po akong aminin. Ikaw na po nagpapaaral sa 'kin at simpleng pag aral ng mabuti hindi ko magawa," humihikbi nitong sambit.
Nahihirapan na siyang huminga habang sinasambit 'yon.
"Anton..." mahina kong wika.
"Nagtake po ako ng part time job para yung sahod ko po 'yon ang ipangbabayad ko sa summer classes ko. Gusto ko lang po aminin 'tong tinatago ko kasi hindi ko po kaya," walang tigil ang kanyang luha sa pagtulo na akala mo ay nagmistulang talon ito dahil sa sunod sunod na pag-agos.
Wala akong nasabi at basta niyakap nalang siya. Niyakap niya rin ako pabalik at muling lumuha sa aking balikat. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko na makita siyang ganito.
"I'm sorry, Ate. I'm sorry po," garalgal ang boses nitong saad sa akin.
"It's okay, Anton. Okay lang sa 'kin," pagaalo ko rito.
Umiling siya habang yakap parin ako. "Hindi p-po 'yon okay."
Hinawakan ko ang magkabilaang balikat nito at tinignan siya. May bakas na luha ang kanyang pisngi at pinunasan ko 'yon.
"Alam kong nagaaral ka ng mabuti. Lahat ng course hindi madali kaya naiintindihan kita. Ang mga pinagdadaanan mong paghihirap ngayon sa pinagaaralan mo naranasan ko rin 'yan," malambing kong wika. Sinuklay ko ang kanyang buhok at noo na ngayon ay pawisan. "Kung bagsak ka ayos lang itake mo ulit hanggang sa makapasa ka. Nandito lang si ate mo nakasuporta sa'yo."
Nanatili siyang nakatingin sa akin at muling lumuha. Nandoon parin ang eyebags nitong grabe ang pagkaitim. Napakapayat na rin niya na akala mo hindi nakakain ng ilang araw. Nanginit ang dulo ng aking mata.
"Tignan mo ang sarili mo," naiiyak kong wika. "Apaka payat mo!" sermon ko. "Sabi na eh alam kong may problema ka at ayaw mo lang sabihin sa akin. Hindi ka nakakakain ng maayos dahil sa dinaramdam mo."
Napayuko siya sa aking sinabi. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"Anton," tawag ko sa kanyang ngalan. "Sabi nila kapag nahihirapan ka tama ang landas na tinatahak mo kaya huwag kang susuko, ha? Lumaban ka. Pangarap mong maging architect hindi ba? makakamit mo 'yon basta magtiwala ka sa kakayanan mo. Magiging worth it din ang lahat, Anton. Tiwala lang."
Hindi kami agad umalis ni Kristoff hangga't hindi maayos ang kalagayan ni Anton. Nagorder nalang kami ng pagkain ni Kristoff at sabay naming kinain 'yon. Naupo nalang kami sa loob ng ebike. Magkatabi si Anton at Kristoff habang ako ay nasa driver seat. Habang kumakain ay nagkukwentuhan pa kami sa kung anong bagay para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Anton.
Nang maghating gabi ay nagpaalam na si Anton sa amin at hinintay na makasakay sa trysikel bago ng bumalik sa hacienda.
"Bye po, kuya, ate!" kumaway ito bago pumasok sa loob ng trysikel.
"Bye, kiddo."
"Ingat ka Anton. Balitaan mo nalang ako sa nangyayari sa bahay."
"Opo!"
DUMATING NA RIN ang araw para sa susunod na therapy ni Kristoff. Nagbibihis ako ngayon ng pang alis dahil anumang minuto ay tatawagin na ako ni Kuya Toryo para pumunta na sa van kasama si Kristoff.
Ilang linggo o baka nga buwan na akong naiistress. Sumasakit na rin palagi ang ulo ko sa tuwing may iniisip akong marami. Anong magagawa ko eh hindi ko mapigilan hindi maisip ang mga problema ko.
"Ma'am Anna, tara na po."
Lumabas na agad ako at nagtungo sa kwarto ni Kristoff. Nakabihis na ito ngayon ay tahimik lang sa harap ng salamin ng vanity table nito.
"Toffy, let's go?" mahina kong tanong.
Isa na rin ito sa iniisip ko. Ilang araw na rin siyang hindi makausap ng maayos. Hindi kumakain ng tama at minsan ay nauuwi sa away.
Nang tignan ko ang lamesa nito ay nandoon parin ang pagkain na hinatid ko kaninang umaga. Walang bawas maski ang tubig.
"Aalis na tayo, Toffy. Tara na," malambing kong saad.
Pinaandar niya ang wheelchair nito at dumaan sa gilid ko.
"Okay."
Napakatipid ang tugon nito. Ganito lang din ang naging usapan namin at hindi ako sanay. Walang halik sa likod ng aking palad, mahinang tapik sa aking hita, walang paglalambing. Ang sakit sa pakiramdam at dibdib.
Nauna na siya kaya sinundan ko ito. Lumabas na ako at wala na siya sa hallway kaya lakad takbo akong pumunta sa labas. Nasa loob ng siya ng van at ako nalang pala ang hinihintay.
"Kumain ka muna. Kahit biscuit lang," nagaalala kong wika sa kanya. Wala parin akong nakuhang sagot sa kanya. "Toffy? Please..." mahina kong wika at paiyak na.
Nakita ko ang pagsulyap ni Kuya Toryo sa rearview mirror pero hindi ko na pinansin 'yon.
Napabuntong hininga nalang ako ng ayaw niya parin. Hanggang sa makarating kami sa GCH ay wala parin. Tahimik lang siya sa theraphy roon habang kami ni Kuya Toryo ay nakamasid lamang sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, Kuya," naiiyak kong wika. "Mahigit isang linggo na siyang ganyan at hindi nakakakain ng maayos."
Pati rin si Kuya Toryo ay namomorblema. Wala ang mga magulang ni Kristoff dito dahil nasa cuidad na naman sila. May inaasikaso itong hindi ko alam.
Napapikit nalang ako at muling kumirot ang aking ulo. Sinandal ko nalang ang aking likod sa sandalan ng upuan at huminga ng malalim.
"Ayaw niyang mag kwento sa akin," naiiyak kong wika. "Nag-aalala ako sa kanya bilang girlfriend. Napansin ko rin ang pagpayat niya Kuya Toryo. Maski si Manang na nagalaga sakanya simula sanggol wala rin nagawa."
"Hindi ko rin alam ang gagawin ko, Ma'am Anna."
Hanggang matapos ang session nito ay hindi parin siya makausap ng maayos. Hindi naman niya inaalis ang kamay ko kapag sinusubukan kong pinagsiklop 'yon kaya kahit papaano ay medyo gumaan ang aking pakiramdam.
Nang makauwi sa bahay nila ay kumuha ako ng makakain nito sa kusina. Walang pagkain kaya nagluto nalang ako.
"Toffy," mahina kong wika.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang makalat na kwarto nito.
"Fuck this leg!" galit nitong saad.
"Toffy!"
Nilapag ko ang dala kong tray sa lamesa at nilapitan siya. Nagtaas baba ang dibdib nito sa galit habang hinahampas ang hita nito.
"Huwag! ano bang ginagawa mo?" nagaalala kong wika.
"I want to walk! I want to fucking walk but I can't!" nagwawala nitong wika.
Mabilis ang tibok ng aking puso. Sobrang kalat ng kanyang kwarto. Ang lampshade nito ay nasa lapag. Tinulungan ko siyang makatayo dahil nakasalampak ito sa carpet nito.
"Don't hurt yourself," hindi ko na mapigilang umiyak sa kanyang harapan. "Please dont hurt yourself, Toffy," lumuluha kong saad.
"I promise you that you can walk. Maybe right now is not the best time. We shouldn't rush everything. It takes time," pagpapagaan ko sa kanyang loob.
Hindi parin siya nakikinig sa akin dahil matalim ang titig nito sa kanyang hita. Mabilis ang kanyang paghinga.
"Toffy!" I shouted.
Napaatras ako ng malakas niyang sinuntok ang hita nito habang paulit ulit na nagmumura. Umiiyak na niyakap ko ito habang hinawakan ang kanyang kamao. Iniwas ko 'yon sa hita niya.
"Please stop doing that to yourself, I'm begging you," I sobbed.
"I want to fucking walk!" sigaw nito.
Hindi na siyang makalma dahil magalaw na rin siya sa bisig ko. Wala akong nagawa kundi tumayo dahil baka ako ang masaktan nito.
"What's happening here—oh my god!"
Pinunasan ko ang aking luha ng mapatingin sa nakabukas na pintuan ng kwarto ni Kristoff. Nilibot ni Ma'am Marina ang paningin sa kabuuhan ng kwarto ng kanyang anak. Napasinghap siya ng makita ang basag na lampshade sa sahig.
"Darling!" dinig kong sigaw ni Ma'am Marina. "Our son!"
Mabilis na sumunod si Sir Alex na mukhang galing sa labas ng bahay. Kararating lang pala nila. Gumilid ako at pasimpleng pinunasan ang aking luha ng makapasok ang ama ng aking nobyo.
"Ako na ang bahala rito, Darling," saad ni Sir Alex at sinarado ang pintuan dahil nagwawala parin si Kristoff hanggang ngayon.
"Oh god. Please, help my son," bulong ni Ma'am Marina.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili dahil ramdam ko ang panginginig ng aking palad. Nang tignan ako ni Ma'am Marina ay nanlaki ang kanyang mata.
"Oh my," aniya. "Let's go to my office, Anna. You're bleeding," nagaalala niyang wika.
Tinuro niya ang aking binti ng bumaba ang aking tingin. Hindi ko alam na nasugatan pala ako sa nabasag na lampshade. Medyo mahaba rin 'yon kaya ngayon naramdaman ko na ang hapdi. Walang din tigil sa pag tulo ang dugo ko pababa sa aking binti.
"May s-sugat ako," wala sa sarili wika ko.
"Gamutin natin 'yan."
Basta niya nalang akong hinila hanggang sa makarating kami sa office nito. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon ang kwarto ng aking nobyo bago tuluyang makapasok sa office ni Ma'am Marina.
"Sit over there," tinuro niya ang bakanteng upuan na inupuan ko nung unang dating ko rito.
Umupo ro'n at pinanood siyang may kinuhang pulang box sa drawer nito. Nilabas niya ang betadine at bulak.
"Masakit 'to kaonti kaya tiisin mo nalang."
Tumango ako at hindi na nagsalita. Namayani ang katahimikan sa buong opisina nito.
"Can I ask you something, Dear?"
"May relasyon po kami ng anak niyo, Ma'am Marina. Sorry po."
Parehas kaming natigilan ng sabay na magsalita. Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko habang ako ay nanlalaki ang mata dahil sa gulat.
"What?" mahinang sambit nito.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro