CHAPTER 2
CHAPTER 2
ANG DAMI KO NANG iniisip at isa na 'to sa pagiging gastador ni Mama. Halos magkanda baon na kami sa mga utang kaya naghanap ako ng trabaho para kahit papaano ay mabayaran iyon ng paunti unti.
Pasalamat na ngalang kami dahil hindi kami nangungupahan kaya ang iniisip ko nalang ay tubig, kuryente at ang pag gastos sa pang araw araw pero hindi parin sapat yung sahod ko sa pagiging call center dahil nag aaral ang dalawa kong kapatid.
"Ma, ano po bang magagawa ko? wala naman po 'di ba? kaya nga po heto na nga ginagawa ko na nga po 'yang sinasabi niyo," tugon ko.
Parang wala lang naririnig ang dalawa kong kapatid. Para silang gutom na gutom sa hapagkainan at naguunahan pa sa isang litrong coke na nasa lamesa.
"Kapal ng muhka mong sagutin ako. Ina mo ako, Anna! wala kang respeto."
Napabugtong hininga na lang ako at tinalikuran siya. Wala akong laban sa mga sinasabi niya. Mahirap ipaintindi kay mama ang sitwasyon namin ngayon. Nagbubunganga pa ito hanggang sa makapasok ako sa aking kwarto. Ni lock ko 'yon at naupo sa monoblock na nakaharap sa study table ko.
Napahilamos ako sa aking muhka at natulala saglit. Ako nalang magbabayad bukas ng kuryente at tubig namin pagkatapos ay diretso na sa school.
Kinuha ko ang wallet sa bag at tinignan kung may extra pa ba ako. Mabuti nalang at meron pang natira kaya nakahinga ako ng maluwag. Sa akinse nalang hihintayin ko para makasahod ulit.
Napapikit ako ng sumakit ang aking ulo. Naiistress ako. Hinihilot ko ang aking batok dahil hanggang doon ay sumasakit.
Hindi na ako nakabihis at tinulog nalang ako gutom at sakit ng aking ulo.
"May extra ka pa ba d'yan?"
Umangat ang aking tingin ng biglang marinig ang boses ni mama sa labas ng kwarto. Abala na ako ngayon sa pag aayos ng aking gamit dahil dadaan pa ako sa bayan para magbayad ng bills sa kuryente at tubig pagkatapos ay didiretso na sa school.
"Wala na kasi yung binigay mong pera sa 'kin naubos na," wika nito. "Wala na ring pambili ng ulam para mamayang tanghali at panghapunan pero kung hindi mo ako bibigyan okay lang. Busog na siguro kami ng mga kapatid mo hanggang sa makasahod ka."
"Magkano po?" tugon ko at hindi nalang pinansin ang sinabi nito.
"Kahit 500 lang kailangan ko kasi," ani nito habang nakatingin sa akin.
Mabilis na kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa kanya. Isang libo ang inabot ko pagkatapos ay sinakbit ko na ang aking bag at lumabas na sa kwarto. Nilock ko rin sa labas ng pintuan para walang makapasok at hinarap siya.
"Paki tipid nalang 'yan, ma. Ubos na talaga ako," mahina kong wika at dumiretso sa lamesa kung may tirang pagkain pa.
Ano pa nga bang maaasahan ko wala ng pagkain doon dahil naubos na.
"Bukas kailangan ko rin ng pera, Anna. Sumali kasi ako sa paluwagan—"
"Ma, please lang po. Walang wala na po talaga ako ngayon. Gipit po tayo ngayon bakit naman po kayo sumali sa paluwagan," pagputol ko sa sinabi nito.
Para wala lang sa kanya ang sinabi ko. Binulsa niya ang binigay kong pera at halatang iritado sa aking sinabi. Napasandal nalang ako sa lamesa at tinignan siya.
"Sasahod naman din ako don pagkatapos ng limang buwan," tugon nito ay humalukipkip. "Alam mo napaka-arte mo talaga ano? Mabilis lang lumipas ang limang buwan pero akala mo habang buhay 'tong paluwagan."
Napahaplos nalang ako sa aking leeg at parang nababaliw na dahil sa mga naririnig ko.
"Itigil mo na po yang pagsali niyo sa paluwagan, Ma," inayos ko ang aking sarili at naglakad patungo sa pintuan.
Hindi ko na pinakinggan ang sinabi nito at tuluyan ng umalis sa bahay. Sumakay ako ng trysikel para magpadiretso sa bayan. Nang makarating doon ay pumila agad ako at nag bayad na.
"Hoy! ang tagal mo naman."
Hinihingal na naupo ako sa upuan at tipid na ningitian ang ka group ko sa thesis.
"Sorry na traffic ako," tugon ko at pinunasan ang pawis.
"Sa gymnasium daw tayo mamaya para sa isang sub. Kailangan naka p.e attire na."
"Weh? teka napagod pako sa takbo," hinihingal kong wika.
Pagkabayad ko kasi ng bills ay nagkanda aligaga na ako papunta rito sa school. Ang bagal kumilos ng kahera sa pagbabayad ng bills tapos traffic pa kaya na late ako.
"Tara mag bihis nalang tayo tas pahinga kaonti," pag-aya niya sa akin.
Tumango na ako at sabay kaming dalawa para kunin ang p.e attire sa locker namin pagkatapos ay dumiretso na kami sa restroom.
"Ano ba kasing ginawa mo bakit ka hingal na hingal d'yan?" tanong niya sa akin habang nag tatali ng buhok.
"Malamang tumakbo. Traffic sa kalsada tapos ang haba pa ng pila sa bayan," tugon ko.
Tinali ko rin ang aking buhok at naglagay ng bobby pins dahil nagtitigwasan ang iba kong buhok na maliliit.
"Kaya naman pala. Wala naman na nagbago rito sa lugar natin. Traffic parin," bahagya pa siyang tumawa at sinakbit ang bag sa kanyang balikat.
"Tara na," pag aya ko sakanya.
Sabay kaming naglakad papunta sa gymnasium pero bago kami makapasok doon nag refill muna kami ng tubig sa tumblr namin at naghanap ng upuan.
Dito namin hihintayin ang prof namin at ang ibang classmates.
"Okay na ba yung manuscript natin?" tanong ni Abby sa akin.
Sinandal ko ang aking likod sa upuan at umunat. "Oo," sagot ko. "Wala namang problema sa thesis natin kasi nabago naman ang dapat baguhin. Siguro ireview nalang muna natin hanggang sa araw ng defense natin para hindi tayo magisa ng panelist."
Tumango tango ito at sang ayon sa aking sinabi.
Hindi rin naman nagtagal ay pinuno ng section namin ang gymnasium. Nagstart din agad ang pag jogging namin pagkatapos mag attendance.
"Dito ako mamatay," hinihingal kong wika ng makaupo kami sa sahig. "Ang pag jogging."
"Ang sakit ng dibdib ko," daing ni Abby at nahiga sa court.
Mahina akong natawa at pilit siyang pinaupo dahil madudumihan ang kanyang uniform. Natigilan ako ng biglang nanlabo ang aking paningin at nanakit ang aking ulo. Parang malalang migraine.
"Ouch..." mahina kong daing at napahawak sa aking ulo.
"Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Abby.
Mabilis akong umiling at napayuko dahil hanggang ngayon ay masakit parin siya. parang binabarena at pinupukpok ng martilyo ng ilang beses ang ulo ko.
"T-teka tara sa clinic," nagmamadaling wika ni Abby.
Tumayo na siya at pinagpagan ang damit bago ako tuluyang tulungan na makatayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam pero sobrang sakit niya talaga.
"Ang sakit..." naiiyak kong wika.
"Papunta na tayo sa clinic. Don't worry," mahinahon niyang usap sa akin.
"Sir! emergency lang po ipupunta ko na po si Anna sa clinic. Masakit daw ang ulo," sigaw ni Abby dahil medyo malayo ang pwesto ng prof namin.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at lakad tabo ang ginawa namin. Ako naman ay hindi ko alam kung saan ako magfofocus.
"Ang sakit, Abby," mahina kong wika. Medyo nagkanda labo labo pa ang aking mata pero luminaw na rin 'yon kahit papaano.
"Uhm... let me help you."
"Hala. Thank you po," naiiyak na tugon ni Abby.
Medyo familiar ang boses no'n at hindi ko na magawang tignan dahil masakit parin ang aking ulo. Tinulungan nalang nila akong hanggang sa makarating sa clinic.
"Probably from stress..." tugon ng nurse.
Ningitian niya ako at hinaplos ang aking buhok.
"You can stay here para makapagpahinga kapa mahaba haba pa naman break time niyo yata, tama ba?" tanong ng nurse.
I nodded. "Opo."
"That's good."
Nagpaalam na ito at pumasok sa maliit na kwarto dahil may inasikaso siyang pag bibilang ng gamot para may ma istock dito sa clinic.
"Mauuna na ako, Anna. Sinabihan ko naman na yung next prof natin na excuse ka dahil sa nangyari. Baka malate rin ako," pagpalaalam nito sa akin. "Inom ka rin maraming tubig ah."
"Oo. Salamat, Abby," tugon ko at niyakap siya.
"Walang anuman," nakangiti nitong wika at niyakap ako pabalik. "Sige na at aalis na ako."
Tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makaalis na. Nahiga ako sa kama at natulala sa kisame.
Malamig ang buga ang aircon dito at sakto lang naman 'yon para hindi ako ginawin. May trabaho pa ako mamaya kaya kailangan kong maging masigla ngayong araw.
"Inumin mo nalang itong gamot para kahit papaano ay ma lessen yung sakit ng ulo mo."
Sinunadan ko ang tingin ng nurse na kakalabas lang sa kwarto. May binigay siya sa akin ng gamot at bottled water. Tinanggap ko naman iyon.
"Thank you po," tugon ko.
Nagpaalam ulit ito sa akin at pumasok ulit sa pinanggalingan niya.
Binuksan ko ang lalagyanan ng gamot at pinasok sa aking bibig pagkatapos ay uminom ng tubig. Muntik ko pang maibuga ang iniinom kong tubig ng may nakitang tao sa labas ng pintuan.
Clear sliding door lang kasi ang pintuan ng clinic kaya makikita mo ang mga dumadaan at sumisilip doon.
Bumukas ang pintuan at naglakad papalapit sa aking ang tao na nasa labas.
"How are you now?" mahina nitong tanong sa akin.
Natulala ako saglit dahil doon.
Si Kristoff! Anong ginagawa niya rito?
"H-huh," nauutal kong tanong dahil sa pagkabigla.
"I said. Kumusta kana?" tugon nito. "Ako yung tumulong sainyo ni Abby na ipunta ka rito sa clinic. Is your head still hurts?" he asked.
Wala sa sariling hinawakan ko ang aking ulo. "Hindi na gaano," sagot ko.
Ang tangkad niya sa tingin ko ay 6 footer ito. Sakit din sa batok at leeg dahil nakatingala ako sa kanya. Muhkang napansin niya naman na nahihirapan ako tignan siya kaya kinuha niya ang monoblock gilid ng aking kama at naupo.
"That's good," he answered. May kinuha siya sa kanyang bulsa. "And I think this thing belongs to you, am I right?"
Bumaba ang tingin ko sa hawak nito. Nanlaki ang aking mata at mabilis na kinuha iyon sa kanya.
"Paano mo nakuha 'to?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Binigay mo sa akin yung napulot mong id ko 'di ba?" he asked. " A weeks ago I think. Nahulog kasi 'tong angklet mo sasabihan sana kita ang kaso nakasakay kana agad sa fx."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Fx?" naguguluhan kong tanong.
He nodded. "This one," pinakita niya ang id ko. "Ikaw nakapulot ng id ko tapos binigay mo sa akin—"
"Ay! oo nga pala," wika ko ng maalala iyon.
Mahina akong natawa at napakamot sa aking ulo. "Pasensya kana pero salamat ah," tugon ko at kinabit ang angklet sa kanang bahagi ng aking bukung-bukong. "Heto nalang kasi ang natitirang bigay sa akin ni Tatay kaya importante sa 'kin 'to," mahina kong wika at hinaplos iyon.
Simpleng angklet lang 'yon na may design na maliliit na rose na kulay niyon ay kulay royal blue.
"Do you remember me, Anna?" he asked.
Napatingin ako sa sinabi nito. "Uhm... oo? kakakilala lang natin nung napulot ko id mo," tugon ko.
"No. I know your for almost 10+ years. Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ulit nito.
Seryoso ang kanyang muhka habang naka tingin sa akin. As usual ay naka complete uniform ito at naka ayos ang kanyang malagintong buhok. Naka specs din ito dahil sa tingin ko ay may grado ang kanyang mata.
"Anong almost 10+ years ka d'yan. Baka iba 'yang nasa isip mo ah. Kakakilala lang natin nung nakaraang linggo," wika ko at pinaglaruan ang angklet.
"That angklet," wika nito at mas lalong lumapit sa akin. "I'm the one who gave that to you when we're young."
Kumunot ang aking noo. Ganito na ba ang mga Forensic science students? medyo nakalog utak dahil sa ginagawa nila o sadyang ganito lang si Kristoff?
Kanina sinabi niya almost 10+ years na niya akong kilala tapos ngayon siya raw nag bigay nitong angklet na sout ko pero ang totoo ay si Tatay ang nag bigay nito sa akin.
"Muhkang kailangan mo rin magpacheck up, Kristoff. Baka na bagok ulo mo—"
"Kristoff!"
Sabay kaming napatingin sa labas ng clinic. Muhkang hinahanap na siya ng mga classmates niya. Tumayo na ito at tinignan ako.
"Take care, Anna," pagpapaalam nito sa akin at tipid na ngumiti sa akin.
Hindi man lang 'yon umabot hanggang sa mata niya at para bang nasasaktan dahil hindi ko siya maalala? eh ngayon lang naman kasi kami magkakilala. Ang mata nitong mala dagat ang kulay ay malungkot at kitang kita ko iyon.
"O-okay. Salamat ulit," wika ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas sa clinic. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ako at kumaway. Kumaway rin ako at ningitian siya.
"Dude there you are! kanina kapa namin hinahanap. Sino ba binisita mo d'yan?" tanong ng classmate nito.
Akmang sisilip ang classmate nito sa loob ng clinic pero hindi na niya nagawa dahil hinila na siya agad ni Kristoff papalayo.
Ngayon ako nalang ulit mag isa rito dahil nasa kabilang kwarto ang nurse. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking isipan ang sinabi nito sa akin.
Kilala na niya ako matagal na? Paano?
NAPAPAGOD NA NAGLAKAD ako papunta sa aking kwarto ng makauwi sa bahay. Kakatapos lang ng shift ko sa pag cacall center kaya parang binugbog ng isang batalyon ang aking katawan. Siguro iinuman ko nalang ito ng gamot.
Nakapatay ang ilaw sa sala at hindi ko na inabala na buksan iyon dahil diretso ako sa aking kwarto para magpahinga sana. Hindi ko rin alam kung nasaan sila mama dahil walang paalam 'yon sa akin kung saan sila umaalis.
Kinuha ko ang susi sa aking bag para buksan ang aking kwarto pero hindi rin natuloy dahil sira ang doorknob ng aking kwarto. Kinabahan ako dahil doon at basta nalang tinulak ang pintuan.
Bumungad sa akin ang magulo kong kwarto. Pati ang damitan ko ay magulo rin at ang iba ay nakakalat na sa sahig. Bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ang maliit na box sa dulo ng damitin ko, doon ko iniipon ang mga ipon ko pang emergency. Nakatago talaga 'yon doon.
"No..." naiiyak kong wika at pabagsak na nilapag ang bag sa kama at kinuha ang maliit na box.
Nanginginig na kinuha ko 'yon at mabilis na binuksan. Napaiyak ako ng makitang bente pesos ang natira roon at wala ng iba. Ang naipon kong maraming pera ay wala na roon!
Ang mahina kong iyak ay nauwi sa paghagulhol.
"Mama!" sigaw ko sa aking kwarto.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro