CHAPTER 18
CHAPTER 18
WALA NA AKONG NAGAWA ng lumagpas kami sa hacienda nila. Sinundan ko pa ng tingin ang bahay nito sa huling pagkakataon bago tinignan si Kristoff.
"Ayaw mo ba magpahinga sa kwarto mo? P'wede naman sa susunod na araw nalang tayo maglibot dito kasi panigurado pagod ka."
May nadadaanan pa kaming maliit na bahay. Namangha naman ako dahil napakalawak dito. Ngayon lang din ako nakapaglibot dahil abala naman ako sa pag-aalaga kay Kristoff.
"Babalik din naman tayo mamayang gabi," tugon nito. "Don't worry manonood lang tayo ng sunset."
Mahina niyang pinisil ang aking kamay at dinala sa kanyang labi pagkatapos ay binigyan 'yon ng munting halik.
"Ikaw bahala kung gusto mo. Pagod kana rin kasi kaya iniisip ko—"
"Shh," pag pigil nito sa akin. Dumukwang ito at nilapit ang mukha sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niya. "Give me a kiss nalang," paghihingi nito.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapairap sa sinabi nito. "Si Kuya Toryo nandito," nahihiya kong tugon.
Mahina siyang natawa. "Don't worry he doesn't mind it. He already knows," he answered.
Bahagyang nanlaki ang aking mata. Hinawakan ko ang braso nito at nilapit ang aking sarili.
"How? Mamaya magsumbong 'yon kay Ma'am Marina," kinakabahan kong tanong sa kanya.
"I just feel that he already knows our relationship," bulong nito.
Mahina akong napasinghap ng hinila niya ako kaya napasandig ako sa malapad nitong dibdib.
"Isusumbong mo ba kami, Kuya Toryo?" biglang tanong ni Kristoff na ikinalaki ng aking mata.
"Kristoff!" I hissed.
Bumaba ang tingin nito sa akin at sumimangot. "Where's the Toffy?" mukhang malungkot niyang saad.
"Ikaw kasi eh," paninisi ko.
Narinig namin ang pagtawa ni Kuya Toryo habang nagmamaneho. "Hindi naman po ako yung tao na nanlalaglag sir. Huwag po kayong mag-alala hindi ko ipagkakalat na may relasyon kayo ni Ma'am Anna."
Habang nakasandig parin sa malapad na balikat ni Kristoff ay wala paring tigil sa pag tibok ng mabilis ang aking puso. Halos ang pagtibok ng puso ko ang tanging naririnig ko at wala ng iba.
"See," wika nito. "He's not a snitch, don't worry."
Huminga ako ng malalim at siniksik ang sarili sa malapad na dibdib nito. Naramdaman ko ang kanyang braso na yumakap sa aking katawan. Parang safe na safe ako sa bisig nito na para bang poprotektahan niya agad ako kung sakaling may mangyaring masama sa akin.
"We're here," he whispered.
Umangat ang aking ulo at tanaw ko na ang dagat. Nang maipark na ni Kuya Toryo ang van ay tinulungan namin na bumaba si Kristoff para maupo sa wheelchair nito.
"Kukuha pa po ba ako ng towel sa bahay niyo sir?" tanong ni Kuya Toryo.
Tumango lang si Kristoff. "Yes, please. Baka kasi balak din namin maligo ng dagat atsaka yung isang brown bag sa loob ng van pakibigay nalang din kay mom and dad."
"Okay sir."
Umalis din agad si Kuya Toryo para bumalik sa hacienda pero bago pa 'yon ay iniwan niya na sa amin ang pinamili naming pagkain. Kami nalang ang naiwan ni Kristoff dito. Hinawakan niya ang aking kamay habang dahan dahang nagtungo sa dalampasigan.
Naghanap lang kami ng masisilungan at mabuti may nakita akong malaking puno. Doon kami tumambay sa lilim no'n habang nakatingin sa malawak at magandang dagat. Nakita ko rin ang pagbaba ng araw.
"May naalala ka ba kapag napupunta ka sa dagat?" tanong nito sa akin.
"Oo," sagot ko at pagkaraan ay tinignan siya. "Ikaw naalala ko kapag nakatingin ako sa dagat. Ang ganda kasi ng mata mo halos kakulay ng dagat."
Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Bahagya pang namumula ang pisngi nito dahil medyo mainit pero may hangin naman na dumadaan sa pwesto namin kaya kahit papaano ay malamig.
Ang mga mata nito mas lalong tumitingkad kapag nasa ilalim ng arawan. Hindi ko maalis ang paningin ko sa dalawang mata niya na nakatingin din sa akin.
May kinuha ako sa aking bag at pinalita 'yon sa kanya.
"Here's my gift," nakangiti kong ani. Pinakita ko ang buong kabuuhan no'n sa kanya.
"Hindi siya perfect pero okay naman," nahihiya kong wika.
Nilatag ko sa buhanginan ang blanket na hawak ko at pinuntahan siya.
"Let's sit in the blanket," pag aya ko sa kanya.
"Sure," tugon nito.
Tinulungan ko siyang makatayo at pinaupo rin agad siya sa nilatag kong blanket.
"Thank you," pagpapasalamat nito.
Nakatingin siya dagat. Ang buhok nito ay sinasayaw ng hangin. Amoy na amoy namin ang tubig dagat habang ang araw ay unti unting bumaba dahil maggagabi na.
"You're welcome."
"When we we're a kid, you always compliment my eye color," nilingon niya ako at pinagsiklop ang aming kamay. "And you always teasing me for having a blonde hair kasi mukha akong mais."
Habang nakikinig sa kanya ay hindi ko tuloy maiwasan na hindi tumawa.
"I'm sorry if I said that to you. Sa daming nangyari sa buhay ko halos hindi ko na matandaan 'yan," gusto kong alalahanin ang araw na 'yon ang kaso wala talaga.
"It's fine. Isa 'yan sa childhood memories ko na hindi ko makalimutan. I think you're 5 years old that time," pagkukwento nito.
Napailing nalang ako at mahinang natawa.
"I don't remember anything, Toffy. Medyo nagkaisip yata ako noong 7 years old ako. Hindi ko alam masyado ng malabo sa akin," ani ko.
"That's fine. Don't worry, maybe soon maaalala mo."
"Sana nga," mahina kong sagot.
Hindi rin ako makapagtanong kay Mama kung anong nangyari sa buhay ko noon. Ang totoo niyan ay wala akong maalala sa edad ko na 'yan. Pero may isang bukod tanging memorya lang ang nandito. Nagising ako na nasa loob ako ng ospital kasama si Papa pagkatapos ay wala na. Hanggang doon nalang talaga.
"Bago ako mag trabaho sainyo nakwento na sa akin ng mama mo yung issue sa past caregivers mo," naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
Nang sulyapan ko ito ay nakatanaw lang siya sa dagat. Walang emosyon ang kanyang mukha pero ang mata nito ay akala mo galit. Nakakunot na rin ang noo niya.
"I hope you're doing okay now, Toffy," I whispered.
"I'm okay now, Hon," he answered.
Bumaba na ang tingin nito sa akin at ngumiti.
"Sometimes napapanaginipan ko mga ginagawa nila pero hindi na palagi. Ang mahalaga wala na sila rito kaya huwag na natin pag-usapan 'yon—"
Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng yakapin ko siya ng mahigpit. Awtomatik naman na pumulupot ang mga braso nito sa aking beywang at sinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.
"I'm really sorry if you experience that," I said, sadly.
"It's not your fault, Hon. Don't be sorry," he whispered.
Umiling ako at tinignan siya.
"Hindi mababaw ang ganyang nangyari sa'yo. Maraming tao nakakaranas ng trauma dahil sa ganoong bagay. Sexual assault is very serious," mahina kong sambit habang nakatingin sa kanya. Hindi ko maalis ang aking tingin sa mata nito. "Hindi ko naman maitatanggi na gwapo ka at maganda katawan mo pero hindi parin 'yon ang imbitasyon para may gawin silang hindi maganda sa'yo."
"I know. Pero hindi ko alam bakit nila nagagawa 'yon. Siguro sa tingin nila makukuha nila ako ng ganoon lang. Oo may pangangailangan ako pero hindi sa ganoong paraan. . . atsaka yung sakanila namimilit pero. . ." nagkanda utal utal pa siya habang sinasabi iyon.
Sinuklay ko ang kanyang buhok at malambing na ngumiti. "It's fine. Don't tell me anything if you don't want it. I understand."
Huminga siya ng malalim at niyakap nalang ako.
"It's really traumatizing," he whispered.
"I know. . ." bulong ko pabalik. "I'm here. Wala ng gagawa sa'yo no'n."
Wala akong masabi sa kwento nito. Kaya ang nagawa ko nalang ay niyakap ito at cinocomfort. Namayani ang katahimikan at ang tunog lang ng paghampas ng alon ang aming naririnig.
Kung ano ano pa ang pinaguusapan namin hanggang sa tuluyan ng bumaba ang araw. Madilim at medyo may pagka orange ang kalangitan dahil sa sunset.
Kumain na rin kami bago at nang matapos ay sakto no'n ang pagdating ni Kuya Toryo. Balak pa sana namin maligo ang kaso hindi na kaya ng oras kaya nag ayos na rin kami pagkatapos ay dumiretso na pauwi sa hacienda.
"I-text mo nalang ako kung may kailangan ka," ani ko ng mahiga siya sa kama.
Tinaas nito ang kanyang comforter hanggang sa beywang. Tumango lang siya sa aking sinabi pagkatapos ay ningitian.
"Sure. Goodnight, Hon," tinapik niya ang gilid ng kama nito para iparating na maupo sa tabi nito.
"Goodnight, Toffy. Sweetdreams," tugon ko ng maupo ako sa tabi nito.
Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit. "Nag enjoy ako ngayon. Thank you," he whispered.
"Me too," I answered and gave him a firm hug.
Ilang segundo lang din kami nagtagal no'n bago bumitaw. Nilibot ko ang paningin ko sa buong mukha nito at natigil lang ng matagpuan ang dalawang pares ng kanyang mata na kakulay ng dagat. Malawak ang itim ng kanyang mata at heto na naman ang pakiramdam na para akong nalulunod sa mga titig nito.
Sometimes I catch him glancing at my lips as we continue to stare at each other. It seems like the only sound I can hear in his room is the rapid beat of my heart. Before I knew it, his lips were crashing into mine as he slipped his right hand behind me.
I shut my eyes instantly and felt his kiss. It was an intense kiss. My stomach is tingling and feels as if there is a butterfly inside of it. I have never had this sensation during a kiss before.
Mapupungay ang aking mata na sinalubong ang tingin nito sa akin. Ang intense ng nararamdaman ko at alam kong ganoon din siya.
Muli na naman akong napapikit ng yumuko ito at siniil ako ng halik. Tinugon ko naman 'yon habang ang kanyang kamay ay unti unting gumagapang pababa sa akin.
"Kristoff..."
"This is your last chance. Do you want it or not?" tanong nito sa akin. "We can stop this if you're not ready—"
"G-gusto ko."
"Don't worry I'll take care of you."
Hindi ko maiwasang kabahan ng makita ang kanya. Umiwas nalang ako ng tingin at sa kalaunan ay muling binalik ang tingin sa kanya.
"I'm scared this is my first time," saad ko at hinawakan ang kanyang balikat.
"Don't worry, we can take it slow, Anna."
Pulang pula ang mukha nito at umabot hanggang sa kanyang dibdib. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nasa ibabaw ko. Mukhang napansin niya na kinakabahan parin ako kaya umalis siya sa ibabaw ko pero pinigilan ko ito.
"Okay, Let's stop. I don't want to force you—"
"No, no. Just do it. Mawawala naman yung sakit kapag tumagal na kaya ayos lang. S'yempre una ko kaya ganito nararamdaman ko," mahabang lintayan ko.
Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Well... it's also my first—"
"Just do it," pagputol ko sa sinabi nito.
And that night, we really did it. First namin ang isa't isa.
Napapasong umalis ako sa pagkakayakap nito ng may naalala. Kinakabahan na tumayo ako at napaatras. Kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa naging reaksyon ko.
"What's wrong, Hon?" he asked, worriedly.
Mabilis ang aking paghinga habang nakatingin parin sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit bigla nalang akong may maalala no'ng hinalikan niya ako. Totoo ba 'yon o baka kathang isip ko lang?
Kung totoo 'yon bakit hindi ko maalala? Ang alam ko wala pa akong experience sa ganoong bagay.
"M-matutulog na pala ako. Goodnight," iyon nalang ang aking nasabi at naglakad patungo sa pintuan.
"Okay," tugon nito sa nagaalanganin na tono. "Goodnight, Hon. Sleepwell. Where's my Toffy?" pahabol nito.
"Goodnight, Toffy," paguulit ko.
Mukhang gusto niya pa akong tanungin ulit dahil hindi siya kumbinsido pero mas pinili niya nalang manahimik.
"Sweetdreams. Don't forget to pray before you sleep."
"Sure. You too."
Tipid ko siyang ningitian at lumabas na. Dumiretso na ako sa aking kwarto pagkatapos ay pumasok sa banyo para maligo. Tulala ako sa ilalim ng tubig na nanggagaling sa shower head. Wala sa sarili na hinawakan ko ang aking labi.
"Bakit wala akong maalala?" tanong ko sa aking sarili. Unti unting naiinis na ako dahil clueless parin ako hanggang ngayon. "Bakit wala!? May sakit ka ba? Bakit hindi mo maalala!" naiinis kong wika sa aking sarili.
Mabilis ang aking paghinga dahil sa nararamdaman ko. Hindi pa kuntento at pinukpok pa ang aking ulo. Sinabunutan pa ang sariling buhok sa pagka-inis. Galit, inis, pagtataka ang aking nararamdaman dahil parang wala akong alam sa sarili ko. Parang hindi ko kilala kung sino ako.
Hanggang sa matapos ako ay hindi na mawala sa isip ko ang bagay na 'yon pati sa aking pagtulog.
May nangyari na sa amin pero bakit hindi ko maalala.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro