Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

CHAPTER 17

ALAS SINGKO PALANG NG MADALING ARAW ay dumiretso na agad ako sa laundry area para mag laba. Tulog pa naman si Kristoff kaya heto muna ang aatupagin ko ngayon. Natapos din agad ako dahil may washing machine at dryer naman.

"Goodmorning, dear."

Napalingon ako sa gilid ng makita si Ma'am Marina. Mukhang kagigising lang nito dahil nakasout parin siya ng night gown nito kasama ang bathrobe na partner no'n.

"Good morning po," tugon ko at ningitian siya.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Dala dala ko ang tray na naglalaman na pagkain ni Kristoff. Ala syete na rin ng umaga at paniguradong gising na ito.

"Kay Kristoff?" she asked.

Tumango ako. "Yes po."

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Okay, dear. Mag-aalmusal na muna ako sa dining area. Pakisabi nalang din kay Kristoff na pagtapos niyang kumain dumiretso kayo sa office ko," utos nito.

Kinabahan naman ako dahil do'n. Bakit kasama ako? p'wede namang si Kristoff nalang 'di ba? Mahina akong napasinghap ng may narealize. What if nalaman na niya na may relasyon na kami ng anak nito? Magagalit siya panigurado!

"Okay ka lang?" biglang tanong nito sa akin.

"A-ay. Opo, Ma'am. Sige po sasabihan ko po si Kristoff," hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang binuksan.

Narinig ko ang pagpapaalam nito sa huling pagkakataon hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto ni Kristoff.

Malamig na hangin na nanggagaling sa aircon ang sumalubong sa akin ng makapasok ako. Akala ko ay gising pa ito pero hindi papala. Nakita kong nakahiga parin siya sa kanyang kama at parang nalulunod pa sa comforter.

Napapailing na nilapag ko sa lamesa ang dala ko at tahimik na naglakad patungo sa balkonahe ng kanyang kwarto para itaas ang window blinds.

"Goodmorning," pagbati ko sa kanya ng maalimpungatan ito.

Nakayuko ako sa kanya at sinisilip ang mukha nito. Kumunot lang ang noo niya pagkatapos ay tinaklob ang comforter sa ulo nito.

"Breakfast mo na, Kristoff. Iinom kapa ng gamot," pagtawag ko sa kanya.

Lumapit pa ako sa kama nito at naupo kalaunan dahil ayaw niya parin gumising.

"Gising na, Toffy," sinusundot sundot ko pa ang comforter nito. "Kakain kapa—ay!"

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nahiga sa kama niya habang nanlalaki ang aking mata. Lumabas ang ulo niya sa comforter ay nakangiting tinignan ako. Mukhang nangaasar pa siya habang nakatingin sa akin.

"What did I hear?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"You gave me a nickname," tugon niya habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi.

Magulong magulo ang buhok nito at ang iba ay nakatayo pa nga. Wala sa sariling pinaglandas ko ang aking daliri sa buhok nitong mala–ginto.

"Toffy?" bigkas ko.

Hindi na ako naka angal ng hinagkan niya ako at pinasok sa loob ng comforter nito. Ramdam ko tuloy ang body heat nito habang nakayakap sa akin dahil wala siyang sout sa pang-itaas.

"I like it," he whispered while hugging me. "I like that nickname. . . Toffy," natutuwang wika nito.

Napangiti nalang ako at sinubsob ang aking mukha sa malapad nitong dibdib.

"Bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon," wika ko habang nanatiling nasa dibdib niya ang aking mukha.

I heard he scoffed. "Wala ng bawian."

Nanatili kami sa ganoong posisyon habang nakayakap sa isa't isa. Nararamdaman ko pa ang malambot nitong palad na dahan dahang tinataas baba sa aking likuran na akala mo ay pinapatulog ako.

Well. . . gumagana naman siya kaya bago ako makatulog ay bumangon na ako. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito halatang ayaw niya pa na umalis ako sa tabi nito.

"Bumangon kana d'yan at mag-almusal. Iinom kapa ng gamot atsaka didiretso tayo sa office ng mama mo," ani ko.

"Okay," he answered. Nakita kong sinusubukan niyang tumayo. "Can you help me get to my wheelchair?" he asked.

"Oo," mabilis kong tugon at nilapitan siya.

Nilapit ko kaonti ang wheelchair malapit sa pwesto nito at tinulungan siyang makatayo. Pinaharap ko banda sa kanya ang wheelchair at mabilis ang kilos namin para makaupo ito.

"Thank you, Hon," pagpapasalamat nito.

Ngumiti ako at tinapik ang kanyang balikat. "You're always welcome, Toffy."

Kita ko ang pagpula ng kanyang mukha at tenga. Tinulak niya ang wheelchair nito papunta sa lamesa. Inayos ko ang pagkain nito ng pigilan niya ako.

"I can do it," pagpigil nito sa akin.

Hinayaan ko nalang siya at naglakad patungo sa closet nito para kumuha ng tshirt. Baka magkasakit pa dahil nakahubad ito at ang lamig pa sa loob ng kwarto.

"Kukuha lang ako ng damit mo," pagpapaalam ko.

He nodded while eating. "Sure."

Dumampot lang ako ng unang makita t-shirt. Isang plain dirty white shirt ang nakuha ko. Binigay ko naman agad 'yon sa kanya at sinuot niya naman 'yon.

"Did you eat na ba?" tanong nito habang sumasandok ng fried rice.

"Hindi pa. Baka maya maya kaonti katatapos ko lang din maglaba ng maruming damit ko," naupo ako sa upuan at nilapit 'yon sa kanya.

"Pinautos mo nalang din sana kela ate 'yan," sumenyas siya sa akin na lumapit pa kaya sinunod ko naman 'yon.

Umiling ako. "Hindi na atsaka kaonti lang naman yung labahin ko. Ayaw ko na rin makaabala sakanila. Una sa lahat hindi ako bisita rito, Toffy."

"Yes, Hon," tipid nitong tugon at hindi na nakipagtalo. "Open your mouth," he said.

Nilapit niya sa akin ang hawak nitong kutsara na may laman na fried rice tapos sa ibabaw no'n ay may omelette. Ngumanga ako at kinain ang pagkain. Lumawak ang ngiti ko ay wala sa sariling tumango tango dahil ang sarap no'n.

"Masarap magluto si Manang," pagkukwento sa akin. "She's the one who took care of me when I was a baby. Busy kasi si mom at dad sa work that's why. Pero bumawi naman sila sa akin noong highschool na ako kaya okay na 'yon."

Natutuwa ako kapag nagkukwento siya tungkol sa pamilya nito. Ang cute lang kasi nila lalo na si Ma'am Marina.

"That's good," tugon ko. Inabot ko ang kanyang kamay at pinagsiklop 'yon. "Treasure your family, Toffy," I whispered.

Hindi ko alam bakit bigla nalang nanubig ang aking mata. Nangiinit ang gilid ng mata ko habang nakatingin sa kanya. Lumambot ang expresyon sa mukha nito at hinawakan ang aking pisngi.

"What's wrong?" nagaalala nitong tanong. Hindi pa nakuntento ay parehas ng nakalapat ang palad nito sa aking pisngi. "Do you have a problem? You can say it to me."

Ang mga mata nito ay hindi mapakali habang nakatingin sa akin kaya natawa nalang tuloy ako kasabay ng pagtulo ng aking luha. Doon ay mas lalo siyang nataranta.

"Don't cry. Don't cry, Hon," paulit ulit niyang wika.

Natataranta na pinunasan niya ang aking luha. Dapat ay mahiya ako dahil umiiyak ako sa harapan niya pero hindi. . . hindi ako nahihiya sa kanya. Siya palang ang unang tao na nakita akong umiyak ng ganito.

"I'm sorry," wika ko habang lumuluha. Kahit anong pagpunas ko sa aking luha ay napapalitan na naman 'yon ng panibago. "I wish my family was just like yours," I said while crying.

Agad naman siyang natigilan sa sinabi ko. Alam kong may gusto itong tanungin sa akin pero mas pinili na tumahimik lamang.

"Shush now," pag-aalo nito sa akin. Hinila niya ang aking kamay at kinulong sa kanyang bisig. Ramdam ko pa ang munting pag halik nito sa aking ulo. "My family is now yours, Hon. You're welcome here. And I don't want to push you to share with me about your family issue. My ears are open and when you're ready, I'll listen."

I nodded. Muli kong pinunasan ang aking luha at ningitian siya. Ang kaso muli na naman akong napaiyak kaya sumimangot ako. Kapag kasi nasisimulan ko na ang pag-iyak nahihirapan na ako tumahan at nagiging emosyonal na sa buong araw.

"Thank you, Toffy," niyakap ko siya at ganoon din ito. Binibigyan niya ng munting halik ang gilid ng aking noo habang nakayakap para kahit papaano ay kumalma ito.

"You're welcome, Hon. I love you."

"I love you too."

HINDI KO MAIWASANG hindi mamangha sa regalo ng papa ni Kristoff sa kanya. Isa 'yong wheelchair na may parang controller kaya imbis na ako magtutulak ng wheelchair nito ay siya na ang bahala no'n dahil sa controller.

"Thank you, dad," dinig kong wika ni Kristoff.

Nakaupo na siya roon at sinusubukan pagalawin ang wheelchair nito. Less hassle na rin 'yon at mas mapapadali pa.

Nakatayo lang ako sa gilid at tinignan silang tatlo. Si Ma'am Marina, Kristoff at ang papa ni Kristoff.

"You're welcome, Son," sagot nito. "This is really helpful, that's why we brought it for you. I'm glad that you like it."

"That's our late gift, Anak. Belated happy birthday ulit," nakangiting saad ng mama nito.

Ilang minuto rin ang lumipas bago kami lumabas ng office. Nauna na si Kristoff sa kwarto nito dahil mamimili pa siya ng damit na sosoutin nito. Pupunta na kasi kami sa GCH para sa theraphy nito.

Tahimik lang ako naglakad papunta sa silid ni Kristoff ng may tumikhim sa aking likuran. Napatalon ako sa gulat at nilingon kung sino 'yon.

Ang papa ni Kristoff.

"It's good to see you again, Anna," bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nakalahad saakin. "Nice to meet you."

Malalim ang boses nito katulad kay Kristoff pero mas matured nga lang ang sa ama nito. Tipid ko siyang ningitian.

"Hello po. Nice to meet you too po," magalang kong tugon at tinanggap ang kamay nito. Nagshake hands kami at ako na rin ang bumitaw no'n.

"It's really weird that you didn't recognize me in our first meeting," narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Sabagay masyado ka pang bata no'n. How's your father? Wala na akong balita sa kanya mga ilang taon na rin," he asked, may kaonting accent ang pagtatagalog nito pero naiintindihan ko naman.

Napalunok ako sa sinabi nito. "Matagal na pong patay si Papa, Sir..." tumagal ng ilang segundo iyon dahil hindi ko alam ang kanyang ngalan.

"Alexander is my name but you can call me Alex," wika nito. "And my deepest condolences, Anna. I didn't know that he was already dead."

"Okay lang po," ningitian ko ito. "Mabilis lang din po kasi ng proseso nung pag burol. Isang araw lang po atsaka nilibing lang din sa pagkakaalala ko," ani ko.

Tumango tango ito sa sinabi ko. "Is that so. Thank you for telling me, Hija. I'll go to my wife. Ingat kayo ng anak ko."

"Okay po. You're welcome."

Nang makabalik ako sa kwarto ni Kristoff ay busy parin ito sa pag tingin ng mga damit sa damitan nito. Kalaunan ay nakahanap din siya kaya tinulungan ko na mag bihis ito. Pagkatapos ay ako naman nag palit ng damit. Simpleng white shirt at mom jeans ang sout ko. Pinaresan ko nalang 'yon ng itim na sapatos at umalis na kami.

"Okay kana po ba dyan, sir?" dinig kong tanong ni Kuya Toryo.

Lumingon ako kay Kristoff. May kinakalikot pa siya sa bagong wheelchair bago sulyapan si Kuya Toryo.

"Yes, let's go. Medyo matagal tagal pa 'yon bago matapos," sagot niya.

Umusog nalang ako papalapit sa kanya at hindi na nagsalita. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay ngumiti ito. Bumaba ang kanyang kamay sa akin at kinulong 'yon. Magkasiklop ang aming palad habang naghihintay na dumating sa GCH.

Bago pa 'yon ay hindi nakatakas sa akin ang tingin ni Kuya Toryo sa kamay naming dalawa ni Kristoff na magkasiklop. Hinayaan ko nalang 'yon at hindi tinanggal.

Bahala na.

"SOBRANG HIRAP siguro yung sitwasyon niya ngayon 'no?" tanong ko.

"Sobra," tugon ni Kuya Toryo

Mag-isa lang si Kristoff sa therapy room pero nakikita namin ang ginagawa nito. May dalawang metal bar na nasa gilid nito at doon siya nakahawak. May isang nag aassist sa kanya para alalayan kung sakaling ma out of balance ito. Nagagawa niyang tumayo at humakbang pero sa tingin ko ay sobrang hirap dahil grabe ang noo nito, pawisan na siya.

Ilang hibla ng kanyang buhok ay nagdikitan sa noo nito dahil sa pawis. Seryoso ang kanyang mukha habang paulit ulit ang ginagawa nito.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumayo at gustong pasukin ang therapy room ng biglang natumba ito. Mas malala 'yon katulad nung naunang laglag. May mat naman na nakalatag sa baba kaya kahit papaano ay hindi gaano kasakit kapag matutumba pero parang grabe naman yung tumba niya ngayon.

"Hayaan mo siya, Ma'am," dinig kong wika ni Kuya Toryo na ikinalingon ko. "Minsan kailangan din ni sir matutong tumayo sa pagkakatumba ng walang tulong o aalalay. Alam nating mahirap pero hindi sa lahat ng oras may tutulong sa kanya."

"Pero iba naman po yung sa sitwasyon niya ngayon."

"Alam ko, Ma'am. May ibang tao rin po kasi na umaasa nalang sa isang tao na nakakasama nila o tumutulong sakanila kaya. Mas maganda siguro kung pati ikaw tulungan mo sarili mo at bonus nalang yung may tumutulong sa 'yo, hindi po ba?" lumingon siya sa akin. "Alam ko naman po na hindi ganyan si Sir pero pumasok lang din po sa isip ko 'yan kaya sinabi ko nalang."

"Okay lang po," tipid ko siyang ningitian.

"Kilala ko si sir. Halos tumanda na rin ako sa hacienda nila. Si sir yung tipong tao na ayaw niyang makaabala sa ibang tao," nilingon niya ako. "Kaya pasensya kana ma'am kung may mga araw na sinusungitan ka ni sir kasi alam ko minsan iniisip niya na baka pabigat na siya sa mga magulang niya."

Mahina kong tinapik ang braso ni Kuya Toryo. "Malawak ang pagiintindi ko Kuya Toryo kaya huwag kang mag-alala. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang caregiver sa ibang bansa kaya basic nalang sa akin yung mga ganitong bagay."

Hindi ko maiwasang hindi matawa ng bigla niyang guluhin ang aking buhok. "Huwag ka mag-alala, Ma'am Anna. Lahat ng paghihirapan mo may kapalit din na ginhawa 'yan. Tiwala lang."

Mapait akong ngumiti sa sinabi nito at tinanguan nalang siya. "Sana nga po."

Lumipas ng ilang oras ay sa wakas ay tapos na rin siya. Nagusap usap pa kami sa ibang bagay ni Kuya Toryo hanggang sa maging okay ito. Tinulungan ko siyang makapasok sa loob ng van. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa aking beywang bilang alalay sa sarili nito. Nasa kabilang gilid niya si Kuya Toryo at ng okay na ay pumasok na siya sa loob ng van at naupo sa driver seat.

"Thank you," he whispered. Ningitian ko siya. "You're welcome," tugon ko at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi niya.

His whole face is like a tomato. Grabe ang pamumula dahil sa ginawa kong paghalik sa kanyang pisngi.

"Tired?" I asked.

Nakapasok na kami sa loob ng van at minamaniobra na ni Kuya Toryo ang sasakyan para makauwi na.

He nodded. "Yeah. Parang first time ko ulit magpa therapy na stop lang 'to nung pinaalis ni mommy yung huling caregiver ko."

Inabot ko ang lalagyanan ng tubig nito at binuksan. Kinuha naman niya 'yon pagkatapos ay ininuman. Nakapagpalit na rin pala siya ng damit dahil grabe ang pawis nito.

"Kuya Toryo let's drive thru sa Jollibee," utos ni Kristoff. Mukhang hindi pa siya mapakali dahil mainit parin kaya tinutok ko na sakanya ang aircon ng van sa pwesto namin.

"Sige po, Sir."

Nag order agad kami ng makarating sa drive thru ng fastfood restaurant. Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makapasok na kami sa Monsietta. Nakaidlip pa si Kristoff sa aking balikat habang magkasiklop ulit ang aming palad. Kalmado ang paghinga niya na akala mo ay ito lang ang maayos na tulog na naranasan nito.

Naalimpungatan din siya ng mga ilang minuto at nilingon ang bintana. Tinignan niya si Kuya Toryo at tinawag ito.

"Kuya sa dagat muna tayo," wika nito.

"Okay po, sir," mabilis na tugon ni Kuya Toryo.

Dagat? May dagat pala rito?

Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Anong gagawin mo ro'n," naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ako mag-isa ro'n, Hon. You're coming with me," tugon nito sa malambing na tono.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro