CHAPTER 15
CHAPTER 15
LUMIPAS NA NG ISANG linggo simula noong pagbisita ko sa hospital dahil dinugo si Anna. Bilang pangako kay mama na ako na magbabayad ng hospital bills ni Annie ay ng makasahod ako pinadala ko agad ang kalahati no'n sakanila kasama ang allowance nila. Namimilit din kasi si mama na dagdagan daw 'yon dahil wala na raw siyang pera.
Kaya ngayon ay namomorblema ako dahil ako naman ang wala ng pera. Hindi naman sa walang wala na. Meron pang natira pero ayaw ko kasi na zero balance ang pera sa wallet ko. Aangal pa sana ako ng bawawasan kahit kaonti pero ang nangyari ay nagalit pa si Mama sa akin kaya wala na rin akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang gusto nito.
Pinapacheck ko rin si Annie paminsan minsan kay Anton para malaman ko kung maayos na ba ang kalagayan nito dahil hanggang ngayon ay wala parin kaming kibuan. Si Marcus naman ay tuluyan ng lumayas sa bahay dala ang kanyang mga gamit na imbis kami nalang sana magpapadala niyon sa bahay ng kanyang magulang.
Pagkahapon din noong araw na umalis si Marcus sa hospital room ni Annie ay sinundo na ako ni Kuya Toryo. Gusto ko pa sana na tumagal doon ng ilang oras pero hindi nalang. Pinagbigyan na nga lang ako ni Ma'am Marina na umalis kahit nasa trabaho pa ako kaya hindi ko na aabusuhin iyon.
"What's on your mind?" he asked. "Are you okay?"
Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ang boses ni Kristoff. Nandito na naman kami ngayon sa lanai ng garden nila. Parang nagiging routine na rin namin na tumambay rito palagi mga bandang hapon. Ang totoo niyan maganda ang tanawin sa bakuran nila. May mababang harang lang bandang dulo na nagsisilbing gate para walang makapasok. May mga burol din sa malayo at mga naglalakihang puno.
Maganda na rin ang klima ngayon kaya maganda mag sight seeing dito sa bakuran nila. Ilang araw din malakas ang ulan dahil sa bagyo pero mabuti nalang safe kaming lahat.
"Wala bakit? 'Tsaka okay lang ako, Kristoff," sagot ko.
Kung noong una ay nakatutok siya sa kanyang laptop ngayon ay may binabasa na siyang novel. Mabuti nga at hindi siya naboboring sa ginagawa nito.
Tumingin siya sa akin ng ilang segundo bago isarado ang librong hawak nito. Nag-iwan lang siya ng palatandaan kung saan siya tumigil sa pagbabasa.
"I'm not really convinced that you're okay," tugon nito sa akin.
Napakamot nalang ako sa aking ulo sa sinabi nito.
"Iniisip ko parin si Annie," pagkukwento ko sa kanya.
Nabanggit ko na rin sa kanya ang nangyari sa kapatid ko. Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya ay unti unti na akong nakakapag-open up sa kanya ng hindi ko namamalayan.
"Because she's still not talking to you?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. Binuhat ko ang aking bangko at naupo malapit sa kanya. May distansya parin sa aming dalawa pero sa kaloob looban ko ay gusto kong magkatabi talaga kami. Ewan ko ba hindi ko rin maitindihan ang sarili ko kapag tungkol kay Kristoff na ang topic.
"Siguro?" sagot ko sa patanong ng tono. "Iniwan na siya nung ex ko," wika ko.
Kumunot ang noo nito sa akin. "You're ex?" parang sinisigurado niya pa kung tama ba ang narinig nito.
"Oo bakit?"
Napakurap siya ng ilang beses bago napatango tango nalang. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa nito. May mali ba sa sinabi ko?
"You had a boyfriend..." he whispered. "You had a boyfriend."
Paulit ulit niyang binabanggit iyon sa akin. Ano bang meron sa kanya? Dumukwang ako at hinawakan ang braso nito. Mukhang nagulat pa siya sa akin ginawa kaya iniwas niya ang kanyang katawan sa akin.
"I-i'm sorry. . ." nauutal kong ani.
"It's fine. Nabigla lang ako," tugon nito.
Nang tinignan ko siya ay para siyang nagluluksa dahil sa nalaman nito. Iuusog ko sana papalayo ang aking upuan ng hulihin niya ang aking kamay at pinagsiklop 'yon. Heto na naman ang aking puso na akala mo ay teenager na sobrang kilig ang naramdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa nito. Doon ay unti unting pumasok sa aking isipan kung bakit gano'n ang naging reaksyon niya.
"Don't tell me you're jealous?" tanong ko sa kanya.
Sinalubong niya ang aking tingin. Dahil maaraw ngayon ay parang mas lalong naglight ang mala dagat nitong mata. Ang itim ng mata nito ay unti unting lumalaki habang nakatingin sa akin. Alam ko ibig sabihin no'n. . . kung bakit nag da-dilate ang mata ni Kristoff. Sinasayaw ng hangin ang buhok nitong mala ginto habang nakatingin sa akin na akala mo ay mawawala ako kapag kumurap ito.
"A-ano naman!"nauutal nitong tugon sa akin.
Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Ayaw niya ako pakawalan kahit anong tanggal ko kaya inusog ko nalang ang aking upuan sa tabi nito. Literal na makatabi na kami.
"Nagtatanong lang naman ako. Seloso ka pala, eh," natatawa kong wika.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha kasama na roon ang kanyang tenga. Hindi 'yon makakaligtas sa akin dahil nasa labas kami at maliwanag na maliwanag dito.
"You know what you're always teasing me, Anna. Lalo na nung nagkakilala tayo bago ka magka-amnesia."
Napailing nalang ako sa sinabi nito. May mga gabi na nanaginip ako tungkol sa aming dalawa ni Kristoff pero saglit lang iyon at hindi man lang tumatagal. Akala mo ay isang segundo lang siyang dumadaan sa panaginip ko pagkatapos ay wala ng kasunod.
"Sorry naman kung ginagawa ko 'yon sa'yo noon," pagpapaumanhin ko habang nagpipigil ng tawa. Nakita ko tuloy na palihim siyang sumimangot.
"Hindi mo na mababago 'yan, Anna. Even when we were a child you always tease me–"
My brows furrowed. Hindi niya natapos ang sinabi nito dahil parang narealize niya na dapat hindi niya sabihin 'yon.
"Tapusin mo ulit 'yang sinabi mo, Kristoff," wika ko sa kanya.
Umiling siya sa akin at tinignan ako. "I don't want to," he answered. "Alam kong hindi mo maalala 'yon, Anna. Mas maganda kung ikaw mismo makakaalala hindi 'yong sasabihin ko. Kung sasabihin ko 'yon iisipin at iisipin mo 'yon at baka sumakit pa ulo mo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanya. Gusto kong pilitin siya na sabihin sa akin pero may parte rin na huwag nalang dahil ako naman ang mahihirapan at hindi siya. Umangat ang tingin ko ng bigla itong humikab ang puting sando nito ay bahagyang tumaas kaya nakita ko ang tyan nito. Tumaas ang dalawa nitong kamay sa ere at ng maibaba ay pasimple niyang nilagay ang kanan nitong kamay sa kabila kong balikat.
Kaya ang kinalabasan ay nakaakbay siya sa akin.
"Change topic," usap nito sa akin. "Ilang years kayo ng ex mo?" tanong nito sa akin.
I smirked and looked at him. "That's invading my privacy," pangaasar ko. "Tinatanong mo lahat ng nagaalaga sa'yo ng ganyan?" tanong ko.
Natigilan siya sa aking tanong at napakamot sa kanyang batok bago ako tinignan. Nahihiya pa ito ng magkatinginan kaming dalawa.
"I'm asking as a friend," tugon nito. "And nacucurious lang. . ." nahihiya niyang wika sa akin.
Bakit ang cute niya?
Napailing nalang ako at pinagbigyan siya. Mas okay na ang ganito kaysa sa magbangayan kami katulad ng dati. Atsaka okay lang naman din sa akin kung paguusapan ang past relationship ko dahil wala naman na rin sa akin iyon. Ang ganoong klaseng experience ay dapat kinakalimutan na agad.
"Mahigit tatlong taon narin," tugon ko.
Nang inangat ko ang tingin ko sa kanya ay seryoso na ang expresyon ng mukha nito. Handang handa talaga siya makinig sa sinabi ko.
"Siya rin nakipagbreak kaya pumayag na rin ako," pagkukwento ko sa kanya.
"He's the one who broke up with you?" paguulit niyo sa aking sinabi.
Tumango ako. Bahagya akong yumuko at inabot ang nahulog nitong panyo. Kinuha niya naman iyon at pinatong sa lamesa pagkatapos ay narinig ko ang pagpapasalamat nito sa akin.
"Medyo malabo na rin naman na kami no'n kaya ayon pumayag nalang ako. Sumuko na rin siguro 'yon sa akin kasi sa mahigit tatlong taon naming magkarelasyon hanggang ngayon hindi niya parin nakuha 'yong gusto niyang makuha sa akin," nakangiti kong wika.
I think naka move on na ako? Kasi wala ng kirot sa dibdib kapag kinikwento ko ito. Ganoon naman siguro ano? Atsaka alam ko naman worth ko kaya dapat kinakalimutan na ang mga bagay na dapat hindi worth it iyakan.
"Anong hindi nakuha?" nakakunot nitong noo at mukhang naguguluhan pa.
"My virginity," mabilis kong tugon.
Napalunok siya ng marinig ang sagot ko. Akmang ibubuka niya pa sana ang kanyang bibig at parang may gustong sabihin pero tinikom niya nalang iyon. Napasandal siya sa sandalan ng wheelchair at nakatingala na ngayon sa kisame ng lanai pero ang kanyang kamay ay hindi na ngayon nakaakbay sa akin kundi nakaholding hands na. Kitang kita ko tuloy ang pag alon ng kanyang adams apple.
"Ang fucked up hindi ba?" natatawa kong sambit sa kanya.
"Yeah..." tipid na tugon ni Kristoff. "Masakit parin ba?" tanong niya. "Masakit parin ba kapag kinikwento mo 'yan sa iba o maski sa akin?"
Nakatingin parin ito sa kisame habang nagsasalita.
"Hindi na. Atsaka ang mga gano'ng klaseng lalake hindi deserve ng move-on. Dapat kinakalimutan na agad," sagot ko habang pahina nang pahina ang aking boses. "Pero noong magdadalawang taon na kami siguro masakit kasi pinipilit niya ako na gawin namin 'yon," mahina kong wika habang nakatingin sa magandang tanawin sa labas ng bakuran nila.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.
"He always do that. Titigil lang siya kapag iiyak na ako kasi ayaw ko pa," pagpapatuloy ko.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Wala sa sariling hinaplos ang kanyang panga. Hinuli niya naman 'yon at binigyan ng munting halik ang aking palad.
"But he didn't touch you, right? You know what I mean."
Nakatingin na ulit ito sa akin habang seryoso ang kanyang mukha. Naiinis ito at nararamdaman ko 'yon.
"No," I answered.
Para siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko. Mahina akong napasinghap ng hinila niya ang aking kamay napatayo dahil sa gulat at napaupo sa hita nito.
"Teka lang, Kristoff. Yung hita mo," ani ko. Sinubukan kong umalis sa kandungan nito pero wala akong nagawa.
"It's fine. You're not that heavy naman," tugon nito.
Mahina akong natawa dahil si Ma'am Marina ang naalala ko sa kanya. May pagka conyo rin pero ayos lang ang cute naman nilang dalawa.
Namayani ang katahimikan sa aming pwesto ngayon. Bumaba ang aking tingin ng sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. Sinuklay ko ang kanyang buhok na mala ginto at pinaglalaruan iyon dahil apakalambot nito.
"May gusto ka ba sa 'kin, Kristoff?" bigla kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot pero humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalo pang sinubsob ang mukha sa aking dibdib. Mabuti nalang at medyo may kalakihan ang aking dibdib kaya hindi siya dumiretso sa buto ko. Pasalamat nalang talaga ako ro'n.
"Isn't it obvious?" wika nito habang nakasubsob sa aking dibdib.
I chuckled. "Halatang halata ka," I answered while brushing his blonde hair.
"You?" he asked. "Anong nararamdaman mo?" umangat ang tingin niya sa akin.
Para tuloy siyang bata na naglalambing sa mama dahil gusto nito ng lollipop. Ang itim ng dalawang mata nito na nanlalaki habang nakatingin sa akin. Para akong nalulunod sa titig nito. Humigpit ang kapit ko sa kanyang balikat habang nakatingin sa kanya.
"I think so," I whispered.
Siguro ay gusto ko si Kristoff. Dahil na rin magaan loob ko sa kanya na sa tingin ko ay matagal ko na itong kilala sa matagal na panahon at sadyang hindi ko lang maalala dahil sa amnesia. Iyon lang yata ang humahadlang. Gustong gusto ko malaman ang nakaraan ko pero wala akong maalala at 'yon ang nakakainis.
Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito. Mukhang tuwang tuwa pa siya sa aking naging sagot.
"Then, if we get through more than 3 years, there's no way we're going to break up," he said after that I saw, he smirked.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Huh?"
"We're now official," sagot nito habang nakangiti ng nakakaloko.
NAPAKURAP AKO ng biglang may kumalabit sa akin. Nang tignan ko kung sino 'yon si Ma'am Marina pala ito. Nasa tabi nito ang bisita niya na naka corporate attire at naka cleanbun ang buhok katulad ng sa kanya.
Hindi ko alam na tulala pala ako sa center table. Ang totoo ay dapat wala talaga ako rito pero ewan ko sa amo ko bakit ako dinadamay nila sa pinaguusapan nito.
"What do you think, hija?" tanong ni Ma'am Marina.
Pinakita niya sa akin ang tablet na pagmamay-ari nung babae sa tabi nito. Wala akong nagawa kundi silipin kung ano 'yon. Nandoon na pala ang mga gagawin sa kaarawan ni Kristoff. . . ang boyfriend ko.
Muli na naman akong natulala sa pinagiisip ko. Masyado yata akong nagulat sa nangyari. Nagtrabaho lang naman ako rito pero hindi ineexpect na magkaka boyfriend ako.
Hanggang sa gabi no'n ay para akong lutang habang siya naman ay may pang aasar na ngiti habang tinitignan ako. Wala naman ng kaso sa akin 'yon dahil nasa tamang edad na kami. Hindi na kami teenager para patagalan pa ang lahat.
Inamin ko na sa kanya na may gusto ako at ganoon din siya kaya ano ng sunod no'n? Expect the unexpected nga talaga.
"Anna dear? Are you okay?"
Nabalik ako sa aking ulirat ng muling marinig ang boses ni Ma'am Marina. Pati tuloy ang katabi nito ay nakatingin na rin sa akin.
"Ay opo," tugon ko at tinignan ang mga nakalagay sa tablet.
Doon nakasulat sa document ang mga plano nila para sa birthday ni Kristoff. Mga idedesign at mga pagkain na ipapakain sa bisita at iba pa.
"Okay na po yata 'to," 'yon nalang ang naging sagot ko at binalik sa kanila ang tablet.
Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dahil wala akong kaalam alam. Si Ma'am Marina lang talaga nag aya sa akin na dito lang muna ako kasama siya dahil si Kristoff ay tulog sa kanyang kwarto.
"Are you sure?" tanong ulit nito sa akin.
Tipid ko lang siyang ningitian at tumango. Mag-iisang oras at kalahati na kami rito dahil sa pagpaplano nila. May tinatawagan din kasi itong si Ma'am Marina kaya mas lalong napapatagal. Wala naman akong maiaambag dito kaya para lang talaga akong display.
"What's happening here?"
Isang baritonong boses na mukhang kagigising lang ang narinig namin. Nakita ko agad si Kristoff na papunta sa amin. Gising na pala 'to. Tumayo ako at pinuntahan siya. Pumwesto ako sa likod nito at dahan dahang tinulak papunta sa pwesto nila Ma'am Marina para hindi na siya mahirapan pa.
"Gising kana pala," wika ko, sapat na 'yon para marinig niya.
Tumango ito. Umangat ang tingin nito sa akin at ningitian ako. Bahagya pang magulo ang buhok nito. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik nito sa aking hita hanggang makarating malapit sa pwesto nila.
"Kristoff! We're actually planning your birthday party," nakangiting wika ni Ma'am Marina.
Bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina nakita ko pa ang paghabol ng tingin ni Kristoff sa akin. Gusto kasi nito parating nakatabi, nakadikit sa akin. That's his love language, physical touch. Nakatingin parin ito sa akin hanggang sa makaupo ako kaya umiling ako para sabihin na bawal. Sumimangot lang ito at naging seryoso lang din ang mukha ng harapin ang mama nito.
Kapag malaman ni Ma'am Marina na may namamagitan sa amin ay baka magalit ito. Hindi ko alam basta parang mali yung set up namin ngayon. Natatakot lang din sa sasabihin ni Ma'am Marina sa relasyon namin ng anak niya.
"We don't need to do that, mom. I'm too old for that," pagtanggi ni Kristoff.
Umiling si Ma'am Marina. "No, Kristoff," tugon nito. "We need to celebrate your birthday and even when you get older and older you're still a baby to me," malambing na wika nito.
Napailing nalang si Kristoff sa sinabi ng ina nito.
"Also i'm planning to invite all of our workers here bilang pasasalamat na rin sa mga ginawa nila. Syempre anak kailangan din natin ishare ang blessing na narerecieve natin from god okay? sharing is caring," nakangiting wika ni Ma'am Marina.
"P'wede naman po sa ibang araw bakit sa birthday ko pa?" Kristoff asked.
"Mas masaya 'yon anak," iyon nalang ang naitugon ni Ma'am Marina.
Lumapit pa lalo si Kristoff sakanila para makita ang pinaplano nila habang ako ay nakikinig lang sa kanilang usapan. Ganito ba talaga sila magplano? inaabot ng ilang oras.
"Am I missing something?"
Napadako ang tingin ko bukana ng main door ng bahay nila ng may nagsalita. Isang lalake na naka damit pang alis at may hawak na suit case. Naka sout ito ng cap na kulay itim at shades. Nang mahubad niya ang shades doon ko nakita ang mata nito na kaparehas kay Kristoff... mala dagat din ito. Sinunod niya ang cap nito kaya lumantad ang buhok nitong mala ginto.
Narinig ko ang mahinang pagsinghap at impit ng tili ni Ma'am Marina kaya napalingon ako sa kanya. Nakahawak siya ngayon sa bibig nito habang nanlalaki ang kanyang mata.
"Darling! Welcome home!"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro