CHAPTER 13
CHAPTER 13
MABILIS LANG DIN ANG paglipas ng araw dito. Tatlong linggo na ako ritong nagtatrabaho bilang caregiver ng anak ni Ma'am Marina na si Sir Kristoff. Mahirap parin kuhain ang loob nito o magkaroon ng tiwala sa akin pero naiitindihan ko 'yon. Sa klase ng trabaho na ito kailangan mo talaga ng mahabang pasensya. Katulad nalang nito.
"Get out. I can take care myself," pangtataboy nito sa akin.
Tanghaling tapat na ngayon at tinutulungan ko siyang makatayo para makaupo sa bathtub nito. May tubig na 'yong laman at siya nalang ang hinihintay.
"Sir, baka kasi madulas kayo kung hindi kita tutulungan," tugon ko habang nakahawak parin sa braso nito na nasa aking balikat.
Maliligo na kasi ito pero ang tigas ng ulo niya dahil ayaw nito magpatulong sa akin. Ako rin naman mayayari sa mama niya kung mabagok ulo nito pag nadulas.
"Kaya ko sarili ko," madiin nitong wika sa akin.
Pilit niyang inaalis ang braso nitong naka akbay sa kabilang balikat ko pero hindi ako nagpatinag. Kahit malakas siya ay hindi ako nagpatalo na maalis ang braso nito sa akin. Dahil sa ginawa ko matalim ang titig niya. Pinagsawalang bahala ko 'yon at dahan dahan ko siyang tinulungan papunta sa bathtub nito.
Pawisan na ang noo nito at tumutulo pa 'yon hanggang leeg nito. Ilang hibla ng kanyang buhok na mala ginto ang kulay ay nakadikit na rin sa noo niya dahil sa pawis. Paano ba naman kasi kanina pa talaga kami nagtatagal dito dahil ayaw niya raw ng tulong. Kahit hindi niya sabihin o itanggi niya 'yon mahihirapan at mahihirapan talaga siya.
"Stop doing this, Anna," naiinis niyang wika sa akin.
Ang noo nito ay palaging nakakunot. Parang hindi maipinta palagi ang mukha dahil sa pagiging mainitin ang ulo sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nang makaupo siya sa bathtub ay muli niya akong tinignan.
"What?" tanong nito sa nakakainis na tono. "Get out! Hanggang dito ba naman bantay mo 'ko? Daig mo pa si mommy kung gano'n," he said while glaring at me.
Napabugtong hininga nalang ako at tumalikod. Sinarado ko ang pintuan pero ang iwan ako ng konting siwang para malaman ko agad kung may mangyayaring masama sa kanya. Pero huwag naman sana.
Nang makalabas sa banyo ni Sir Kristoff ay nagsimula akong maglinis ng kanyang kwarto. Pinagpag ko ang kama niya at pati na rin ang comforter nito. Ang mga nakakalat na libro ay inayos ko rin sa bedside table nito. Mabilis din naman ang naging kilos ko kaya natapos na rin ako.
Sa tingin ko ay tapos na rin itong si Sir Kristoff dahil narinig ko ang pagtawag nito sa aking ngalan. Lihim akong napangiti at dumungaw sa pintuan.
"Tawag niyo 'ko, sir?" nakangiti kong wika.
Kumunot ang noo nito at parang naasar sa aking sinabi.
"Isn't it obvious? Sinong Anna ba yung nandito at ikaw lang naman hindi ba?" sagot nito ng pabalang sa akin.
Napapailing na pumasok ako sa loob ng banyo at kinuha ang bathrobe nito. Habang siya ay nakatingin lang sa akin. Nakaupo ito sa bathrobe at parang bata na naghihintay sa mama niya na kunin ang towel dahil tapos na itong maligo.
"Heto na po yung bathrobe mo sir," wika ko ng makalapit sa kanya.
Sapat na ang lapit na 'yon para hindi makita ang hubad nitong katawan na alam kong ayaw niyang mangyari. Nakadrain na rin pala ang tubig sa tub nito kaya okay na na-masout ang bathrobe niya.
Kinuha niya sa akin ang bathrobe at sinuot naman 'yon. Tinulungan ko na siyang makatayo ulit at dahan dahan kaming naglakad patungo sa upuan na pahaba dito sa loob ng banyo. May pinagawa rin si Ma'am Marina na ganoon para doon didiretso maupo si Kristoff kung sakaling mabihisan dahil basa pa ito pagkagaling sa ligo.
Kung sa kama naman siya mauupo ay mababasa 'yon kaya nagpagawa sila ng ganito para sa kanya.
"Nasaan yung damit mo, sir?" tanong ko ng makaupo siya.
Hindi biro ang bigat ni Sir Kristoff sa totoo lang. Nabubuhat naman niya ang sarili pero hindi iyon sapat kaya kailangan parin ng tulong ko.
"In my closet. Just choose comfortable clothes. My underwear is in the first drawer," tugon nito habang nakatingin sa akin.
Ilang beses ko na rin itong nahuhuling nakatingin sa akin at paminsan minsan ay ang tagal niyang nakatulala sa akin. Parang hindi pa siya makapaniwala na nandito ako sa kanyang harapan.
I nodded. "Okay po. Wait lang kukuha lang ako," lumabas na ako at dumiretso sa closet nito.
Kumuha lang ako ng white cotton shirt at brown short. Hinila ko rin ang unang drawer at doon bumungad sa akin ang maayos na pagkakasalansan na underwear nito. May mga boxers at briefs din ito na halos magkakapareha lang din ng kulay. Itim na brief ang kinuha ko.
Pumasok na agad ako sa loob ng banyo at naabutan ko itong nagpapatuyo ng buhok gamit ng maliit na towel. Inabot ko sa kanya ang nakuha kong damit nito at tinanggap niya naman 'yon.
"Kailangan mo pa ba ng tulong magsout ng under—"
"No!" pagputol nito sa aking sinabi.
Nakita ko na naman ang pamumula ng kanyang mukha kasama ang kanyang tenga. Hindi na ako sumagot at hinayaan nalang siya.
"Sige po, hintayin ko nalang kayo sa labas kapag tapos kana," tanging kong tugon.
SA BUONG TATLONG linggong pagtatrabaho ko rito ay lagi kaming nagbabangayan at wala 'yong pagbabago. Paminsan minsan ay nababanggit na naman niya na kilala niya raw ako. Dahil do'n hanggang sa aking panaginip ay nadadala ko iyon.
Panaginip ko noong ako'y nasa 4th year college may kasama akong lalake sa harap ng dagat habang kumakain ng barbecue at mga bandang gabi iyon. Meron pa ay may kasama akong lalake na nakamotor at nagiistroll kami hanggang madaling araw at marami pang iba.
Kaya minsan ay nacucurious din ako kung totoo ba ang sinasabi nito o baka niloloko niya lang ako. Nakakafrustrate rin dahil kahit gusto kong alalahanin ang mga gusto kong maalala bago ako mawalan ng memorya ay hindi ko talaga magawa minsan nauuwi pa sa malalang sakit ng ulo.
"Anna."
Agad kong pinuntahan si Sir Kristoff ng tawagin ang aking ngalan.
"Kristoff! Anong ginagawa mo dito?" nanlalaking mata kong tanong sa kanya.
He chuckled, and I could hear how deep his voice is. Napahaplos siya sa kanyang leeg at tipid akong ningitian. He waved at me.
"Hi," he answered while smiling.
"Do you remember me, Anna?" he asked.
"No. I know your for almost 10+ years. Hindi mo ba ako naaalala?"
"That angklet," wika nito at mas lalong lumapit sa akin. "I'm the one who gave that to you when we're young."
"Anna!"
Nabalik ako sa aking ulirat ng marinig na may tumawag sa aking pangalan. Napakurap kurap pa ako dahil do'n. Nang tignan ko kung sino iyon ay walang iba kundi si Sir Kristoff. Seryoso ang kanyang tingin sa akin at may bahid na pag-aalala ang kanyang mukha.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay dahil inutusan ako ni Ma'am Marina na pumunta raw kami sa garden kasama itong si Sir Kristoff para makaalis alis man lang sa sarili nitong kwarto kaya nandito kami sa lanai ng kanilang garden at nagmumuni muni. Hindi ko rin namalayan na tulala ako at may kung anong scenario sa utak ang naalala.
"Are you okay?" he asked.
Naninibago ako sa pananalita nito dahil malambot ang kanyang tono. Na para bang nagaalala sa akin. Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Nanatiling tahimik ang aming pwesto at tanging huni ng munting ibon at ihip ng hangin ang maririnig.
Natigil ito sa pagtipa ng kanyang keyboard at nanatitiling nakatingin sa akin. Kumunot ang noo nito dahil hindi man lang ako sumagot sa kanyang tanong.
"I said are you okay, Anna?" he asked repeatedly.
Nagsasabi siya ng totoo na kilala niya ako. Ang lalakeng mala ginto ang buhok at ang mga mata na akala mo mala dagat sa sobrang kagandahan sa sa'king panaginip dati ay siya. Kaya magaan kahit papaano ang loob ko sa kanya kahit minsan ay nagsusungit sa akin dahil kilala ko na siya sa matagal na panahon.
Tumayo ako at nakita kong sinundan niya ako ng tingin. Binitbit ko ang aking upuan papalapit sa kanya. Mukhang nagtaka naman siya sa ginawa ko kaya napaatras ito.
"May tanong po ako," mahina kong wika sa kanya.
Mukhang napansin naman nito na seryoso ako kaya sinarado nito ang kanyang laptop at tumingin sa akin.
"Okay? What is it?" he asked.
"Naalala ko po yung tinanong mo ako kung bakit ngayon lang ako nakabalik after 4 years ago," sagot ko.
Halata sa kanya na interesado siya sa aking sinabo dahil paharap itong pumwesto sa akin.
"And?"
"Hindi ko kasi alam noon kung nagsasabi ka ng totoo kaya hindi ako naniwala. Yung panaginip ko laging paulit ulit noong nagtatrabaho ako sa Canada. May kasama akong lalake na halos parehas ng kulay ng buhok mo tapos minsan nahuhuli ko rin na kaparehas kayo ng kulay ng mata, ang kaso mabilis lang din nawawala kasi lumalabo na agad ang mukha no'n," pagkukwento ko.
Napakurap siya sa sinabi ko. Ngayon naman ay napansin ko na parang masaya siya na excited siya sa aking sinabi.
"Ngayon ko lang din naalala na ikaw pala 'yon. Nang maaksidente kasi ako pagkagising ko wala akong maalala," mahina kong wika sa kanya.
Napayuko ako at pinaglaruan ang aking daliri sa kamay na nakapatong sa hita ko. "Kalahati ng buhay ko hindi ko alam hanggang ngayon kaya pasensya kana kung wala talaga akong maalala sa ibang bagay na nababanggit mo sa akin kung magkasama man tayo no'n," pagtutuloy ko sa aking kwento.
Umangat ang aking tingin ng maramdamang may humawak sa aking kamay. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin. Nakaupo ito sa kanyang wheel chair habang nakatingin sa akin. Siya na rin ang kusang nagsiklop sa aming mga palad habang malambot ang expresyon sa kanyang mukha. Wala na ang naiinis nitong expresyon sa akin palagi kapag magkasama kami.
May kung anong humaplos sa aking puso dahil doon. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko dahil magkahawak kami ng kamay. Bakit ganito nararamdaman ko? Kinikilig ba ako? Para rin kinikiliti ang tyan ko dahil magka holding hands kaming dalawa.
"Sir. . . teka mali po 'to," wika ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakasiklop sa akin.
Siya naman ngayon ang nagmamatigas na huwag alisin. Mariin ang hawak niya roon habang nakatingin sa akin. Wala naman na akong magawa dahil mas malakas siya kumpara sa akin. Liit liit ko lang tao eh.
"Can you at least here me out?" he whispered. Halos hindi siya makapaniwala sa aking sinabi at wala sa sariling hinaplos ang aking pisngi. "I'm sorry, Anna. I didn't know that you had amnesia. When you had the accident, I was the one who brought you to the hospital. After that, the doctor called your mom. In a few days, I want to visit you, but your mom said you don't want to see me. Sinubukan ko ng maraming beses 'yon kasi gusto talaga kitang bisitahin. I brought you fruits and foods every time I tried to visit you, but your mom doesn't want me to enter your room because I thought you didn't want to see me anymore. Pero bago paalisin kinukuha niya rin yung pagkain mo kaya binigay ko nalang din 'yon kasi para naman sa sayo 'yon."
Hindi ko alam pero kusang umangat ang aking kamay para hawakan ang kamay nitong nasa aking pisngi. Ramdam ko ang hinlalaki nitong dahan dahan ang paghaplos sa pinsgi ko.
"I'm sorry, Sir Kristoff," mahina kong tugon. "Wala talaga akong maalala sa araw na 'yon. Gusto ko man maalala pero wala akong magawa."
He smiled at me softly. "Don't force yourself, Anna. Baka sumakit ulo mo."
I nodded. "Sorry rin sa ginawa ni mama, Sir Kristoff—"
"Drop the sir. You can call me Kristoff. You used to call me that and it's really uncomfortable whenever you call me sir," pagputol nito sa aking sinabi.
"O-okay," naiilang kong tugon.
Hinaplos niya ang aking mukha at sumunod ang aking buhok. Hinayaan ko lang siya sa ginawa nito. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa iyon. Masyado na akong comfortable sa kanya kaya hinahayaan ko nalang ito. Ang puso ko rin ay parang nagwawala sa tuwa dahil sa ginagawa niya sa akin at may kung anong paro paro sa aking tyan na akala mo kinikiliti ako.
"Can I hug you?" he asked my permission. "I'm happy that you remember me now," nakangiti nitong wika sa akin.
"Of course," tugon ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Kusa siyang yumakap sa akin. Dahil nakaupo siya sa wheelchair habang ako naman ay nakatayo umabot siya hanggang sa dibdib. Matangkad din kasi ito kaya hanggang dibdib ko siya kahit na nakaupo ito. Napangiti nalang ako at natagpuan nalang ang sarili na hinahaplos ang buhok nito.
"I'm sorry for everything I said to you on you first day here, Anna," he whispered while hugging me.
Mahina akong natawa. "Okay lang ano ka ba."
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin kaya naupo na ako.
"I'm really guilty now. I didn't know you had gone through life, and I said bad things about you."
Ngayon ay malungkot ang kanyang expresyon. Parang nahihiya pa dahil sa sinabi nito sa akin. Mahina akong natawa at sinuklay ulit ang buhok nito.
"Nagsorry ka naman sa 'kin kaya ayos na," natatawa kong wika sa kanya.
Mukhang hindi ko pa yata siya na kumbinsido na okay lang sa akin dahil hindi parin nagbabago ang expresyon nito. Gano'n parin ito na akala mo ay nakagawa ng malaking kasalanan.
Napaangat ang aking tingin sa kalangitan ng marinig ang malakas na kulog. Naglakad agad ako sa likuran niya at hinawakan ang handle ng wheel chair nito.
"Tara na. Mukhang malakas ang ulan na dadating mamaya," saad ko sa kanya.
Pati na rin siya ay napasulyap sa langit. Nagsimulang magdilim ang kalangitan. Ang itim ng langit at halos kanina na maaraw ay nawalan na 'yon. Mahangin parin naman siya pero sobrang lamig naman ngayon.
"I can do it, Anna," he said. "I can push—"
"Mas madali kung ako nalang mag tutulak, Kristoff," nakangiti kong wika sa kanya.
Nilingon niya ako. Ngayon ay hindi na siya galit na parating nakikita ko sa tuwing ako gumagawa ng bagay na gusto nito o 'di kaya tinutulungan siya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin at wala na ang palaging nakakunot na noo nito o akala mo hindi palagi maipinta ang muhka.
Kinuha niya ang laptop na nakapatong sa kahoy na table. Inabot ko na rin ang tumblr nito na naglalaman ng tubig pagkatapos ay pinatong sa kanyang hita.
"Anna? Pakipasok na si Kristoff ngayon. I heard on TV na may paparating daw na bagyo. Baka maabutan kayo ng ulan d'yan."
Parehas kaming napatingin sa dalawang nakabukas na pintuan. Nandoon na pala ang si Ma'am Marina. As usual ang suot nitong pambahay ay akala mo pang alis. Naka clean bun ang buhok nito at wala kang makikita ni isang hibla ng buhok na nakatigwas.
"Papasok na po kami, Ma'am," tipid ko siyang ningitian.
"Okay. Pakidiretso na siya sa kwarto niya, hija. Magpapatulong pa kasi ako mag pa sara ng mga bintana sa buong bahay kasi malakas daw yung bagyo. Mas okay na ang handa 'di ba?"
"Kaya nga po. Mauuna na po kami Ma'am Marina," pagpapaalam ko.
Hinawakan ko ang handle ng wheel chair ni Kristoff at dahan dahang tinulak 'yon. Nanatiling nanahimik si Kristoff sa wheelchair nito hanggang sa makarating kami sa kwarto nito.
Tinulungan ko siya na makaupo sa kama nito. Nagtataka ako dahil biglang nanahimik ito. Tinaas ko ang comforter hanggang sa hita nito at pinagmasdan siya.
Blanko lang ang expresyon ng kanyang mukha at ang hirap isipin kung anong tumatakbo sa isipin nito. Kinuha ko ang tumblr at laptop nito na naiwan sa wheelchair. Pinatong ko ang tumblr sa bedside table at nilagay sa tabi niya ang laptop nito.
"Ilolock ko lang yung glass sliding door sa balcony mo," mahina kong wika sa kanya. Sapat na 'yon para marinig niya.
Wala akong narinig na sagot. Nanantili itong tahimik habang malayo lang ang tingin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil do'n.
Okay lang ba siya? may nararamdaman ba 'tong hindi niya sinasabi sa akin?
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa glass sliding door ng balcony para ilock 'yon. Kahit nakatanaw lang ako sa glass sliding door ng balkonahe nito ay kitang kita ko ang pangingitim ng langit at handa ng bumagsak ang malakas na ulan. Sinecure ko na nakalock talaga ng maayos ang glass sliding door at hinila ang window blinds na itim para hindi makita ang labas.
Dahan dahan akong bumalik sa pwesto ni Kristoff na ngayon ay nagtitipa sa keyboard ng kanyang laptop. Blanko parin ang expresyon ng kanyang mukha at seryoso na seryoso sa harapan ng laptop nito.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya sa mababang boses. "If you have a problem you can share it to me, Kristoff."
Umangat ang tingin niya sa akin. "Don't worry, Anna. I'm fine," tugon nito.
Nakabukas lang ang dim lights sa sarili nitong kwarto ngayon. Ang kanyang mata na mala dagat ang kulay ay kitang kita ko. Heto siguro ang pinakamagandang parte sa buong katawan nito bukod sa mala ginto nitong buhok na magulo.
"I know you're not okay," I mumbled.
"He's coming back," he answered.
Kumunot ang noo ko sa sinagot nito sa akin. Nakatingin nalang siya sa screen nito at hindi na nagtatype sa kanyang keyboard.
"My father. Babalik na ulit siya rito at paniguradong wala na namang nahanap na doctor na makakapagpagaling sa akin," seryoso nitong wika.
Napabugtong hininga ako at naupo sa kama nito. Sa bandang gilid lang at sapat na 'yon na hindi kami magdikit.
"You know, Kristoff," ani ko. Doon ay napukaw ang kanyang atensyon. "Ginagawa ng papa mo yung best niya para makahanap ng magaling na doktor para sa 'yo. Kung hindi siya makahanap ngayon malay mo sa susunod hindi ba?" nakangiti kong saad.
Tinapik ko ang hita nito na nasa loob ng comforter. Kung noon ay napapakislot pa ito kapag hinahawakan ko siya ngayon ay hindi na. Komportable na yata siya sa akin.
"Gagaling ka rin. May awa rin ang diyos, Kristoff," pagpapagaan ko sa loob nito.
Umismid lang ito at hindi na ako sinagot. Inabala niya nalang ang tingin nito sa kanyang laptop at nagtype na naman. Hinayaan ko nalang siya at tumayo na sa aking pagkakaupo.
"Tawagin mo nalang ako kung kailangan mo ng tulong ko, Kristoff. Lalabas muna ako," pagpapaalam ko sa kanya.
"Okay," tipid nitong tugon sa akin habang ang kanyang maya ay nasa laptop parin.
Napabugtong hininga ako at lumabas na sa kanyang kwarto. Dumiretso ako sa silid ko na nasa tapat lang at pabagsak na naupo sa aking kama. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kung bakit siya gano'n. Kahit sino na nasa posisyon niya ay mafufrustrate eh. Mahirap talaga ang nangyari kay Kristoff.
Napahilamos nalang ako sa aking palad at nahiga sa kama. Ngayon ko nalang naramdaman ang pananakit ng aking likod. Nangangalay na siya sa totoo lang. Hapon palang ngayon kaya p'wede akong magpahinga kahit papaano. Mamayang ala syiete ay ihahatid ko ang pagkain ni Kristoff para makainom ulit ng gamot.
Kumunot ang aking noo ng marinig na tumunog ang ringtone sa cellphone ko sanhi na may tumatawag. Kinuha ko 'yon sa lamesa at tinignan kung sino ang caller.
Si mama? himala at tumawag siya. Anong meron? Naninibago tuloy ako.
"Hello? Mama bakit ka po napatawag?" bungad ko ng masagot ang call nito. Kumunot ang noo ko ng marinig ang pag iyak nito sa kabilang linya.
"Si Annie, Anna! Sinugod sa ospital. Hindi ko alam bigla nalang siyang dinugo!"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro