Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11

NANG HINDI AKO MAKASAGOT sa sinabi nito sa akin ay nilapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay. Malambot iyon halatang may nilalagay na handcream. Nakakahiya naman sa palad ko na napakagaspang.

"Anna, I already reviewed your resume last night. I just want to say that you're experience was very good. Salamat at nairekomenda ka sa amin," wika nito sa akin. Napakalambing ang kanyang boses.

"Thank you rin po, Mrs. McQuoid. Yung kaibigan ko lang din po nagsabi sa akin na naghahanap kayo ng caregiver," tugon ko.

Mahina siyang natawa at napatakip sa kanyang bibig. "You're right, Anna. Let's go to my office let's talk about our contract."

Nauna siyang pumasok at gumilid saglit. Para tuloy siyang nagwewelcome ng mga customer sa isang mamahaling hotel dahil sa ginagawa nito at nahiya naman ako dahil do'n. Hindi ako sanay na may tumatrato sa akin ng ganito kahit saglit man lang.

Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang magandang hagdanan na pacurve. Meron sa kanang bahagi at kaliwang bahagi. Kulay brown iyon at may halong konting white. Sa gitna naman ay nandoon ang nagiisang malaking vase na naglalaman ng iba't ibang klaseng bulaklak. Mas marami nga lang na rosas. Sa bandang baba ay may dalawang sofa na pa letter L at isang single sofa. Parehas iyong kulay black na may design na maliliit na dahon na kulay puti.

"Ang ganda po ng bahay niyo," pagpuri ko.

Narinig ko ang mahinang hagikgik nito. "Thank you for the compliment, Anna. actually hindi pa nga kami nakakapag-general cleaning kaya pasensya kana kung magulo kaonti."

Napatanga ako sa sinabi nito. Hindi pa ito malinis? Eh parang wala akong nakitang ni isang alikabok eh. Nauna siyang naglakad at sinundan ko siya. Pumunta siya sa kaliwang bahaging hallway. Makikita naman agad iyon pagkapasok mo sa bahay nila at sa kanang bahagi ay sa tingin ko ay dining area nila iyon.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa office ni Mrs. McQuoid. Nasa pinakadulo pala ng hallway na ito ang kanyang office at nasa kanang bahagi iyon. Bago makapunta sa office nito sa kaliwang bahagi banda ay may isang kwarto na nakasarado. Kulay itim ang pintura noon at simple ang disenyo. Sa katapat no'n ay may isang bakante rin na kwarto kulay puti naman ang kulay no'n.

"Take a seat, Anna," nakangiti niyang wika. Tinuro niya pa ang bakanteng upuan na nakalagay sa harapan ng lamesa nito.

Naupo siya sa kanyang leather swivel chair at may kinuhang papel sa drawer ng lamesa nito. Binasa niya pa ulit ito bago ako tignan.

"Come on, Anna. take a seat," wika nito sa akin sa malambing na boses.

Dahan dahan akong naupo at tinignan ang papel na hawak niya. Binigay niya iyon sa akin kaya tinanggap ko pagkatapos ay binasa ang kontrata.

"Alam mo naman na stay in ka rito hindi ba?" tanong nito sa akin.

Umangat ang aking tingin at tumango sa kanya. "Yes po," tugon ko.

She nodded. "That's good. Nakakailang palit na kasi kami ng mag-aalaga. Ang kaso walang nagtatagal dahil sa anak ko," pagkukwento nito sa akin.

Ang masaya at magiliw na tono nitong boses ay napalitan ng lungkot. Kaya may kung anong kirot ang meron sa aking dibdib.

"His behavior changed after the incident. He's personality is cold now and sometimes he's rude at me," mahina niyang wika. "Sana ikaw na ang magtagal sa pagaalaga ng anak ko, Anna."

"My son, Kristoff. He's unable to use his legs because of the accident. It was his last mission in his work. Nabagsakan ng malaking tipak na pader ang hita nito at napuruhan ng sobra ang hita niya kaya hindi na siya makalakad. Pinacheck up na namin iyon pero mababa na raw ang tyansa na makakalakad siya ng maayos katulad ng dati," Pagkukwento nito sa akin.

"Hindi kami naniniwala na hindi na siya makakalakad kaya hanggang ngayon ay naghahanap parin kami ng magaling na doctor para mapagamot ang anak namin kahit sa ibang bansa pa 'yon pupuntahan namin 'yon para sa anak namin. I love my son, Anna. He's my only son and I will do everything to make him better."

Ningitian ko siya. Kahit sino namang nanay ay gagawin ang lahat para sa anak nito. Biglang pumasok sa aking isipan si nanay. Bakit kaya kahit isang beses ay hindi man lang nagawang magaalala si mama sa akin. Habang nag kuwkento si Mrs. McQuoid ay hindi ko maiiwasan na hindi manubig ang aking mata.

"May awa rin po ang diyos, Ma'am. Huwag ka pong mag-alala," pagpapagaan ko sa kanyang loob. "Makakahanap po kayo ng magaling na doctor para sa kanya. In god's will."

She smiled at me and hold my hand. "I hope so. Ayaw ko na rin mahirapan ang anak ko kaya ginagawa na namin ang lahat para sa kanya."

Ngitian ko siya at muling binasa ang kontrata naming dalawa. Tatlong taon akong magtatrabaho sa kanila. Napanganga ako ng makita kung magkano ang aking sahod. Doble pa iyon sa kinikita ko sa Canada. Umangat ang aking tingin at nakita kong nakatingin sa akin si Mrs. McQuoid.

"How's the salary? Okay na ba 'yan o kulang pa?" tanong nito sa akin habang nakangiti.

Dahan dahan kong binaba ang papel. "Okay na po siguro ito."

Mahina siyang napatili at napapalakpak pa. May kinuha ulit ito sa drawer ng lamesa niya at binigay sa akin.

"Here's the ballpen. You can sign na d'yan. May pirma na kasi ako d'yan at sa'yo nalang ang hinihintay ko," nakangiti niyang sabi sa akin.

Tinanggap ko iyon at pinirmahan na ang kontrata. Binigay ko agad sa kanya ang papel ng matapos ako. Nilagay niya iyon sa brown envelope at binalik sa drawer nito.

"Oo nga pala, Anna. Every weekend ay day off mo kaya kung gusto mong umuwi sainyo p'wede naman pero pagkagabi ng last day mo sa day off balik ka nalang dito," pahabol na wika ng Mrs. McQuoid.

"Okay po, Ma'am. Thank you po," nakangiti kong tugon sa kanya.

Ningitian niya rin ako at tumayo na. Tumayo na rin ako at sinundan siya ng tingin.

"Let's go. Dalhin na kita sa magiging kwarto mo habang nagtatrabaho ka rito," saad nito.

Muli siyang naunang lumabas at naglakad na naman kami sa pagkanda haba haba nitong hallway. Kaya naman siyang lakarin pero malayo layo talaga siya. Delikado 'to pag kailangan mo dumumi baka matae ka sa salawal mo sa sobrang pagkahaba haba ng lalakarin mo.

Hindi naman nakakaboring ang hallway dahil may mga painting na nandoon. Kaya ayos lang din siya dahil hindi ka maboboring habang naglalakad.

Tumigil kami sa isang puting pintuan. Heto yung nakita ko bago kami makapasok sa office ni Mrs. McQuoid. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pintuan. Nandoon ang sa gilid ng kama ang maleta ko. Malinis na malinis ang magiging kwarto ko. Kulang puti at krema ang disenyo sa loob. Maliit lang ito pero okay na dahil ako lang naman ang matutulog dito.

"This will be your room, Anna," pumasok siya sa loob habang nakangiti sa akin.

"Thank you po," magalang kong tugon sa kanya. "Nakakahiya naman po parang bisita na po ako rito sa tutulugan ko palang ang ganda ganda na."

I heard she chuckled. "Gusto kong maging komportable kayong nandito sa bahay kaya ganyan," nilibot niya ang paningin sa kabuuhan ng aking kwarto. "Do you like it?" she asked.

Tumango ako. "Opo. Thank you po," pagpapasalamat ko.

"Anna, can I ask something?"

Hinarap ko siya. "Ano po 'yon?"

Naupo siya sa pangisahang upuan at nakadekwatro. Maingat niyang pinatong ang dalawa nitong palad sa kanyang hita.

"Do you have a boyfriend?" she asked.

Kumunot ang aking noo sa sinabi nito. "Wala na po. Bakit po?" tanong ko.

Doon ay mukhang nagaalanganin siya. She looked at me from head to toe.

"Well. . . you look decent naman kaya okay na sa akin. May past issue kasi sa mga naunang nag-alaga kay Kristoff. Some of them attempted to sexually assault him. Fortunately, my son immediately reported it to me, and we fired the caregiver."

Mahina akong napasinghap sa sinabi nito. "Uhmm. . . Mrs. McQuoid that's a very serious matter. Nag file po ba kayo ng kaso laban d'yan?" tanong ko.

"I was planning to but my son stopped me. Mas okay na raw na paalisin sila," sagot nito sa akin. "They take advantage my son. Gusto ko silang ipa demanda pero si Kristoff na rin pumigil sa akin. Ang bait parin ng anak ko kahit ganoon ang nangyari sa kanya pero hindi ko 'yon matatanggap bilang ina niya."

Napabugtong hininga ako. Masyadong disturbing iyon. Alam ko na hindi lang babae ang nababastos may lalake rin na nababastos pero parang ang grabe naman ang ganito.

"Don't worry, Mrs. McQuoid. Hindi po makakaya ng konsensya ko ang bagay na 'yon," seryoso kong tugon sa kanya.

Tipid niya lang akong ningitian at tumayo na. "I know you will never do it, Anna. Katapat lang ng kwarto mo ang kwarto ng anak ko. You can visit him now actually it's already his breakfast. Nakaready na sa dining area ang breakfast niya and you can start your job now," wika nito sa akin pagkatapos ay naglakad na siya sa palabas sa aking kwarto.

"Noted po. May mga tinatake po ba siyang meds after niya kumain?" pahabol kong tanong.

"Oh, I forgot to tell you. Oo meron siyang tinitake na gamot ipapaready ko nalang ulit kela manang lahat ng meds para ikaw na mag ready sa susunod na araw."

I nodded. "Okay po, Mrs. McQuoid."

She smiled at me. "And just call me Ma'am Marina. Masyadong formal ang Mrs. McQuoid."

"Okay po, Ma'am Marina."

Lumabas na siya sa kwarto ko kaya inasikaso ko ang dapat kong asikasuhin dahil maghahatid na ako ng almusal kay Sir Kristoff. Nagsout agad ako ng uniform at tinali ang aking buhok. Simpleng ponytail lang iyon. Dumiretso na ako sa dining area at nakita ko ang mayordoma nila.

"Maganda umaga po. Ako nga po pala si Anna bagong mag-aalaga kay sir Kristoff," pagpapakilala ko.

Tumaas ang isang kilay ng mayordoma at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Tumango naman siya at tinuro ang tray na nakapatong sa lamesa. Sa gilid no'n ay may ilang gamot. Kinuha ko 'yon at ningitian siya.

"Mauuna na po ako," pagpapaalam ko.

"Sana naman ay hindi ka katulad ng ibang nag-aalaga kay Kristoff," seryosong wika nito sa akin ng makatalikod ako.

Nilingon ko ito at ningitian siya. "Huwag po kayong mag-alala hinding hindi ko po magagawa sa alaga niyo ang ginawa ng naunang caregiver sa kanya. Hindi po kaya ng konsensya ko na magawa ang bagay na 'yon."

Umismid naman ang matanda sa akin. "Mabuti naman pero wala parin akong tiwala sa 'yo. Oh siya pumunta kana sa kwarto ni Kristoff para makakain na siya ng pagkain at gamot."

Tumango ako at hindi na sumagot. Tinalikuran ko na siya at dahan dahang naglakad patungo sa kwarto ni Sir Kristoff. Habang naglalakad ay hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ni Manang. Naiintindihan ko sila kung bakit ganoon ang ugali niya sa akin dahil iniingatan niya lang si Sir Kristoff. Baka maulit kasi ang nangyari noon pero ngayon ay hindi mangyayari 'yon.

Nang makarating ako sa harapan ng kwarto ni Sir Kristoff ay kumatok muna ako bago buksan ang pintuan ng kwarto nito. Medyo madilim ang kwarto nito at tanging sinag ng araw sa labas ng bintana nito ang nagsisilbing liwanag sa kanyang kwarto. Nang lumingon ako sa malaking kama ay nakita ko agad ang anak ni Ma'am Marina—si Sir Kristoff.

Isang seryosong malalim na boses na muhkang pa-husky na rin dahil kagigising lang nito ang aking narinig.

Dahil sa sinag ng araw ay nakita ko ang buhok nitong mala ginto ang kulay. Magulo iyon at halatang kagigising lang. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng kama. Ang kanyang mata ay parang asul na dagat. Napakagandang tignan pero parang walang buhay iyon habang nakatingin sa akin.

"Who are you?"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro