Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

CHAPTER 10

WALANG EMOSYONG tinignan ko si Marcus. Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo bago ko siya lagpasan para pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok ako ay hinawakan niya ang aking braso kaya napaharap ako sa kanya.

"Anna, mag-usap tayo," seryoso niyang wika sa akin.

"Para saan pa?" malamig kong tanong sa kanya.

"For everything. . . in our relationship," tugon agad nito.

Mahina akong natawa sa sinabi niya at napailing nalang. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa braso ko at tinanggal iyon.

"Wala na tayo, Marcus. Kaya anong relasyon 'yang sinasabi mo?" natatawa kong saad sa kanya. "Atsaka hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Chinachat mo 'ko nung nasa Canada ako habang kayo na pala ng kapatid ko. Tapos pinipilit mo pa na may mangyari sa atin kapag nakauwi na ako. Hindi ka ba marunong makuntento sa isa? Hindi pa ba sapat yung kapatid ko? Nabuntis mo na nga eh tapos maghahanap ka pa ng iba," mahaba kong wika sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa aking sinabi. Mahiya siya sa ginawa nito. Huminga ako ng malalim at tinalikuran siya.

"I'm sorry, Anna," he whispered.

Natigilan ako sa pag akyat ng hagdanan ng marinig ang sinabi nito sa akin. Muli ko siyang hinarap. Bago na ang emosyon nito sa kanyang muhka. Wala na ang tapang at galit na nakita ko nung nagkasagutan kami sa labas ng bahay.

"Sorry? kung kailan wala na?" tugon ko at pagak na tumawa. Tinignan ko siya at humalukipkip. "You know how much I love you, Marcus. Pero ngayon wala na. Kinamumuhian na kita ngayon lalo na sa ginawa mo sa kapatid ko."

"Bakit parang sinabi mo na rin sa akin na pinagsamantalahan ko si Annie kaya siya nabuntis," may bahid na inis nitong tugon sa akin. "Inaamin ko na mali yung ginawa namin pero mahal na mahal ko si Annie. Siya ang kasama ko rito noong wala ka kaya siguro nahulog na 'yung loob ko sa kanya."

"Oh tapos? Paano ako ro'n sa Canada habang naghahanapbuhay. Alam mo, Marcus mahirap ipaintindi sa inyo yung side ko kasi wala kayo sa posisyon ko habang nagtatrabaho ro'n. Siguro mali ko rin talaga kasi hindi ko binigay yung gusto mong makuha sa akin, eh. Sorry kasi ayaw ko pa talaga. May kasalanan din ako pero wala kang karapatan sabihan ako na kung mahal kita ibibigay ko 'yon sa 'yo dahil hindi doon ang basehan ng pagmamahal ng isang tao," madiin kong wika sa kanya para maintindihan niya. Bawat salita ay madiin ng pumasok sa kanyang kokote ang aking sinasabi.

"I'm really sorry, Annie. Just help Annie. . . kahit sa pamangkin mo nalang," mahina niyang wika.

Umiling ako. "Hindi. Matuto kayong harapin 'yang resulta ng ginawa niyo. Heto yung ineexplain ko sa 'yo Marcus na hindi mo maintindihan. Hindi ba ang hirap? Buntis palang asawa mo pero ganito na paano pa kaya kapag nanganak na siya at lumaki na 'yong bata. Maganda magkapamilya ng handa, Marcus. Financially stable man 'yan o mentally stable dahil mas kawawa ang nanay habang nagpapalaki ng bata," seryoso kong wika sa kanya.

"Wala pa akong nahahanap na trabaho—"

"Problema ko na ba 'yon?" pagputol ko sa sinabi nito sa akin. "Ano sa akin na naman aasa? puro si ate nalang ba? Si ate magbabayad! Si ate na bahala! Ako na naman ba?!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.

Natigilan siya sa aking sigaw. Nagtaas baba ang aking dibdib at nilalaban ang sarili na huwag tumulo ang pinipigilan kong luha.

"Marami rin akong personal na problema at wala akong balak na idadagdag 'yang pagbubuntis ni Annie. Simula na magtrabaho ako Marcus kayo ang inuuna ako. Wala na akong natira sa aking sarili kasi lahat nasa inyo na eh," mahina kong wika.

"Anna, please. Kahit para nalang sa pamangkin mo," dinig kong wika nito ng umakyat ako sa taas patungo sa aking kwarto.

Nang makapasok ay napangiwi ako ng makitang bitbit ko parin papala ang pinamili kong ulam. Naisipan ko na maligo muna bago ibaba ito dahil ako na rin ang magluluto.

Nakaligo na ako at simpleng checkered white pajama at gray shirt ang sout ko. Nagsuklay na rin ako ng buhok ng ma blower ko ito pagkatapos ay lumabas na. Napaatras pa ako ng biglang sumalubong sa akin si Anton.

"Ate," tawag nito sa akin habang ang kanyang expresyon ay may bahid ng gulat.

Ningitian ko lang siya. "Nakabili kana?" tanong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa dala nitong paperbag. Medyo marami rami rin iyon.

Tumango siya at may kinuha sa loob ng paperbag pagkatapos ay pinakita iyon sa akin bilang proweba na nakabili siya bukod doon ay total ng nagastos nito.

"Heto yung resibo, ate. May sukli pang 150," wika nito sa akin.

Binasa ko naman iyon at binalik lang din agad sa kanya. Nakita ko na may dinukot ito sa bulsa ng kanyang maong na pants. Nang makita kung ano iyon ay ito pala ang sukli sa pinamili niya.

"Heto yung sukli," nilahad niya sa akin ang pera.

Umiling ako at binalik sa kanya iyon. "Sa 'yo na 'yan, Anton. Pangdagdag mo sa allowance mo para may magastos ka sa school kung sakaling may emergency," sagot ko.

Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay niya ba iyon sa akin o hindi. Sinenyasan ko nalang siya na okay lang sa akin kaya napanatag naman ang loob nito. Binalik niya ang pera sa bulsa at tipid akong ningitian.

"Magpahinga ka muna sa kwarto mo at magluluto muna ako ng hapunan natin."

"Sige po, ate," tipid nitong tugon sa akin.

Bumaba na ako sa sala at dumiretso sa kusina. Nakita ko agad si Mama na tahimik na nanonood ng balita sa TV namin ganoon din si Annie kasama si Marcus. Magkatabi si Annie at Marcus habang si Mama ay nakaupo sa single sofa.

Sabay silang napatingin sa akin ng makita ako pero agad din nag-iwas ng tingin. Hindi ko nalang din pinansin ang ginawa nila kaya nagsimula na akong magasikaso sa kusina.

Inuna ko na ang pag saing sa rice cooker pagkatapos ay naghiwa hiwa na ng mga rekados. Magluluto ako ngayon ng pochero dahil namimiss ko na kumain no'n.

"Anna."

Sa boses palang nito ay kilala ko na kung sino. Nasa likuran ko si Mama. Hindi ko napansin ang presensya nito masyado akong nakafocus sa paghihiwa.

Naghugas ako ng kamay at nilingon ito.

"Bakit po?" tugon ko.

"May extra ka pa ba d'yan?" tanong nito sa akin. "May babayaran kasi ako. Due date na niya bukas."

"Para saan po 'yan, 'ma?" tanong ko pabalik sa kanya. "Nagbigay na po ako ng 2k para pang gastos po rito. Atsaka po may stocks pa po tayo ng groceries sa ref."

Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi siya nakasagot sa aking sinabi at inabot pa yata ng ilang segundo bago magsalita.

"Wala na yung dalawang libo ng binigay mo. Maliit lang 'yon, Anna. Ano sa tingin mo mapagkakasya ko 'yon?" naiinis niyang wika sa akin.

Umangat ang aking ulo at napatigil sa paghiwa dahil sa sinabi nito pero sa kalaunan ay pinagpatuloy ko 'yon.

"Anong ginawa mo sa dalawang libo, 'ma," tanong ko sa kanya.

"Bakit ba sa tuwing nanghihingi ako ng pera sa 'yo lagi mong kinikilatis kung saan ko ginagastos 'yon! ganon kana ba ka walang tiwala sa nanay mo?!" hindi na napigilan nitong magtaas ng boses sa akin.

Napabugtong hininga nalang ako at binuksan ang gas stove para magluto. Nang harapin ko siya ay nakahalukipkip ito at matalim ang titig sa akin.

"Kasi hindi po madaling kitain ang dalawang libo. Tapos kayo po ginagastos niyo lang ng isang araw," mahinahong tugon ko.

Hindi na ako nagtaka na lumapat ang palad nito sa aking pisngi. Nanginginig na siya sa galit habang napapailing na dinuro ako.

"Iniinsulto mo ba ako? Hindi ba p'wedeng nagsasaya magulang mo, Anna! Hindi ka ba masaya na makitang masaya magulang mo?!" sigaw nito sa akin. "Sa sugal nalang ako masaya pero hindi mo man lang ba ako masuportahan?!"

Kumunot ang aking noo. "Sugal? Kailan ka pa nagsusugal?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. "Kailangan ko ng dalawang libo, Anna. Magbibigay ka sa akin sa ayaw at gusto mo."

"Sa katapusan pa ako makakabigay ng pera sa 'yo, 'Ma," sagot ko.

Pinatay ko ang gas stove dahil wala ng tigil si mama sa pagkuda sa akin. Ganito siya kapag hindi ko nabibigyan ng pera. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya nabibigyan. Naririndi na ako at sumasakit ang aking ulo.

Halo halong boses na ni mama ang nasa isipan ko dahil paulit ulit kong naririnig kailangan niya ng pera.

"Wala ka talagang kwenta. Walang utang na loob. Lahat na sa'yo na—"

"Hindi na ako magtatrabaho sa ibang bansa," pagputol ko sa sinabi niya.

"At bakit naman, ha!? Bumalik ka ulit doon sa Canada dahil mataas ang sahod mo roon. Anong ibibigay mong pera sa amin kung dito ka mag tatrabaho? Isang libo? limang daan? tanga ka ba?!"

Huminga ako bg malalim. "May nahanap ako na trabaho mataas ang sahod kaya kukunin ko na 'yon."

"Magkano sahod no'n?" iritado nitong tanong sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko," sagot ko.

Wala akong balak na sabihin sa kanya ang magiging sahod ko. Nadala na ako noong nalaman niya ang sahod ko sa ibang bansa. Kalahati no'n ay gusto niyang mapunta sa kanya habang ang natira ay sa akin. Hindi sapat ang kalahati sa sahod ko dahil nangungupahan lang ako ng apartment doon at nagbabayad din ng kuryente at tubig. Sinunod ko nalang ang gusto niya dahil 'yon na eh. Wala na akong magagawa.

"Ang bobita mo rin eh no? Tumanggap ka ng trabaho na hindi mo alam kung magkano sahod mo?" natatawa at halos hindi makapaniwalang wika nito.

Hindi ko siya pinansin at nagluto na. Nakatalikod na ako pero naririnig ko parin ang panenermon nito sa akin.

"Kapag nalaman mo kung magkano sahod mo kalahati no'n mapupunta sa akin. Maliwanag ba?" tanong nito sa akin.

Nagpanggap akong walang naririnig at pinagpatuloy ko ang aking pagluluto. Si Annie naman at Marcus ay nasa sala parin. Walang pake sa amin na nagbabangayan na sa kusina dahil normal na ito sa pamilya namin.

Napaangat ang aking ulo ng biglang hilain ni Mama ang buhok ko. Mahigpit ang hawak niya at nanakit agad ang aking anit.

"Naririnig mo ba ako, Anna?" tanong nito habang nanggigil sa akin.

Wala na akong nagawa kundi tumango. Tipid niya akong ningitian at mabilis na hinalikan ang aking pisngi.

"Iyon naman pala, eh. Madali lang naman sumagot bakit parang nahihirapan kapa. Para ka namang walang konsensya kung makikita mo kaming naghihirap habang ikaw pasarap lang ang buhay," wika nito. "Tandaan mo ikaw ang bubuhay sa amin ng kapatid mo dahil obligasyon mo 'yon bilang panganay. Responsibilidad mo kami naiintindihan mo ba?" tanong nito sa akin.

May kung anong meron sa aking dibdib. Mabilis ang aking paghinga habang pinapakinggan lahat ng sinasabi sa akin ni mama. Hindi ko namalayan na matalim na pala ang aking titig sa kanya at mukhang hindi niya 'yon nagustuhan.

"Tigil tigilan mo 'ko sa titig mo na 'yan, Anna. Matuto kang rumespeto sa nakakatanda sa 'yo," gigil nitong wika sa akin. Muling niyang hinigpitan ang aking buhok kaya napadaing ako. "Naiintindihan mo ba?!"

Tumango nalang ako. "Opo."

Umalis na siya sa kusina at iniwan akong mag isa. Nang tuluyan siyang makaalis dito ay parang nagmistulang talon ang aking luha dahil walang tigil iyon sa pagtulo. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.

Deserve ko ba ito? Sa lahat ng ginawa ko para sa kanila heto matatanggap ko?

GABING GABI NA at gising na gising parin ako. Naging tahimik din ang buong gabi pagkatapos ng away namin ni Mama. Si Anton na ang nagprisinta na maghugas ng plato dahil ako na raw ang nagluto. Hinayaan ko nalang siya dahil hindi rin nagpapatalo ang isa no'n kaya wala na akong nagawa.

Nagiiscroll lang ako sa social media ko para sana magpaantok ng biglang may nag chat sa akin.

Mina:
Hi, Anna! Regarding pala sa pinagusapan natin nung nagkita tayo. Ano nakapagdecide kana ba na magtatrabaho ka ro'n?

Anna:
Hi! Oo actually hinihintay ko nalang talaga masend yung details ng pasyente ko para mas kilala ko.

Mina:
Yey! That's good. Wait lang at i-forward ko nalang yung details ng anak ni Mrs. McQuoid.

Anna:
Okay. Thanks! Kailan pala start ko?

Mina:
Tanungin ko pa saglit yung naghahanap para matanong din kay Mrs. McQuoid kung kailan ka p'wede magsimula ro'n.

Anna:
Oh. Okay! I'll wait.

Mina:
Lastly, Anna. Stay in ka pala ro'n. Huwag kang mag-alala may ipoprovide naman sila na sarili mong kwarto.

Anna:
That's good! Thank you, Mina.

Mina:
You're welcome, girl!

Nagstop na ang conversation namin nung sinend niya sa akin ang details ng anak ni Mrs. McQuoid. Natigilan ako ng makita ang pinakaloob ng file.

Kristoff McQuoid.

Pangalawa palang na magkakaroon ako ng alaga na lalake. Napailing nalang ako sa aking naisip at nagbasa pa. Napatango tango na lang ako habang tinitignan ang kabuuhan ng litrato nito.

I can't deny that he looks handsome. Ang buhok nito ay mala ginto ang kulay at muhkang napakalambot. Habang ang kanyang mata ay akala mo dagat sa sobrang ganda. Asul iyon pero parang walang buhay ang mata nito ang expresyon naman sa kanyang mukha ay blank lang. Pero hindi parin maaalis ang pagiging gandang lalake nito.

Nagdecide na ako na matulog ng matapos ko basahin ang file. Kinabukasan ay nakarecieve ako ng text na by next week ay p'wede na akong makaalis para dumiretso sa bahay nila Mrs. McQuoid.

Nagempake na rin ako ng mga importanteng gamit at s'yempre ang first aid kit hindi mawawala sa aking gamit.

Lumipas na ang ilang araw at heto na ang pinakahihintay ko, ang makapagtrabaho kanila Mrs. McQuoid. May magsusundo raw sa akin para raw hindi na ako mamasahe. Muhkang mabait din sila dahil sila na ang nagprisinta na sunduin ako imbis na magcommute papunta sa kanila.

"Mag tatrabaho ka ulit, ate?"

Umangat ang aking tingin ng makita si Anton. Nauniform ito at muhkang papasok na sa eskwelahan.

Ngumiti ako at tumango. "Oo. Stay in ako sa pinagtatrabahuan ko. Huwag ka mag alala bibisitahin ko kayo kapag may free time ako."

Tumango nalang siya. "Okay po. Ingat kayo ro'n. Pahinga rin po kayo minsan."

"Salamat. Ikaw din ingat ka. Masyado ng nanlalalim at nangingitim 'yang ilalim ng mata mo. Alam kong mahirap ang kurso mo pero makakaya mo 'yan, Anton. Kung may problema ka nandito lang si ate mo, ah. Makikinig ako huwag kang mag-alala," mahinahon kong wika sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tinapik ang kanyang balikat.

"Sige na at baka malate kana sa eskwelahan mo."

"Bye."

Nauna na siyang lumabas ng bahay habang ako chicheck ang gamit at nang marinig ang busina sa labas ng bahay ay inangat ko ang handle ng maleta at tinignan si mama.

Wala silang pake sa akin. Hanggang ngayon ay masama parin ang loob na parang kasalanan ko pa kung bakit kami naging ganito.

"Aalis na ako, 'ma. Bibisita nalang ako rito kapag p'wede akong lumabas sa pinagtatrabahuhan ko," pagpapaalam ko.

Nakita ko ang pag ismid nito habang nakatutok sa TV. Ganoon din si Annie at Marcus na hindi man lang ako magawang tignan.

"Kahit hindi kana bumalik dito, Anna. Basta huwag mo lang kaming kalimutan na padalhan ng pera kada buwan kasama ang allowance ng mga bata," seryoso nitong sagot.

Tumalikod na ako at hindi na siya sinagot dahil alam kong mapupunta na naman ito sa matinding away. Lumabas na ako at dumiretso sa gate. Agad naman akong tinulungan ng personal driver nila Mrs. McQuoid.

"Salamat po," magalang kong wika.

"Walang anuman po, Ma'am. Ako nga po pala si Toryo personal driver po ni Ma'am Marina."

"Anna naman po ang pangalan ko," nakangiti kong tugon.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat at dumiretso na sa driver seat. Naging tahimik lang ang byahe namin hanggang sa makarating kami kela Mrs. McQuoid.

Sa tingin ko ay private property itong pinasukan namin. Nakalagpas na kami sa may paarko at simpleng 'welcome' lang ang nakalagay. May nakita akong maliliit na burol at paminsan minsan ay maliliit na kabahayan. Sagana rin sa mga tanim ang nandidito at maraming puno.

Tumigil kami sa isang malaking itim na bakal na gate. Sa bandang gilid no'n ay may nakasulat na Hacienda McQuoid. Alam kong heto na iyon dahil ito lang naman ang bahay na sobrang laki.

May fountain sa gitna at doon kami umikot. Simple lang ang disenyo no'n. Isang babaeng sirena na may hawak na malaking kabibe at doon lumalabas ang tubig. Tumigil kami sa isang malaking pinto. Kulay brown iyon at napakaganda. Sa gilid ng pintuan ay may mga nakadisplay na rosas na bulaklak.

"Nandito na po tayo, Ma'am Anna," wika ng driver. "Labas na po kayo, Ma'am. Kanina pa po naghihintay sa'yo si Ma'am Marina. Yung gamit niyo naman po ako na po bahala mag dala no'n sa magiging kwarto niyo."

Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa sinabi nito. Grabe naman si Kuya Torya parang nakakaramdam ako ng princess treatment dahil sa kanya. Mahina akong natawa sa aking isipan dahil do'n.

"Gano'n ho ba. Salamat po, Kuya Toryo."

"Walang anuman po, Ma'am Anna."

Lumabas na ako at sinundan ang tingin ng kotse na dala niya kung saan siya pupunta. Umikot siya sa bandang dulo kaya dumireto na ako sa harap ng pintuan at pinindot ang doorbell.

Hindi rin nagtagal ay dahan dahang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang isang ginang. Napaka elegante ng sout nito malalaman mo na may edad na rin ito pero napakaganda niya parin at halatang maintain na maintain niya parin ang maganda nitong figure. Ayos na ayos din siya maski na rin ang buhok nito ay napakalinis ng hairstyle. Simpleng bun lang ito habang nakasout siya ng pearl earrings at pearl necklace.

She smiled at me. "You must be Anna Clarise. Am I right?" she asked.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro