Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Read more chapters on my Patreon creator page Rej Martinez and/or message my Facebook Rej Martinez to join Patrons Facebook group. Thank you!

Chapter 9

Teacher

"Dahlia..." I whispered as my eyes focused on her...

"Dahlia! Ito na ang mama mo! Naaalala mo pa ba siya?" kausap ni tiyay sa anak ko.

At this time Dahlia was already 6 years old... She just looked at me like I was still a complete stranger to her... And my heart hurt watching my daughter who was in front of me now... "Dahlia..." I called her name, and tried to reach her.

But it's as if my heart got ripped when my daughter took a step back, and away from me... As she held onto the hand of the person next to her instead... At nang mag-angat ako ng tingin, malabo na si Kiel sa paningin ko dahil sa mga luha sa mga mata ko...

I felt like losing consciousness when I saw him again... The first thing I thought was to run as far away as I could from him... Siguro nga ay natatakot pa rin ako sa kay Kiel... Pero nang makita ko na ang anak ko...parang nabawasan ang takot ko at mas nangibabaw na ang kagustuhan kong makausap at makasama ang anak ko.

Lumuhod si Kiel sa tabi ni Dahlia. "Dahlia...this is your mom..." he said to my daughter.

Muli kaming nagkatinginan ni Dahlia...

Of course it wasn't easy at first. They had few of the pictures I had shown to her. And told her that I am her mother. Pero alam ko rin na hindi pa rin madali ito para sa anak ko. And I'm just willing to do everything to be accepted by my child...

"Dito po ba matutulog si Dahlia mamaya, tiyay? Gusto ko pong makasama ang anak ko..." sinabi ko kay tiyay.

Mukhang naaawa naman siyang tumingin sa akin... "May sariling bahay kayo ni Kiel hindi lang kalayuan dito... Siguradong doon sila ngayon tutuloy ni Dahlia gaya ng palagi na rin nangyayari kapag nandito sila."

Pero hindi madaling mapalapit sa akin ang loob ng anak ko...

To be honest I did not expect this... I mean, mas inasahan ko pa siguro na inilayo na nang tuluyan ni Kiel ang loob ng anak ko sa akin. Base sa huling naaalala ko na sobrang galit siya sa akin, that he could do those horrible things to me... Kaya hindi ko talaga inasahan na ganito ang nangyayari ngayon...

"Dahlia, you can sleep with your mother tonight." Kiel said to her...

Gusto kong makasama ang anak ko. Kaya kong isantabi ang iba pang mga bagay so that I can be with my daughter. Wala nang iba pang nasa isip ko kung 'di si Dahlia. I wanted to talk to her. Gusto ko siyang kumustahin. I want to do so many things with Dahlia...

"I'll take a bath first..." Dahlia said in her small voice. She was looking at me before she looked away...

"Okay..." Pagkatapos ay pinasamahan na ni Kiel si Dahlia sa nanny.

And then we were left alone in the living room... At parang doon ko pa lang na realized ang nangyari. Gusto ko agad umatras at lumayo sa kanya. I can't stand being in the same room with him. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. As he was just looking at me, too...

"I'll just make some calls..." paalam niya na wala akong sinabi. Hindi rin ako tumango o ano. I just stood there like I was frozen... And then he turned his back and walked away...

At nang masiguro ko na wala na siya...ay doon pa lang ako nakahinga. Pakiramdam ko pa nga ay parang masyado kong pinigilan ang paghinga ko na sumakit din ang dibdib ko pagkatapos. And now I'm still trying to calm my breathing...

Napabaling ako sa glass walls ng sala. It's like a glass house in the middle of the forest... At kaharap ko ngayon ang ilog na pamilyar pa rin sa akin... Who would've thought that you can build this kind of house around here... And it's beautiful...

Naalala ko lang na wala na ang dating bahay namin dito sa lugar... But I realized that this house was near to where our old house stood years ago...

Kanina nang dumating kami rito ay nakaramdam pa rin ako ng pamamangha. I wanted to be with my daughter kaya naglakas loob akong sumama na rito... Hindi nga rin ito kalayuan kanila tiyay at sa iba pang mga kabahayan ng mga ka nayon. But this property is more private... Medyo malayo na sa karamihan at nag-iisa lang talaga itong bahay dito. Gusto ko pa ngang matakot noong una. Dahil ayaw ko talagang makasama si Kiel. Pero tumingin lang ako kay Dahlia, and thought that I'm doing this for my daughter.

And if Kiel try to harm me again... I won't let him get away... It's different now. Kahit may takot pa rin siguro ako sa kaniya, pero hindi na rin ako ang dating Ada. I know how to fight now.

"Ma'am,"

Nilingon ko ang tumawag. Inalis ko rin ang mga braso ko mula sa pagkakahalukikip kanina habang nakaharap pa sa tanawin ng ilog sa labas. Kahit gabi na ay may mga ilaw naman sa labas ng bahay kaya kita pa rin ang ilog. Humarap ako sa nanny. "Nasa kwarto na po si Dahlia." pagpapaalam nito sa akin.

"Tapos na ba siyang maligo?"

Tumango ang yaya at ngumiti. "Opo, handa na rin po siyang matulog."

Tumango na rin ako.

Nakakain na kami kanina kanila tiyay. Ang dami rin kasi nilang pinaluto dahil nandito si Dahlia at si Kiel... Kaya kumain na rin kami roon. Pagkatapos ay pumunta na nga kami rito sa bahay na ito pagkatapos dahil dumidilim na rin at gusto na ring magpahinga ng anak ko. At galing pa sila sa biyahe. Napagod din si Dahlia sa pakikipagkuwentuhan at pakikipaglaro rin sa mga batang kaedad niya rito sa nayon. I can see that my daughter got close with the people here in our small village. Mukhang madalas nga rin talaga sila rito that she already knows the people in this place.

Sumunod ako sa nanny papunta sa kwarto ni Dahlia rito. At pagkatapos akong maihatid ay iniwan na rin kami nito. Nagkatinginan kami ng anak ko pagkapasok ko sa kwarto niya. She was not asleep yet and holding a story book...

"Where's Daddy...?" she asked.

She was still distant towards me. If she can get along well even with the people in this village, pagdating sa akin, I was still a mere stranger to her...

"Uh... Hindi ko alam... I mean," inayos ko ang sarili ko sa harap ng anak ko. "he said that he'll be making some calls pa... For work siguro, anak..." marahan kong sinabi sa kaniya...

She nodded her head, at tinabi niya 'yong storybook.

"Uh, gusto mo bang basahan kita ng bedtime story mo..." sumunod ang tingin ko sa librong tinabi niya.

My daughter just looked at me... And then she shook her head. "No. I'm going to sleep na." And then without going further... Humiga na siya roon sa kama niya... At hindi na kami nag-usap pa...

And I slowly went to lay beside her... Nakatalikod siya sa akin ng higa at nakaharap sa kabilang bahagi ng kwarto. And I just watched her back as she sleep... I had the urge to touch her, to reach out and even hug her while we sleep here together... Pero ayaw ko rin istorbohin ang anak ko... Baka ayaw niyang niyayakap siya kapag natutulog...

I realized that what Dahlia might be feeling for me now can be the same as how I feel... Iyong pakiramdam na kahit mag-ina kaming dalawa ay parang hindi na namin nakikilala ang isa't isa... Pero gustong gusto kong kilalaning muli ang anak ko. Gustong-gusto ko siyang makasama. At ngayong nakasama ko na siya ay ayaw ko nang muli pang mawalay sa kaniya.

Dahlia was a smart child even in her age. She can also act more maturely compared to kids her age... Nakita ko na siyang nakikipaglaro sa mga bata sa nayon and having fun, too. Pero hindi lang puro paglalaro ang iniisip ni Dahlia...

Wala masyadong nangyari habang nasa San Carlos kami. Palagi lang akong nandoon sa kung nasaan din ang anak ko. Even when most of the times she's too busy with other things, or with the people in our nayon, ayos na sa aking nakikita ko lang siya...

At hindi na rin kami nag-usap ni Kiel. I didn't want to talk to him as well... Iniiwasan ko nga rin siya. At ayos na sa akin na hindi rin naman siya talagang lumalapit sa akin... Busy rin siya kanila Tiyoy Carlos at kagaya noon ay tumutulong din siya sa kanila... I can't blame my tiyay and tiyoy and the people here in the village, wala naman kasi silang alam sa talagang nangyari pa pagkatapos kong umalis dito noon... Hindi ko rin alam kung ano ang kwento sa kanila ni Kiel... Naging abala lang ako sa anak ko. Hindi ko na rin masyadong nakausap pa sina tiyay. Hanggang sa kailangan nang bumalik ni Dahlia sa Manila dahil mukhang kailangan din sa trabaho si Kiel... At ayaw din naman magpaiwan ni Dahlia rito sa San Carlos.

"You can stay here longer and be with your mom, Dahlia..." Sandali kaming nagkatinginan ni Kiel nang mag-angat siya ng tingin sa akin habang kinakausap ang anak. But I promptly looked away from his gaze. Hindi ko matagalan at parang kinikilabutan ako...

Although I felt happy with what he told Dahlia. Kasi gusto ko rin sana iyon na makasama pa ang anak ko rito at aalis siya. I don't have to worry about him anymore, even just for a while. And I can be with my daughter alone. Pero hindi pumayag si Dahlia na iwan siya ng papa niya...

"You've met your daughter?"

Nakangiti ako habang kausap ko si Kai sa phone. "Oo, Kai. Ang laki na niya..."

"I'm happy for you, A. Just call me when you need anything."

"Ayos lang ako. And, Kai, nagdesisyon na nga rin pala ako na manatili pa rito..." I said.

"What do you mean? You won't go back to Chicago anymore?"

"Hindi ko pa alam. Pero gusto kong makasama ang anak ko, Kai..."

"It's all right. I understand you, A... Just call me if you'll be needing my help..."

"I'll be fine, Kai." Napangiti ako. "Thank you."

Pagkatapos ay binaba na rin namin ang tawag. Pagharap ko nga lang ay nakita ko si Kiel na nakatayo na roon at parang natitigilan din... Agad naman akong napaatras. "A-Ano'ng kailangan mo?" I nervously asked him.

At nagkatinginan pa kami. Napalunok ako. Hindi ko talaga kaya na mapag-isa kami. I feel like I'm being suffocated.

"I'm just about to call you na aalis na tayo..." he said.

"May driver na susundo sa akin dito. I'll see Dahlia in Manila." I said.

He nodded but looks like may gusto pa siyang sabihin. "Who were you talking to?" he asked.

Umawang ang labi ko pero hindi ako agad nakapagsalita.

"Kai... Was it Kaizen?"

Hindi ako sumagot. Lumapit pa siya sa akin. "Huwag kang lumapit sa akin!" I stopped him.

Natigilan din siya na napasigaw ako. Ang labi naman niya ang umawang ngayon. He calmed himself down when seconds ago he was ready to confront me...

Pagkatapos ay mabilis na akong umalis doon hanggang sa makalabas na ako ng bahay nina Tiyoy Carlos. Nang makalabas na ay malalim akong huminga. And then I saw Dahlia looking at me and I tried to smile to my daughter. Hindi naman siya ngumiti pabalik sa akin at tinanong na ang nanny niya kung nasaan na si Kiel...

There was no improvements with our relationship the past days we were in San Carlos. Pero hindi ako mapapagod na sumubok pa rin pagdating namin ng Maynila. I have my savings so I got myself an apartment in Metro Manila. Sinubukan ko rin mag-apply sa school ni Dahlia para mas makasama ko rin ang anak ko kahit sa eskwela at mabuti na natanggap din naman ako.

And the next weeks I became my daughter's teacher.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro