Chapter 7
Read Chapter 34 on Patreon/Facebook group now! Message me on Facebook Rej Martinez to join. Thank you!
Chapter 7
Dahlia
Simple lang ang naging kasalan namin ni Kiel kasama ang mga ka nayon ko. Ang saya ko nang araw na iyon. Ang saya lang namin ni Kiel. Sa nayon lang kami kinasal at kahit walang pamilya ni Kiel ay ayos lang. Nakabili kami ng mga damit namin ni Kiel sa bayan. Isang simple at puting bestida lang ang sinout ko. Nakasimpleng puting mga damit lang din si Kiel. May kakilala si Tiyoy Carlos sa bayan na pwedeng magkasal sa amin Kiel kaya medyo hindi na rin kami nahirapan. Nagkatay din ng ilang mga hayop namin sa nayon at nagluto ng handa sina tiyay. Pinag-ipunan din ni Kiel ang kasal namin sa pagtatrabaho niya at pagtulong kanila tiyoy sa mga gawain sa bukid.
Nasa akin lang ang mga mata ni Kiel habang naglalakad na ako papunta sa kaniya sa gitna ng mga ka nayon ko. Kinasal kami sa isang medyo mataas na burol sa nayon at sa ilalim ng papalubog nang araw...
Kinagabihan ay nagsalusalo kami sa mga handa, nagsayawan at kantahan. It was a happy event. And one of the most memorable times in my life. Alam kong hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Ang isa sa mga araw na pinakamasaya ako.
"I love you." ani Kiel sa akin habang nakaupo na kami at nagkakasiyahan pa ang mga ka nayon sa harap namin.
Lumalalim na ang gabi at medyo nakainom na rin si Kiel kasama sina tiyoy. Pero nang tingnan ko siya ay nakita ko ang kasiyahan din sa mga mata niya at ang magandang ngiti sa mga labi niya. Ngumiti ako sa asawa ko. "Mahal na mahal din kita Kiel."
At nagtapos ang gabi namin sa unang gabi naming mag-asawa sa munting bahay na pinaghirapan din ni Kiel para sa amin. Dito kami bubuo ng sarili naming pamilya.
Tumawa ako habang buhat ako ni Kiel at pinasok sa loob ng kwarto namin. Sa huli ay kalmado lang akong ngumiti habang marahan na akong binaba ni Kiel sa kama namin. Pagkatapos ay nagsimula na niya akong marahang halikan sa mga labi ko...
"Kiel, may sasabihin ako sa 'yo..." sabi ko sa asawa ko isang araw.
"Hmm? What's is it?" Bumaling sa akin si Kiel mula sa pagsisibak niya ng kahoy para may panggatong kami at magamit kami sa pagluluto.
Ngumiti ako sa kaniya. "Magkakaanak na tayo." sinabi ko na.
Ilang linggo na rin kasing parang hindi ayos ang pakiramdam kaya nagpasama na kay tiyay sa doktor. At kinumpirma nga ni doktora na nagdadalang-tao na ako. Siyempre masaya ako sa balita at sigurado akong ganoon din si Kiel.
Nanlaki ang mga mata niya at naiwan niya ang mga sinisibak niyang kahoy sa likod lang ng munti naming bahay.
"What? Oh, God..." He looked so happy that he immediately went to where I stood and hugged me.
Binuhat pa niya ako na bahagya kong kinatili at napakapit na lang ako sa magkabilang balikat niya, at napangiti sa kasiyahan ng asawa ko nang mga sandaling iyon.
"I promise I will work harder for us and now our baby, Ada." pangako niya sa akin.
Ngumiti ako kay Kiel. "Ginagawa mo na naman iyan, Kiel. At nagpapasalamat ako sa 'yo."
Hinagkan ako ni Kiel sa noo ko na kinapikit na lang ng mga mata ko...
Lumipas ang siyam na buwan bago ako nanganak kay Dahlia. Isang magandang bata ang anak namin ni Kiel at sa awa ng Diyos ay malusog din naman siya.
"What will we name her?" Tanong ni Kiel habang tinitingnan na naming dalawa ang anak namin na nasa mga bisig ko na ngayon pagkatapos ko lang manganak.
"Dahlia..." sagot ko. Nabasa ko na noon sa libro ang pinangalan ko sa anak ko at nagustuhan ko na noon pa man.
"Dahlia, then." Ngumiti si Kiel at hinagkan ako sa noo.
Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos. At binalik din namin ang pareho naming atensyon sa aming anak. Dahlia was a small, soft and gentle baby. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng bagay at emosyon na pinaramdam sa akin ng anak ko. Ang saya at tuwa sa puso ko sa unang beses na makita at mahawakan ko siya. Dahlia made me a mother. She turned my heart into that of a mother who cared and loved deeply for her child.
Masaya na ang pagsasama namin ni Kiel noong wala pa si Dahlia. At nang dumating ang anak namin sa buhay namin ay lalo lang kaming napasaya ni Dahlia. Wala kaming problema ni Kiel kahit simple lang din ang buhay namin. Nasa bahay lang ako para mag-alaga rin kay Dahlia. At isang responsableng asawa at ama si Kiel sa anak namin. Nagpapakahirap din talaga siya sa pagtatrabaho sa bukid para makapag-provide sa pamilya niya, sa amin ni Dahlia. Kaya wala na rin akong mahihiling pa sa buhay ko kasama si Kiel at ang anak namin.
Sumama ako ngayon kanila tiyay para magbaba ng mga ani namin sa bayan at magtinda roon. Nakapagpaalam naman ako kay Kiel at alam niyang tutulong ako ngayon dahil medyo marami rin ang inani namin at para may kita rin ako. Gusto ko rin tumulong kay Kiel sa mga gastusin namin at para kay Dahlia. Na iniwan ko na muna sa isang ka nayon namin. Maaga rin namang makakauwi mamaya si Kiel pagkatapos ng trabaho niya sa bukid. At siya na ang mag-aalaga kay Dahlia.
"Magkano rito?"
Ngumiti ako at sinabi ang presyo ng paninda namin sa isang mamimili. "Isang kilo po ba?"
"Ito sa akin."
"Bayad po."
Habang abala kami ni tiyay sa mga paninda at mamimili ay noon ko unang nakita si Kaizen doon sa lugar namin. Nagbabakasakali lang siya noon sa paghahanap kay Kiel. Nag-iimbestiga sila sa paghahanap at dinala sila ng kanilang imbestigasyon sa San Carlos.
Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ko o unang iisipin. Maayos na ang buhay namin ni Kiel at alam kong masaya naman na siya sa amin ni Dahlia.
At kahit alam kong dapat ko pa ring sabihin kay Kiel ang nalaman ko at may naghahanap sa kaniya ay pinangunahan ako ng takot. Naalala ko noon si mama na hindi na binalikan ng tatay ko. Naisip ko na paano kung umalis din si Kiel at sumama sa kaibigan niyang naghahanap sa kaniya pabalik sa kung saan talaga ang buhay niya bago siya napunta sa nayon. At paano kung hindi na niya kami balikan ni Dahlia?
Natakot ako.
At siguro ay sobra rin nag-isip. Nahalata siguro ni Kaizen noon sa reaksyon ko nang makita ko ang litrato ni Kiel na dala niya at pinapakita nang malaman kong hinahanap niya ito. Kaya nagkaroon na siguro siya ng duda na may alam ako tungkol sa hinahanap nila kahit sinabi kong wala... Kaya binalikan niya ako doon sa pwesto namin ni tiyay kapag nagtitinda rito sa bayan.
"I'd like some vegetables..." aniya pa sa akin.
Hindi ko naman siya matingnan sa mga mata. Binigay ko na lang at kinilo na iyong binibili niya...
"Tiyay, baka hindi na po ako sumama bukas sa bayan." sabi ko kay tiyay nang pauwi na kami.
"Ada..." tawag naman nito sa akin.
Bumaling ako kay tiyay. Nagkatinginan kami at may nakita ako sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin. "Ada, iyong lalaki kanina..."
Mabilis kong nilapitan si tiyay at hinawakan ang mga kamay niya. I was almost hysterical. "Wala po kayong babanggitin kay Kiel. Ako na po ang magsasabi sa kaniya."
Parang naaawa akong tiningnan ni Tiyay Carlota. "Ada..."
Umiling ako at hindi ko na napigilan ang luha ko sa mga naiisip na pwedeng mangyari. Pero kung sana pala ay sinabi ko na lang din kay Kiel, pero natakot din kasi ako...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro