Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Read up to Chapter 31 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or Patrons Facebook group. Message my Facebook Author profile Rej Martinez to join for 150 PHP monthly membership that you can pay using GCash if walang debit card para sa Patreon. Thank you so much for your support!

Chapter 6

Hinaharap

"You have a beautiful smile..." Hinawakan ni Kiel ang pisngi ko.

Ngumiti lang ako sa kaniya habang nakaupo kami sa malaking bato sa tabi ng malinaw na ilog na kaharap namin ni Kiel. Ngayon ay pareho na naming paborito ang lugar na ito. Madalas na kaming pumunta rito sa may ilog. Dahil dito kami nagsimula ni Kiel. Dito sa nayon namin.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Pagkatapos ay unti-unting lumapit pa sa akin si Kiel. Kinabahan naman ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Nga pala!" Parang nagulat din siya sa halos biglaan ko ring bahagyang pagsigaw... Kabado kasi talaga ako... "Sasama ka na ba mamaya sa pagbaba sa bayan?"

"You will sell vegetables in the bayan with your tiyay and tiyoy?" tanong niya.

Tumango ako at binalik ang ngiti ko sa kaniya nang unti-unti nang kumalma sa mga nararamdaman ko... "Oo."

Tumango naman siya. "All right. I'll go with you."

Ngumiti ako.

"Tagarito ka ba talaga?" tanong ng mga babae sa kay Kiel.

Nandito na kami sa palagi naming pwesto kapag nagbababa at nagtitinda ng mga ani namin dito. Nagpatuloy ako sa pagtulong kanila tiyoy at tiyay at ganoon din si Kiel na hindi na halos tantanan ng mga babaeng namimili. "May iba pa ba kayong bibilhin?" Kumunot ang noo ko sa kanila.

Tumingin din sa akin ang mga babae at kalaunan ay umiling at umalis na. Nagbuntong-hininga ako.

"Hindi mo dapat sinusungitan ang mga mamimili..." sabi sa akin ni Kiel.

Bumaling ako sa kaniya. "Hindi naman..."

Pero bahagya lang siyang napatawa. Pagkatapos ay umiling siya na nangingiti pa rin.

Ang sabi ni Kiel ay wala raw siyang ibang taong kakausapin bukod sa amin sa nayon hanggang sa bumalik na ang mga alaala niya... Pakiramdam ko ay hirap magtiwala si Kiel... May kinalaman kaya ito sa buhay niya bago pa man siya naaksidente?

Ganoon palagi ang tagpo kapag sumasama sa amin si Kiel para magtinda ng gulay sa bayan. Palaging halos palibutan na siya ng mga babaeng mamimili. Ako naman ay nakakaramdam na ng inis kaya madalas ko rin iharang ang sarili ko dahil agresibo pa ang iba at gusto pang humawak kay Kiel.

"Huwag ka nang sumama sa amin sa susunod, Kiel." sabi ko sa kaniya.

Hindi ko agad narinig ang sagot niya. Alam kong nasa likuran ko lang siya nakatayo at nakatalikod naman ako sa kaniya habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin ngayong gabi.

"Ada..." tawag niya.

Naramdaman ko ang paglapit niya nang husto sa akin. Saglit akong natigilan sa ginagawa pero nagpatuloy pa rin.

"Nagseselos ka ba...?" bigla na lang niyang tanong sa akin.

Nagulat at halos agresibo ko naman siyang hinarap at tuluyang naiwan ang paghuhugas ng mga pinggan. "A-Ano'ng ibig mong sabihin..." Umawang ang labi ko.

Ngumiti lang sa akin si Kiel. "Ada,"

"H-Huh?" Ang bilis ng pintig ng puso ko.

"Do you...like me?"

"A-Ano..." Halos makagat ko na ang sariling dila dahil sa pagkakataranta.

Ngumiti lang muli siya. "I like you, Ada..." aniya.

Parang tumigil ako sa paghinga. Habang nanatili kaming nakatingin ni Kiel sa isa't isa.

"Ada...Kiel..."

Pareho kami ni Kiel na napatingin sa pintuan ng kusina nang marinig namin ang boses ni Tiyay Carlota na tinatawag kaming dalawa...

"I like you, Ada..." Inulit itong sabihin sa akin ni Kiel nang muli kaming mapag-isa rito sa tabing ilog...

Bumaling ako sa kaniya at nagtagal ang titig namin sa isa't isa...

At unti-unting namungay ang mga mata ko habang nakatingin din sa magagandang pares ng mga mata ni Kiel... Parang unti-unti ay naging komportable na rin ako at bumigay na ring magsabi ng totoo kong nararamdaman... "Gusto rin kita, Kiel..." nasabi ko rin.

Me and Kiel meeting and falling in love with each other was like a whirlwind... I couldn't think of anyone else other than Kiel when it comes to my feelings that I just felt for the first time. And only I can feel it with Kiel.

Marahang dinala ni Kiel ang kamay niya sa pisngi ko.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Habang hawak niya ang pisngi ko sa palad niya. Pumikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa labi ko...

Sina Tiyoy Carlos at Tiyay Carlota ang um-attend sa graduate ceremony ko sa eskwelahan. Nakangiti ako dahil masaya na nakapagtapos na rin. Galing dito ay mag-r-review naman ako para sa board exam pagkatapos. "Salamat tiyoy, tiyay." pagpapasalamat ko sa kanila para sa pagpapaaral sa akin.

Pareho naman silang mukhang proud na ngumiti sa akin. "Masaya kami na nakapagtapos ka na, Ada. Salamat din sa pag-aaral mo nang mabuti sa nakalipas na mga taon." ani Tiyay Carlota sa akin.

Ngumiti lang ako bago pa tuluyang maging masyado nang emosyunal.

"Congratulations!" bati sa akin ni Kiel nang makauwi na kami sa bahay. Ito ang naging salubong niya sa akin at may nakahanda pa siyang regalo para sa akin.

Awtomatiko naman akong ngumiti sa kaniya at bahagyang pinanlakihan ng mga mata nang pinakita niya sa harapan ko ang graduation gift niya sa akin. "Kiel..." Umawang pa ang labi ko habang tinatanggap ang regalo.

"Sana magustuhan mo..." aniya.

Niyakap ko naman sa dibdib ko ang regalong nasa loob pa ng isang gift bag. "Oo naman." Ngumiti ako sa kaniya.

Pareho lang din napangiti sa amin sina tiyoy at tiyay habang pinagmamasdan kami ni Kiel. Pagkatapos ay pumunta na rin muna sila sa kusina para ihanda ang pagkain namin.

Tiningnan ko na kung ano ang binigay sa akin ni Kiel. Isang simpleng clip lang naman ito sa buhok na nabili niya siguro sa bayan noong sumama siya kanila tiyoy. Pero maganda naman at sobrang na appreciate ko na dahil alam kong binili ito ni Kiel sa sarili niyang pera.

Binibigyan din kasi siya ni Tiyoy Carlos ng parte niya sa pagtulong sa mga gawain dito sa amin sa bukid kaya may sarili na rin pera niya si Kiel kahit habang nandito lang siya sa amin.

"Salamat, Kiel." Ngumiti ako sa kaniya.

"You're welcome." ngiti rin niya sa akin. And his smile looked happy. That it made me happy, too.

"Gusto mo na...magpakasal na tayo, Kiel?"

Ngumiti lang siya sa akin. "Ayaw mo ba? Akala ko ba mahal mo ako."

Mabilis akong umiling-iling. "Mahal kita, Kiel."

"And I'm in love with you, too. So let's get married now."

Unti-unti akong tumango sa kaniya at pumayag sa gusto niyang magpakasal na kami...

Nandito lang muli kami sa may ilog. Alam naman na nina Tiyoy Carlos at Tiyay Carlota na gusto namin ni Kiel ang isa't isa. At ayos lang naman sa kanila iyon. Siguro ay dahil nakagaanan na rin talaga nila ng loob si Kiel.

At nang ipaalam namin sa kanila na gusto na naming magpakasal ni Kiel ay pumayag naman sila pareho. "Masaya ako para sa inyo ni Kiel, Ada." sinabi pa sa akin ni tiyay.

Ngumiti naman ako. At nagpapasalamat din talaga sa suporta nila sa akin ni tiyoy.

Ilang buwan pa lang naming nakilala si Kiel pero mabait naman siya at nakuha agad niya ang tiwala ko at nang buong nayon namin. Mabait si Kiel at marunong din makisama. At masipag pa. Kaya nagustuhan din siya ng tiyoy at tiyay ko at ng mga ka nayon namin.

"Bukas na ang kasal natin, Kiel." sabi ko nang kaharap muli namin ang ilog at kakatapos ko lang maglaba rito na tinulungan din ako ni Kiel. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.

Gwapong ngumiti rin siya sa akin. "Bukas na nga. Handa ka na bang pakasalan ako?" Ngumisi pa siya sa akin.

Ngumuso naman ako at tumango-tango sa kaniya. "Oo naman." sagot kong walang pagdadalawang-isip.

"Ayos lang ba talaga sa 'yo kahit wala ka pang naaalala..." Sa totoo lang ay nag-aalala rin ako sa parteng ito ng pagkatao ni Kiel...

"It's all right, Ada. I know that even when my memories are back, my feelings for you wouldn't change." Ngumiti siya. "And no matter what, and whatever happens in the future...I know that I will love you."

"Dapat lang, Kiel... Dahil bukas ay mangangako tayong mamahalin natin ang isa't isa hanggang sa huli... At na hindi natin sasaktan ang isa't isa..."

"I will never hurt you, Ada..." aniya habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin.

Ngumiti na ako at inalis na sa isipan ko ang iba pang mga bagay. Ang mahalaga ay ang nararamdaman namin ni Kiel ngayon sa isa't isa... Nilapit niya ang mukha niya sa akin at unti-unti akong hinalikan sa mga labi ko na nagpaubaya naman ako... Gaya ng pagpapaubaya ko sa kaniya sa sarili ko...at sa hinaharap...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro