Chapter 5
Read up to Chapter 26 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or Patrons Facebook group. Message my Facebook Author profile Rej Martinez to join for 150 PHP monthly membership that you can pay using GCash if walang debit card para sa Patreon. Thank you so much for your support!
Chapter 5
Paraiso
Walang ibang maalala si Kiel kundi ang pangalan lang niya nang magising siya. He can't also remember his family name back then. At first he didn't even want to talk to us. We were all strangers to him. Pero hindi ako tumigil sa pagsama at pagkausap sa kaniya.
Tinatanong siya nina tiyay at tiyoy kung ano pa ang naaalala niya, and they were also reminding him of his accident. Pero napapahawak lang si Kiel sa ulo niya sa sakit. Kaya hindi na rin namin pinilit. Hinayaan na lang din muna namin siya.
Until after a few days he started talking to me...
"Ako si Ada." pakilala ko sa kaniya.
Hindi naman siya agad nagsalita at nanatili lang nakatingin sa akin.
Tumikhim ako bahagya. At pakiramdam ko ay hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. "Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.
"Kiel..."
Nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang sagot niya at nagsalita na rin siya sa wakas!
"Kiel..." ulit kong banggit din sa pangalan niya at ngumiti ako sa kaniya.
"Where...am...I?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya... "Ah...nasa probinsya ka ng San Carlos dito sa Negros... Hindi mo ba talaga matandaan?"
Umiling siya at humawak na naman ang kamay niya sa ulo niya. Nagbuntong-hininga ako. "Huwag mo na lang pilitin muna..." Nag-aalala ako sa kaniya.
Dadalhin din sana namin siya doktor sa bayan... Pero ayaw din ni Kiel. Parang ayaw talaga niyang gumalaw nang magising siya. I remember how confused he looked and the frustration in his eyes when he just woke up from his accident. Kaya pinili na lang din namin noon nina tiyoy at tiyay na hayaan na lang muna siya...
Kailangan ko nang bumalik sa pag-aaral pagkatapos ng semestral break lang din namin. Parang ayaw ko pang maiwan si Kiel dahil kailangan kong pumasok sa eskwela...at ako lang pa ang kinakausap niya noon.
"Ada, malilate ka na sa eskwela mo."
Bumaling ako kay Tiyay Carlota at tumango na. "Sige, po. Alis na ako, tiyay." Naiiwan pa ang mga mata ko kay Kiel na nanatili lang din doon. Sa bahay namin siya nakatira ngayon. Ayos lang naman at kaming tatlo lang din nina tiyay at tiyoy sa bahay. Tabi kami ni Tiyay Carlota sa pagtulog at pinagamit muna ni Tiyoy Carlos kay Kiel ang kwarto niya at sa labas sa sala na muna siya natutulog ngayon. Iyon din naman ang gusto ni tiyoy.
"Alis muna ako, Kiel." nakangiting paalam ko sa kaniya. Nakaupo siya doon sa upuan ng sala namin at nakatingin din sa aking paalis na ng bahay. "Balik din ako mamaya."
Nagbuntong-hininga ako at umalis na ng bahay para pumasok sa eskwela.
Kaya naman habang nasa klase ay lumilipad pa ang isipan ko sa kay Kiel. Kung ayos lang ba siya doon sa bahay. Kung paano siya kakausapin nina tiyay... Nagbuntong-hininga ako. Sana ay ayos lang si Kiel.
Pagkatapos ng klase ay deretso na ako ng uwi. Halos magmadali pa ako. May nadaanan akong nagtitinda ng turon na paborito ko. Kaya naisipan ko na rin dalhan nito si Kiel at may extra pa naman akong pera. Dinamay ko na rin sina tiyay. Nakangiti ako habang pauwi dala-dala ang bag ko at ang turon.
"Tiyay! May dala po akong turon."
Nasa labas lang kasi ng bahay si tiyay nang makauwi ako at nangunguha nang mga sinampay niyang damit na natuyo na. Ngumiti siya sa akin. "Sige, dalhin mo na sa loob. Bigyan mo si Kiel."
Tumango ako kay tiyay at nakangiti pa rin na pumasok ng bahay. At lumapad pa ang pagkakangiti ko nang makita ko si Kiel na nandoon pa rin naman. Napatayo pa siya nang makita ako at lumapit para salubungin ako.
Tinaas ko ang lagayan ng dalang turon at pinakita iyon sa kaniya. "May dala akong meryenda." sabay ngiti ko.
At unti-unti rin napangiti sa akin si Kiel. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakikita ang ngiti ni Kiel at natuwa ako. "Magtitimpla lang din ako ng juice, sandali." sabi ko at nagtungo na muna sa kusina.
Naramdaman ko namang nakasunod lang sa akin Kiel. Ngiting-ngiti pa ako habang hinahanda ang meryenda namin. "Nakapananghalian ka ba kanina, Kiel?"
"Hmm. Pinakain ako nila..."
Humarap ako sa kaniya. "Nag-usap na kayo ni tiyay?"
Umiling siya. Pagkatapos ay tumango. Bahagya naman nangunot ang noo ko. "Kinausap niya lang ako kanina...habang wala ka... Sa pagkain... Sumagot lang naman ako..."
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mabuti naman." Pagkatapos ay binalingan kong muli ang meryenda at handa nang dalhin iyon sa labas sa maliit naming sala. "Huwag ka nang mag-alala. Mabait naman ang tiyoy at tiyay ko." sabi ko sa kaniya.
"Tulungan na kita..." aniya at siya na ang nagdala ng pitsel ng juice.
Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Medyo mainit pa ito kasi bagong luto lang kanina nang mabili ko."
Nakatingin pa si Kiel sa pagkain nang mapansin ko. "Ah. Kumakain ka ba nito?" tanong ko sa kaniya.
Unti-unti naman siyang tumango habang nakatingin sa pagkain. "I think so..." sagot niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang dahan-dahan na niyang tinikman iyong turon... Naalala ko noong unang beses namin siyang pinaghain ng pagkain dito sa bahay. Sanay kasi kaming nagkakamay lang naman kumain... Nakatingin lang sa amin si Kiel noon at tinitingnan ang ginagawa namin. Hanggang sa unti-unti na rin niyang ginalaw ang pagkain niya noon gamit din ang kamay niya na parang ginaya lang din kami sa pagkain... At nakita kong hindi pa siya marunong talaga noong una...kaya tinuruan ko pa siya...
Hindi namin alam kung taga saan si Kiel. Kung sino ang pamilya niya o kung ano ba talaga ang nangyari... Gusto sana namin siyang dalhin sa doktor o sa bayan pero ayaw na rin namin siyang pangunahan at nag-a-adjust pa lang siya rito sa nayon namin...
"Sasama ka ba sa bayan ngayong linggo? Magbababa kami ng mga pananim para ibenta." ani tiyoy sa akin.
Wala naman akong pasok sa eskwela kaya sanay din naman akong sumasama sa kanila. Pero naisip ko si Kiel. "Si Kiel, po?"
"Pwede nga natin siyang isama. Para makapagtanong-tanong na rin tayo sa bayan at baka may nakakaalam tungkol sa kaniya..."
Tumango ako sa sinabi ni tiyoy. At pagkatapos siyang makausap ay pinuntahan ko naman si Kiel.
"Bababa raw tayo sa bayan itong darating na linggo. At isasama ka na rin namin. Baka may makakilala din sa 'yo doon..." sabi ko sa kaniya.
Nagkatinginan kami ni Kiel. Bago siya bumaling sa labas ng nakabukas pa naming bintana.
"Wala...ka ba talagang naaalala..." marahan kong tanong sa kaniya.
Tumingin muli siya sa akin. Pagkatapos ay umiling. At humawak na naman sa ulo niya. Nagbasa ako library ng eskwelahan ng kung ano maari ang nararanasan ngayon ni Kiel. May cell phone din ang mga kaklase ko, habang wala naman ako at nasanay na rin naman kami ng mga ka nayon ko na wala noon. Naisip ko lang na baka makatulong din ang telepono kay Kiel... "Ada..." tawag niya sa pangalan ko at agad naman akong alertong tumugon sa kaniya.
"Ano 'yon?"
"Can I stay here until I know...what to do..." aniya.
Nakatingin lang naman ako sa kaniya at nakikinig. At that time I remember how Kiel still looked lost... I knew then that he still needed time. Tumango ako sa kaniya. "Oo naman." Ngumiti ako.
Pagkatapos ay kinausap ko rin sina tiyay sa naging desisyon ni Kiel.
"Sigurado ba siya? Alam kong pwede tayong makahingi ng tulong sa bayan para sa kaniya..." Nag-aalalang ani tiyay.
"Opo. Pero iyon po ang desisyon ni Kiel... Ayos lang naman po kung nandito lang siya sa atin...?"
Parehong tumango sina tiyoy at tiyay. "Ayos lang naman, Ada." Ngumiti si tiyay kaya napangiti rin ako. "Siya," Tumingin siya kay tiyoy. Bumaling din ako sa tiyo ko.
"Kung mas komportable siyang ganoon..." Nagbuntong-hininga si tiyoy at tumango-tango na rin.
Ngumiti pa ako pagkatapos din ng naging desisyon nila.
"Kung ganoon ay mabuti sigurong huwag na lang muna natin siyang dalhin sa bayan ngayong linggo. Mukhang hindi pa siya komportable sa ibang tao. At matao doon." sabi ni tiyoy.
Tumango rin si Tiyay Carlota sa nakatatandang kapatid. Mukhang pareho sila ni tiyoy na hindi na nakapag-asawa at pinili na lang na alagaan ako at palakihin na anak naman ng kapatid din nila. Napangiti ako nang maisip na maswerte ako at mahal nila ako.
"Oo nga, Manong. Kung ganoon ay dito na lang muna talaga siya sa bahay... Nga lang ay gusto ko sanang sumama ngayon sa pagbaba...." ani tiyay.
Maagap naman akong sumagot. "Ayos lang po, tiyay. Ako na lang po ang hindi sasama sa inyo. Para may kasama po si Kiel." Ngumiti ako sa kanila.
Nagbuntong-hininga na lang sina tiyoy. At ngumiti si tiyay. Nakangiti lang din ako sa kanila.
"Kung ganoon, kung gusto ni Kiel ay ipasyal mo na lang din siya rito sa atin..."
Tumango ako kay tiyay.
Kaya pagdating ng linggo habang nasa baba sa bayan sina tiyay ay sinabi ko kay Kiel na mamamasyal din kami ngayon dito lang sa amin kung gusto niya. At pumayag naman siya.
"Ito ang mga pananim namin. Binababa at binibenta namin ito sa bayan kapag aanihin na..." Pinakita ko sa kaniya ang mga tanim naming gulay. Pagkatapos ay bumaling ako sa kaniya nang may maalala. "Naabutan kita noong isang araw na tumutulong kina tiyoy sa gawain sa bukid. Nahirapan ka ba? Ayos lang ba iyon sa 'yo?" May pag-aalala kong tiningnan si Kiel.
Naalala kong noong dumating siya rito sa amin ay maputi pa ang balat niya. Pero ngayong nagtatagal na rin siya rito sa amin at tumutulong pa sa mga gawain sa pananim namin ay mukhang unti-unti na rin siyang nagiging moreno...
Tumango naman si Kiel. "Ayos lang..."
Tumango rin ako at ngumiti sa kaniya. "Ngayon pumunta naman tayo sa ilog. Medyo pababa lang ang daanan... Pero makikita mo maganda kapag nandoon na tayo. Kasi malinaw din ang ilog dito. Dito nga rin naglalaba si tiyay..."
Nakasunod lang sa akin si Kiel habang patungo kami roon. Pero nang makita kong mukhang hindi siya sanay sa daanan ay naglahad na ako ng kamay ko sa harapan niya. Ngumiti ako. "Pasensya ka na medyo hindi maganda ang daanan natin." Pero sanay na ako rito sa amin. At naiintindihan ko naman na bago pa lang si Kiel dito sa lugar namin.
At nang humawak na rin sa kamay ko si Kiel ay saka pa lang ako nakaramdam ng parang kakaibang pakiramdam nang magdapo ang mga kamay namin sa isa't isa... Hawak-kamay kami ngayon patungo sa kung nasaan ang ilog dito. Binaling ko na lang ang mga mata ko sa dinadaanan namin...
"Ito na!" Masaya akong nakangiti nang marating na namin ang malinaw na ilog. Maririnig na rin ng malakas na agos ng tubig nito. Kanina ay sinabi ko rin kay Kiel na malapit na kami nang makarinig na ng pag-agos ng tubig. Napuna rin iyon ni Kiel.
"Do you like it here?"
Bumaling ako kay Kiel para sagutin ang tanong niya. "Oo. Maganda kasi ang parteng ito...parang sa isang paraiso..." ngiti ko nang muling binalingan ang ilog.
Tahimik dito kahit pa dinig ang agos ng tubig na magaan lang din naman sa tainga. Malinis ang tubig sa ilog na may malalaking bato sa tabi. At napapalibutan ng mga berdeng puno at halaman. Tapos ay ang ganda pa ng sikat ng araw na nagbigay ng tamang liwanag sa paligid ng lugar.
Hindi pa man ako nakakapunta sa ibang mga lugar, at alam kong malaki ang mundo... Pero para sa akin ay napakaganda nang talaga ng lugar na ito. At maituturing kong isa nang paraiso.
Bumaling muli ako kay Kiel na nakatayo rin sa tabi ko at nakita kong pinagmamasdan na rin niya ang magandang paligid. Napangiti ako.
Iyon ang unang beses na dinala ko si Kiel sa paborito kong lugar...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro