Chapter 4
Read Chapter 24 now on Patreon/Facebook group! Message to join. Thank you for your support!
Chapter 4
Fear
It's morning again in Chicago, Illinois, U.S. I did my early morning routine—I exercised a little, took a shower, had my coffee and breakfast, and prepared to leave the house to go to the school where I've been teaching here. And then I spent my time teaching the children at school...
"Teacher! Teacher, look!" tawag sa akin ng isang batang estudyante ko.
Ngumiti ako at binigay muna rito ang atensyon. At habang kausap at nakikita ko ang bata ay hindi ko maiwasang maisip din ang anak ko... Siguradong malaki na rin ngayon si Dahlia...
I inhaled and exhaled then shook the thought out of my head while I was still in school. I can't be too emotional here. I'll worry the children if I cry in front of them... At ilang taon ko na rin bang iniiyakan ang nangyari sa akin... Pero wala pa rin araw na hindi ako nagiging emosyunal kapag naiisip at naaalala ko ang anak ko...
I smiled to my student and looked at the work of other children, too...
"Goodbye, Teacher AD!"
I waved my hand goodbye to my students when our class ended.
Pagkatapos ay umuwi lang din ako sa bahay.
Agad akong ngumiti nang makita ko si Kai. "Kanina ka pa ba?" Salubong ko sa kaniya.
He smiled handsomely at me, too. "I just arrived. How's your students at school?"
"Ayos lang pa rin sa araw na ito." I smiled. I like conversing in Tagalog with Kai. Siya lang din kasi ang nakakausap ko sa lengwahe namin simula noong dumating kami rito sa US...
Naalala ko pa kung paano ako napadpad sa lugar na ito... Sa isang lugar na wala akong kakilala bukod kay Kai at lugar na bago pa sa akin noon. Because I was scared... I was so scared. But Kai helped me with everything... From the very beginning...
I remember how scared I was... How I ran endlessly with big tears in my eyes until Kaizen found me and saved me that night...
Takot na takot ako noon at gusto ko pa rin tumakbo kahit nasa loob na ako noon ng sasakyan ni Kai at nakalayo na kami sa mga humahabol sa akin...
Halos hindi pa ako makausap nang maayos ni Kai noon. Naalala kong nagmakaawa ako sa kaniya noon na ilayo ako kay Kiel dahil sa sobrang tako ko...
Kai hid me for days at his place. At ayaw ko rin lumabas sa kwarto na pinahiram niya sa akin noon. All I felt at that time was fear. Halos hindi na ako gumalaw at gusto na lang magtago dahil sa takot... At that time Kai needed to come here in Chicago dahil sa business niya. And I was so scared to be left alone... Takot na takot akong baka makita ako ni Kiel at kung ano pa ang gawin niya sa akin. Kai decided to bring me with him at that time...
"Wait lang. I'll cook dinner for us. Are you hungry already?"
Kai shook his head. "No. It's all right, I can wait." He smiled to me again and went to the living room to open the television while I'm still busy preparing our food in the kitchen.
And then after I prepared our meal I called him and we had our dinner together. Pagkatapos ay nag-usap pa kami habang tinutulungan niya ako ngayong maglinis na ng pinagkainan namin.
"Ayos lang, Kai. Tingin ko rin ay panahon na para bumalik ako... Gusto kong balikan ang mga ka nayon ko lalo na ang Tiyoy Carlos at Tiyay Carlota ko." Ngumiti ako sa kaniya. "At alam kong kailangan mo rin umuwi muna sa Japan. Kailangan mong puntahan ang parents mo doon, Kai."
"I'm worried for you, A."
Since I arrived here in the US, parang hindi ko na muling narinig na tinawag ako sa pangalan kong Ada. People I've met here calls me AD instead.
I gave Kai a reassuring smile. "Don't worry about me, Kai. I'll be all right."
He still looked worried for me. "Are you sure?"
Tumango naman ako habang nakangiti. "Oo nga. Ang kulit mo naman!" I grinned.
And then Kai chuckled. Ngumiti lang din ako.
So Kai went home to Japan to visit his parents. While the school year just ended and I've got time for vacation. Siguro nga ay may takot pa rin sa loob ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nagkita kami ni Kiel... Pero na realized ko rin na hindi na ako ang dating Ada. It's been many years already. Nakagawa na rin ako ng buhay ko sa ibang bansa. Naiintindihan ko kung bakit nag-aalala sa akin si Kai. Pero kaya ko nang lumaban ngayon.
I've been scared for a long time. I was traumatized by what Kiel did to me. But my Therapist also told me that maybe I can try to face my fear, too... Hindi ganoon kadali iyon. Pero paano kung iyon nga lang din ang paraan? Habang buhay na lang ba akong matatakot? And if that's the case then I won't be able to see my daughter again as long as I still have this fear for her father...
Humugot ako ng hininga as I set foot in the Philippine airport. Kakarating ko lang ng bansa pagkatapos ng mahaba rin na byahe. May sumundo naman sa akin sa airport at hinatid muna ako sa hotel na tutuluyan ko para makapagpahinga muna ako bago uuwi pa sa probinsya. Naisip kong unahin sina tiyay at tiyoy. Ano na kaya ang nangyari sa kanila... Sana ay maayos lang sila. Hindi na ako nakapagpaalam noon...
Tinawagan din ako ni Kai nang nasa hotel na ako. Nag-usap kami at kinumusta ang mga flight ng isa't isa.
Sa sumunod na araw ay bumiyahe naman ako pauwi ng San Carlos. At habang nasa biyahe ay naalala ko pa rin ang lahat ng nangyari simula umpisa...
"Aswang! Aswang!"
I experienced bullying during my childhood years. Nakatira kasi kami sa bundok ng San Carlos City sa Negros Occidental. At bumababa lang kami ng mga ka nayon ko sa bayan kapag mamimili kami o magtitinda rin ng mga tanim naming gulay at prutas sa bundok.
Sa nayon na namin ako lumaki. Bata pa ako nang mamatay sa pagkakasakit ang mama ko simula nang iwanan daw kami noon ng papa ko... Kaya sina Tiyoy Carlos at Tiyay Carlota na ang nagpalaki sa akin kasama ang mababait naming mga ka nayon.
"Aswang!" sigaw muli ng mga bata sa akin.
Bata pa lang ako nang makarinig din ng usap-usapan noon sa bayan habang nagsisimba kami ni tiyay at mukhang kami pa nga ang pinag-uusapan ng mga ale na nagsisimba rin. Ang balita ay aswang nga raw kaming mga nakatira sa bundok o hindi kaya ay mangkukulam, o mga engkanto...
"Tiyay, may lahi po ba tayo ng aswang o mangkukulam?" Naalala kong tinanong ko pa ito noon sa tiyay ko.
Umiling naman si tiyay at bahagya pang napatawa. "Hindi. Wala, Ada. Naku, ang mga tao talaga sa bayan kung ano-ano ang ginagawang mga istoryang kababalaghan tungkol sa atin para lang may mapag-usapan sila... Tinatakot lang din nila ang mga sarili nila."
Tumango ako sa sinabi ni Tiyay Carlota.
Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag sa akin ng aswang o mangkukulam ng mga batang ka edad ko noon. Hanggang sa natapos din naman iyon nang lumaki na kami. Nakakapag-aral ako sa bayan dahil pinag-aaral ako nina tiyay at tiyoy. Kaya tingin ko kalaunan ay nasanay na rin sa presensya ko ang mga kaklase.
"Ada, pwede ba akong sumabay sa 'yo na mag-aral?" tanong at lapit sa akin ng isang lalaking kaklase ko.
Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. Noong mas bata pa ako ay wala akong kaibigan sa eskwelahan. May mga kaibigan ako sa amin pero hindi lahat ay nakakapag-aral at kung nag-aaral din naman kagaya ko ay hindi ko rin kaklase at nasa ibang building o grade level. Ngayong nasa high school na kami ay unti-unti na rin akong nagkaroon ng mga kaibigan...
Naging palakaibigan na sa akin ang mga lalaki kong kaklase pagtuntong namin ng high school. Pero pahirapan pa rin yata ang pagkakaroon ko ng kaibigan din sana na babae. Girls were not very friendly with me way back.
"Lapit talaga siya ng lapit sa mga boys."
"Lumalapit din sila sa kaniya..."
"Paano mangkukulam nga kasi! Siguradong ginayuma niya ang mga lalaki nating kaklase!"
Naririnig ko itong usapan ng mga babae kong kaklase na siguro nga ay ako ang tinutukoy. Lalo pa at nakikita ko rin silang nakatingin sa akin habang nagbubulungan...
"Tiyay, marunong ka po ba manggayuma?" tanong ko naman kay tiyay sa bahay.
"Ano? Hindi, Ada. Saan mo ba narinig iyan?"
Nagbuntong-hininga ako. "Ibig sabihin hindi rin po ako marunong mangkulam o manggayuma..." halos wala pa sa sarili na nasabi ko ito.
Tumingin sa akin si tiyay. "Oo, wala tayong alam sa ganiyan."
Tumango ako.
"Pinag-uusapan ka pa rin ba ng mga kaklase mo?" tanong sa akin ni tiyay at tinapos na ang pagluluto niya ng hapunan namin.
Marahan akong umiling. "Hindi naman, po..."
Nagbuntong-hininga si tiyay. "Huwag mo na lang silang papansin, Ada. Wala namang katotohanan ang mga sinasabi nila tungkol sa atin."
"Pero mukhang ayaw sa akin ng mga kaklase kong babae dahil mukhang mas'yado na rin yata akong nagiging palakaibigan sa mga lalaki naming kaklase..." Nagyuko ako ng ulo. Sila lang din kasi ang gustong makipagkaibigan sa akin...
"Ada..." Hinawakan ni tiyay ang pisngi ko. "Maaring naiinggit lamang sila dahil sobrang ganda mo..." Ngumiti sa akin si tiyay. "At hindi mo kasalanan kung lumalapit sa iyo ang mga ka edad mong lalaki... Dahil panigurado ay nagagandahan din sila sa 'yo."
Nakatingin lang ako kay tiyay. Ang alam ko ay isang foreigner na turista noon dito sa amin ang papa ko. He and my mother met and fell in love... And had me. Pero hindi pa man ako pinapanganak ay umalis ang papa ko at hindi na bumalik pa.
Hinaplos ni tiyay ang mahaba at itim kong buhok na maaring nakuha ko kay mama. Maputi at makinis din ang balat ko na siguro ay namana ko naman sa papa ko na ibang lahi ang maputing balat. Pati na rin ang matangos na ilong ko. Medyo mas matangkad din ako kumpara sa mga ka edad na babae sa high school.
"Pero huwag kang magpapaniwala sa mga lalaki, Ada." Dumating na si Tiyoy Carlos at mukhang naabutan ang usapan namin ni tiyay.
"Normal lang naman ang pagkakagustuhan sa mga ka edad ni Ada, Manong."
"Bata pa si Ada, Carlota. Kaya dapat magabayan natin siya nang maayos. Lalo na sa mga ganiyang bagay."
Ngumiti lang ako kanila tiyay at tiyoy. Nagpapasalamat ako na nandito sila para sa akin at mahal nila ako.
At dahil nga mahigpit si tiyoy ay hindi ako kailanman nagkaroon ng nobyo hanggang sa nagkolehiyo na lang ako. Ayaw ko silang suwayin at wala pa rin naman sa isip ko ang pagnonobyo. Wala rin yata akong nagugustuhan sa eskwelahan at ilan na rin ang natanggihan ko dahil pagkakaibigan lang talaga ang gusto ko...
Hanggang sa isang gabi ay may inuwi na lang si Tiyoy Carlos sa bahay namin na isang lalaking walang malay... Hiniga at agad nilang ginamot ni tiyay ang ilang sugat nito...
"Sino po siya, tiyay?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam, Ada. Ang sabi ni Manong ay mukhang naaksidente raw ito."
"Hintayin na lang natin siyang magkamalay at baka masabi niya rin sa atin ang nangyari sa kaniya." dagdag ni tiyay.
Binalik ko ang tingin sa lalaki. Wala pang pasok sa eskwela nang mga panahong iyon kaya ako ang nagbabantay sa kaniya. Hanggang sa magising na siya...
Agad nagtagpo ang mga tingin namin nang magmulat siya ng mga mata dahil halos hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa mukha niya habang nakapikit pa siya kanina...
"G-Gising ka na... Tatawagin ko lang ang tiyay!" sabi ko pagkatapos ay kumilos na para puntahan si tiyay at ipaalam sa kaniya na gising na nga ito.
Pero napigilan ako sa pag-alis sa tabi niya ng kamay niyang umabot at humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako. Nilingon ko siya. Hindi pa siya agad nagsalita pero mukhang ayaw niyang iwanan ko siya...
Kumalma ako at unti-unti na lang bumalik sa tabi niya... Hinawakan ko rin ang kamay niya para ipaalam sa kaniyang dito lang ako at hindi ko siya iiwan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro