Chapter 3
Read up to Chapter 21 now on my Patreon creator page Rej Martinez or message my Facebook profile Rej Martinez to join my Patrons Facebook group. Thanks!
Chapter 3
Run
"Ako nga pala si Manang Julieta." lapit at kausap sa akin ni manang. Magaan din siyang ngumiti sa akin.
Bahagya na rin akong ngumiti sa kaniya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya kay Dahlia. Nagbuntong-hininga si manang habang nakatingin sa anak ko. "Nakatulog na siya. Hindi makapagpahinga nang maayos ang bata dahil hinahanap ka niya..."
Tumango ako at lumunok dahil parang maiiyak na naman ako.
"Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Kiel..."
Tumingin ako kay manang. Ngayon pa lang kami nagkita at nagkakilala pero pakiramdam ko ay mabait naman siya. "Kinuha lang po sa akin ni Kiel ang anak namin..." Nagbaba muli ako ng tingin kay Dahlia na mukhang mahimbing na ngayong natutulog sa mga bisig ko.
Muli ang pagbubuntong-hininga ni manang. "Si Kiel... Matagal siyang nawala at walang may nakakaalam noon kung saan ba siya nagpunta..."
Nagyuko ako ng ulo ko.
"Si Roger at Sir Kai ang umasikaso at tumulong sa paghahanap kay Kiel. Hanggang sa may nakarating na balita sa amin na nagkaroon daw ng aksidente noon malapit sa lugar ninyo... Hindi sigurado kung sasakyan ba ni Kiel iyong nahulog sa bangin dahil mukhang iba at bagong sasakyan ang ginamit niya noon habang nasa probinsya. At pinaalam din sa amin ni Sir Kai na wala nang natagpuang tao sa loob ng sumabog na sasakyan..."
At doon nagsimula si Kaizen na hanapin si Kiel sa lugar namin...pagkatapos ng ilang buwang pagkakawala nito...
Inalala ko ang mga nangyari noon. Gabi iyon at niligtas nina Tiyoy Carlos kasama ang iba pang mga kalalakihan sa nayon namin si Kiel mula sa nasusunog na nitong kotse at bago pa man ito sumabog. Nangunguha lang noon ng mga kahoy na panggatong sina tiyoy sa gubat nang marinig at makita nila ang nangyaring aksidente. Pagkatapos ay dinala na nila si Kiel sa nayon namin...
Nang magising si Kiel noon ay mukhang wala nga siyang naaalala. Wala rin kaming alam tungkol sa kaniya... And he decided to live with us while he still can't remember anything. I remember how confused and frustrated he was at times back then when he still can't remember anything before he ended in our small village.
And I was just there for him...
Nag-angat ako ng tingin kay manang at ngumiti naman siya sa akin. "Nakilala ka pala niya habang wala siya rito..." She sighed. "Hindi ko maisip noon na makakabuo rin ng sarili niyang pamilya si Kiel..." Bahagya siyang napangiti habang nakatingin muli kay Dahlia ngayon. "Matigas ang puso niya...at puro trabaho lang ang inaatupag. Hirap siyang magtiwala sa ibang tao... Kaya nang makita ko si Dahlia...ay natuwa ako." Muli siyang ngumiti nang tumingin sa akin.
Nagbaba muli ako ng tingin kay Dahlia. Kung sana ay hahayaan lang ni Kiel na mag-usap kami...at pakinggan niya lang din sana ang mga paliwanag ko... Sana ay maayos pa namin ito. Dahil sa kabila ng lahat naniniwala ako na pamilya pa rin kami. Kasal pa rin kami sa isa't isa at may anak na kami. If only he could consider... Dahil mahal ko pa rin naman siya. At pwede naming kalimutan na lang ang mga nangyari... At mapatawad niya lang ako. Pwede pa kaming magpatuloy sa maganda na naming buhay noon.
Nag-usap pa kami ni manang ng tungkol na lang kay Dahlia. Sinabi ko sa kaniya kung ano ang mga nakikita ko nang mga ayaw at gusto ni Dahlia... At kung paano... Mabait naman na baby ang anak ko.
Hanggang sa narinig na nga namin na nakabalik na si Kiel.
"Nandito na si Sir Kiel." Pinaalam ito sa amin ni Sir Roger.
Nanlaki pa rin ang mga mata ko at nakaramdam ng takot. Humigpit ang hawak ko sa anak ko.
Agad nagtagpo ang mga mata namin ni Kiel nang dumating siya. "Put Dahlia down." seryosong sinabi niya sa akin.
Lumapit sa akin si Manang. "Akin na muna ang bata, hija..."
Tumingin ako sa kaniya at bahagya pang umiling pero kinuha na ni manang ang natutulog na anak ko sa akin. Nanatili pa ang tingin ko kay Dahlia nang bigla na lang hablutin ni Kiel ang braso ko at halos kaladkarin ako paalis doon.
"Kiel—"
"Stay out of this, Kai. This isn't your business. I will still talk to you later." Seryoso niya rin binalingan si Kaizen.
Wala silang nagawa nang dalhin ako ni Kiel. Padarag niya akong pinasok sa loob ng sasakyan niya. Ilang oras ko pa lang nakakasama ang anak ko ay muli na naman siyang nawalay sa akin... "Saan mo ako dadalhin, Kiel?"
"Shut up." ngunit pagpapatahimik niya lang sa akin.
Nagmamaneho lang ng sasakyan si Kiel at nasa daanan lang sa harap ang mga mata niya. Malayo rin ang pinagdalhan sa akin ni Kiel... Dinala niya ako sa isang mukhang abandonadong lugar... Pagabi na rin nang mga oras na iyon. "N-Nasaan tayo Kiel?" Natatakot na akong tumingin sa kaniya na may seryoso lang namang mga mata.
Nakaramdam ako ng takot nang maisip ko na baka kung may anong masama siyang gawin sa akin...dahil sa galit niya pa rin... "Kiel..."
Muli niya akong hinila papasok sa isang luma at madilim na mukhang bodega... "Kiel...nasaan tayo? Ano ang lugar na ito..." Suminghap ako.
Pagkatapos ay narinig ko ang pagdating ng ilan pang mga tao. May sa limang kalalakihan ang dumating at pumasok din sa kung nasaan kami ngayon ni Kiel. "Kiel—"
"You know what to do." Bumaling siya sa mukhang mga tauhan niya.
Natakot naman ako sa nakakatakot na ngisi ng mga ito sa akin habang unti-unti rin silang lumalapit sa kinatatayuan ko ngayon. Nakaramdam ako ng panginginig. "K-Kiel..." tawag ko. Pero nakatayo lang siya doon medyo malayo na sa akin at walang emosyon lang akong tiningnan habang positibo na akong may gagawing hindi maganda sa akin ang mga tauhan niya... Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin pa rin ako kay Kiel!
Hinawakan ako ng isa sa braso ko. Nanginig na inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Umatras din ako at lumayo sa kanila. But I can only try because they kept on coming to me. "Bitiwan n'yo ako!" I shouted, scared.
Narinig ko ang mga yapak ng paa ni Kiel palapit sa amin. Tumigil ang mga tauhan niya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at nagsimulang magmakaawa. "Tama na, Kiel! Huwag mong gawin ito sa akin. Alam kong galit ka sa akin. Naiintindihan ko na ngayon. Naiintindihan ko! Patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko sa 'yo... Please, Kiel..." Nanghihina na ako habang kumakapit pa rin sa kaniya. "Ibigay mo na lang sa akin si Dahlia, at hayaan mo na lang kaming makabalik sa San Carlos. Hindi ko naman pababayaan ang anak natin. Iaalay ko kay Dahlia ang buhay ko." Umiiyak na ako habang patuloy na nagmamakaawa sa kaniya. "Parang awa mo na, Kiel..."
He removed my hands on him. "Do you still believe that I'll leave my daughter to you? Ikaw lang ang kailangan kong mawala sa buhay namin ni Dahlia, Ada."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"I will give you no other choice but to leave me and my daughter alone. And just disappear in our lives. I will give you a chance now to go and run... And don't ever think of coming back anymore. Dahil sa susunod na magpakita ka pa sa 'kin, hindi lang ito ang aabutin mo." Tinulak niya ako sa mga tauhan niya. Pumasok sa tainga ko ang ingay ng mga lalaking hindi ko kilala. I cried.
"I will count one to three... And you have to disappear in front me. This is your last chance, Ada. Run as fast as you can if you still wanna live. Dahil kapag naabutan ka ng mga tao ko..." He mercilessly said this to me.
Umiiyak ako pero nang nagsimula nang magbilang si Kiel at naririnig ko ang mga ngisi at tawa ng mga tauhan niya ay takot na takot ako at nagsimulang tumakbo paalis doon...
And I was crying that my vision was also blurry because of my tears that kept on coming from my eyes. But I ran... And I ran as fast as I can...with Kiel's words in my mind...and as I continue to cry while trying to get away...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro