Chapter 23
Chapter 23
Don't Go
Manang continue to tell me stories about Kiel's parents and Kiel growing up. I learned the he grew up aloof and can be violent sometimes because of his family background...
"Kaya si Kiel walang naging kaibigan talaga. Wala siyang kinakausap sa eskwelahan na kaklase at ang iba naman ay takot din sa kaniya..."
"Si Kai..." nasambit ko na lang nang maisip.
Tumango si manang. "Ah, oo. Si Sir Kaizen ay kababata rin ni Kiel. Magkaibigan rin kasi ang mga ama nila dahil sa negosyo. Kaya lang bumabalik ng Japan ang pamilya ni Kai at pumupunta lang dito sa Pilipinas para magbakasyon o dahil sa negosyo. Madalas kapag walang pasok sa eskwela ay nandito noon si Kai para makipagkaibigan kay Kiel. Noong una pa nga ay ayaw din kausapin ni Kiel si Kai. Pero pasensyoso naman itong si Kai at mukhang palakaibigan talaga. At ni minsan ay hindi siya natakot kay Kiel kahit isang beses noong una ay nasuntok din siya nito..." Tumingin sa akin si manang at hesitant na ngumiti.
"Ganoon ang pagkakaibigan nila. At alam kong kung may isang tao man na natutuhan ni Kiel na pagkatiwalaan ay si Sir Kaizen na iyon..."
Naghahain na kami ni manang ng mga niluto sa dining table. Mamaya ay aakyat na rin muli ako sa kwarto ni Dahlia para gisingin siya to have breakfast para rin hindi ma-late sa school.
Hindi na ako nagtanong o nagsalita at hinayaan ko na lang si manang na magkwento pa. Magpapaalam na rin ako sa kaniya na gigisingin ko na si Dahlia.
"Bata pa lang si Kiel... pakiramdam na niya ay hindi niya mapapagkatiwalaan ang mga tao sa paligid niya. Dahil nagsimula iyon sa mismong mga magulang niya. Kaya kahit ipakita pa namin sa kaniya ang pag-aalala rin namin ay hindi siya bastang lalambot. Palaging parang may mataas na pader na nakaharang sa pagitan niya at ng mga tao sa paligid niya."
Tahimik lang ako habang naglalagay naman ng mga kubyertos sa lamesa. Nakikinig naman ako sa mga sinasabi ni manang. And I get a little curious, too. But I held my tongue. At hindi na nagtanong pa. Ayaw ko na ring magtanong pa o malaman ang kahit na ano tungkol kay Kiel...
Pero nagpatuloy pa rin si manang. "Mahirap para kay Kiel ang magtiwala. Dahil pakiramdam niya lahat ng tao sa palibot niya ay nand'yan lang dahil kailangan... Pakiramdam niya ay walang taong totoong nag-aalala sa kaniya. Dahil mismong magulang niya ay walang pag-aalala para sa anak nila..." Medyo mabigat na nagbuntong-hininga si manang.
"Mommy..." We heard Dahlia coming in the dining room.
"Oh. I was just about to call you upstairs for breakfast. Gising ka na pala." Ngumiti na lang ako sa anak ko at nilapitan siya.
Dahlia smiled prettily, too. "Good morning, Mommy." Looks like she's in a good mood.
Natuwa naman ako sa pinapakita ng anak ko. Niyakap ko siya at hinagkan. "Good morning, baby. I love you."
"I love you, too, Mommy." She sweetly said to me.
Maganda naman ang ngiti ko rin dahil sa pagkakatuwa. "Did you already brush your teeth and wash your face?"
Tumango siya habang nasa loob pa rin siya ng yakap ko. And then we saw Kiel entered the dining room, too. Ngumiti siya nang makita kaming dalawa ni Dahlia doon. Tumayo naman ako nang tuwid at nagsimula na lang pakainin si Dahlia.
"Good morning." Kiel greeted.
"Good morning, Daddy!" masigla naman na bati ni Dahlia sa ama niya.
Hinagkan ni Kiel ang anak namin.
Pagkatapos ay umupo na rin ako doon and have our breakfast together.
Pagkatapos kumain, I helped in preparing Dahlia for school. Habang naliligo pa siya ay hinanda ko naman ang school uniform niya. She even said that she'll miss me in school... Ngumiti lang ako sa anak ko nang sinabi niya ito sa akin pero may kalungkutan na rin sa puso ko.
Kumatok at pumasok si Kiel sa kwarto ni Dahlia. "May I talk with you?" He asked.
"Uh," Tumango naman ako. "Dahlia's still taking a shower. Ayaw na niyang patulong sa akin sa pagligo." I sighed.
Ngumiti si Kiel. "She's really growing up."
Napatango naman ako at napanguso sa pag-iisip na lumalaki na ngang talaga ang anak ko...
"Uh, I'm here to give you this..." May inabot siya sa aking mukhang dokumento.
And I accepted and reviewed the papers... Tumingin ako kay Kiel pagkatapos kong mabasa ang nilalaman ng mga nakasulat doon.
He gave me weak smile. "I know that, tama lang na gawin ko ito... As soon as you told me that you want our marriage to end... I started to process these papers... Para hindi ka na rin mahirapan pa..." he said.
I looked at our annulment papers again. Pirma ko na nga lang ang kulang at mukhang ayos na ito...
"I'm very sorry, Ada... I won't ask you to forgive me... I deserve the hatred and loathe from you. But I just want you to know that I regret what I did to you... I regret everything... I shouldn't have done that."
Tumingin lang ako kay Kiel sa sinabi niya. Parang hindi ko pa alam ang mararamdaman ko... But it's good that he doesn't ask me to forgive him. Dahil hindi ko rin talaga alam sa sarili ko kung mapapatawad ko ba siya.
What happened to us was no joke. It got me traumatized. And it can't be easily forgotten.
Kahit siya pa ang ama ng anak ko. At minsan kaming dalawang nagpakasal at nagsama noon. Kahit pa sabihin kong minahal ko rin siya noon... Ang hirap isipin na papatwarin ko na lang siya sa ginawa niya sa akin noon...
Ang hirap kalimutan. At hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano niya ako dinala sa mukhang abandonadong lugar na iyon noon. At paano ako natakot sa mga tauhan niya nang pinahabol niya ako sa kanila nang gabing iyon. I was running for my life and scared. Iniiyakan ko nang gabing iyon ang pag-iisip at pag-aalala sa anak namin, ang takot ko, at ang hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin.
Parang nagmarka na sa akin ang ginawa niya sa akin noon. Like a scar that cannot be removed that easily anymore. And like a deep, deep wound... that couldn't be healed right away... At kapag gumaling man ang sugat ay may matitira pa ring peklat... Na palaging magpapaalala sa mga nangyari...
I didn't respond to Kiel. Parang hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kaniya... Kailangan ko bang magpasalamat na inasikaso niya ang annulment namin? And what will I say to his sorry...
Natapos na rin si Dahlia sa pagligo kaya iniwan ko na si Kiel para asikasuhin ang anak namin. I smiled when I faced Dahlia again. Ngumiti rin ang anak ko at nagpaalam si Kiel na iniwan na muna kami doon sa kwarto ni Dahlia. And I helped my daughter get ready for school.
"Are you still leaving, Mommy..." Dahlia quietly asked me this while I tidy up her long hair.
Natigilan ako sa ginagawa at tinapos na lang muna iyon bago ko binigay ang buong atensyon ko sa anak ko.
"Yes, Dahlia... I'm going back to Chicago... Hindi ba nag-usap na tayo kagabi, anak?" I gently reminded her.
She slowly nodded her head as she looked down...
Tahimik na lang akong nagbuntong-hininga... Pagkatapos ay bumaba na rin kami para makapasok na sa school si Dahlia. Sasabay na rin siya kay Kiel at ihahatid siya nito bago rin siya papasok sa kompanya niya. Ako naman ay uuwi na rin mamaya. Inuna ko talaga si Dahlia kanina kaya pagkatapos nilang makaalis ay saka pa lang ako mag-aayos din para makauwi na rin sa apartment ko ngayon.
Akala ko ay ayos na. Pero hindi namin inaasahan na papasok na si Dahlia sa kotse ni Kiel nang nilingon niya ako at bigla siyang tumakbo palapit sa akin at yumakap sa baywang ko.
Nagulat ako at napatingin ako kay Kiel sa harap na natigilan din.
"Dahlia..." I held her.
And then I felt her started crying as her face was buried near my belly, and as I stood a bit rooted there. Umiiling siya habang umiiyak at nakayakap pa rin sa akin.
"I'm sorry, Mommy. That I said I hate you. But I don't really... I just want you to stay here with us, Mommy. Please stay with me and Daddy now. You've been gone for a long time. I don't want you to go. Please don't go anymore..."
Niyakap ko siya. Lumuhod ako para maglebel kami.
Nanghihina akong umiling sa anak ko. My daughter begging me to stay definitely broke my heart...
Her eyes widened with tears as she looked at me. And when she realized that I will not stay... Tumulo ang luha niya pero mukhang napalitan na naman ng galit ang nararamdaman niya para sa akin... "If you go now... then don't ever come back!" She raised her voice before she walked out on me and ran back to her room upstairs...
Tinawag siya ni Kiel.
And I was left alone there crying...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro