Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22

Reasons

Nag-iwas ako ng tingin kay Kaizen. "I can't..." My lips parted.

"You can choose to stay, A..."

Tumingin ako sa kaniya. Umiling ako. "I don't know, Kai..."

"Try to talk to Kiel, A. He has his own reasons..."

Nanatili ang tingin ko kay Kaizen. "Anong rason, Kai? Ano ang rason ni Kiel para magawa niya sa akin noon ang kahayupang iyon?"

Natahimik si Kaizen. And we stopped there. Nagpahinga lang kami sandali at bumalik na rin ng Manila sa sumunod na araw. Nag-booked na rin ako ng airplane ticket ko pabalik ng Amerika. Natawagan ko na rin sina tiyay dahil ayaw ko nang mag-alala pa sila...

"Ayos lang po ako, tiyay." kausap ko sa kaniya sa cell phone.

"Ayos ka lang ba talaga, Ada? Sinisisi ni Kiel ang sarili niya sa nangyari..."

I sighed. "Huwag na po kayong mag-alala sa akin, tiyay. Ayos na po ako. At... babalik na po ako sa US."

"Ha? Babalik ka na? Paano si Dahlia, Ada. Hindi ba iyan parang biglaan?"

"Hindi po, tiyay. Sinabi ko naman sa inyo noon na babalik pa rin ako ng Chicago..."

"Oo nga, pero, Ada... Nakausap mo na ba ang mag-ama mo?"

Natahimik ako. And then I heard Kai arrived here in my apartment in Metro Manila. "Sige po, tiyay. May kailangan pa po akong gawin. Mag-eempake pa rin ako ng mga gamit ko. Tatawag na lang po ako ulit, tiyay."

"Sige... Basta tumawag ka ulit, Ada..."

Binaba ko na rin ang phone ko pagkatapos ng tawag ko kay tiyay. Hinarap ko si Kai na kakarating lang. He's busy with some things, too.

"Are you sure with this, A?" He asked me again.

Nagbuntong-hininga ako at tumango sa kaniya. "Yes, Kai. I'll be leaving in a few days..."

Kai sighed, too. "Please think about it first. Think of Dahlia, your daughter. You can't run forever, A..."

Nagtagal ang tingin ko kay Kaizen pero nag-iwas din.

The next day I decided to answer one of Kiel's call. Mula pa noong iniwan ko sila sa San Carlos ay ilang beses niya rin akong sinubukang tawagan. But I did not answer his calls. Ngayon nagdesisyon ako na sagutin na para makausap ko rin siya tungkol kay Dahlia bago ako umalis.

Masakit sa akin na hindi ko makasama ang anak ko. But I also realized that I can't force her to come with me kung ayaw naman talaga ng bata... She'll just hate me more... And I don't want that...

"Ada..."

Hindi muna ako nagsalita.

"We just came back here in Manila. Can we meet...and talk?" he said from the other line.

I sighed. "Okay. Gusto rin kitang makausap tungkol kay Dahlia."

"I already talked to our daughter. Dahlia wants to talk to you, too."

Bahagya akong natigilan at pakiramdam ko ay agad akong maiiyak na naman sa pag-iisip sa anak ko...

"You'll meet with Kiel and Dahlia today?"

Tumango ako kay Kaizen. "Yes. Magkikita lang kami at magpapaalam na rin ako kay Dahlia na babalik na 'kong Chicago."

Nanatili ang tingin sa akin ni Kaizen. "Talk to your daughter and Kiel, A."

Tumango lang ako kay Kaizen. Pagkatapos ay umalis na rin ako para makipagkita kanila Kiel at Dahlia. Dahlia wants to go to the mall kaya doon na siya dinala ni Kiel. Ayos lang din naman sa akin.

Nagkita muna kami sa isang fast food na gusto ni Dahlia. Hindi ko alam na dinadala rin pala ni Kiel sa ganito si Dahlia. When he's too concerned with making his daughter all healthy. Pero alam ko rin na hindi naman matatanggihan ni Kiel ang anak niya. And he still gives Dahlia what she wants...

"Ada..."

Ngumiti ako sa anak ko. "Hi, Dahlia..."

And she hid behind Kiel. Hinawakan naman siya ni Kiel para iharap sa akin.

I sighed quietly and just sat down there. Kumain na lang muna kami. Pagkatapos ay namili din si Kiel ng mga laruan para kay Dahlia. At habang namimili si Dahlia ng gusto niyang toys ay kinausap naman ako ni Kiel habang nakasunod kami kay Dahlia na nag-iikot dito sa store.

"Are you going back to Chicago?"

"Yes."

"I talked to Dahlia—"

"Hindi ko na pipilitin ang bata kung ayaw niyang sumama sa akin..." I said.

Nanatili ang tingin ni Kiel sa akin. Nakasunod naman ang mga mata ko kay Dahlia na kausap na ang isang store staff na polite din namang inaasikaso ang anak ko. Bahagya akong napangiti habang nakikita ang anak ko. At may kalungkutan din sa dibdib ko.

"Why don't you stay here..." mahinang sinabi ni Kiel.

Tumingin ako sa kaniya. Halos hindi naman siya makatingin sa akin nang deretso.

My real reason why I can't stay here is because I can't be in the same place with Kiel for a long time... Nawala na siguro ang takot ko sa kaniya, pero dahil sa nararamdaman ko pa ring galit sa kaniya sa lahat ng nangyari at ginawa niya sa akin ay hindi ko pa rin kayang manatili rito na nandito rin siya.

I only want Dahlia pero ayaw ko na ring pilitin pa ang anak ko...

"Alam mo na siguro ang rason ko kung bakit ayaw kong manatili rito. I can't stand being in the same place as you for too long, Kiel." deretso ko nang sinabi sa kaniya.

Tiningnan ko siya at mukha siyang natigilan sa sinabi ko na hindi siya nakapagsalita agad. Hinanap na lang muli ng mga mata ko kung nasaan si Dahlia.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalitang muli si Kiel na nakasunod lang din sa tabi ko. "I know that you're mad at me... I know that you despise me... And I can only wish that your hear me out, Ada..."

Bumaling ako sa kaniya. Hindi na siguro mawawala ang galit sa dibdib ko para sa kaniya. "Bakit, Kiel... Noong ako ba... pinakinggan mo man lang din ba ang mga paliwanag ko noon?"

Nagkatinginan kami pero nauna rin siyang mag-iwas ng tingin. And I looked away after, too. Hindi siya makasagot. Wala siyang karapatang hingin sa akin ngayon na pakinggan ko siya when he never listened to me before, too. Wala na talaga kaming pag-asa. Si Dahlia na lang ang tanging nagkokonekta pa rin sa aming dalawa.

While Kiel was paying for Dahlia's toys at the counter, lumapit sa tabi ko ang anak ko na hindi ko pa lubusang inasahan. Agad ko ring binigay ang atensyon ko kay Dahlia.

"Daddy said that I should say sorry to Mommy..." mahinang aniya.

Agad naman akong lumuhod sa tabi niya para maglebel kami. Umiling ako. "No, Dahlia. I should be the one to say sorry to you. I'm so sorry, anak..." Pakiramdam ko ay handa na agad ang mga luhang nag-iinit na sa mga mata ko.

Dahlia was just looking at me. And then she asked. "Are you really going back to Chicago?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ng anak ko pero unti-unti at marahan din akong tumango sa kaniya...

"Is that where you live? Can't you live here? Or in the nayon... Lola said you lived there... Maybe we can live there together... in Daddy's house..." she said.

Nakaramdam ako ng awa para sa anak ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin. She just wants me and Kiel to live together with her. Maybe my daughter still wishes to have a complete family... Pero umiling pa rin ako sa anak ko. "I'm sorry, Dahlia. But one day, when you've grown more... I hope that you will understand Mommy's reason why I can't stay here..." I said to her.

Parang bumagsak naman ang mga balikat niya at nagbaba siya ng tingin. Pagkatapos ay wala na siyang sinabi hanggang matapos na si Kiel magbayad.

"Can you stay in our house tonight, Mommy? Can we sleep together in my room?" Dahlia asked me this nang pauwi na kami at paalis na sa mall.

Parang may mainit naman na humaplos sa puso ko sa hiniling sa akin ng anak ko. Naisip kong siguro ay mamimiss niya rin naman ako kahit paano. At least we can be okay again before I leave. Agad akong tumango at ngumiti sa anak ko. "Of course. Oo naman, anak." I smiled.

So I went with Dahlia and Kiel to their home that evening. Gusto ko rin makasama ang anak ko. I read Dahlia a story book before she fell asleep that night. And I kissed her good night and hugged her to sleep. And I was happy, that it hurts...

At kinabukasan ay sobrang aga kong nagising hindi pa halos sumisikat ang araw because I wanted to prepare breakfast and snacks later for Dahlia para baon niya na rin sa school. I already submitted my resignation at her school at pumayag din naman agad ang eskwelahan at hahanap na lang daw sila ng kapalit ko. At nagpasalamat din ako sa school ni Dahlia.

"Ang aga mong nagising." Binati ako ng ngiti ni manang sa kusina.

Ngumiti rin ako. "Oo nga po. I plan to make Dahlia breakfast..." I said.

Tumango si manang. "Ayos lang naman na kami na at maabala ka pa, pero wala rin problema kung gusto mo ipagluto ang pamilya mo." Nakangiting sinabi sa akin ni manang.

Ngumiti na lang din ako.

At habang naghahanda ng agahan ay nagkukwentuhan kami ni manang sa kitchen. Hanggang sa saan na rin napunta ang usapan namin... "Matagal na po kayong naninilbihan dito, Manang?" I asked her while tasting the food I was preparing. I was also making a healthy soup for Dahlia today.

"Oo matagal na ako sa mga Graciano. Bago pa man pinanganak si Kiel ay nandito na ako. Parang anak ko na rin ang ama ni Kiel na alaga ko rin noon... Hanggang sa nakapag-asawa na ito."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Manang.

And then she sighed. "Ewan ko nga ba..."

Napatingin ako sa matanda.

"Maayos naman ang pagsasama ng mga magulang ni Kiel noong una... O tinatago lang din talaga nila noon. Ang totoong sitwasyon nila sa isa't isa. Ngayon ang sobrang naging apektado ng mga maling desisyon nila ay ang nag-iisa nilang anak. Si Kiel ang parang sumalo sa lahat ng pagkakamali ng mga magulang niya..."

I was just listening as Manang talked about how selfish Kiel's parents were...

Binalik ko ang tingin ko sa niluluto. Wala akong alam sa buhay ni Kiel bukod sa lalaking nakilala ko lang noon sa nayon namin...

Manang continued to talk about Kiel's family...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro