Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

As I've said this story won't be posted completely here in Wattpad. The rest of the chapters until end is exclusive to Patreon/Facebook group. I'll be posting here in Wattpad until Chapter 25 only or half of this story. Kiel's POV is also exclusive to Patreon/Facebook group. Thank you!

Chapter 21

Stay

"Kasalanan mo naman kasi ang lahat nang 'to, Kiel." Galit ko siyang tiningnan.

While he looked a little taken aback by what I said. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa. Matapang ko na siyang hinarap ngayon. Sobrang sakit para sa akin ang nangyayari sa amin ng anak ko at gusto kong sisihin si Kiel dahil kasalanan niya.

"Ikaw ang sumira sa pamilya natin. Ikaw ang gumawa sa akin ng masama pero bakit parang ako pa ang nagmumukhang masama sa anak natin?" My lips quivered and my tears were threatening to fall from my eyes. Ramdam ko na ang pag-iinit ng mga mata ko sa luha.

Kiel also looked at me with bloodshot eyes because of unshed tears. Pero inisip kong wala siyang karapatang umiyak when he's the reason why this is happening to our family. And I hate the look on his face now.

Bumukas ang bibig niya para magsalita. "I will talk to Dahlia..." mahinang aniya.

"At ano ang sasabihin mo sa anak natin? Aamin ka na ba at sasabihin mo kay Dahlia ang lahat ng nagawa mo sa akin?"

Umiling siya. "I never tried to hide it from our daughter, Ada... I don't care if she'll see me as a bad person... But I haven't told her either...because she's still too young..."

"Ang sabihin mo umaakto ka lang na para bang wala kang maling ginawa sa harap ni Dahlia at ako ang lumalabas na masama sa mga mata niya!" I can't help it but to raise my voice because of my emotions and the frustration I'm feeling.

"I didn't mean it to be that way—"

"Pero ako na nga ang lumabas na masama sa mga mata ni Dahlia!"

Natahimik siya.

"Hindi ako papayag, Kiel, na hindi mapunta sa akin ang anak ko."

Tumango naman siya na parang sumusuko.

"Let's talk to Dahlia when she wakes up—"

"I don't want to go with Mommy and leave you, Daddy!"

Nagulat kami nang nandoon na pala si Dahlia at mukhang nagising sa pag-aaway namin...

I almost forgot about my daughter. I was so angry with Kiel that I couldn't control myself anymore.

"Dahlia..." Sabay kami ni Kiel na tinawag siya but she ran straight to Kiel...

And my tears fell down my cheeks seeing how my own daughter doesn't want me... At mas gusto niya sa ama niya na siyang nakasama niya sa paglaki. Pero ang hindi niya alam ay ito rin naman ang naghiwalay sa aming dalawa noon. Kiel is the real antagonist here. And my daughter just can't see that...

Nakita ako ni Kiel na umiiyak na. He turned back his attention to Dahlia and talked to her. "Dahlia, listen to me, okay? Your Mom and I already talked. She's going back to the place where she lives. And she plans to bring you with her—"

"I don't want to!" Dahlia loudly said that it reached both of my ears and it hurts. "And why are you giving me away, Daddy..." She started crying...

Natahimik din si Kiel habang nakikita at naririnig ang pag-iyak ni Dahlia. My heart also hurts seeing my daughter cry. Pero wala akong magawa kung 'di ang tumayo lang doon at parang nag-ugat na ang mga paa ko sa kinatatayuan habang dinarama ko rin ang sakit sa dibdib ko.

Umiling si Kiel kay Dahlia. "I'm not giving you away... You will be with your Mom, Dahlia—"

"But I don't want to be with her without you, Daddy! I want to be with you, too." She said as she continued to cry in front of us.

Sobrang sakit na ng dibdib ko habang nakikitang ganito ang anak ko at naririnig ko lang ang sinasabi niya.

Pagkatapos ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. I was frustrated and was hurting, too. Naging sapilitan na ang pagkuha ko kay Dahlia at hinila ko siya papunta sa akin at paalis sa tabi ni Kiel. She cried and Kiel tried to stop me. But at that time, pakiramdam ko ay wala na rin ako sa sarili ko. And I feel desperate. "Sumama ka na sa akin, Dahlia! Sasama ka sa akin sa ayaw man o gusto mo! Hindi ako papayag na hindi ka sasama sa akin kaya sasama ka! Dadalhin kita!" I said this with my frustration and desperation.

Dahlia cried loudly... She doesn't want to come with me...

"Ada, tama na, you're hurting her!" Sinaway ako ni Kiel at kinuha niyang muli sa akin si Dahlia.

Pinilit ko namang bawiin si Dahlia mula sa kaniya. "Akin na ang anak ko, Kiel! Dadalhin ko siya! Aalis na kami!"

"Ada! Stop hurting your daughter! We will talk this out. You don't have to use force..."

"Akin na ang anak ko, Kiel! Bitiwan mo siya! Ibigay mo siya sa 'kin!"

"Ada!" Iniiwas naman ni Kiel sa akin si Dahlia na pilit kong inaabot.

"I hate you! Let me go! I hate you! I won't come with you!" Dahlia shouted at me as she cried, too.

Natigilan ako at parang mawawalan na ako ng malay sa mga naghalo kong nararamdaman ngayon. At pakiramdam ko ay hindi ko na ito kinakaya pa. Nanghina ako at napaatras na lang...

"Ano ang nangyayari rito..." Dumating si Tiyay Carlota at nadatnan kaming ganoon.

Napatingin din ako sa kaniya pero nagmadali na akong makaalis... Hindi ko na kaya at gusto ko na lang umalis. Hindi ko na halos alam ang gagawin ko. Tinawag pa nila ako pero nakaalis na ako sa nayon nang gabing iyon. Malayo pa sa main road pero tinakbo ko ang medyo magubat pa rin na daanan habang umiiyak ako. At habang tumatakbo ako paalis ay naalala ko iyong panahon na ganito rin akong tumatakbo at umiiyak noon habang tinatakasan ko ang mga tauhan ni Kiel. And I cried more remembering it. As my heart hurts so much...

When I reached the road saktong may dumaan din na bus kaya sumakay na ako kahit hindi ko pa alam kung saan ito papunta. Hindi na nila ako nahabol dahil sa gulat pa rin si tiyay na kakarating lang doon at iyon ang nadatnan niya. Hindi na rin ako nakita ng iba ko pang mga ka nayon because I used a different way from Kiel's house out to the road.

Nang nasa bus na ako ay tinawagan ko ang tanging nag-iisang taong mahihingan ko ng tulong. I'm glad that he's still in Manila at hindi pa nakakabalik sa Japan. "Kai..." I cried after he picked up his phone.

"A... What's wrong? What's happening?" sagot niya sa tawag ko.

"Kai... hindi ko alam kung saan ako papunta... But I'll tell you later. Can you come here? Please, I'm sorry."

"What happened? You're making me worried, A. Where are you? I'll come to you."

Kinausap ko ang konduktor at sinabi kay Kaizen kung saan niya ako masusundo. Wala rin mas'yadong pasahero ang bus. Nagpunas na rin ako ng luha ko...

I hugged Kai when I saw him. Ilang oras ko rin siyang hinintay dito, but I'm glad that he still came to me quickly. "What happened to you? You got me worried. Where's Dahlia and Kiel?"

Muli lang tumulo ang mga luha ko sa harapan niya...

"You can't blame your daughter, A..." Kai said.

He continued. "She grew up with Kiel. And it's not easy for her to leave her father... And you can't force your daughter, A..."

Halos wala pa sa sarili na tumango ako kay Kaizen—realizing na sumobra na rin ako kanina at nasaktan ko na si Dahlia... And I regret it now... I shouldn't have done that to my daughter... Now she'll just hate me more... Another tear fell from my eyes down to my cheeks again.

"What's your plan now..." He carefully asked me.

"Maybe I'll just go back to Chicago, Kai..." I said it defeated as my heart breaks...

"What about Dahlia?"

Umiling ako. "Ayaw sumama sa akin ng anak ko..."

Kaizen let out a sigh. Pagod pa rin siya galing sa pagmamadali niyang makabiyahe agad kanina papunta rito ngayon sa akin. "Why don't you stay here instead, A?"

Tumingin ako kay Kaizen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro