Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Hi! This story will be Completed in my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Patrons private Facebook group. To join please message my Facebook Author profile Rej Martinez. Thank you!

Chapter 2

Anak

"Ano'ng ginagawa mo, Ada? Saan ka pupunta?" sunod sa akin ni Tiyay Carlota habang naglalagay ako ng ilang pirasong damit at gamit sa bag ko para sa paghahanda sa pag-alis. Aalis ako ngayon at susundan ko si Kiel at ang anak namin sa Maynila.

Wala pang isang oras nang nakaalis si Kiel ay agad akong nagpasyang sundan sila agad ni Dahlia. "Pupuntahan ko po si Kiel sa Maynila, Tiyay."

"Ano... Sigurado ka ba sa gagawin mo, Ada...? Alam mo ba kung nasaan sila sa Maynila? Malaki ang Maynila, Ada!"

Umiyak na naman ako. "Bahala na po. Hahanapin ko sila ni Kiel. Hahanapin ko ang anak ko." I cried.

"Ada..." Umiyak na rin muli kasama ko si Tiyay Carlota.

Kapatid siya ni Mama na matagal nang pumanaw noong bata pa lang ako. Simula noon ay sila na ng nakatatanda rin nilang kapatid ni Mama na si Tiyoy Carlos ang nag-alaga at nagpalaki sa akin.

"Mag-iingat ka..." iyan na lamang ang nasabi sa akin nina tiyoy at tiyay, at mga ka nayon ko. Alam kong nalulungkot sila sa nangyari sa pamilya ko at naaawa rin sa akin.

Sinubukan ko pa rin silang nginitian ng tipid bago ko sila tinalikuran at umalis na.

Malayo ang nayon namin sa bayan. Lalakarin pa ng isa hanggang dalawang oras bago marating ang highway. Mula doon ay pwede nang sumakay sa madadaang tricycle pababa ng bayan. Doon kami namimili ng stocks namin sa amin at nagbebenta rin kami ng mga tanim naming gulay at prutas sa bayan.

Sanay naman akong umaalis sa nayon namin para makapag-aral din ako noon sa bayan. Halos kakatapos ko lang din sa kurso kong Education at hindi pa nakakapagturo o nakakakuha ng Licensure Examination for Teachers dahil nag-asawa na kami ni Kiel at dumating din agad sa buhay namin si Dahlia. Natuon na lang ang panahon at atensyon ko sa pamilya ko. Kahit gusto ko rin sanang magturo at maging guro.

Madilim na dahil gumabi na. Wala na rin nadadaang tricycle. At sobrang madalang na lang ang iba pang mga sasakyang dumadaan. Ganito talaga kapag nasa probinsya ka. Madalas maaga pang matulog ang mga tao dito. Papara na lang ako ng bus na madadaan din naman dito.

Pero nasilaw ako sa liwanag na nanggaling sa mga ilaw ng isang sasakyan na parating. At huminto ito sa harapan ko. Pagkatapos ay sunod na lumabas ang driver. Umawang ang labi ko nang makita si Kaizen.

"Ada!"

"Kaizen..."

Kaizen Saiga. He's Kiel's best friend. Nakilala ko siya habang hinahanap niya si Kiel sa bayan. May pinapakita siya noong picture ni Kiel. At naalala ko pa ang panlalaki ng mga mata ko noon sa gulat at takot... Doon ako nagsimulang matakot para sa amin ni Kiel...

"Where's Kiel? Did he do something not right?"

Agad namuo ang luha sa mga mata ko hanggang bumuhos na naman at bumasa sa mga pisngi ko. Kaizen's eyes widened. "Ada..." Hinawakan niya ako sa braso ko.

"K-Kaizen...alam mo ba kung nasaan ngayon si Kiel? Sigurado akong alam mo kung nasaan ang bahay niya. Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya? Please..."

"What happened?"

Umiyak pa ako lalo. "Kinuha ni Kiel si Dahlia. Dinala niya ang anak namin. Hindi ko alam kung saan..." I sobbed. Humawak na rin ako sa braso ni Kaizen at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. "Parang awa mo na, Kaizen. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Kiel at ang anak ko..."

Kaizen remained looking at me as I cried in front of him. Bahagya rin nanlalaki ang mga mata niya habang nakikita akong umiyak. Habang wala na akong pakialam sa hitsura ko ngayon. Kung wala na sa ayos akong tingnan o sobrang nakakaawa na. Walang ibang laman ang isipan ko kundi si Dahlia. Ikamamatay ko kapag hindi ko na nakita si Dahlia... Hindi pwedeng basta na lang kunin at ilayo sa akin ni Kiel ang anak namin...

"I know where he is. Let's go." Giniya at pinapasok ako ni Kaizen sa sasakyan niya.

Pagkatapos ay sunod din siyang pumasok sa driver seat at nagmaneho na paalis. Mahaba pa ang biyahe at ilang oras bago kami nakarating sa airport sa Silay. Pero nanatili kaming tahimik ni Kaizen. Tahimik lang ako na nagpupunas ng luha habang walang imik lang din siyang focus sa pagmamaneho ng sasakyan niya. Gabi na sa probinsya kaya wala na rin kami halos nakakasabayang ibang sasakyan sa daan. At bumilis din ang pagmamaneho ni Kaizen na nakarating kami agad sa airport. May kausap lang siya sa cell phone niya kanina at pagdating doon ay agad na kaming nakasakay sa isang mas maliit at mas mabilis na eroplano.

Parang sobrang bilis ng mga pangyayari. Nang dumating kami sa Metro Manila ay dinala muna ako ni Kaizen sa tirahan niya na nasa isang mataas na building. Medyo nagugulat pa ako sa malalaki at matataas na gusali rito sa Maynila. Iba sa kinalakhan ko sa San Carlos.

"I'll try calling Kiel first. You can rest here for now. I'll update you once I get to contact Kiel."

"Malayo pa ba rito ang bahay nila?"

Kaizen looked at me. "Please rest first. You will need strength to face Kiel..."

Magkaibigan sila ni Kiel at alam kong kilala na niya si Kiel. Mas kilala niya panigurado kaysa sa akin. Alam niya ang buhay ni Kiel bago pa man napadpad si Kiel sa San Carlos...

Umiling ako. "Hindi ko kayang magpahinga, Kaizen, habang hindi ko pa rin alam kung nasaan na ang anak ko at ano ang nangyayari sa kaniya ngayon..." Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Ang isipin ko pa lang ang kung ano maari ang kalagayan ngayon ni Dahlia ay hindi na ako matahimik. Hindi ako makakapagpahinga hanggang hindi ko nakikita ang anak ko...

Lumapit pa sa akin si Kaizen at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. He sighed. "Please, take some rest. I promise I'll bring you to where Kiel and your daughter are after you have rested."

Nanatili lang akong nakatingin kay Kaizen at hindi ako tumango o umiling... Hindi ako matatahimik... Pero tama rin si Kaizen na pagod na rin ako. Napagod na ako sa pag-iyak at sa biyahe pa kanina lang. Pero kaya ko pang isantabi ang pagod ko para isipin si Kiel at ang anak namin.

"Kaizen..."

He gave me a small reassuring smile. "We will go to Kiel tomorrow. You will see your daughter again. For now please take some rest."

Kalaunan ay tingin ko wala na rin akong magagawa at unti-unti akong tumango kay Kaizen. He smiled, and then he brought me to his guest room. Pumasok ako doon at nakatulog na sa pagod pagkatapos akong iwan ni Kaizen sa kwarto.

Kinabukasan ay mataas na ang araw nang magising ako dahil madaling araw na ring nakatulog. Napabalikwas ako sa kama at agad na bumangon. Bumalik agad muli sa isip ko si Dahlia at Kiel at ang mga nangyari. Mabilis na akong kumilos para umalis na sa kama at lumabas ng kwarto na pinagamit lang sa akin ni Kaizen kagabi.

"Kaizen!"

"Hey, I'm here."

Napunta ako sa kusina niya. Nagluluto yata siya ng almusal.

"Hindi pa ba tayo pupunta kay Kiel para makita ang anak ko?"

He looked at me. "We will. After we prepare and you eat first."

Napatingin ako sa mga pagkain at kape na nilalapag na niya doon sa mesa. "Let's have breakfast first."

Tumango na lang ako at naupo na rin doon... Mabilis lang kaming kumain ni Kaizen at naghanda na rin agad sa pag-alis sa condo niya para puntahan na si Kiel. Naligo ako at nagbihis lang ng isang simple ko lang na dress. Halos ganito lang lahat ng mga damit ko. Pero ayos naman ito.

Tumingin pa sa akin si Kaizen nang makita niya akong lumabas na ng kwarto at sinalubong niya rin ako. Handa na rin siyang umalis. "You're ready to go?" he asked.

Tumango ako at sumunod na sa kaniya.

Bumaba kami gamit ang elevator. Napansin ko na lang na ibang sasakyan na naman ngayon itong gamit ni Kaizen. Halatang may kaya sila sa buhay... Naisip ko si Kiel. Hindi ko alam kung ano ang buhay na mayroon siya bago kami nagkakilala sa probinsya ng San Carlos sa Negros...

Pero magkaibigan sila ni Kaizen at magkababata rin. Kung may ganitong klase ng buhay si Kaizen na kaibigan ni Kiel... Ano kaya ang buhay na mayroon si Kiel dito sa Maynila...?

Huminto ang sasakyan ni Kaizen sa harap ng isang napakalaking bahay na may mataas din na gate. Pero mas mataas pa ang bahay sa gate kaya kita pa rin ang mga sumunod na palapag nito sa labas.

"I-Ito ba ang bahay nina Kiel...?" Bumaling ako kay Kaizen mula sa bintana ng sasakyan niya.

Tumango siya. "Yes. He lives her alone...with the maids and bodyguards."

Wala na akong nasabi... Lumabas na lang kami ng kotse ni Kaizen. Ayaw pa kaming papasukin kaya hanggang sa gate na lang kami.

"Kuya Roger, wala si Kiel sa loob?"

May isang may edad nang malaking taong mukhang bodyguard ang lumabas sa gate galing sa loob ang humarap pa rin naman sa amin ni Kaizen dito sa labas. Sinulyapan din ako nito. Sigurado akong dahil kay Kaizen kaya pa kami nito nilabas. Dahil parang alam ko nang wala akong pag-asang makapasok kung ako lang mag-isa ang nagpunta rito.

"Umalis siya para sa isang emergency meeting sa kompanya..." Tumingin muli sa akin si Sir Roger.

Parang ngayon ko lang ito nakita at hindi yata siya isa sa mga kasama ni Kiel na pumunta doon sa nayon namin.

Pagkatapos ay binalik din niya ang tingin kay Kaizen. "Alam mong hindi ito magugustuhan ni Sir Kiel."

"But she just wants to see her daughter. Kiel doesn't have the right na ilayo ang bata sa nanay nito. At hindi ba naghahanap sa Mama niya ang bata? At wala pa rito si Kiel. Who's taking care of the child?"

"Sina Manang..."

"N-Nasaan po ang anak ko..."

Tumingin lang sa akin ang malaking bodyguard sa kabila ng medyo may edad na rin itong tingnan. Mukha itong malakas pa rin at sa isang bodyguard talaga ang tindig.

May lumabas na isa pang tao mula sa loob ng bahay. Nanatili lang kasi kami ni Kaizen sa labas at mukhang ayaw pa kaming papasukin. Isang may edad na rin itong babae na agad akong nahanap ng mga mata niya. Bumuntong-hininga siya nang makita ako. It's like it was out of relief when she saw me.

"Manang," the bodyguard sounded warning her.

Bumaling din ito sa kaniya. "Kagabi pa nag-iiyak ang bata, Roger. Halos hindi namin siya mapatahan. At ngayon ay nag-iiyak na naman. Natatakot ako sa kung ano pang pwedeng mangyari sa bata."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Si Dahlia... Nasaan po ang anak ko? Please, ipakita n'yo na po siya sa akin. Ang anak ko..." Nagsimula na namang uminit ang mga mata ko sa agad na nagbadyang mga luha nang makarinig pa lang ako ng tungkol sa anak ko.

Binalik sa akin ng babae ang tingin niyang nakitaan ko na ng awa sa mga mata niya para sa akin. "Ikaw ba ang ina ni Dahlia?" tanong nito sa akin.

Maagap naman akong tumango-tango. "Opo! Nasaan ang anak ko? Ibigay n'yo na po siya sa akin."

"Manang," tawag muli ng bodyguard na mukhang pinipigilan talaga ito.

Muli rin itong binalingan ng tinatawag nila na 'Manang' at halos magtalo pa silang dalawa. "Kapag nalaman ito ni Sir Kiel..." anang bodyguard.

"Mamaya niya pa naman malalaman... Mas importante sa ngayon ang bata na ayaw tumahan! Kailangan niya ang ina niya..." Tumingin muli sa akin si Manang at bahagya akong nginitian ng tipid. "Halika sa loob."

Mukhang wala na ring nagawa iyong bodyguard at nakapasok na kami ni Kaizen sa loob ng bahay. At doon agad kong nakita si Dahlia! "Dahlia! Anak ko..." Umiyak ako at humagulgol nang nahawakan ko na muli ang anak ko. Niyakap ko siya sa dibdib ko at ayaw ko na siyang bitiwan. "Dahlia!" I cried.

Parang maiiyak na rin si Manang habang nakikita ang reaksyon ko nang makita muli ang anak ko.

Dahlia was crying too but she stopped when she already felt and smelled my already familiar scent to her. Lalo pa akong naiyak. Hinayaan na kami ng bodyguard. At halos nakalimutan ko na na kasama ko si Kaizen dahil naging abala na ako sa anak ko. I breastfed her. I was still crying but silently now because I don't want to disturb my daughter. Na ngayon lang din halos kumalma.

"Dahlia..." My tears still kept on falling from eyes down to my wet cheeks. I was crying silently seeing my daughter back in my arms now...

"Nandito na si Sir Kiel." Pinaalam ito sa amin ni Sir Roger.

Nanlaki pa rin ang mga mata ko at nakaramdam ng takot. Humigpit ang hawak ko sa anak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro