Chapter 19
Reminder that story will not be posted completed here in Wattpad. I already said this before. You can read the rest of the chapters until the epilogues on Patreon/Facebook group. Love and Regrets consists of 50 chapters total. Thank you!
Chapter 19
Confrontation
"Ano ba, Kiel! Nakikita ka ng anak mo!" Buong lakas ang pagsusubok kong alisin siya sa pagsugod niya kay Kaizen.
Para naman siyang natauhan at hinanap ng mga mata niya si Dahlia. Lumuwang ang hawak niya sa kwelyo ni Kaizen hanggang sa binitiwan niya na ito.
"Are you all right, Kai?" I went to check on him.
"It's fine, A." he said.
And when I turned my attention back to Kiel and Dahlia, Kiel was already calmed down because of Dahlia, while Dahlia was looking at me like she's angry at me. Hindi na naalis ang tingin ko sa anak ko. At isang hakbang pa lang na subok kong paglapit sa kaniya ay agad na niyang niyayaya si Kiel na umalis na sila.
Nagkatinginan kami ni Kiel bago niya binalingan si Dahlia. "But we just came here to see Mommy—"
"I don't want to anymore."
"Dahlia—"
"I want to go home!"
"Stop it. You're already raising your voice." saway ni Kiel sa anak.
Tumigil naman si Dahlia. Pero sumunod ang pagtulo ng mga luha niya. Nang makita ko iyon ay agad na akong tuluyang lumapit para aluin siya. But my daughter didn't let me and she even pushed me back...
"Dahlia!" Napataas ang boses ni Kiel sa anak namin.
Habang hindi naman ako agad nakakilos sa nangyari. Kai went to my side, and Dahlia looked at us like she's mad at me and Kaizen. "Dahlia..." I called but her attention went back to her father and telling Kiel that they should leave now...
It was painful for me as her mother that as if she didn't want to see me anymore and wanted to leave my place so badly. Thinking about it broke my heart.
"Dahlia—" Sinubukan pa siyang sawayin ni Kiel pero nagdabog na siya at halos magwala na kung hindi pa siya binuhat ni Kiel at dinala sa mga bisig niya. Dahlia hugged his father's neck as we can hear her crying... Gusto ko rin aluin ang anak ko but she wouldn't allow me to even touch her...
"I'm sorry about what happened today..." Kiel called later that day. Naiuwi na niya si Dahlia sa bahay at kumalma na rin daw ang bata.
"Tuloy pa rin ba tayo sa pagpuntang San Carlos?" I asked thinking that it's the only way now to talk to my daughter and we could be okay again...
"Yeah..." sagot naman ni Kiel sa kabilang linya.
Iyon lang ang pinag-usapan namin at pagkatapos ay binaba ko na rin ang tawag.
"I'm sorry."
Umiling ako kay Kaizen. "It's not your fault, Kai. Aayusin ko ang sa amin ng anak ko." pursigido kong sinabi.
Tumango si Kai.
And the next day was our scheduled travel to Negros. Magkakasama kami ni Kiel, ako, at si Dahlia. Pero nakadikit lang ang anak ko sa ama niya at ayaw akong pagbigyan ng pansin...
Kiel would look at me with pity in his eyes and he would try to talk to Dahlia into talking to me. "Huwag mo nang pilitin ang bata. Pagdating na lang natin sa San Carlos..." sabi ko na tinanguan din ni Kiel.
When we arrived in San Carlos nakahanda na rin kaming salubungin nina tiyoy at tiyay at ng mga ka nayon. Ngumiti pa rin ako sa kanila sa kabila ng problema ko sa anak ko. Nagkabatian at kumain na rin muna kami sa nakahanda nang pagkain doon. At pagkatapos ay nagbilin lang si Kiel sa ipapaluto rin na hapunan mamaya at tumuloy na rin muna kami para makapagpahinga galing pa sa biyahe sa bahay niya rito.
"Daddy, I'm sleepy..." Dahlia sleepily called her dad.
Bumaling si Kiel sa anak at tumango. Pagkatapos ay binuhat niya na si Dahlia para dalhin sa kwarto ang bata at makapagpahinga na muna. While I decided to just go and have some conversation para makipag-kumustahan na rin kanila tiyay.
"Where are you going?"
Tumingin ako kay Kiel. "Babalikan ko lang sina tiyay. Papatulugin mo pa naman si Dahlia, babalik na lang ako mamaya."
Kiel nodded. "All right. Susunod din ako doon mamaya after putting Dahlia to her siesta. Hindi ka rin ba magpapahinga na muna?"
Umiling ako. "Ayos lang. May energy pa naman ako para makipagkuwentuhan kanila tiyay. Namiss ko rin sila ng tiyoy ko."
Tumango na si Kiel at pinasok na muna sa kwarto si Dahlia. While I went back to see my family.
"Kumusta kayo ni Kiel, Ada? Mukhang nakapag-usap na kayo?" Masayang ngumiti sa akin ang tiyay.
Ilang sandaling nanatili lang sa kaniya ang tingin ko bago ako tumango na lang.
"Alam namin ang nangyari noon..."
Nagkatinginan kami ni tiyay. Nagbuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Sinabi sa amin ni Kiel. Noong una ay galit na galit din kami sa kaniya sa ginawa niya sa 'yo. Nakalimutan na naming magpasalamat sa kaniya para sa ginawa niya sa amin dito sa nayon dahil sa galit. At hindi naming lahat alam kung nasaan ka noon."
Nanatili akong nakatingin sa tiyahin ko at nakinig lang muna.
"Pero kalaunan ay nakita rin namin ang labis niyang pagsisisi. At ang hindi niya pagtigil sa paghahanap sa 'yo. Kahit wala talaga kaming makuhang balita tungkol sa pagkawala mo, Ada... At si Dahlia, mahal na mahal ng bata ang ama niya na ang hirap din sa amin na patuloy na hindi kibuin si Kiel gayong nakatingin ang bata."
Tumango na lang ako at naintindihan ko kaagad dahil narinig ko ang tungkol sa kay Dahlia. Totoo nga naman at makikita mong mahal ni Dahlia si Kiel. Well, he's our daughter's father. At nakikita ko rin naman kung paano mag-alaga at mag-alala si Kiel sa anak namin.
Kaya marami man siguro akong masasabing bagay tungkol sa pagiging asawa niya sa akin, pero ibibigay ko sa kaniya ang pagiging mabuti rin namang ama niya kay Dahlia.
"Hindi na tayo gaanong nakapag-usap noong nandito ka... Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo sa mga nakalipas na taon, Ada?" May pag-aalala pa rin na tanong sa akin ni tiyay. Nakita ko ang pag-aalala niya para sa akin sa mga mata niya.
I let out a small sigh first before I started telling tiyay what happened to me in the past years...
"Kung ganoon ay alam pala ni Kaizen kung nasaan ka sa mga nakalipas na taon at siya pa ang kasama mo..."
Tumango ako kay tiyay.
"Nagpapasalamat talaga ako nang husto, Ada, na naging maayos ka pa rin naman sa mga lumipas na taon kahit hindi tayo nagkita nang matagal..." Parang nangislap pa sa luha ang mga mata ni tiyay.
Sinubukan ko na lang ngumiti sa kaniya at niyakap siya para aluin. My past may be dark but it's the least of my concern now dahil ang gusto ko na lang ay maging maayos muli ang relasyon ko sa anak ko...
"Pero hindi ba ay matalik na magkaibigan sina Kiel at Kaizen?" Natanong din sa akin ng tiyay.
Unti-unti akong tumango. "Opo..."
"Kung ganoon bakit ka niya tinago sa asawa at anak mo na sigurado akong alam naman niyang naghahanap sa 'yo, Ada."
Umiling ako kay tiyay. "Noong mga panahon pong iyon ay alam ni Kai na hindi pa ako handa at ayaw ko pang pag-usapan... Binigyan lang po ako ni Kai ng sapat na panahon, tiyay." paliwanag ko.
Tumango na rin si tiyay at nagbuntong-hininga. "Pero magkaibigan lang naman kayong dalawa... Ang ibig kong sabihin...ay kasal ka pa rin kay Kiel, Ada. At may anak pa kayo." sinabi sa akin ni tiyay.
Nanatili muli ang tingin ko sa aking tiyahin. Naisip ko na siguro nga ay nagalit sila kay Kiel sa ginawa nito sa akin pero wala pa rin sila at hindi nila talagang nakita ang pinagdaanan ko noon... "Legal na po akong makikipaghiwalay kay Kiel, tiyay." I told her. To which she gasped, and covered her lips with her hand...
"Ada... Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo? Paano si Dahlia? Ada, baka hindi magustuhan ng anak mo iyang gagawin mo at lumayo lang lalo ang loob sa 'yo..."
I felt like crying in front of tiyay just by thinking about what she's saying about Dahlia. Umiling akong naiiyak na. "Pero hindi ko na po kayang makipagbalikan pa kay Kiel, tiyay."
Tiyay Carlota remained looking at me with worry in her eyes.
"Mas'yado pong masakit ang pinagdaanan ko sa kamay niya. At hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya kahit kailan." I can't look at Kiel other than the man who have deeply hurt me before. My wound from what he did to me was too deep that it also can't be healed easily...
Pagkatapos naming mag-usap ni tiyay at nakabalik na ako sa sariling bahay ni Kiel dito ay nakita kong gising na si Dahlia from taking her afternoon nap. Medyo nagtagal din kami sa pag-uusap ni tiyay.
Ngumiti ako sa anak ko na kasalukuyang nagmemeryenda nang maabutan ko. "Dahlia, oh, is that turon?" Ngiti ko nang makita rin ang pamilyar na pagkaing meryenda niya.
Lumabas si Kiel galing sa kusina na may dalang juice din for Dahlia. Mukhang spoiled nga talaga ang anak namin kay Kiel. He prepares Dahlia's food by himself kahit may nanny rin naman na pwede ring gumawa no'n. "Hey, nakabalik ka na pala. I was about to go to you pero ayaw paiwan kanina ni Dahlia so I have to wait till she wakes up." He smiled to our daughter.
Ngumiti rin si Dahlia sa dad niya. "Thank you, Daddy!" She said as she received the fresh fruit juice from Kiel that he probably prepared himself.
"Welcome, sweetheart." Pagkatapos ay bumaling muli sa akin si Kiel. "We have here your favorite snack. Mommy and Dahlia have the same favorite."
Napatingin ako sa nakahandang meryendang turon doon sa mesa na tinutukoy ni Kiel. Napangiti ako nang maalala ko rin. At...naaalala pa pala ni Kiel ang mga paborito ko...
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napatingin din siya sa akin kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ako lang din ang nag-iwas ng tingin.
And then Kiel was called. Tinawag siya nina tiyoy at ng mga kalalakihan sa nayon namin. Tungkol yata sa mga tanim din ni Kiel dito sa nayon. Siya na rin kasi ang may-ari ng lupa rito sa nayon namin at mukhang pinasok na rin niya ang farming. And he supports our farmers here. And I think it's good. Naisip ko lang na ang dami na rin niya siguro talagang investments. Hindi ko pa nakikita talaga ang trabaho niya, but he's a businessman and owner of a company. Bukod pa sa investments niya. He's a busy man but he still have time and really makes time for our daughter. And for that I'm kind of proud of him... That's just how I feel because it's for our daughter after all.
"Dahlia..." I called when we were left alone in the house after Kiel went to check the current harvests.
I let out a small sigh to prepare myself before I continued trying to talk to her. "May gusto ka pa ba? O busog ka na sa snacks mo? What do you want to do now? You can tell Mommy." I smiled to her.
Umiling lang naman siya at hindi tumitingin sa akin. And I feel like I didn't know what to say or do next...
"Are you leaving again?"
That immediately caught my attention. "What do you mean, anak..."
Bigla akong kinabahan sa tanong ng anak ko.
"Are you leaving with Tito Kai?" she asked again.
My lips parted. Pagkatapos ay umiling ako. "No, anak. I mean, if I'll leave I'll bring you with me." Bahagya rin akong natigilan pagkatapos ng sinagot ko sa anak ko. I thought that I was too direct at baka mabigla ko rin siya.
And Dahlia's forehead creased at my answer, too. "Where are we going... with Daddy? I'm not leaving Daddy..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ng anak ko. Lalo akong kinabahan sa sagot niya ngayon at natakot ako. Did I just get my answer? At ito nga iyon? What will I do... Hinding hindi ako aalis na hindi ko nakukuha ang anak ko. All I wanted and the reason why I bravely came back here was to get my daughter and bring her to live with me. I thought that she already spent many years with Kiel and now is the time for us to be together as well. At ito lang ang tanging hiling ko. Kaya hindi ako makakapayag na hindi ko makasama ang anak ko. I already spent enough years without her by my side.
And I became impulsive with my next words that I also regretted it right after...
"Nag-usap na kami ng Daddy mo, Dahlia. Pumayag na siya na sumama ka sa akin pabalik ng Chicago. We are unlike other family but I want you with me this time. Because you've been with your Dad for a long time already." Tuloy-tuloy ko lang na sinabi dahil sa mga naghahalo-halo ring emosyon at mga iisipin sa kalooban ko. I was already thinking too much, and scared that I won't be able to bring Dahlia with me back to Chicago.
Nagkatinginan kami ng anak ko at natahimik din ako. "I'm..." Sinubukan ko pang magdahandahan na sa susunod sana na mga salita ko pero natigilan lang din akong muli sa galit na pinakita ng anak ko sa 'kin...
"I won't go with you! I'm not gonna leave Daddy! I hate you!" And then I heard her going down from the chair and then running to her room probably.
"Dahlia!" Hinabol ko naman siya.
And I didn't expect that I will be receiving a real confrontation from my own daughter after... I thought that Dahlia was still young. At wala naman siyang sinabi sa akin noong una. But she's an intelligent child. She has her own feelings. And that she's been hurt as well... Na kahit bata pa man siya ay nailabas niyang lahat sa akin ang sariling mga saloobin din niya... And nothing hurts me more than it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro