Chapter 17
Chapter 17
Conflict
Tumingin si Dahlia kay Kaizen nang makita niyang kasama namin ito papuntang school. I will be working today and Dahlia will attend her classes. And Kai offered na ihatid kami ng anak ko.
"Ihahatid tayo ng Tito Kai mo sa school, Dahlia." I smiled to my daughter.
Kai was on the driver seat and I was seated in the front with him. Sa backseat naman si Dahlia. Dahlia didn't say anything and just looked out the window. Saglit kaming nagkatinginan ni Kai at pinandar na rin niya ang sasakyan.
Tahimik kami habang nasa biyahe dahil tahimik din si Dahlia. I already told her that I and Kai were just friends. Bata pa ang anak ko at maaring wala pa siyang alam sa maraming mga bagay, but I knew that she's a smart kid. Madali niyang makuha ang mga bagay... At ayaw kong may maisip siyang iba...
I sighed a little.
Tahimik ang buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa school. Lumabas na kami ni Dahlia ng sasakyan at bumaba rin si Kai. I gave him a grateful smile. "Thank you sa paghatid sa amin, Kai." I thanked him.
Ngumiti rin siya at tumango. "No problem, A. You two take care here." Napatingin pa siya sa eskwelahan sa harap namin.
Tumango ako. "Yes, thank you. Ikaw rin ingat ka sa appointments mo today." He already told me na may pupuntahan at mga gagawin din siya ngayong araw.
Kai nodded before he left.
I offered my hand to Dahlia at pagkatapos makita iyon ay humawak din naman ang anak ko sa kamay ko. And our day in school went. Until it's done and we're about to go home again in the afternoon.
"Will he pick us up again?" Dahlia asked.
Bumaling ako sa anak ko. "He? You mean your Tito Kai?" I smiled to my daughter.
Dahlia just nodded her head shortly and looked ahead.
"Yes, anak. He's already here." I said.
"How about Daddy?" She asked.
Muli akong bumaling sa anak ko at nagkatinginan kami. Dahlia already talked to Kiel on the phone. Sinabi na sa kaniya ni Kiel kung kailan siya babalik. And Dahlia really wanted him to come home now. "Hindi ba sinabi na sa 'yo ng Daddy mo kung kailan ang balik niya?" I gave her a smile.
And she just nodded her head.
Napatingin ako sa harapan kung saan nandoon na rin si Kai nakatayo at sinusundo na nga kami. And I gave him a small smile.
I wanted to sigh. Talagang hinahanap na ni Dahlia si Kiel. And I can't blame my daughter. Si Kiel ang nakasama niya halos buong buhay niya...
Nang balingan kong muli ang anak ko ay naabutan at nakita kong pabaling-baling siya sa paligid namin. Napatingin din ako sa ibang mga batang nakakasabayan namin papuntang parking lot kung nasaan din siguro ang mga sundo nila. And when my attention went back to my daughter I noticed how she bowed down her head...
"Are you all right, Dahlia?" I asked her as we were nearing Kai's car.
Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. I was also holding her hand. "Ayos ka lang ba, Dahlia? What's wrong, anak?" Parang ang tamlay kasi niya talaga these days...
And then she looked down on where we were stepping again. "Students saw us this morning...with Tito Kai..."
Bahagya na sana akong natuwa because she finally called Kai 'tito'. But she still looked down and what she said next stopped me on me track...
"My classmates think that he's my new Daddy..." Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos sabihin iyon. And the frustration in her eyes was very evident. Bumitiw din siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya. At tumayo kami roon na natigilan ako at hinarap ako ng anak ko. As if she was ready to confront me... "And I don't like it! I don't have a new dad. And I don't want it!"
"Dahlia..." Ako naman ay nagugulat pa. At gusto ko rin sana siyang sawayin sa bahagyang pagtataas niya ng boses...
Nakita ko rin na lumalapit na sa kinatatayuan naming mag-ina si Kaizen.
Hindi ko napansin kanina na may ganito na palang nangyari kay Dahlia rito sa school kung nasaan lang din ako. At nasa faculty meeting rin kasi ako kanina kaya siguro noong wala ako at may break time rin sila ay nagkausap sila ng mga kaklase niya tungkol sa nakita ng mga ito kanina na paghatid sa amin ni Kai dito sa school...
"What's happening? Are you two all right?" Tuluyan na ring nakalapit sa aming mag-ina si Kai.
Bumaling ako sa kaniya at tumakbo naman si Dahlia papasok ng backseat ng sasakyan. Nang muli akong tumingin sa paligid ay nakita kong nakatingin na rin sa aming dalawa ni Kai ang naglalakad din doon na pauwi na rin na faculty members.
I looked away and told Kai na umalis na kami.
The following days after Kiel arrived we talked. "Dahlia said she wanted to change school." he said.
Nagbaba naman ako ng tingin sa cup na nasa harapan ko. We just met in a coffee shop near my apartment. Dahlia went back to Kiel's house. At hindi pa kami nagkakausap muli ng anak ko mula nang umuwi siya sa bahay nila ng Daddy niya. And I feel like we're not really okay...
And I feel guilty. Pakiramdam ko kasalanan ko rin talaga ang nangyayari sa anak ko. And now she even wanted to change school. Kahit okay naman talaga siya sa school niya bago ako dumating...
"Ano ang...sinabi sa 'yo ni Dahlia?" Nag-angat ako ng tingin kay Kiel.
Nagkatinginan kami at bahagyang kumunot ang noo niya. "Wala naman... Why? Is there something that happened while I was away? Something that I should know about..."
Marahan akong umiling at nagbabang muli ng tingin sa kape ko. Bago ako muling tumingin sa mukha ni Kiel. "Ayos lang ba si Dahlia?"
Kumunot lalo ang noo niya. "She's okay..." Pagkatapos ay seryoso niya akong tiningnan. "Ada... You can tell me... I'm still Dahlia's father. What happened?"
Pero umiling lang muli ako. "I'm scared...that Dahlia wouldn't come with me... She'll look for you, Kiel—" Nanginig ang mga labi ko habang nagsasalita. At hindi ko na kinaya na sumunod na napaluha na rin agad ako. I feel like I didn't know what to do...
Nanlaki naman ang mga mata ni Kiel habang nakikita niya akong ganoon at narinig ko na lang ang pag-atras ng upuan niya at tumayo siya para puntahan ako...
And I just cried... As Kiel tried to comfort me... I knew that it was embarrassing to make a scene in a public place. Nang mga oras na iyon ay halos wala rin ibang customer sa loob ng coffee shop at nasa dalawa hanggang tatlo lang din ang staff sa maliit na cafe. But I can't help it anymore. My heart hurts so much...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro