Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Read this story already Completed on Patreon Tier 1. You can also join my private Facebook group where you can pay the 150 PHP with GCash. Wala kasi yatang GCash sa Patreon. For 1 month na po iyang 150 and all access na po sa lahat ng mga stories na nasa Tier 1. Including new stories and series na wala pa rito sa Wattpad. Thank you!

Chapter 16

Friend

"Kai..."

"Surprise!" He gave me a big smile.

Medyo nagulat naman ako na nasa pintuan ko na siya ngayon. I did not expect that he'll come to the Philippines. He did not tell me. Ang alam ko ay nasa Japan pa siya.

"You're here, pasok ka." Nilakihan ko ang bukas ng pinto ko para papasukin siya sa apartment ko.

"Yeah. I wanted to surprise you, so... Oh, hello there!"

Bumaling din ako sa kay Dahlia na nasa harapan na rin namin ni Kai. She's here in my apartment as well. Madalas na siyang nandito sa akin ngayon. Last week pa ay nagpaalam na si Kiel na may business trips sa ibang bansa. Kaya naiwan sa akin si Dahlia at naeenjoy ko na magkasama kaming mag-ina ngayon.

Ngumiti ako at nilapitan ang anak ko. "Dahlia, this is your Tito Kaizen. Say hi, anak."

"Hi..." mahina niya lang naman na bati kay Kaizen at nanatili ang tingin niya kay Kai.

Ngumiti na lang ako at niyaya si Kai na kumain dahil sakto lang din ang dating niya at kakain pa lang kami ni Dahlia. "How's your flight? You didn't tell me na dadating ka." He knows my condo apartment dahil siya rin ang tumulong sa akin sa pagkuha nito. "Sana ay nasundo ka rin sa airport."

"You know that there's no need for that." he said.

"Sige, kumain muna tayo. Are you tired from your travel? Magpahinga ka na rin muna pagkatapos nating kumain. Lilinisan ko rin muna ang guest room. Malinis naman pero check ko lang ulit."

Tumango sa akin si Kaizen. "Thanks." Pagkatapos ay bumaling siya kay Dahlia.

"Hi, Dahlia. You're really a big girl now. You were so little when we first met." Kai talked to my daughter.

Ngumiti naman ako at umupo na rin doon sa harap ng mesa pagkatapos kong maglapag ng pagkain doon. Tiningnan ko si Dahlia at nakitang nakatingin lang siya kay Kaizen. Pagkatapos ay sa akin, bago siya parang tumamlay na nagbaba ng tingin sa plato niya. "Kain ka na, anak." Inuna kong lagyan ng pagkain ang pinggan niya. "Are you okay?" I asked because she suddenly looked down...

"When is Daddy coming home?" She asked me.

Sandali kaming nagkatinginan ni Kai. "Uh, I'll ask your Dad later, anak. Okay?" Ngumiti ako sa anak ko.

And Dahlia didn't smile. Mukha pa siyang nawawalan ng gana...

"Dahlia, what's wrong? Ayaw mo ba sa pagkain natin? May iba ka bang gusto? Ipagluluto ka ni Mommy ng ibang food."

Matamlay namang umiling ang bata. "No. I miss Daddy. I want to see him." she said.

Muli kaming nagkatinginan ni Kai na nanatili nang tahimik at nakikinig lang sa amin ng anak ko. "Uh, Dahlia, we'll call your Dad later, okay? We'll ask when he'll come back..."

Tumingin ako kay Kaizen pagkatapos kong kausapin si Dahlia.

Nag-usap na kami ni Kiel at pumayag na siyang dalhin ko si Dahlia pabalik sa Chicago at sa akin na ang anak ko. But I realized that it still won't be easy because Dahlia was now looking for Kiel. Kahit ilang araw pa lang naman na wala si Kiel.

Hindi ko pa rin nakakausap si Dahlia... Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kaniya at ipapaliwanag... Ang napag-usapan namin ng Dad niya...

I didn't want to hurt my daughter's feelings. She might hate both me and Kiel for our decision... Dahil paano kung ayaw naman talaga ng anak ko na mawalay sa ama niya? Am I selfish for wanting this...

Ang gusto ko lang naman ay makasama ko ang anak ko.

"Nag-usap na ba kayo ni Kiel?" Tumabi sa akin si Kaizen dito sa may balcony ng apartment.

Napatulog ko na si Dahlia at nandito ako ngayon natutulala sa pag-iisip...

Bumaling ako kay Kai. Tumango ako. "Oo, pumayag na si Kiel na dalhin ko si Dahlia pabalik ng Chicago..."

Nagkatinginan kami ni Kaizen. "Alam na rin ba ni Dahlia?"

Umiling ako. "Iyon nga, Kai... Hindi ko pa nasasabi sa anak ko. Hindi ko alam kung paano..." Namomroblema kong sinabi sa kaniya.

"That's it." Kai said that made me focus my attention on him. "I think I get it, A... Nahihirapan kayo kay Dahlia..." aniya.

Nagkatinginan kaming dalawa. And then he continued. "Kay Kiel na siya lumaki, and it won't be easy for the child to live her life with you now and without Kiel..."

He sighed. "Hindi ito magiging madali para sa bata..."

I nodded. "I know, Kai... But what should I do..." I fidget with my hands.

"What did you and Kiel really talked about?" he asked.

Napatingin muli ako kay Kaizen. Pagkatapos ay sumandal ako sa railings ng balcony at tumingin sa baba na mayroong malaking pool. "We only talked about Dahlia..." I said.

"Should I talk to Kiel?"

Tumingin ako kay Kaizen. Umiling ako. "No. You don't have to... Ako na ang bahala..."

"You sure?"

I nodded. "Yeah... Thanks for the concern, Kai." Ngumiti na lang ako.

Pagkatapos ay nagpahinga na rin muna kami. I went back to Dahlia's room at tinabihan ko ang anak ko. Habang iniisip ko pa rin ang mga mangyayari...

The next day, niyaya ko si Dahlia na mamasyal kami kasama ang Tito Kai niya. Which tinanggihan naman ng anak ko...

I sighed. "Dahlia, aren't you bored here in the house?" Nandito na lang kasi kami halos palagi. "Your Tito Kai will go out with us. Ipapasyal niya tayo. The three of us can have fun outside today." Wala rin naman siyang pasok today sa school.

But she shook her head. I think I haven't experienced Dahlia with a tantrum before, o palaging nand'yan lang din si Kiel who knows what to do with our daughter...

I sighed again. "Dahlia—"

"Where's Daddy?" She asked again.

At ewan ko ba kung bakit parang nagalit na ako... Siguro dahil pakiramdam ko ay ako naman ang nandito pero si Kiel pa rin ang hinahanap niya. At stress na rin ako sa pag-iisip sa sitwasyon namin at kung paano sasabihin sa kaniya ang usapan namin ni Kiel. "Bakit mo ba palaging hinahanap ang Daddy mo? Ako ang nandito, Dahlia. Pero si Kiel pa rin ang gusto mo? Ngayon nga lang tayo nagkakasama." Natigilan din naman ako pagkatapos.

"A..." At mas lalo pa akong tumigil nang parang sinaway na rin ako ni Kai.

Tumingin ako kay Kaizen pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko kay Dahlia. Natahimik ang anak ko at nagbaba ng tingin. Agad naman akong lumuhod sa harapan niya para aluin siya. "I'm sorry, Dahlia..." I hugged her. "Nabigla lang si Mommy..." I said.

"I don't want to go out... I want to go back to my room." She said and I can't feel her hugging me back.

At nang pakawalan ko siya sa yakap ko ay tumakbo siya papuntang kwarto. Nagkatinginan kami saglit ni Kai. Tumayo ako para agad na sundan ang anak ko. "Excuse me, Kai." I said and went after my daughter.

I gently knocked on her bedroom's door. "Dahlia... May I come in, please?" Marahan din akong pumasok pagkatapos. And I saw her there on her bed. Unti-unti akong lumapit sa kama ng anak ko. "Can I sit here?" I gently asked her.

Dahlia just nodded shortly and looked down on her lap. Umupo naman ako sa tabi niya sa kama. "I'm really sorry, anak..." I said to her. Hindi ko talaga sinsadyang medyo magalit sa kaniya nang ganoon. Now I'm scared na lalong hindi siya sasama sa akin because of the attitude I've just shown her awhile ago...

Tumingin siya sa akin at pag-angat ng tingin niya, I immediately saw tears shining in her eyes. "Dahlia..." My lips parted...

"I know that you and Daddy are not okay... But I still want Daddy. I don't want Tito Kai, or anyone else..." And then after that she started crying...

And my heart hurt so much. Maagap akong umiling sa anak ko nang makabawi. "It's not like that, anak. Your Tito Kai and I are just friends." I told her the truth.

Kai has been nothing to me but a really good friend who have helped me all these years.

I brought Dahlia to my chest and hugged her. "I'm sorry, anak. I love you, Dahlia." I kissed the top of her head as she buried her face in my chest. At kalaunan ay yumakap na rin sa akin ang anak ko.

Tumulo na rin ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman. My chest hurts because I know that my daughter was hurting... At hindi ko kaya na masaktan ang anak ko...

I hugged Dahlia closer to me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro