Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Sorry

The thought of confronting him was strong. But Dahlia was just asleep between us. Ayaw kong istorbohin ang mahimbing nang tulog ng anak ko. Kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagkunwaring natutulog na. Hindi niya rin naman ako nilingon kanina habang may sinabi siya. Nang tingnan ko siya kanina ay nasa kisame lang ang tingin niya. Kaya naman ganoon na lang ang ginawa ko at wala na rin akong narinig muli kay Kiel. Hanggang sa tuluyan na lang din akong nakatulog.

Hindi ko naman iyon iniiwasan. I wanted us to talk. I have questions to him. Pero pinili ko lang na si Dahlia na lang ang maging concern namin. But after what he said last night, I feel like I wanted to talk to him about the past... I want answers to my questions. Kung bakit ganoon... Bakit niya nagawa sa akin iyon.

Dahlia was playing with Kiel in front of me as I prepared snacks on the table just outside the lake house. Maganda muli ang panahon ngayon at maaraw pero hindi naman mainit. Siguro ay dahil sa mga puno at halaman sa paligid namin.

"Dahlia, snacks muna..." I called.

Bumaling naman sa akin ang anak ko at lumapit. "Thank you, Mommy!"

I smiled. And then I touched her healthy cheek gently. "You're welcome, anak."

Dahlia smiled to me, too. "I love you, Mommy!"

Parang matutunaw naman ang puso ko dahil sa sinabi ng anak ko. "I love you so much, Dahlia..." I said to my daughter wholeheartedly.

Nanatili naman ang tingin sa akin ni Dahlia. Nagkatinginan kami ng anak ko. Napansin ko na bahagyang nawala ang ngiti niya. Pero binalik niya rin iyon agad at nagpasalamat pa sa akin. "Thank you for today and yesterday, Mommy. Thank you for going out with me and Daddy..." she said.

Ngumiti ako sa anak ko at yumuko ako para mayakap ko siya. I also inhaled her sweet baby scent. I love her smell, her smiles and laughter... I love my daughter so much. Naramdaman ko rin ang pagyakap sa akin ni Dahlia. I smiled more. At nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nandoon na si Kiel nakatayo sa tabi namin at may ngiti ang mga labi niyang pinagmamasdan kaming dalawa ni Dahlia.

I gently let go of Dahlia after a while of hugging my daughter. And then I stood up straight in front of Kiel. Pumunta naman sa mesa si Dahlia at umupo roon sa harap ng pagkain. When she's busy with her snack, binalingan ko naman si Kiel.

Nagkatinginan kami.

"May gusto ka bang sabihin...o pag-usapan?" I opened it.

Mukhang natigilan naman si Kiel pero unti-unti rin siyang tumango sa akin. Tiningnan namin pareho si Dahlia na abala lang naman sa pagkain. Nilabas ni Kiel ang phone niya at may tinawagan. Makaraan lang ang ilang sandali ay may dumating na isang bodyguard at pinabantayan muna namin si Dahlia.

"Where are you going?" Dahlia asked.

Ngumiti ako sa anak ko pero si Kiel ang sumagot sa kaniya. "Mommy and I are just going to talk, Dahlia... Adult stuff, 'kay?"

Nakatingin sa amin si Dahlia at tumango.

Pagkatapos ay pumasok na rin kami ni Kiel sa loob ng bahay para makapag-usap...

"May sinasabi ka sa akin kagabi..." I said as we were already inside the quiet lake house. Malapit na kami sa may kusina para hindi kami agad makita o marinig ni Dahlia kapag sumunod at pumasok siya mamaya rito sa loob ng bahay. O hindi niya marinig sa labas.

Nagkatinginan kami ni Kiel. Halos hindi pa siya makatingin sa akin. "I'm sorry..." he quietly said.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. "Para saan..."

He tried to look at me. And I caught his eyes. "I'm sorry for all the things I did... For what I did to you..." maingat niyang sinabi.

I think he knew that I heard him last night. Pero hinayaan na lang din niya ako nang nanatili akong tahimik kagabi.

"Ano ba ang mga ginawa mo, Kiel?" I don't know where I got the courage...to face him bravely right now. Pero pakiramdam ko ay nag-uumapaw na ang galit ko sa kaniya ngayon. Parang napukaw ang nagpahinga ko lang na galit at hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Hindi siya nakasagot.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. "At...sorry?"

Nagkatinginan kami. "Ada..." he called.

"Sorry? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin, sorry?" I really can't help it anymore.

I was trying to remain calm because Dahlia was with us. But after he spoke last night, I feel like I couldn't stop myself further...

Hindi pa rin siya nagsalita. He was almost all silent. And he looked guilty as well.

"Iniisip ko..." Tiningnan ko siya. "Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa 'yo, Kiel?" At this point I really started confronting him.

And he just looked down guiltily...

I continued. "Para magawa mo sa akin ang lahat ng bagay na iyon? Bakit kailangan mong maging ganoon kasama sa akin..." Pumipiyok na ang boses ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa harapan niya... Although I didn't really want to cry in front of him.

But it was painful. It was too painful to just even looking back in the past. Kahit wala na iyon ngayon. Pero iyong sakit ay nandito pa rin. Sobrang sakit pa rin pala talaga kahit isipin mo na lang.

I thought that I have already moved on from that bad experience. Pero ang makita ko pa lang si Kiel, at ang marinig ang panghihingi niya sa akin ng patawad ay kinagalit ko pa rin.

"Ang tanging pagkakamali ko lang... Ang kasalanan ko sa 'yo, Kiel, ay hindi ko agad sinabi sa 'yo na may nakilala na akong naghahanap sa 'yo noon..." Hindi ko agad sinabi sa kaniya noon ang nalaman ko nang hinahanap siya nina Kaizen.

"And I was wrong. I shouldn't have done that." Muli akong tumingin sa kaniya. "Pero alam mo naman, Kiel..." Sinabi ko rin sa kaniya noon ang nangyari sa mga magulang ko. Pinaalam ko sa kaniya na iniwan kami ni Papa at nagkasakit si Mama hanggang sa namatay siya dahil sa pang-iiwan sa amin ng ama ko na hindi niya kinaya...

"Natakot lang ako noon. Na paano kung baka ganoon din ang mangyari sa atin kapag bumalik ka sa dati mong buhay? Baka iwan mo rin kami ni Dahlia—"

"I won't do it." he said it as if he's really sure that he won't do what I was thinking back then.

"Pero paano nga kung iwan mo rin kami?!" Napataas na ang boses ko dahil sa mga emosyon kong nag-uunahan na.

"I won't. But I hated liars. I'm sorry, Ada... I'm sorry..." aniyang nagpapakababa naman ngayon...

After what happened before, I thought that Kiel was a proud person. Hinding-hindi siya luluhod o magmamakaawa sa kahit na sino. And that he was a hard man. Na wala siyang pakiramdam para magawa niya sa akin ang kahayupang iyon na ginawa niya.

"I was your wife..."

That caught his attention to look up at me again.

Nagpatuloy ako. "Pero nang gabing 'yon..." My lips quivered. And I felt goosebumps, I feel like crying by just remembering that horrible night... Hindi pa ako natakot nang ganoon sa buong buhay ko. Para sa akin ay masakit talaga at nakakatakot ang naging karanasan kong iyon.

"Nang gabing iyon... nagawa mo pa rin sa akin ang mga bagay na 'yon..." Tinitigan ko siya. "Do you know how scared I was, Kiel? Ni hindi ko pa rin mapaniwalaan na kaya mo nga talagang gawin sa akin iyon kahit nang mga oras na 'yon na sinabi mong ipapahabol mo ako sa mga tauhan mo..." I felt weak. I stopped talking. Dahil pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.

"Ada," Kiel tried to reach me, at sinubukan akong alalayan.

Pero tinabig ko lang ang kamay niya. He can't hold me now. Hindi niya ako pwedeng hawakan habang pinag-uusapan namin ito at pagkatapos ng ginawa niya sa akin.

Alam kong kasal pa rin kami sa papel. And after all he still made it easier for me now to confront him and to ask him of the things that I want.

And I realized that I didn't need answers to my questions... Tingin ko ay hindi rin naman ako makikinig kahit magpaliwanag pa siya.

"Iyong kasal natin... Gusto kong mapawalang-bisa na iyon. Ayaw kong magkagulo pa tayong dalawa alang-alang na lang sa anak natin..." Matapang ko siyang tiningnan sa mga mata niya. "Matagal na panahon mo na ring nakasama si Dahlia. At sa mga nakalipas na taon ay hindi mo ako hinayaang maging ina sa kaniya..."

"Ada—"

"Sapilitan mo akong pinaalis noon, Kiel. Para hindi ko makasama ang anak ko."

Natahimik siya sa sinabi ko.

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan namin. At magsasalita na sana ako nang magsalita rin si Kiel at naunahan na niya ako.

"What do you want to happen, then..." he weakly said as he looked defeated as well.

Ilang sandali pang nanatili ang tingin ko sa kaniya. Bago ako bahagyang tumango at sinabi na ang pinakagusto kong mangyari. "I want to take Dahlia with me." I firmly said. Nakahanda rin akong labanan siya kapag hindi pa rin siya pumayag.

Although I want to do this peacefully with him dahil ayaw ko rin na maapektuhan sa amin si Dahlia.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong unti-unti at kalmadong tumango si Kiel. Pero nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko ang mga pinaghalong mga emosyon sa mga mata niya. Parang nandoon sa mga mata niya ang kalungkutan, pagsisisi at pagkabigo niya...

"You will go back to..."

Halos hindi ko pa marinig ang sinasabi niya dahil sa hina ng boses niya...

"Chicago, doon ako nakatira at may trabaho rin ako roon. You can visit Dahlia..." Hindi ko naman balak na tuluyan na talagang ilayo si Dahlia sa kaniya. I don't think it's right. And I'm not like him... Ang gusto ko lang ay nasa akin ang anak ko. Gusto kong ako naman ang makasama niya.

"All right." pagpayag niya.

Parang hindi pa ako makapaniwala na agaran na lang siyang pumayag sa gusto ko. Na para bang ayos lang talaga ito sa kaniya. Although I knew that he obviously loves Dahlia, too. She's his daughter.

Sabagay ay pwedeng-pwede nga naman siyang mag-asawa muli. Pagkatapos ay magkaroon pa ng ibang anak din.

Ang mahalaga ay madali siyang pumayag at nagkakasundo pa rin kami. I think it's good for Dahlia.

Maybe Kiel was too guilty of what he did in the past until now. And I thought that it's only right after what he did to me. Kaya niya ako pinagbibigyan ngayon sa gusto ko...

Unti-unti na lang din akong tumango.

Hello, Wattpad readers! Love and Regrets is now Completed in my Patreon creator page and/or message my Facebook profile Rej Martinez to join my private Facebook group and read the latest chapters of my ongoing stories there! Thank you for your support!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro