Chapter 10
Chapter 10
Tutor
I have my own ways to be with my daughter. When I realized that I can be with her or watch over her in school, hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumubok na makapasok din bilang teacher naman sa school ng anak ko.
Hindi alam sa school ni Dahlia na mommy niya ako. I don't also think we really have to let other people know about our private life. Hindi rin ako masyadong nakikipagkuwentuhan sa mga co-teachers ko sa faculty. I just remained professional at trabaho lang talaga ang ginagawa ko. At siyempre para mabantayan ko rin ang anak ko sa school.
"Dahlia told me that you've become her teacher at school?" Kiel asked while having dinner.
Unti-unti ay napapagaan ko na rin ang loob ng anak ko sa akin. She finds me an amazing teacher at school, na kinatuwa ko rin naman. And she started inviting me to their home na hindi ko naman matanggihan. Kung pwede lang ay ayaw ko nang magkaroon pa ng koneksyon kay Kiel. Pero alam ko rin na hindi maiiwasan dahil kay Dahlia.
Manang Julieta was also there and she still remembers me. Siya pa rin ang mayordoma sa bahay ni Kiel. Naalala ko rin iyong bodyguard ni Kiel. And Dahlia seems close to them. Parang tinuturing na rin ng anak ko na kaibigan din ang mga nakakasama niya sa bahay. She's just such a lovely girl. Napangiti ako sa anak ko at nawala lang nang magsalita si Kiel at kausapin na ako. I turned to look at him.
"Yes..." sinagot ko na lang din ang tanong.
Wala na rin dinagdag pa si Kiel at hindi na rin ako muling tumingin sa kaniya. Ayaw ko na mag-usap kami. Pero alam ko rin na hindi na talaga maiiwasan para kay Dahlia. At kung para naman sa anak ko tingin ko ay ayos lang.
So after dinner Kiel chose to talk to me while the nanny took Dahlia for her usual night bath. Pinili ko na rin na kausapin na nga siya ng tungkol kay Dahlia. What I really want was to take Dahlia with me. Lalayo na kami kay Kiel at mamumuhay ng tahimik sa ibang lugar. I can go back to Chicago with Dahlia. Iyon talaga ang gusto kong mangyari.
But as I was left alone with Kiel, I realized na hindi ko pa rin pala talaga kaya... I trembled and felt scared. Kahit pa sinasabi ko sa sarili kong hindi na ako ang dating Ada na mahina... I can't look at him longer and I would tremble in fear of him. The things he did to me in the past was hard to just forget like that. Ang takot ko ay hindi basta-bastang mawawala.
I think he noticed me being too uncomfortable around him. So that night he dismissed our talk and decided to just set it for another day...
Ayos na rin naman sa ngayon. Palagi ko nang nakakasama ang anak ko. Although I'd like to be much closer to her. Hindi na nga siguro talaga ako makokontento. Pakiramdam ko matagal din siyang pinagkait sa akin. At naglalakas-loob na talaga ako ngayon para makasama ang anak ko kahit may takot pa rin ako sa mismong ama niya...
Siguro nga ay matatahimik lang talaga ako kapag madadala ko na ang anak ko at makakalayo nang muli ako kay Kiel...
"Manang Julieta..." I saw that she's here probably to bring Dahlia home. Unti-unti na rin akong lumapit. "Kayo po ang sumundo kay Dahlia?"
She nodded and smiled at me. "Oo. May inutos pa kasi ako sa yaya niya at hindi pa nakakabalik sa bahay." she said.
And behind her was the bodyguard, Roger, if I remember them correctly. They aged but these people still looked strong to look after my daughter. Kahit papaano ay napanatag na rin ang loob ko sa kaalaman na sa mga lumipas na panahon ay naaalagaan naman nang mabuti ang anak ko habang nasa puder siya ni Kiel. And I wanted to learn more about how my daughter was the past years that I wasn't here so I asked Manang Julieta.
"Kailangan n'yo na po bang umuwi kaagad?" I asked.
"Hmm, bakit, hija?"
"Gusto ko po sana kayong makausap muna kahit sandali lang..."
Nagkatinginan kami ni manang hanggang sa tumango naman siya. Tapos na rin ang trabaho ko sa school kaya inaya ko na lang na magmeryenda rin muna kami ni Dahlia sa isang Cafe na malapit lang din dito. Sumama naman sa amin si manang.
"Ano'ng gusto mo, anak?" I asked my daughter as we looked at the cafe menu.
We ordered coffee and teas, and bread and a slice of cake for Dahlia.
"Gusto ko lang po sanang kumustahin ang anak ko sa mga lumipas na taon, Manang." I started the conversation.
Tumango naman sa akin si manang. "Maayos naman siyang napapalaki ni Kiel... Kahit busy rin ang ama niya sa trabaho pero hindi naman napapabayaan ni Kiel ang anak ninyo." Manang said.
Marahan na lang akong huminga at tiningnan ang anak ko na busy sa milk tea na in-order ko para sa kaniya at sa pinapanood na video sa phone. Muli kong binalik ang atensyon ko kay manang.
I didn't know what to tell her next... Baka pag-usapan lang din namin si Kiel... Nagtanong na lang ako ng mga bagay pa tungkol sa anak ko kagaya ng mga paborito niya, mga ayaw at gusto. And Manang Julieta willingly answered all my questions. Napangiti na rin ako at gumaan ang loob habang nag-uusap kami ng tungkol kay Dahlia.
I miss Dahlia every weekend. Wala kasing pasok sa school. At kahit ayaw ko na pumupunta sa bahay ni Kiel ay gusto ko pa ring puntahan ang anak ko. I'm not sure if Kiel's home. But it's the weekend so baka... Tinawagan ko na lang din ang nanny ni Dahlia para makapagtanong kung nasa bahay lang ba ngayon ang anak ko. And she answered yes. Kaya nagbihis na ako at naghanda para puntahan at bisitahin si Dahlia. And I will also ask Kiel later if Dahlia can also stay with me here in my apartment. Hindi ito sinlaki ng bahay ng daddy niya pero inayos ko na rin ang kwarto niya rito.
"Good morning." I smiled and greeted the housemaid.
Ngumiti at bumati rin naman ito sa akin. Pagkatapos ay giniya na ako nito sa kung nasaan si Dahlia. Hindi na ako nagtanong tungkol kay Kiel. Ang anak ko lang din naman ang pinunta ko rito.
"May tutor pa po si Dahlia, kaya maghihintay po muna kayo rito..." sabi ng maid.
Tumango naman ako at sinabing ayos lang. Pagkatapos ay naupo na muna roon. They served me some drinks as I waited for my daughter to finish with her tutor.
"Salamat." sabi ko sa kasambahay na naghatid sa akin ng inumin. Pagkatapos ay nagtanong na rin ako. "Palagi bang may tutor si Dahlia kahit weekend?" I asked because ayos naman ang grades ni Dahlia sa school. Hindi naman siya mababa sa subjects niya. Nangunguna pa nga ang anak ko sa klase. At nag-alala lang ako ngayon na baka nasosobrahan na rin pala sa pag-aaral ang anak ko...
Sumagot ang kasambahay. "Opo. Madalas para tulungan lang din si Dahlia sa mga school assignments niya. Wala kasing ibang tutulong sa kaniya at may trabaho rin si Sir Kiel..."
Tumango na lang ako.
Iniwan na rin ako ng kasambahay pagkatapos.
Napatayo lang ako nang marinig na may bumababa sa engrandeng hagdanan ng bahay. At doon ko nakita si Kiel na pababa at sa tabi niya ay isang magandang babae...
Nagkatinginan kaming dalawa at mukhang hindi niya inaasahan na nandito ako. Hindi naman ako nagsabi sa kaniya na pupunta ako ngayon. At baka hindi na rin pinaalam sa kaniya ng kasambahay...
"Ada..." Lumapit siya sa akin at sa likod niya nanatili iyong babae na naka-formal slacks at blouse. Kita rin ang magandang hubog ng katawan nito. Her hair was long and she's wearing makeup. Napatingin din ito sa akin.
"You're here,"
"Uh, oo, bibisitahin ko si Dahlia." sabi ko.
"Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman."
"The maids didn't let me know... By the way, this is Dahlia's tutor."
Tipid akong ngumiti.
"She's Dahlia's mother, Ada..."
"Oh." Parang nagulat pa ito. "Ngayon ko lang nakita ang Mama ni Dahlia..." Bumaling siya kay Kiel at ngumiti.
Nagbaba na lang ako ng tingin at hinintay na mawala sila sa harapan ko nang magsabi rin si Kiel na aalis na ang tutor at tapos na sila ni Dahlia mag-aral. O gumawa ng assignment. Nagtawag si Kiel ng maid to escort the tutor out. Pagkatapos ay binalikan niya rin ako.
"I didn't know that you'd come today. Sana ay hindi ka na naghintay. I can ask Dahlia's tutor not to come today." he said.
Umiling naman ako. "Ayos lang." I said and we went quiet and became awkward in front of each other.
And I just can't help it but to think about him and Dahlia's tutor... By the way how the woman was looking at him just a while ago... Baka naman may kung ano nang nangyayari... I didn't want to accuse Kiel. At wala rin naman akong pakialam kaya wala na rin akong sinabi pa tungkol doon. Instead I told Kiel na hindi naman na talaga kailangan pa ni Dahlia ng tutor.
"I'm sorry I couldn't be with our daughter all the time because I'm working..." he said. "That's why I hired people to help her, too..." as if he was trying to explain things to me.
Tumango naman ako. "Naiintindihan ko. Pero matalinong bata na si Dahlia. I just think na baka masobrahan na siya sa kakaaral kung pati weekend ay may pumupunta pa rito para samahan lang naman talaga siyang mag-aral. Anyway I am a teacher, too. At wala rin naman akong ibang ginagawa. So I can help my daughter instead. Ako na." I said.
Nagkatinginan kami ni Kiel. "Pwedeng huwag na siyang mag-tutor pa. Ako na ang magtututor din sa kaniya." I added.
Tumango rin si Kiel kalaunan bilang pagpayag sa sinabi ko. Huminga ako at nagsabi nang pupuntahan ko na si Dahlia. At agad din naman na pumayag si Kiel. Pero bago ko siya iwan ay sinabi ko na rin sa kaniya ang gusto ko na may mga araw din na doon sa apartment ko matutulog si Dahlia. Kahit weekends lang o kapag wala siyang pasok sa school...
"All right. No problem to that..." Kiel approved.
Tumango ako at iniwan na siya roon para puntahan na si Dahlia na nasa kwarto na nito. Nagsabi rin si Kiel na hahatiran kami ng snacks sa room ni Dahlia. Hinayaan ko na lang siya. I didn't really have a plan when I came here today... Ang gusto ko lang ay makasama ang anak ko. Hindi ko na naisip na dalhin din pala sana siya sa labas at weekend naman at pwede rin siguro kaming mamasyal kahit sa malls lang. Pero siguro sa susunod na lang kapag nakaplano na rin. For now I can stay here with my daughter. We can just talk and bond like mother and daughter. And eat snacks together. Ang dami ko pang gustong malaman tungkol sa anak ko na sa kaniya mismo ko gustong manggagaling at marinig.
Note: Read more chapters on my Patreon creator page Rej Martinez and/or Patrons Facebook group. Message me on Facebook Rej Martinez to join. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro