Chapter 1 (Part 1: Ada)
All Rights Reserved. I do not allow my work to be used or adapted in any way without my permission.
Mature. This story contains mature themes. Read at your own risk.
Chapter 1
Different
Ada
Being a mother was not an easy task. When Dahlia came into my life it was as if everything changed. My world changed. As if how her father changed my world first was not enough. Parang kailangan tuloy-tuloy ang mga pagbabago sa buhay ko. Walang tigil kagaya ng pag-ikot ng mundo. At parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari.
I was preparing her bath when I heard her crying because she was already awake from her sleep. I smiled and went to attend to my baby daughter. Pinunasan ko muna ang basang kamay sa malinis na towel bago ko siya kinuha sa crib niya. Sandali ko pang naalala na si Kiel mismo ang gumawa ng crib na ito para sa anak namin...
"Gising na ang anak ko." I smiled seeing her beautiful and cute small face. Hinagkan ko rin siya na unti-unting kumalma nang maramdaman niyang hawak ko na siya. "Hayan, hindi na umiyak ang baby..."
I carefully bathed her. And then when done I wrapped her in a clean towel. And dressed her with gently washed clothes. "Fresh na uli ang baby..."
I was just happy and contented taking care of my daughter.
Even if Kiel was not here...
"Ada!" Humahangos na dumating sina Tiyoy Carlos kasunod ang iba pa naming mga ka nayon.
"Ano po ang problema? May nangyari po ba?" Nag-alala agad ako.
I can't understand the sudden fast beating in my chest. That it hurt. Kinabahan ako at parang biglang nakaramdam ng takot.
"Nakabalik na si Kiel!"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakabalik na siya—which I think I should because the father of my daughter just returned. Pero parang mas natatakot ako dahil galit na galit siya sa akin noong nakaraan bago umalis na lang siya basta sa lugar namin.
"S-Sige po. Pwede na po kayong bumalik na muna sa mga bahay ninyo. Ako na po ang bahala kay Kiel."
Ilang sandali pa bago sila tumango at iniwan na kami doon ng anak ko sa bahay namin.
Kabado ako habang hinihintay kong makarating si Kiel sa maliit naming bahay dito sa nayon na kinalakhan ko. We live in a humble home and I have lived simply all my life. Pero masaya na ako sa klase ng pamumuhay na mayroon ako. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Kiel...
"Ada." I heard a dead serious voice on the door calling for me.
Nakatalikod pa ako sa pintuan ng kubo habang pinapatulog si Dahlia.
Nilagay ko si Dahlia sa crib niya. Bago ko binalingan si Kiel na kakarating lang.
"Kiel..."
Mula sa anak namin na sinundan ng mga mata niya ay lumipat ang tingin niya sa akin. "I'm here to get my daughter." aniya.
Umawang ang labi ko. "A-Ano?"
He was looking at me as if he never looked at me with gentleness in his eyes before. Now gone all the gentleness he had in him for me before. Halos blangko lang ang pinapakita niyang tingin sa akin ngayon. It was a look that's void of emotion. Pero alam ko at nararamdaman ko pa rin ang walang mapaglagyan niyang galit para sa akin.
"Don't make me repeat myself. Isa pa, hindi ako nandito para magpaalam sa 'yo. I'm here to get my daughter. Your opinion doesn't really matter." Pagkatapos ay tuloy-tuloy lang siyang lumapit sa crib ni Dahlia.
"K-Kiel, teka lang... A-Ano ba ang ibig mong sabihin—"
"Stop playing dumb on me. Kukunin ko ang anak ko!" he harshly said.
Natakot ako sa sigaw niya pero naalarma rin sa sinabi niya. "Kiel..." Nakaawang ang labi ko. "Bakit, hindi mo pwedeng..."
Nanlalaki ang mga mata ko at lalong natakot nang makitang kinuha na ni Kiel si Dahlia mula sa crib nito. Mabilis ko silang nilapitan kahit parang nanginginig na rin ang mga binti ko.
"Kiel, hindi mo pwedeng... Hindi mo pwedeng gawin 'to. Hindi mo pwedeng dalhin si Dahlia—" Umangat ang mga kamay ko para abutin ang anak ko kay Kiel.
Nilayo naman niya sa akin si Dahlia na nasa mga bisig na niya. "She's my daughter! She should be with me. I can give her a much better life. A life that my daughter deserves. And I can give her that. I won't let her grow up in this place." aniya na parang nandidiri na siya sa lugar na dati naman ay mukhang napamahal na rin sa kaniya.
"Pero Kiel! Anak ko rin si Dahlia! Alam kong may karapatan ka sa kaniya bilang ama niya. Pero ako ang Mama ni Dahlia! Kaya hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin..." Agad kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Halos hindi na ako tingnan ni Kiel. At kung nakatingin man siya sa akin ay galit lang ang nasa mga mata niya para sa akin. I understand. May kasalanan din ako sa kaniya. Pero hindi niya pwedeng gawin ito...
"Kiel!" Nanlalaki ang mga mata at mas naalarma pa ako nang dinala na niya si Dahlia at palabas na sila ng pintuan.
Nahawakan ko pa siya para pigilan ang pag-alis niya at pagdala sa anak namin. Pero isang tulak lang sa akin ay napalayo na agad ako sa kanila ni Dahlia na nagsimula na ring umiyak. Kiel was a tall man and his physique was well built. Habang isang maliit na babae lang naman ako kumpara sa kaniya.
Nag-alala agad ako sa umiiyak na anak ko. Kiel just looked at Dahlia crying in his arms. Pagkatapos ay nagpatuloy lang siya sa pag-alis.
Wala akong kalaban-laban. Lalo nang hinabol ko pa siya sa labas na ng bahay namin at nakita kong hindi lang pala siya nag-iisa na bumalik dito. He was with men who looked like bodyguards...
"Ada..."
Napatingin ako kanila Tiyay Carlota na naaawang nakatingin sa sitwasyon ko ngayon. May luha na rin ang mga mata kong napatingin sa kaniya.
Hindi na nakagalaw pa ang mga ka nayon ko dahil sa takot na namuo na rin sa kanila dahil sa mga kasamang tauhan ni Kiel at may dala pang baril ang mga ito. Nanghina ako at takot din pero ang anak ko!
"Kiel! Huwag mong dalhin si Dahlia! Huwag mo siyang kunin! Huwag mong ilayo sa akin ang anak ko!" Tears already stream down my face.
Pero parang wala lang naririnig si Kiel. Tuloy-tuloy lang siyang iniwan ako at nilampasan ang mga ka nayon ko na nagsitabihan na rin at kahit ang mga dala niyang tauhan. Umaalis na siya kasama si Dahlia. Ang anak ko...
Hahabol pa sana ako pero tinutukan na ako ng baril ng tauhan ni Kiel. Nanlaki ang mga matang bahagya akong napaatras.
"Ada, tama na..." Umiiyak si Tiyay Carlota na nilapitan pa rin ako para pigilan na sa paghabol kay Kiel dahil alam nilang wala na rin naman akong magagawa... "Tama na..." patuloy na iyak ni Tiyay sa tabi ko.
Habang hindi na rin naman ako makakilos sa takot at naghalo-halo nang mga nararamdaman sa nangyari. Natulala na lang ako habang tinitingnan ang likod ni Kiel na palayo na nang palayo sa akin dala ang anak namin...
Para akong unti-unting nawawala sa sarili at pakiramdam ko matutumba na lang ako sa kinatatayuan ko at mawawalan ng malay. Hopelessness was slowly eating me...
"Dahlia... Kiel... Kiel!" I shouted. Pagkatapos ay tuloy-tuloy pa ang buhos ng mga luha ko at humagulgol na ako.
It was too painful for me to see my husband, the man that I have loved with my all, leaving me behind and taking our daughter away from me...
Panaginip lang ba ito? Nananaginip lang ba ako... Dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang minsang masaya kahit simple lang naming pamumuhay ni Kiel ay nauwi sa ganito... Bigla na lang isang araw...
"Kiel..." hagulgol ko.
Patuloy naman akong inalo ng umiiyak din na si Tiyay Carlota na hindi umalis sa tabi ko at iyon lang din ang magagawa niya.
Napaupo na ako doon sa panghihina dahil walang kalaban-laban at walang ibang magagawa kung hindi ang umiyak na lang...
Hanggang sa tuluyan nang nawala si Kiel sa nanlalabo kong paningin dahil sa luha. At sumunod na ring umalis ang mga tauhan niya pasunod sa kaniya.
"Kiel!" huling sigaw ko sa pangalan ng lalaking nangako sa aking hindi niya ako sasaktan...
"Ako si Ada."
"Ikaw, ano'ng pangalan mo?"
"Kiel..."
"Kiel." I smiled to him...
"You have a beautiful smile..." Hinawakan ni Kiel ang pisngi ko.
Ngumiti lang ako sa kaniya habang nakaupo kami sa malaking bato sa tabi ng malinaw na ilog na kaharap namin ni Kiel...
"I like you, Ada..."
Namungay ang mga mata ko habang nakatingin din sa magagandang pares ng mga mata ni Kiel. "Gusto rin kita, Kiel."
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Habang hawak niya ang pisngi ko sa palad niya. Pumikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa labi ko...
"Gusto mo na...magpakasal na tayo, Kiel?"
Ngumiti lang siya sa akin. "Ayaw mo ba? Akala ko ba mahal mo ako."
Mabilis akong umiling-iling. "Mahal kita, Kiel."
"And I'm in love with you, too. So let's get married now."
Unti-unti akong tumango sa kaniya at pumayag sa gusto niyang magpakasal na kami...
Simple lang ang naging kasalan namin ni Kiel kasama ang mga ka nayon ko. Ang saya ko nang araw na iyon. Ang saya lang namin ni Kiel...
"Kiel, may sasabihin ako sa 'yo..."
"Hmm? What's is it?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Magkakaanak na tayo."
Nanlaki ang mga mata niya at naiwan niya ang mga sinisibak niyang kahoy sa likod lang ng munti naming bahay.
"What? Oh, God." He looked so happy that he immediately went to where I stood and hugged me.
Binuhat pa niya ako na bahagya kong kinatili at napakapit na lang ako sa magkabilang balikat niya, at napangiti sa kasiyahan niya nang mga sandaling iyon...
"What will we name her?" Tanong ni Kiel habang tinitingnan na naming dalawa ang anak namin na nasa mga bisig ko na ngayon pagkatapos ko lang manganak.
"Dahlia..."
"Dahlia, then." Ngumiti si Kiel at hinagkan ako sa noo...
"Kiel... Kiel, saan ka pupunta gabing gabi na—"
"Don't touch me!"
Umiiyak na ako habang pinipigilan siyang huwag umalis. Ayaw kong iwan niya kami ni Dahlia. "Kiel..."
"You lied to me! You made me a fool!" He shouted at me.
Umiiyak akong umiling at nagbaba ng tingin. "Hindi, Kiel... Patawarin mo ako—"
"Let go of me before I could raise a hand at you." He dangerously said.
Nabitiwan ko ang braso niya. For a moment I thought he wasn't Kiel anymore, my husband. I thought that he became a different person...
Muli niya akong tinalikuran at tuloy-tuloy lang siyang umalis...
"Kiel..." While I was left standing alone there in the dark crying after begging him to stay despite I lied to him...na hindi ko rin naman sinasadya...
Note: The last parts or scenes in this chapter may seem to be happening too fast. These scenes were flashbacks. And this will have more details in the story in the coming chapters. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro